PINAGMAMASDAN ni Mae ang mga taong paroo’t parito. Nandito siya sa labas ng simbahan nakaupo habang hawak ang bag habang panaka-nakang tinitingnan ang phone. Hanggang sa tumunog ang phone niya at sinabing narito na umano ang lalaki. Kunot ang noo niya dahil wala naman siyang masyadong nakikitang lalaki. Halos mga matatanda at bata ang nakikita niya. Hindi naman kasi araw ng linggo kaya hindi marami ang tao. May humintong sasakyan sa tapat niya at bigla siyang napaatras pero agresibo ang dalawang lalaki at sapilitan na kinuha sa kanya ang bag at pumasok sila agad sa sasakyan. Bago pa makaalis ‘yon ay mabilis siyang nakalapit at kinalampag niya ang bintana. Pero nakaalis na rin at wala na siyang nagawa pa. Muli siyang napaupo sa mahabang upuan na gawa sa semento. Subalit muling bumalik