NAKAYUKO lang ako dahil nakatingin sa akin sa akin si Zaynard. Ngunit hinawakan niya ang baba ko at itinaas kaya nagpang-abot ang aming tingin.
“Bakit mo hinahayaan na itrato ka nang ganito ng daddy, mo?” tanong niya sa akin.
“Ampon lang ho kasi, ako.” Nahihiya kong sagot.
“Pero hindi sapat na dahilan 'yan para itrato ka na parang hayop. Paano na lang kung hindi ako dumating? nilapa ka na ng mga aso.”
“Ganoon na nga ho. Salamat po pala at niligtas mo ako. Utang ko ang buhay ko sa iyo, Zaynard.”
Hindi siya kumibo at nilagpasan ako. Sinundan ko siya ng tingin tumayo lang siya malapit sa bintana. Dinala niya ako sa ospital kanina pero hindi naman gano’n kalala ang natamo ko kaya nakalabas rin ako agad. Niresetahan lang ako ng gamot para sa sugat ko at sa kalmot sa akin ng aso. Pero pinapabalik ako ng doctor sa susunod na linggo at ang habilin sa akin kung ano man ang kakaibang maramdaman ko sa aking sarile ay agad akong bumalik ng ospital.
“Alright, then. Let’s get married.”
Napaawang agad ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita at nag-aabang pa sa sasabihin niya. Pero tumungga lang siya ng alak sa kopita niya.
“Wala ka bang sasabihin?” tanong niya sa akin habang nakatalikod pa rin siya.
“Maraming salamat, Zaynard. Hindi ako mapapatay ni dad at matutuwa siya sa magandang balita. Hayaan mo gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa mo.” Pangako ko sa kanya. Humarap siya sa akin at muli siyang lumapit.
“I will marry you because you are Cora's sister. I won't let anyone get hurt just because of me.”
Tumango-tango ako sa kanya. Tiningnan niya ang mamahalin niyang relo sa pulsohan niya pagkatapos ay muli siyang nagsalita.
“Kumuha ka ng passport at magprepare ka na ng mga gamit mo. Ako na ang mag-aasikaso ng kailangan natin.”
“Okay. Sabay ba tayong aalis?” tanong ko.
“Hindi. Mauuna ako dahil marami pa akong aasikasuhin. Tatawagan ko ang secretary ko at sasamahan ka niya patungo sa France. Sa wedding na lang tayo magkita.”
Bigla akong kinahaban sa mabilisang desisyon ni Zaynard. Parang kanina lang ay ayaw niya pero heto at nakapagdesisyon na siya agad.
Lumabas na nga si Zayn ng kuwarto kaya napaupo ako sa kama. Kaya pala ganoon na lang ang galit ni daddy kay ate Cora dahil saksakan pala ng yaman si Zayn. Gusto niyang mabahagian siya ng yaman ni Zaynard. Pero ako hindi ko hinahangad ang maging mayaman. Gusto ko ‘yong tama lang nakakain ng tatlong beses sa isang araw at may maayos na matitirhan at pangkabuhayan lang. Kahit sari-sari store lang sapat na sa akin.
“Hi, ikaw ba si Mae?”
Napalingon agad ako sa pinto nang may tumawag sa pangalan ko. Isang matangkad na lalaki na malaki rin ang pangangatawan.
“Ako nga ho, sino kayo?” tanong ko pabalik.
“Ako si Mario. Pinapasamahan ka sa akin ni boss sa inyo para ayosin mo ang mga gamit mo. Babalik rin tayo dito mamaya pagnakuha mo na ang mga gamit mo.”
“P—po? akala ko ba kukuha pa ako ng passport? Saka, kailangan ko pa magpaalam sa ama mo. Kaya ko nang bumalik ma-isa sa amin.”
“Hindi po, ma’am. Mahigpit na habilin sa akin ni boss ay samahan kayo at ibabalik kayo dito. Para na rin sa kaligtasan mo, ma’am.”
Tumango na lang ako at tumayo. Magkasunod kaming bumaba ng hagdan hanggang nakalabas na ako. Dito na ako nagpalipas ng gabi sa mansyon ni Zaynard dahil mula sa ospital ay dito niya ako dinala.
“Ma’am, mag-almusal na lang muna kayo.” Habol sa akin ng matandang kasambahay.
“Hindi na ho, ‘nay. Sa amin na lang saka para po maabotan ko si daddy.” Tugon ko.
Pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ng tauhan at siya rin pala ang driver. Hindi nagtagal ay narito na kami sa mansyon namin. Hindi na ako masyado kinabahan kahit pa may trauma na ako sa mga aso.
“Dito ka na lang po kuya Mario.” Sabi ko sa driver at nauna na akong lumabas. Pero sumunod pa rin talaga siya kaya hinayaan ko na lang.
Kakapasok ko pa lang sa loob nang masigabong akong pinalakpakan ni dad at ito ang sumalubong sa akin.
“Maupo ka muna, anak. Sino ‘yang kasama mo?” lumagpas ang tingin sa akin ni dad.
“Si kuya Mario po tauhan yata ni Zaynard.” Tugon ko.
“Mabuti naman at natuto ka sa leksyon na ginawa ko sa iyo, kagabi. Kung hindi pa kita pinahabol sa mga aso hindi mo gagawin nang maayos ang pinapagawa ko.”
“I’m sorry, dad.” Humingi agad ako ng sorry kahit wala akong kasalanan. Ayaw ko lang talaga na magalit na naman siya sa akin. Sobra akong takot sa ama ko.
“Tumawag sa akin kanina si Zaynard. Sinabi nga niya sa akin na papakasalan ka niya.”
Napaigtad pa ako nang hinawakan na naman ni dad ang panga ko. Ngunit nang lumapit si kuya Mario ay agad niya akong binitiwan at hinaplos niya ang mukha ko. Ngumiti sa akin si dad na para bang nanalo ito sa lotto.
“Galingan mo pa, Mae. Ngayon ka lang makakabawi sa akin kaya kailangan ay mas galingan mo pa. Dapat ay mabuntis ka agad ng lalaking ‘yon para may alas tayo.” Bulong niya sa akin.
“Paano po si ate Cora? Kamumuhian ako ni ate kapag nabuntis ako.”
“Putang ina! hayaan mo na ang ate mo. Ako na ang bahala sa kanya. Ang mahalaga ay maging ganap ka na Montenegro para may kapit tayo. Tapos kapag nabuntis ka na, diyan na magsisimulang mabaliw sa iyo si Zaynard. Alalahanin mo, nasa mga palad mo ang pagyaman natin kaya huwag mo akong bibiguin. Huwag kang uuwi dito na kahit singkong duling ay wala kang nakuha. Naiintindihan, mo?”
“O—opo, dad.”
Binitiwan na niya ako at nagsindi siya ng tobacco. Kinausap niya ang tauhan ni Zaynard at ako naman ay umakyat na sa itaas upang ayusin ang mga gamit ko.