TUMITINDIG ang balahibo ni Mae habang gumagapang ang palad ng asawa niya. Mula sa kanyang braso ay bumaba ito sa suot niyang manipis na short na abot hanggang sa kanyang tuhod.
“Look at me, wife.”
Malambing ang tinig ni Zayn. Tiningnan niya ito, agad siyang nilamon ng kahihiyan. Nahubad na pala ni Zayn ang short niya at nang sinunod ang panty niya ay mas lalo pang nangamatis ang mukha niya. Kahit hindi niya nakikita ang sarile sa harap ng salamin batid niyang sobra na siyang namumula.
Nang tuluyan nang mahubad ni Zayn ang panty niya ay agad niyang kinipot ang dalawang binti.
“Spread your legs wide baby. I wanna see how beautiful you are.”
Napalunok siya nang sunod-sunod. Hindi niya magawa dahil nadadaig siya ng hiya. Ngunit hinawakan na pala ni Zayn ang binti niya at pinaghiwalay ito at agad na pinagmasdan ni Zaynard ang hiyas niya. Umiwas siya ng tingin habang kagat ang ibabang labi.
“Ngunit kahit gaano kaganda ang tanawin hindi ko pa rin kayang titigan nang matagal. I am faithful to your sister, I am so sorry. Ingatan mo ang virginity mo hanggang sa matagpuan mo na ang tamang lalake para sa iyo.”
Para siyang sinampal kaliwa’t kanan. Nainsulto siya, ngunit hindi niya magawang magalit, magdemand kay Zaynard kahit pang sabihin na asawa niya ito.
Iniwan siya ni Zaynard sa lamesa na para bang isang bagay lang nakatiwangwang.
“Zaynard, sandali?” sambit niya sa asawa at napahinto ito pero hindi siya nilingon. Naghihintay ng sasabihin niya.
“S—si ate Cora ba virgin siya nang nakuha mo?” nahihiya man ngunit iyon ang lumabas sa bibig niya.
“No. But virginity doesn’t matter to me as long as I love the person, I love her wholeheartedly.”
Tumango-tango siya kay Zaynard kahit hindi siya nito nakikita. Nakakahanga si Zaynard, sobrang lawak ng pang-unawa niya. Sana ay ganoon rin siya umunawa, na kailangan niyang unawain na walang pag-iibigan na namamagitan sa kanila kung kaya’t hindi siya nito kayang galawin.
Bago pa siya maiyak ay agad siyang bumaba sa lamesa at pinulot ang panty niya at ang short niya at sinuot niya agad. Huminga siya nang malalim, kailangan na niyang umuwi ng Pilipinas.
Humarap siyang muli sa lamesa para sana pirmahan ang papel ngunit hindi niya na mahagilap ang divorce papers nila. Hinanap niya nang hinanap baka kasi nilipad ng hangin pero maging ang pen ay hindi niya makita kaya pumasok siya sa loob ng kuwarto at binuksan ang pinto ngunit natulos siya sa kinatatayuan nang makita niya sa mismong laptop si ate Cora niya na ka-video-call ni Zaynard at ang malala pa ay hubo’t hubad si Cora habang nagfi-fingger at nilalamas ang dalawa nitong dibdib habang pinapanood ni Zaynard ngunit napansin siya ni Zaynard kaya lumingon ito sa kanya at mabilis na tiniklop ang laptop.
“Why didn’t you knock?” galit ang boses ni Zaynard.
“I’m sorry. Hinanap ko lang ‘yong divorce papers—“
“Ohhh, babe! I miss you so much!
Naagaw ng malanding ungol ni Cora ang sasabihin niya at si Zaynard ay napahinga nang mabigat. Hindi ‘yon nakaligtas sa paningin ni Mae. Sumasakit ang dibdib niya hindi man niya sinasadya at alam naman niya kung hanggang saan lang siya lulugar pero hindi niya talaga maiwasan na manikip ang dibdib niya.
Hanggang sa nilapag ni Zaynard ang laptop sa kama at kumuha ito ng lilibuhing pera sa wallet nito at nilapag sa kama.
“Lumabas ka muna, Mae. Mag-enjoy ka, kung gusto mo ay libutin mo ang buong France. Magshopping ka, uminom ka. Kahit anong gusto mo, gawin mo. Bahala ka just leave me alone, okay? After three days ka na bumalik dahil ipapatawag ko si Attorney para maasikaso na ang divorce papers natin.”
“S—sige, ikaw ang bahala.”
