Kabanata 3

1242 Words
MAHIGPIT ang hawak ko sa kumpol ng puting bulaklak. Maya’t maya ako bumubuga ng hangin habang nakatayo sa puting manipis na tela na siyang nagsilbing pintuan. Napakabilis ng pangyayari dahil kahapon lang ako dumating dito sa Paris at ngayon agad ay ikakasal na ako. “You’re so beautiful, dear.” Napalingon ako sa aking gilid. Ang nakangiting beke na isa sa mga organizer nitong beach wedding namin ni Zaynard. Siguro ay nahahalata niyang kinakabahan ako. “Thank you,” tipid lang akong ngumiti hanggang sa binuksan na ang nakatabon at agad akong humakbang. Kakaunti lamang ang mga bisita mabibilang lamang sa aking mga dalire. Sumulpot agad si Daddy sa gilid at lumapit sa akin. Ikinawit ko na lang ang aking kamay at dahan-dahan na kaming naglakad. “Bakit ba ganito ka-cheap itong kasalan ninyo! Daig pa kayo ng kinakasal sa huwes. Napakaraming pera ng lalaking ‘yan pero tinipid ka!” Bagamat pabulong ay mariin ang tinig ni daddy. “Hayaan n’yo na dad ang importante ay maikasal kami. ‘Yan naman ang plano ‘di po ba?” tugon ko at napatingin sa akin bigla si Daddy. “Huwag kayong gumawa ng eskandalo dito, dad. Baka mapahiya lang kayo!” Segunda ko pa. “Wala pa man pero tumutubo na ‘yang sungay mo! siguraduhin mo lang na hindi peke ang kasalan ‘to Mae dahil kapag nalaman ko na ginagago lang ako ng lalaking ‘yan ay itatapon kita sa pinangaligan mo!” Hindi na lamang ako kumibo dahil kapag pinatulan ko pa si daddy ay mas lalong hahaba ang diskusyon namin at baka makahalata ang mga bisita. Hanggang sa napalitan nang malaking ngiti ang galit na mukha ni dad kanina nang makalapit na kami kay Zaynard. Kinausap ni daddy si Zayn at ako naman ay sobrang kinakabahan. Kahit alam kong walang kalakip na pagmamahal itong kasalan na ‘to ay ini-enjoy ko pa rin. “Zayn—“ “Let’s sit down.” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nauna nang naupo si Zaynard. Sumunod na lamang ako. Kaharap kami ng isang lalaking nagkakasal sa amin. Hindi ko alam kung pari ba siya o isang abogado wala naman kasi akong idea sa paraan ng kasalan dito sa Paris. Gusto kasi dito ni Zaynard sa France dahil daw mabilis lang ang diborsyo. Mataman lang akong nakikinig sa nagkakasal sa amin at si Zaynard ang nagsasabi sa akin sa gagawin ko. Katulad na lang ng vows namin na normal lamang na alam kong hindi ‘yon totoo para sa kanya. Ginawa ko na lang din ang part ko. “You may now kiss the bride.” Nagulat ako nang iyon na ang narinig ko. Humarap ako kay Zaynard ngunit napahiya lang ako nang umiwas siya. Napatingin ako sa paligid maging ang mga bisita ay blanko lang ang mukha. Si daddy na napangisi at pagtingin ko sa nagkasal sa amin ay tipid lang siyang ngumiti. “Let’s go.” Untag na sa akin si Zaynard. “Huh?” iyon lang ang naisagot ko. “Let’s go home.” Cold na saad ni Zaynard at nauna na siya sa akin maglakad palabas. Para akong matatawa na maiiyak na hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Nanatili lang akong nakatayo sa gitna at tiningnan ko ang mga bisita. Hanggang sa tumawa na ako dahil ako na lang naiwan. Ano bang klaseng kasalan ‘to? Nag-e-exist ba talaga ‘to sa mundo? Ang mga bisita ay wala lang para lang akong isang poste na nakatayo sa gilid. Ang nagkasal sa amin ay umalis rin agad. Si daddy na umalis na rin. Wala akong magawa kundi ang lumabas na rin. Nakaabang ang sasakyan ni Zaynard sa labas at pinasakay niya ako. Umandar na ang sasakyan at nakatingin lang ako sa labas. Matagal rin kami sa byahe hanggang sa huminto kami sa isang hotel dahil medyo malayo pa ang bahay dito ni Zaynard dahil dumayo pa kami sa beach. Pinagbuksan kami ng kotse ng driver at naunang pumasok si Zaynard. Hawak ko ang laylayan ng aking buting bestida na sumunod ako kay Zaynard. Napapayuko lamang ako dahil pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin. Lalo na sa gawi ko dahil sa hitsura kong ito. Nanatili lang ako nakasunod kay Zaynard hanggang sa nakapasok na kami sa room. Ako na lang ang nag-lock at hindi ko na napigilan kaya agad ko siyang kinompronta. “Pinagloloko mo ba ako, Zaynard?” may kalakasan na ang boses ko dahil kanina pa talaga ako napipikon sa kanya. Doon pa lang sa wedding pinigilan ko lang kanina ang sarile ko. “What do you mean?” cold na tanong niya. “Peke itong kasal natin, ‘diba? Gusto mo lang ipakita kay daddy na pinakasalan mo ako. Pero—“ “Hindi ako pekeng tao, Mae. Iniisip mo ba kung bakit hindi kita hinalikan kanina?” Nahiya ako bigla sa katanungan niya. Agad akong umiling. “Hindi naman tungkol do’n. Nagtataka lang ako kasi napakabilis nang pangyayari. Pagkatapos natin magpirma at magvows tapos na agad. Ni hindi manlang tayo binati ng mga bisita ni hindi manlang ako nakaranas ng bulaklak na sinasaboy tas wala pang picture taking at saka wala manlang tayong reception hindi naman ganito ang uri ng kasalan.” Mahaba kong paliwanag. Humarap siya sa akin. “Because we’re different. We do not love each other. We both know that it just an agreement kaya hindi ko alam kung anong pinuputok ng butse mo!” Para akong sinampal ng katotohanan. Hindi ako nakapagsalita at napayuko lang ako. “I’m sorry, Zaynard. Nanibago lang ako kasi alam mo na lagi akong laman ng mga kasalan.” Tumawa pa ako upang matabunan ang sobrang kahihiyan ko sa harap niya. “It’s alright. It doesn’t matter.” Tugon niya at pumasok siya sa banyo. Napakagat ako sa ibabang labi nang mawala na siya sa paningin ko. Saka ko pa lang napansin na dalawang kama pala itong kinuha niyang room. Nando’n sa isang kama ang bag niya kaya nagtungo na ako sa isang kama at nilapag ko rin ang bag ko at kumuha ako ng damit dahil pagtapos niya sa banyo ay ako naman ang papasok. “Hayyss, ano ‘to?” nagulat ako nang poro maiiksing short at spaghetti strap ang laman ng bag ko. Hindi naman ako nagsusuot ng ganito, eh. Binuklat ko pa ang bag ko at natigilan ako nang ibang gamit itong nakuha ko. Napaisip ako kung saan ko ‘to nakuha at parehas pa kami ng bag pero nang matingnan ko ay napamaang ako dahil original itong bag habang ‘yong bag ko ay clone lamang iyon, peke! Pero kanino ‘to? Sa sobra kong pagmamadali ay hinaloghog ko pa ang lahat ng bag. Hanggang sa nadapo ang tingin ko sa isang wallet ng panlalaki at binuklat ko ‘yon. May nakita akong ID at binasa ko. “Erickson Lanister? Sino kaya ‘to? Mukhang bata pa siya at guwapo rin. Binuklat ko pa ang isang bulsa at may nakita pa akong picture. Isang magandang babae at kasama ‘yong Erickson Jowa niya siguro. Binalik ko na lang ‘yong picture at lahat ng laman. Paglabas ni Zaynard mamay magpapatulong na lang ako kung paano ko masauli ‘tong bag at ‘yong bag ko do’n sa lalaking Erickson. Sana ay kilala ni Zaynard dahil kailangan kong mabawi 'yong bag ko dahil kahit sa ukay ko lang nabili 'yon ay mahalaga 'yon sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD