Chapter 3

522 Words
"Hmmmm.. May na aamoy talaga akong developan dito ehh, parang meron akong na miss sa eksena, uughh! sana pala hindi na lang ako natulog di sana may na abutan pa ako," sermon ni Miya sa sarili niya habang minamasahe ang sentido niya. Bakit ko ba naging kaibigan ang babaeng to, wala pa nga sa level one eh may na aamoy na agad. "Haayy nako best! Kung ano man yang natakbo jan sa utak mo tigil tigilan mo ahh?" saway ko kay Miya. "Abah.! Teka nga muna? Ano ba sa palagay mo ang ini isip ko ahh?" balik niyang tanong sa akin. "Ewan ko sayo at malay ko jan sa kokote mo, wag ako best. Hindi kita nakilala kahapon, kaya wag ako. Alam ko na yang style mo, luma na kamo yan. Sagot ko naman sa kanya. Naka upo lang si Mark habang pinag mamasdan kameng dalawa ni Miya, hawak hawak niya pa din ang guitara at tipong wala siyang paki alam kung nag aaway na ba kameng mag kaibigan . "Defensive mo kamo! Baka nga totoo na yung na aamoy ko eh." She had the big grin smile on her face. "Pumasok na nga tayo nagugutom na ako," pag iiba ko na lang sa usapan. "Sus!" Narinig kong sagot ni Miya kasunod ng isang malakas na tawa. "Miya Faith Cuevas! Don't you dare!" If only my looks could kill, baka patay na si Miya. Talagang na uubos na ang sinulid ko sa pang aasar niya sa akin. "Okay okay. I'll stop. Sa klase ng tingin mo mukhang mapapa aga ang libing ko," tumatawa pa din. "You should best, or else sa banyo ka matutulog mamaya." pairap kong sagot sa kanya. Pumasok na ako ng bahay bago niya pa ulit ako ma asar. Na abutan ko ang nanay na nag hahanda ng hapunan, kaya tumulong na ako. Sa ulam namin na adobong pusit at relyenong bangus mukhang mapaparami ako ng kain. "Tawagin mo na sina Miya at Mark ng maka kain na tayo ng sabay sabay, masamang pinag hihintay ang pag kain." Opo nay. Bakit ba hindi pa sumunod ang dalawang yun sa isip isip ko, lalabas nanaman ako eh. Na abutan ko silang nag uusap at nag tatawanan, abah! mukhang nag click agad ang dalawang to ahh. "Pinatatawag na kamo kayo ng inay at nag hihintay ang hapag," sabay silang napa lingon sa akin. "Hindi pa ba kayo kakain? mukhang masaya kasi ang pinag uusapan niyo?" tanong ko sa kanilang pareho pero kay Miya naka pako ang tingin ko. "are you jealous?" biglang tanong sa akin ni Mark. Nag seselos ba ako? Kung nag seselos nga ako halata ba talaga sa mukha ko? Natanong ko bigla ang sarili ko, pero nagising ako bigla ng muling mag salita si Mark. "You have nothing to be jealous love, were just talking." Tiningnan ko lang si Mark dahil hindi ko din alam kung anong isasagot ko, hindi agad ako naka react. Nilingon ko din si Miya and this time ang laki ng ngiti ng bruha. "Pasok na tayo best nagutom ako bigla," pag yayakag niya, inakbyan ako sabay hila sa braso ni Mark. to be continue...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD