bc

Me and You

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
others
drama
comedy
serious
like
intro-logo
Blurb

Ayaw ni Rose mag pakasal kaya lumayas siya bago pa siya mapatali sa taong hindi niya mahal. Alam ng mga magulang niya na tutol siya sa arragement wedding, pero ipinilit pa din ng mga ito sa kanya. Kahit labag sa kalooban niya ang umalis at iwan sa kahihiyan ang mga magulang niya, wala siyang ibang naisip na paraan. Tanging Mark lang ang alam niyang pangalan ng lalakeng pakakasalan niya dapat, maliban doon wala ng nabanggit sa kanya ang mga magulang niya. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang nag takda para mapatali siya kay Mark? Magagawa pa kaya niyang umalis?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hoy Rose! Nakikinig ka ba?" Singhal sa akin ng kaibigan kong si Miya. "Ha? ano nga ulit yung sinasabi mo?" "nakaka inis ka naman eh, kanina pa ako daldal ng daldal dito, ano na naman ba kasi yang iniisip mo ha?" "Pasensya ka na, na gi-guilty kasi ako sa ginawa ko kila nanay at tatay eh, ini isip marahil ng mga yun hindi ko sila mahal. Pero tama naman yung ginawa ko diba? Kung hindi mo mahal bakit ka mag papakasal?" Si Miya yung childhood friend ko, lumuwas ako mula mindanao para lang hindi makasal sa Mark na yun, pero pakiramdaman ko ang laki ng kasalanan ko kila inay. Tatlong buwan na mula ng lumuwas ako, kaya tatlong buwan na rin akong walang balita kila inay. Hindi ako nag te-text, kahit f*******: account ko dini activate ko din kasama ang messenger. "Ayan na naman tayo eh noh? bakit kasi hindi ka umuwi doon ng malaman mo kung anong lagay nila?" Hindi naman kasi ganon kadali yang pina pagawa mo sakin best. Kung ikaw ba nasa kalagayan ko magagawa mo pa bang umuwi? Tsaka alam mo naman malaking kahihiyan yung iniwan ko sa kanila eh." "eh kaysa naman ganyan ka, tatlong buwan ka ng palamunin dito sakin noh! kung hindi lang kita bestfriend eh sinipa na kamo kita. Best naman eh. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanila?" Dala dala ko pa din ang konsensya ko sa ginawa ko kila nanay, dagdag pa yung hindi ko pag paparamdam sa kanila at kahit kamusta hindi ko ginawa. "Ang mabuti pa mag pa book na tayo ng ticket, sasamahan na lang kita. Mag file ako ng leave pero tree days lang ha? After tree days bahala ka na. Buti na lang may matalik akong kaibigan na ready akong samahan. Pero isinarili ko na lang baka mag bago pa isip. Talaga best? Pano yan, wala naman akong pera eh. Yung savings ko ubos na. Nakaka hiya na kamo sayo" "May hiya ka pa pala? tanong niya sa akin. Ito ang nagustuhan ko kay Miya kaya click kameng dalawa noon pa man. Diretso kung mag salita, walang preno kahit damdamin mo pa ang matamaan, pero kahit ganon alam ko na totoo ko siyang kaibigan. Grabe ka kamo sa akin. Alam mo naman ikaw lang best enemy ko eh, kaya kahit ga dagat ang agwat ng lugar natin lumipad ako." "Ahhh??! Ganon ba? best enemy pala ako? at napilitan ka lang pumunta dito? ganon ba? Ito naman, joke lang yun. Hindi ka na kamo mabiro, ka seryoso mo naman eh. Chill best. Kahit hindi mo naman sabihin sa akin alam ko naman na pabigat ako sayo dito. Pero alam mo din naman na wala talaga akong choice. At hindi pilit ang pag punta ko dito ahh, buti nga nangyari yung ganitong sitwasyon sa akin kung hindi baka hindi na talaga tayo mag kita." Mula kasi nung nag tapos kame ng collage, nag hiwalay kame ni Miya. Ang papa kasi ni Miya isang sundalo kaya nung napa destino ng manila at naging permanente lumuwas na din sila ng mama niya. Call at text lang ang naging communication namin, hindi pa kasi uso ang f*******: noon at messenger isama mo pa ang de keypad na cellphone. "Babayaran mo naman ako diba? uumpisahan ko na ba ang pag kwenta ng bills mo sa akin? Isasama ko na din yung pambili ng plane ticket mo ah? kasama na din doon ng pocket money. Kailan mo ba plano mag leave? tsaka ano idadahilan mo? pano kung di ma approve?" "ano ka ba? ngayon lang ako mag rerequest ng leave, grabe naman ang kumpanya kung hindi nila ako payagan. Nag text na ako sa SV namin, mag file na nga daw ako. Thank you best! The best ka talaga!" sabay pisil ko sa mga pisngi niya. "ano nga pala apelyido ng Mark na yun? may nabanggit ba sila aunty sayo? Tanong sa akin ni Miya. Wala nga best eh. Kaya nga umalis ako diba? kahit picture nga walang pinakita sa akin eh. Baka nga pangit yun, kaya kahit na katiting na impormasyon walang binigay sila tatay sa akin." "na kakapag taka naman best. Ang tanging na isagot sa akin ni Miya. Napapa isip talaga ako kung sino ang Mark na yun. Kung sino man siya, yun ang kailangan kong matuklasan. ---- Hindi pa man tuluyang naka lapag ang sinasakyan naming eroplano ni Miya, parang karera na ng kabayo ang kabog ng dibdib ko. Ano ang sasabihin ko kila tatay at nanay, anong ipapaliwanag ko. Pero mas marami akong tanong sa sarili ko. Kung ano man ang dahilan ng nanay at tatay karapatan ko din malaman dahil kinabukasan ko ang naka salalay. Ayokong makasal sa taong hindi ko pa nakikita at nakaka usap. Kaya kahit ang lakas ng kabog ng dibdib ko, kailangan kong harapin ang lahat. "hoy! ano ka ba naman?! ano na naman ba yang ini isip mo jan? kanina ka pa kamo tulala. Konting kembot na lang bababa na tayo, kaya ihanda mo na sarili mo tsaka yang tenga mo lalo na ng mukha mo. Baka hindi pa tayo na kakapasok ng bakuran niyo palayasin na tayo nila aunty. Diretsong sabi ni Miya. Oo nga naman. Kailangan kong pag handaan ang pwedeng mangyari. Hindi ko pa nakita kung pano magalit ang nanay at tatay. Bahal na si batman. Bahala na best. Basta kung palayasin ako ng tuluyan nila inay wag mo akong iwan ah?" Pag mamaka awa ko kay Miya. "nako! pano kung may itsura ang Mark na yun? ano gagawin mo? aanuhin ko naman ang may itsura best kung hindi ko naman mahal?" balik kong tanong sa kanya. "sabagay. may punto ka jan best. Eh pano nga kasi kung may itsura tapos mabait pa? tapos mayaman? ooh diba??! Ewan ko sayo! kanino ka ba kampi ah?! aahh! basta! hindi pa din tama yung ipapakasal ka sa taong hindi mo mahal. Para ka na din nag scuicide sa lagay na yun." Hindi na ako inimik ni Miya, alam niyang mag tatalo lang kami kaya hanggang sa maka lapag ang eroplano tahimik kameng pareho. Nag aabang na kame ni Miya ng tricycle, kaya ang kaba ko kanina lalo lang nadagdagan. Best. Kinakabhan kamo talaga ako." malakas ang hangin dala ng byahe pero ang mga kamay ko basa ng pawis. Hindi ako mapakali, para akong natutuwa na kinakabahan na hindi ko malaman. Isang interseksyon na lang malapit na kame sa bahay. Kuya itabi mo nga saglit." sabay tapik sa driver ng tricycle. "Bababa na po ba sila mam?" ay! hindi po. itabi mo lang saglit kuya." sagot ko sa driver. "best???!! ano bang ginagawa mo? isang ikot na lang oh! singhal sa akin ni Miya. Kinakabahan nga kasi ako best. Wag na lang kaya tayo umuwi? dun na lang tayo sa bahay niyo dumiretso." "Para ka kamong tanga Rose!! Ano pa't sumama ako dito tapos ganyan lang din gagawin mo? halika na!! Kung ayaw mong maiwan mag isa dito sumakay ka na. Alalahanin mo, nag leave ako para lang sayo, para lang masamahan kita dito, kaya utang na loob.! Tawagin niyo akong timang pero yung kaba ko hindi ko malaman, nauuna yung excitement ko. Pakiramdam ko parang may hindi tama sa nangyayare. Binalewala ko na lang lahat hanggang sa nakarating kame sa tapat mismo ng gate ng bahay namin. Naka baba na kame ni Miya nung mapasin kong may Hi-lux na naka park sa ilalim ng puno ng mangga. Tatlong buwan lang ako nawala naka bili na agad ng sasakyan sila nanay? imposible naman yata, hindi naman marunong mag drive ang itay. Aahh! baka may bisita lang. Pero napalingon ako kay Miya ng bigla niya akong sikuhin at napa tingin ako sa tinitignan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
52.3K
bc

Unexpected Romance

read
40.4K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
446.0K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
84.2K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
173.7K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
321.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook