Kabanata4

1728 Words
MAE, tapos ka na? Napalingon siya nang may umupo sa tabi niya. Si Pat na isang Pinay rin at naging close niya dito sa France. “Oo, katatapos ko lang Pat. Nagpapahinga lang ako saglit para sa duty ko uli may 30 minutes pa ako.” Sagot niya at napabuntong hininga si Patty. “Bakit kasi kayod ka nang kayod eh wala ka pa naman binubuhay na anak. Baka mamaya n’yan sa sobrang sipag mo ay bangkay ka na makauwi sa Pinas.” “Hindi naman. Sinusulit ko lang ang pagkakataon kaysa naman tumutunganga lang ako sa bahay. Isa pa, sa dami ng mga kababayan natin na gustong makipagsalaparan sa bansang ‘to masuwerte ako at isa ako sa nabibiyaan ng diyos. Kaya ko pa naman, Pat. Salamat sa pag-aalala.” Kinuha niya ang baon niyang hamburger at saka tubig at agad siyang kumain. Pinagmamasdan niya ang mga taong paroo’t parito sa kalsada. Lahat ng tao dito ay nagmamadali, bawat patak ng oras ay napakaimportante. Ang huling subo niya at sinabayan niya ng pagtayo at nagpaalam siya agad kay Patty na tumango lang sa kanya. Busy ito sa katawagan sa pamilya sa Pinas. Naglalakad siya habang umiinom ng tubig. Tapos nilagay niya agad sa bag at tumakbo siya patungo sa hotel kung saan ay isa siya sa mga janitress. May sarile silang entrance na mga trabahador kaya agad siyang nakapasok sa loob at nilagay niya ang bag sa locker tapos ginawa na niya ang routine niya. Bago sumapit ang alas singko ng umaga dapat ay natapos na niya ang mga banyo dito sa third floor. Araw-araw ay iba-ibang banyo ang nililinisan niya depende sa mga nag-che-checkout para sa oras na ‘yon. Kahapon ay doon siya sa ika-5th floor naglinis. Marami silang mga cleaners. May sa kuwarto lang at siya na hindi naman nagtapos ng HRM dahil education ang natapos niya kaya dito siya na-assign sa mga banyo. Hindi naman siya maarte kasi sanay naman siya sa hirap kaya kering-kering niya ang trabahong ito. Napagod si Mae nang matapos niyang linisan halos walong banyo. May ibang makalat, madumi ang sahig at may iba naman na malinis. Depende na lang talaga sa uri ng tao. Lumabas na siya sa room at dumaan siya sa hagdan habang bitbit ang mga panlinis. Pagtingin niya sa oras sa pulsohan niya ay may 5 minutes pa siyang natira. Napaupo siya sa gilid ng hagdan at gusto niyang magpahinga muna pero umakyat rin ang basurero kaya wala na siyang nagawa kundi ang bumaba na lang. Nilagay niya ang mga panlinis sa lagayan tapos tinanggal niya ang suot niyang gloves at naghugas pa rin siya ng kamay. Tapos ang mask ay tinapon niya sa basurahan at saka siya nagtime-out. Friday ngayon kaya dalawa lang ang trabaho niya. Bukas naman ang schedule niya ay dishwasher siya sa isang restaurant hanggang linggo na ‘yon. Sa lunes ay tatlong uri naman ang trabaho niya. Sa hotel, sa flowershop, saka caregiver ng isang matandang lalaki na pinasok siya ni Patty dahil uuwi na si Patty sa Pinas at siya ang pinalit. Ang kagandahan lang ay limang oras lang siyang magbabantay sa matanda at kapag tulog ito ay nakakatulog din siya. Ngayon ay dadaan siya ng palengke para mamili ng lulutuin. Bumili siya ng isda, vegetables saka prutas. Alas syete y media na siyang nakauwi dito sa bungalow na tinitirhan nila ni Zaynard. Bitbit niya ang mga pinamili nang papalapit siya sa gate. Ngunit nalungkot na naman siya dahil kung anong ayos ng pagkakasara niya kaninang madaling araw ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Ibig sabihin hindi pa rin nakakauwi ang asawa niya. Malalim siyang napabuntong hininga nang sinalubong siya ng mga tanim. Unti-unti nang namumukadkad ang mga bulaklak na siya rin naman nagtanim no’ng nakaraang buwan. Kinuha niya na lang ang susi sa bag at binuksan ang pinto. Dire-diretso siya sa kusina at nilagay sa lababo ang mga pinamili. Matapos niyang asinan ang isda at mahugasan ang mga gulay at prutas ay nilagay niya sa ref. Lumabas siya muli at diniligan ang mga halaman. Pagkatapos ay nagtimpla siya ng kape at umupo sa balkunahe habang harap ang mga puno. Napakatahimik dito, ang huni ng ibon at hampas ng hangin lang na tumama sa mga dahon ang siyang nakikita niya. Isang buwan na silang nagsasama ni Zaynard at itong tinirhan niya ay inupahan lang yata ni Zaynard para dito siya itira. Bricks ang wall maayos naman pero parang niluma na nang panahon. May mga mga i-ilang bahay naman dito na katabi niya at para nga lang siyang nasa probinsya dahil matatanaw niya ang bundok. Sobrang yaman ni Zaynard siguro kahit isang taon na tumira sila sa hotel or condo ay hindi pa rin mababawasan ang kayamanan ng asawa niya. Pero heto siya at pinatira sa small village at halatang hirap sa buhay ang mga nakatira sa village dito. Masakit man pero wala siyang magagawa dahil sekreto lamang itong pagpapakasal nilang dalawa. Noong huli silang mag-usap ni Zaynard ang sabi nito sa kanya ay isang linggo lang itong mawawala dahil busy sa negosyo. Pero isang linggo ay naging buwan at hindi pa rin siya inuuwi ng asawa niya. Ipinagpasalamat niya na lang dahil hindi naman siya kinukulong ni Zaynard at kung ano man daw ang gusto niyang gawin dito sa France ay bahala daw siya basta huwag lang daw niyang sasabihin kahit kanino na mag-asawa sila. Kahit pa nga nagtanong ang anak na babae ng matandang inaalagaan niya dahil matunog daw ang pangalan ng mga Fuentebella. Tumawa lang siya at nagsinungaling na hindi niya kilala ang mga Fuentebella at baka ka-apelyido niya lang. Pumasok na lang siya sa loob at hinayaan niya lang nakabukas ang pinto para pumasok ang hangin. Pagkatapos niyang magluto ay agad siyang kumain tapos naglinis ng buong bahay. Nagpahinga ng sandali at saka siya pumasok sa banyo para maligo. May walong oras siya para matulog mabuti nga at sabado bukas kaya makakabawi siya sa ilang araw na apat hanggang limang oras lang ang trabaho niya. Nagsusuklay siya ng buhok nang may marinig siyang ingay sa labas. Lumabas siya ng kuwarto at laking gulat niya nang mabungaran ang asawa niya. “Z—zaynard…” sambit niya. “How are you?” “A—Ayos lang. Ikaw? kumusta ang lakad mo? ang daddy mo? bumubuti na ba ang lagay niya?” sunod-sunod niyang tanong. “My father is dead. We will talk later.” Napakagat labi siya nang lagpasan siya ni Zaynard at pumasok sa kuwarto. Walang pinagbago ang asawa niya. Napakatipid pa rin magsalita at ayaw nitong magshare sa kanya ng problema. DAHIL sa hindi niya inaasahan na pag-uwi ni Zaynard ay nawala bigla ang antok niya. Para aliwin ang sarile ay nagpalit na lang siya ng kurtina dito sa kusina. Hawak niya ang maalikabok na kurtina at lalabhan niya na lang nang lumabas si Zaynard sa kuwarto at lumapit sa kanya. May hawak itong papel at pen at nang mapansin niya kung para saan ‘yon ay nabitawan niya bigla ang mga kurtina. “I will marry Cora, so we will divorce." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon lalo na nang makita niya ang divorce papers sa kamay ng asawa niya. "Hindi… ayoko! Nakikiusap ako huwag mo akong hihiwalayan, Zaynard. Itatakwil ako ng pamilya ko.” Sunod-sunod na pumatak ang marami niyang luha. Dala ng kanyang kadesperadahan ay lumuhod siya sa asawa niya. “Kapag nalaman ni Daddy na hiwalay na tayo, papatayin niya ako. Alam mong ampon lang ako kaya magagawa niya sa akin ‘yon.” “Cora is my girlfriend and I promised her that I would divorce you so that I could marry her next month. Mahal na mahal ko siya, Mae. Hindi ko kayang mawala siya." Parang sinaksak ng maraming karayom ang puso niya. Kahit alam niyang mangyayari ang tagpong ito ay hindi niya pa rin maiwasan masaktan. Si Cora ay ang nobya ni Zaynard na isang modelo dito sa France. Ngunit dahil sa isang pangyayari ay ikinasal sila ni Zaynard ng biglaan. Pero mula nang maikasal sila ni minsan ay wala pang nangyari sa kanila dahil ayaw tumabi sa kanya ni Zaynard ni ang hawakan man lang sana siya sa kamay ay hindi nito nagawa. “Hindi ko na kayang malayo pa sa kanya. Kaya pirmahan mo na ito at umuwi ka na ng Pilipinas.” “P—pero Zaynard—“ “Don’t worry. Nag-transfer na ako ng milyones sa banko para sa daddy mo at sana ay sapat na 'yon para makaahon siya sa utang. Maging sa account mo ay naglagay ako ng limang milyon. Magagamit mo iyon upang magpakalayo-layo ka sa pamilya mo at mamuhay ng marangya.” Nilahad sa kanya ni Zaynard ang papel pero hindi niya iyon kinuha. Sa halip ay pinunasan niya ang mga luha at tumayo siya at sinalubong ang blankong tingin ng asawa niya. “Sige pipirmahan ko ‘yan pero may isang condition. Puwede bang gawin natin ngayon ang honeymoon natin na hindi nati nagawa three months ago?” Napakunot ang noo ni Zayn sa kanya. Pagkatapos ay umiling. “There is no sense if we—“ “Pumunta ako dito sa France na virgin at ayokong umuwing virgin pa rin dahil pagtatawanan ako ng ate ko kapag nalaman niyang hindi ka manlang naakit sa akin.” Napayuko na siya dahil bukod sa awang-awa siya sa sarile ay hiyang-hiya pa siya sa asawa niya. “I’m sorry, Mae. Ayokong lokohin si Cora. I promise I’ll stay faithful to her and—“ “Ayos lang, Zaynard. Naiintindihan ko, pasensya kana.” Pinutol na niya ang sasabihin nito dahil sobra na siyang nanliliit sa sarile at sobrang sakit na sa dibdib. Si Cora ay ang ate niyang tinutukoy nito. Hindi lang siya kinikilalang kapatid ng ate Cora niya dahil ampon lang naman talaga siya ng daddy nito. “Akin na pipirmahan ko na lang para matapos na—“ Hindi natapos ang sasabihin niya nang bawiin ni Zaynard ang papel at nilagay sa table. “Alright. Let’s celebrate our honeymoon, wife.” Laking gulat ni Mae nang hapitin siya sa baywang ni Zaynard. Nanindig ang mga balahibo niya dahil ito ang kauna-unahan na mahawakan siya ng asawa niya. Kahit sa beach ng secret wedding nila ay hindi siya nito hinalikan. Ngunit ngayon ay mariin siyang hinalikan sa labi at hiniga siya sa lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD