Zaynard’s POV BOSS? Nag-aalala ang mukha ng secretary ni Zaynard dahil palagi na lang itong nagpapakalasing. Kanina ay sinundo ito ni Cora sa exclusive bar pero ngayon nag-iinom na naman. Tumungga muli ng alak si Zaynard na parang walang naririnig. Nakaupo ito sa balkunahe habang hawak ang bote ng alak. Mabuti nga at naitago na ng tauhan ang mga hard liquors kaya itong iniinom ni Zaynard ay beer lang. “Boss, tumawag sa akin ang kapatid mo. Hindi ka daw sumasagot sa mga calls niya. Kailangan mo na daw magpakita sa company dahil ang board of directors ay nagpaplano nang patalsikin ka.” Muling tumungga ng alak si Zaynard. Napipikon na ang babae pero wala itong magawa kundi ang magtiis. “I don’t care if they do it.” Cold na sagot ni Zaynard. “Boss, huwag ninyong hayaan na masira ang