Prologue

561 Words
“I will marry Cora, so we will divorce." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon lalo na nang makita niya ang divorce papers sa kamay ng asawa niya. "Hindi… ayoko! Nakikiusap ako huwag mo akong hihiwalayan, Zaynard. Itatakwil ako ng pamilya ko.” Sunod-sunod na pumatak ang marami niyang luha. Dala ng kanyang kadesperadahan ay lumuhod siya sa asawa niya. “Kapag nalaman ni Daddy na hiwalay na tayo, papatayin niya ako. Alam mong ampon lang ako kaya magagawa niya sa akin ‘yon.” “Cora is my girlfriend and I promised her that I would divorce you so that I could marry her next month. Mahal na mahal ko siya, Mae. Hindi ko kayang mawala siya." Parang sinaksak ng maraming karayom ang puso niya. Kahit alam niyang mangyayari ang tagpong ito ay hindi niya pa rin maiwasan masaktan. Si Cora ay ang nobya ni Zaynard na isang modelo dito sa France. Ngunit dahil sa isang pangyayari ay ikinasal sila ni Zaynard ng biglaan. Pero mula nang maikasal sila ni minsan ay wala pang nangyari sa kanila dahil ayaw tumabi sa kanya ni Zaynard ni ang hawakan man lang sana siya sa kamay ay hindi nito nagawa. “Hindi ko na kayang malayo pa sa kanya. Kaya pirmahan mo na ito at umuwi ka na ng Pilipinas.” “P—pero Zaynard—“ “Don’t worry. Nag-transfer na ako ng milyones sa banko para sa daddy mo at sana ay sapat na 'yon para makaahon siya sa utang. Maging sa account mo ay naglagay ako ng limang milyon. Magagamit mo iyon upang magpakalayo-layo ka sa pamilya mo at mamuhay ng marangya.” Nilahad sa kanya ni Zaynard ang papel pero hindi niya iyon kinuha. Sa halip ay pinunasan niya ang mga luha at tumayo siya at sinalubong ang blankong tingin ng asawa niya. “Sige pipirmahan ko ‘yan pero may isang condition. Puwede bang gawin natin ngayon ang honeymoon natin na hindi nati nagawa three months ago?” Napakunot ang noo ni Zayn sa kanya. Pagkatapos ay umiling. “There is no sense if we—“ “Pumunta ako dito sa France na virgin at ayokong umuwing virgin pa rin dahil pagtatawanan ako ng ate ko kapag nalaman niyang hindi ka manlang naakit sa akin.” Napayuko na siya dahil bukod sa awang-awa siya sa sarile ay hiyang-hiya pa siya sa asawa niya. “I’m sorry, Mae. Ayokong lokohin si Cora. I promise I’ll stay faithful to her and—“ “Ayos lang, Zaynard. Naiintindihan ko, pasensya kana.” Pinutol na niya ang sasabihin nito dahil sobra na siyang nanliliit sa sarile at sobrang sakit na sa dibdib. Si Cora ay ang ate niyang tinutukoy nito. Hindi lang siya kinikilalang kapatid ng ate Cora niya dahil ampon lang naman talaga siya ng daddy nito. “Akin na pipirmahan ko na lang para matapos na—“ Hindi natapos ang sasabihin niya nang bawiin ni Zaynard ang papel at nilagay sa table. “Alright. Let’s celebrate our honeymoon, wife.” Laking gulat ni Mae nang hapitin siya sa baywang ni Zaynard. Nanindig ang mga balahibo niya dahil ito ang kauna-unahan na mahawakan siya ng asawa niya. Kahit sa beach ng secret wedding nila ay hindi siya nito hinalikan. Ngunit ngayon ay mariin siyang hinalikan sa labi at hiniga siya sa lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD