Pinagmamasdan niya si Lorenzo habang inaayos ang cold compress gamit ang ice pack tapos lumapit ito sa kanya at umupo sa glass table paharap. Dinadampi-dampi nito sa katawan niya ang towel na may ice. Marahan puno ng pag-iingat. Hinayaan niya si Lorenzo dahil alam niyang mapapabuti siya pangagamot nito. Mula sa mga binti niya hanggang sa legs at sa braso. Tiningnan rin ni Lorenzo ang tiyan niya at hinimas si baby. “Nagulat talaga ako kanina Mae. Pero bakit nagsinungaling ka sa akin?” “Ginawa ko lang ho ang tingin ko ay tama para sa kaligtasan namin mag-ina. Wala rin po akong pera kaya nagtiis ako.” Mahina niyang sagot at napayuko siya sa hiya. Pero inangat nito ang mukha niya. Nagkatitigan sila sa mata at ayaw niyang maluha pero hindi niya mapigilan. “Maraming-maraming salamat Doc