Napatitig siya sa naka-wheelchair na tulak ng isang babae. Pinuwesto nito sa gilid ng pinto at umalis ang babae dahil pinaalis ito ni Carlos. Hindi siya nakapagsalita dahil walang lumabas na tinig sa bibig niya. Nakakatitig lang siya kay Don Conching na animo’y dalawang dekada ang itinanda gayong isang taon lang mula nang huli silang nagkita. Nangulubot ang balat nito at naninilaw ang mga mata. Dati pang malaki ang tiyan ni Conching pero ngayon ay dumoble yata tila ba walong buwan itong buntis. “M—Mae? Ikaw ba ‘yan anak?” Mabilis siyang tumalikod. Hindi niya kayang makipag-usap pa sa ama dahil mas lalo lang nadagdagan ang galit niya dito matapos silang maghiwalay ni Zaynard. Naupo siya sa kalawangin na upuan sa gilid ng puno ng arateles. Hindi na niya alintana kung kumapit sa suot