Tugon niya pero hindi na kumibo si Zaynard. Sa halip ay lumabas ito ng kuwarto na para bang nasu-suffocate ito sa kanya. Kinuha niya na lang ang mga damit niya at nilagay sa trolley niya. Kaunti lang naman ang mga damit niya isang sapatos, at isang sandal lang dala niya. Hindi niya na rin inabala pa ang mga gamit niya sa banyo dahil nagmamadali siyang makaalis dito sa inuupahan ni Zaynard.
Paglabas niya ay naabutan niya si Zaynard sa balcony na may kausap sa phone niya at kahit hindi niya ito makita dahil nakatalikod sa kanya si Zaynard pero alam niyang masaya ito dahil tumatawa pa. Tiyak si ate Cora niya ang kausap ni Zaynard.
Gusto niyang magpaalam pero ayaw naman niyang disturbuhin ito baka magalit na naman sa kanya.
Nilakad niya na lamang ang daan patungo sa kalsada. Hila niya ang trolley na nilalakbay niya ang kalsada dahil naroon pa sa dulo ang bus stop station. Dahil nga sa small village lang itong tinirhan nila kaya wala masyadong mga sasakyan lalo na taxi na dumadaan. Nagtyaga si Mae sa kakalakad hanggang sa wakas ay natanaw na niya ang sakayan ng bus kaya binilisan niya ang paglalakad. May iilang nakaupo rin sa mahabang semento na upuan habang naghihintay ng bus patungo sa city. Tama-tama lang pala dahil agad na may dumaan na bus at huminto ito sa waiting area at saka na siya pumasok sa loob. Pinamili niyang maupo sa mismong katabi ng bintana. Hindi naman punuan ang pasahero katulad sa Pilipinas kaya malaya siyang magdrama.
Napapikit siya at humugot nang napakalalim na hininga. Saka siya bumuga ng hangin.
Gusto man niyang iwaglit ang nangyari kanina pero pilit na nagsusumiksik sa kanyang utak. Nakakahanga ang asawa niya, ikinasal na sila pero nanatiling faithful ito kay Cora. Kahit nabuntis ng ibang lalaki ang ate niya pero mahal na mahal pa rin ito ni Zaynard. Bibihira lang ang lalaking katulad ni Zaynard, ang hindi natutukso sa ibang babae kahit pa ang palay na mismo ang lumalapit pero hindi pa rin nito magawang tukain. Graduation niya noon sa highschool nang una niyang makita si Zaynard. Isa kasi si Zaynard sa mga guest ng school nila dahil ang Lolo ni Zaynard ang may-ari ng school. Doon siya unang nagka-crush sa binata. Pero after ng graduation ay hindi niya na ito muling nakita pa. Hanggang nag-college siya at nakapagtapos ay hindi na niya talaga nakita pang muli si Zaynard.
Ngunit isang gabi niyan, birthday ng ama niyang si Don Conching ay pinakilala ni Cora ang boyfriend nito at laking gulat niya nang makilala ang lalaki, si Zaynard na matagal niya nang crush. Nagulat siya at nalungkot gayunpaman ay hindi naman siya gano’n kadesperada na lapitan si Zaynard kahit maraming pagkakataon dahil nadadatnan niya ito minsan na lasing lalo na kapag nagkakasiyahan ito at ng ama niya. Minsan rin kapag kinukuha niya ang mga labahin ng ate Cora niya ay nadadatnan niyang mahimbing na natutulog si Zaynard sa kama ng ate niya. Saka niya ito pinagsasawaan ng titig. Pero madalas ay naroon lang siya sa kusina dahil ayaw ng ate Cora niya na pakalat-kalat siya sa mansyon lalo na kapag bumibisita si Zaynard. Kuntento na siya na pagmasdan na lang sa malayo si Zaynard. Kaya nga nagulat ito no’ng malaman na may kapatid pa si Cora. Kahit sabihin ampon siya, ni minsan ay hindi siya ikinuwento ni Cora kay Zaynard.
Napakauswerte ng ate niya, bukod sa mayaman, guwapo, mataas ang pinag-aralan at higit sa lahat ay marunong makuntento si Zaynard. Mga bagay na nakakahanga sa isang lalaki, mga bagay na pinapangarap niya sa isang lalaki. Lahat ng iyon ay taglay ni Zaynard pero malas lang, hindi siya ang gusto nito.
Hindi niya namalayan na lumandas na pala ang mga luha niya. Luha ng kabiguan, hindi siya nilulubayan ng malas. Mula sa mga magulang niyang iniwan na lang siya sa gitna ng kalsada noong 7 years old lang siya. Hanggang ngayon pala, mag-iisa pa rin siya. Ano kaya ang pakiramdam ng maging masaya? Ni minsan kasi hindi niya pa ‘yon nararanasan. Sana lang bago pa siya mamatay ay maranasan niya 'yon, kahit saglit lang. Kahit panandalian lang.