Kabanata 1

2182 Words
PERA NA SANA MAGIGING BATO PA! Biglang napabangon si Mae nang dumagondong ang malakas na boses ng daddy niyang si Don Conching. Pagtingin niya sa orasan ay des oras na ng gabi pero heto ang ama niya at walang pakialam kung nakakadisturbo ito ng tulog sa mga pagod na mga trabahante. Bumaba siya mula sa kama at nakapaa lang siyang lumapit sa pinto at dinikit niya doon ang teynga niya upang pakinggan ang ama niya. Napakunot ang kanyang noo dahil hindi niya masyadong marinig ang boses ng kausap nito kaya dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at saka siya sumilip. Napatikom siya sa bibig nang makita niya ang bukas na pinto ng kaharap niyang kuwarto. Ang daddy niyang galit na galit ang ate Cora niyang umiiyak sa upuan. Nilakihan niya pa ng kaunti ang pinto para mas makita niya pa. “Dad, tulungan mo ako.” Umiiyak na pakiusap ng ate niya. “Paano kita matutulungan alam na ng lalaking ‘yon! kung sana ay nag-iingat ka o pinalaglag mo na agad ‘yan edi wala tayong problema ngayon!” “Mas lalo akong itatakwil ni Zayn kapag nalaman niyang pinalaglag ko ‘to. Alam mo naman na masyadong relihiyoso ‘yon, eh!” “Paano nga ang gagawin natin ngayong nabuking na tayo!” “Ikaw ang kumausap sa daddy ni Zayn at ako ang bahala kay Zaynard. Makikinig naman ‘yon sa akin mahal na mahal ako no’n.” “Makinig ka Corazon, kapag nagkagipitan parehas tayong pupulutin sa kangkongan at hindi puwedeng masira ang kasunduan namin ni Don Zaldy. At si Mae ang sasalo ng katangahan mo. Siya ang ipapakasal ko kay Zaynard!” “Daddy?!” inis na sumigaw si Cora at si Mae naman na nasa likod ng pinto ay biglang nagulat kaya nagalaw niya ang pinto at aksidente itong sumira. “Mae, lumabas ka riyan!” Napakagat sa ibabang labi si Mae nang sinigawan siya ng ama niya. Palagi naman itong nakasigaw kapag kakausapin siya. Lumabas siya ng kuwarto at lumapit sa mag-ama. “Dad…” sambit niya. Dinuro siya ng ama niya. “Maghanda ka bukas dahil makikipagkita tayo kay Zaynard at mag-ayos ka—“ Sinadyang binitin ni Don Conching ang sasabihin nito at hinawakan siya sa panga. Bigla na naman siyang nanginig. “Kailangan ay magustuhan ka ng lalaking ‘yon dahil ikaw ang sagot upang makabayad ako ng utang kay Don Zaldy. Kaya ngayon pa lang ay tawagin mo na ang lahat ng santa at humingi ka ng tulong para pagandahin yang pagmumukha! Naiintindihan mo?” Mariin siya nitong binantaan at tumango-tango siya. “O—opo, dad.” Nauutal-utal niyang tugon at saka siya nito binitiwan ng pabalang. Umalis si Don Conching at napaupo siya sa sahig habang hawak niya ang panga dahil ang sakit ng higpit ng kamay ng alkalde. “Humanda ka na dahil nabibilang na lang ang mga araw mo. Tiyak kong hindi ka magugustuhan ni Zayn kaya ipapatay ka ni dad!” Nakangisi pang turan ni Cora at saka siya sinipa nito kaya agad siyang tumayo at bumalik sa kuwarto niya. Pagpasok niya pa lang ay doon siya pumuwesto sa pinakasulok ng kuwarto niya. Umiyak siya nang umiyak. Wala siyang magawa dahil hawak siya sa leeg ng daddy niya. Pagod na pagod na siya pero wala siyang pagpipilian dahil kapag hindi niya sinunod ang utos nito ay ipapatay siya kapag lumayas naman siya ay ipapatay rin siya. Isang alkalde ng ang daddy niya at ang mommy niya ay namatay daw sa isang aksidente. Noong nakaraang taon lang sinabi sa kanya ng daddy niya na ampon lang siya nito. Ang tunay niya raw mga magulang ay patay na. Tulak daw ng shabu ang Nanay niya at ang tatay naman niya ay drug addict at parehas na namatay ang dalawa dahil nanlaban sa mga pulis no’ng magraid. At siya umano ay pagala-gala sa kalsada at since mayor si Don Conching ay kinuha daw siya at inampon para lang magamit sa mga tao na may mabuting puso para makuha ang boto ng mga mamayan. Lahat ng iyon ay harap-harapan sinabi sa kanya at kahit masakit ay wala siyang magawa. Pinag-aral siya siya at binihisan hindi dahil mahal siya ng Don kundi ipapa-asawa daw siya nito sa mga kaibigang mayayaman. Noong nakaraang buwan nga ay dapat ipapakasal siya sa kumpadre nitong nabalo na dahil nagustuhan siya nito. Halos ilang gabi niyang iniyakan ang desisyong iyon dahil hindi niya maatim na ipapaasawa siya sa halos tatlong beses ang tanda sa kanya. Ngunit hindi pa rin siya pinabayaan ng diyos dahil noong huling gabi ng engagement party nila ay biglang inatake sa puso ang matandang intsik na ‘yon. Labis ang tuwa niya sa balitang ‘yon pero kabaliktaran sa daddy niya dahil galit na galit ito. Ani pa ng daddy niya dapat daw bago namatay ang kumpadre nito ay naikasal na sila para mapasa kanya ang lahat ng ari-arian nitong maiiwan. Sinisisi pa nga siya dahil dapat daw ay kinulet niya ang kumpadre nito para ikinasal sila agad. Tas ngayon ay mauulit na naman. Ipapakasal na naman siya kahit sabihin pang bata na ito kaysa doon sa matandang intsik pero wala pa siyang balak mag-asawa dahil marami pa siyang pangarap. KINABUKASAN nga ay sakay sila sa sasakyan patungo sa mansyon ni Zaynard. Ayon kasi kay Corazon ay narito sa probinsya si Zayn dahil sa anibersaryo na gaganapin bukas para sa lolo Samuel nito. Dahil karatig bayan lang sila kaya hindi sila inabutan ng isang oras sa byahe at ngayon ay narito na sila sa harap ng mansyon. Pinabuksan sila ng driver at naunang lumabas roon ang alkalde at sumunod na siya. Dahil sekreto lang itong pagpunta nila kaya walang alalay na dala ang daddy niya. Sinalubong sila ng kasambahay at inanyayahan na makapasok sa loob at naghihintay na umano ang amo nito. Binalingan siya ni daddy niya. “Kung kinakailangan ay akitin mo si Zaynard para matira ka niya at mabuntis ka agad.” Mahina nitong turan. Nanindig balahibo siya sa sinabi nito. Hindi niya maatim ang mabuntis ni hindi rin siya marunong mang-akit. “Tito?” Salubong ni Zaynard kaya agad na napangiti si Don Conching at naging sweet sa kanya. “Si Mae pala, bunso ko.” Pakilala sa kanya ni Conching. “Really? Cora didn’t mention to me that she has a sister.” Nagulat ang binata. Napatingin si Mae kay Zaynard at ngumiti ito sa kanya. Ngumiti siya pabalik pero agad na nawala ang ngiti niya nang agad rin nitong binawi ang tingin at binaling sa daddy niya. “Where is she, by the way?” tanong ni Zayn. “Hindi mo ba muna kami papasukin?” pag-iiwas nito. Humingi naman ng pasenys ang binata at pinapasok sila. Naupo sila sa sofa habang magkatabi sila ng daddy niya si Zayn ay sa harap. “Hijo, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong alam mo na ang nangyari kay Cora at humihingi ako ng pasenysa at para makabawi ay narito pa ang isa kong anak. Si Mae puwede siyang maging pamalit kay Cora puwede siyang maging asawa mo.” Walang atrasan na salita ni Don Conching. Napangisi lang si Zayn at umiling. Habang si Mae ay nagsimula nang manalangin na magustuhan siya ng binata para sa kaligtasan niya ngunit mula kanina ay hindi na siya tiningnan ni Zayn. “Tito, hindi naman aso ang mga anak mo na basta mo na lang ipapamigay.” Prangka nitong sagot at dumilim ang mukha ng alkalde. Siya naman ay napayuko at mariin ang pagkagat sa ibabang labi. “I’m sorry, tito. I can’t marry her.” Nang marinig ni Mae iyon ay pumatak na ang luha niya. Tama nga si Cora hindi siya magugustuhan ng boyfriend nito. “Kakausapin ko ang daddy ko. Kami ang magdedesisyon para maikasal kayo nitong si Mae. Mauuna na kami hijo.” Nang biglang tumayo ang alkalde ay tumayo rin ang binata. Akala ni Mae ay ihahatid sila sa labas pero umakyat lang sa itaas ang binata. Umiyak siya nang umiyak dahil alam niyang papatayin na siya ng alkalde. “Anong dinadrama-drama mo riyan! Tumayo ka diyan dahil ibebenta na lang kita kay Gov! at sa pagkakataong ito huwag mo akong bibiguin!” turan nito sa kanya. Dali-dali siyang tumayo at sumunod dito. Sumakay muli sila sa kotse at habang tumatakbo ang sasakyan ay narinig niyang may tinawagan ito. Si Governor, ang ninong ng ate Cora niya na nasa 50’s na katulad no’ng matandang intsik ay mayaman rin pero may asawa at mga anak. Gagawin siyang kabit nito. “Putang ina! ihinto mo ang sasakyan at bumaba ka Mae at umuwi ka. Kapag hinanap ako ni Corazon sabihin mo may urgent meeting sa munisipyo. Ikaw, punta tayo ng munisipyo!” galit na turan nito sa driver at siya naman ay mabilis na bumaba at muling umandar ang sasakyan pakanan. Nasa kalagitnaan siya ng kalsada at mabuti na lang may dala siyang barya kaya makakasakay siya ng traysikel pabalik sa mansyon. Subalit sa halip ay pinili ni Mae na maglakad-lakad. Maraming mga sasakyan ang napapahinto at marami ring mga tao napapatingin sa gawi niya. Paano bihis na bihis siya at lantad pa ang dibdib niya at naglagay rin siya ng make-up dahil pinaghandaan niya ito alinsunod sa daddy niya pero sa huli ay hindi naman siya nagustuhan ni Zaynard. Gabi nang umuwi si Mae dahil nagpalipas siya ng sama ng loob sa simbahan. Kausap niya kanina ang pari at pinayuhan siyang kasalanan sa diyos ang magpakamatay kaya heto siya at pilit na bumabalik sa impyernong mansion na ‘to. Pinapasok siya ng guwardya sa gate at dire-diresto siya sa pinto ngunit pagbukas niya sa maindoor ay nabungaran niya ang daddy niya at agad siyang sinalubong ng malakas nitong sampal. Hawak niya ang pisnge nang sampalin pa siya sa kabilang pisnge. Pati yata utak niya ay naalog sa lakas ng palad nito. Wala pa ngang segondo nang hawakan siya sa buhok at sinubunutan. Tumambad ang galit na galit niyang ama habang dinuduro siya ng hintuturo nito. “Napakamalas mo talaga! wala kang silbi!” Muli siyang sinampal at sa pagkakataong iyon ay natumba na siya sa sahig. Impit lang siyang umiiyak dahil kapag narinig ng ama niya ang iyak niya ay mas lalo siyang masasaktan. “Hindi ko alam kung anong parusa ang kailangan kong gawin sa iyo upang magtino ka! hindi mo siniseryoso ang pang-aakit sa mga lalaki. Si Zaynard na nga binigay ko sa iyo dahil bata pa at sakaling galingan mo na pero palpak ka na naman! Hala! Ngayon, tingnan natin kung pagkatapos ng gabing ito ay hindi ka titino!” Galit na sigaw ni Don Conching at kinaladkad siya patungo sa bakuran at tinulak siya doon. Bumunot ng baril ang ama niya at tinutok sa kanya. Namimilog ang kanyang mata. “Dad, daddy, huwag please!” napaluhod siya sa labis na takot. “Hindi kita babarilin, tonta! Tuturuan lang kita ng leksyon!” sigaw nito at umalis at pumasok sa loob. Siya naman ay napaupo dahil sa sobrang takot napaiyak na naman siya. Subalit dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin nang may naririnig siyang kakaiba. Napapanganga si Mae nang makita niya ang apat na malalaking aso na iba’t ibang breed. Lahat ay nakahanda sa kanya at naglalaway ang mga ito at labas pa ang mga matutulis na ngipin. “Huwag! Huwag kayong lalapit!” pagbabanta niya ngunit mas lalo lang nagalit ang mga ito. Bigla siyang tumayo at tumakbo hanggang sa hinabol siya ng mga ito. Binilisan niyang pagtakbo at pinili niyang sa bakod sa halip na sa pinto dahil alam niyang hindi siya pagbubuksan ng ama niya. Dala ng kanyang takot ay nakaakyat siya sa bakod na hindi niya alam kung paano niya nagawa ngunit dahil sa suot niyang palda ay naabot siya ng mga aso at kinagat ang palda niya at hinihila siya pabala. “Tulong! Tulong! Tulungan ninyo ako!” umiiyak niyang sigaw. Hanggang sa bumaon na ang kamay niya sa matulis na basag na bote pero hindi niya maramdaman ang sakit. Sobrang ingay ng mga aso at para itong gutom na ilang araw hindi pinapakain hanggang sa hindi niya na nakayanan at bumitaw na siya. Alam niyang lalapain na siya ng mga ito ngunit sunod-sunod na putok ng baril ang kanyang narinig. Bumulagta agad ang mga aso pero may isang asong malapit sa kanya at hindi siya pinatawad dahil kinalmot siya nito sa braso ng tatlong beses at dumugo iyon. Hanggang sa namatay na ang aso. Hindi siya tumayo at nakahiga lang siya sa lupa dahil sa shock niya. Narinig niya ang yabag ng paa ng ama niya at sa takot pa niya ay pumikit siya at impit na umiiyak. “Hey, hey, open your eyes. Stay awake. I’ll take you to the hospital.” Napamulat siya nang mata nang ibang boses ang kanyang narinig hanggang sa binuhat siya nito at saka niya nakilala ang taong nagligtas sa kanya, si Zaynard. Mas dumami ang luhang kumawala sa gilid ng mga mata niya hanggang sa naramdaman niyang pinasok siya sa kotse at umandar na ito. Para siyang nabunutan ng tinik at agad siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD