HARRIS IS BACK

1093 Words
HARRIS, "Dre, na saan ka na? Kanina pa kami naghihintay sa'yo rito sa parking area?" tanong ni Nathan sa akin. "I'm almost there," sagot ko at pinatay na ang tawag. After 3 years, nagbalik na ako. Tatlong taon akong nakakulong sa isang kuwarto. Tatlong taon akong nagluksa dahil sa pagkawala niya. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking mga ala-ala ang pagkamatay ng fiance ko. Miss na miss ko na si Zinn, kung hindi niya ako dinalaw sa panaginip ko ay maaaring hanggang ngayon ay nasa kuwarto pa rin ako ng mental hospital, kung saan ako pina-confine nila Mommy at Daddy. Nagka-depression ako at nawala sa sariling pag-iisip. I even hurt myself, I almost killed myself. I was so miserable and empty. I lost everything, light, happiness, love and I lost myself. Hanggang ngayon hindi ko matanggap ang pagkawala ng babaeng una kong minahal ng totoo at seryoso. I really, really loved her, nagpapasalamat na lang ako dahil kahit na wala na siya ay hindi niya ako tuluyang iniwan. She's her, inside my heart and mind, hinding-hindi ko siya kakalimutan at walang makakapalit sa kaniya dito sa puso ko. Habang buhay ko siyang mamahalin at sa tamang panahon ay magsasama kami sa kabilang buhay at bubuo ng bagong pag-ibig na walang hanggan. Ipinasok ko ang kotse ko sa loob ng university kung saan naka-park ang kotse ng mga barkada ko. The new Harris is back, emotionless at walang ibang nararamdaman kun'di sakit ng nakaraan. Inayos ko ang aking sarili at lumabas na sa aking kotse. Nagsinghapan ang ibang istudiyante nang makita ako. Pati sila Nathan, Christoff at Vincent ay nakanganga. 'Ano ba ang problema ng mga 'to?' "Si Harris ba 'yan?" rinig kong tanong ng isang babae sa kaniyang mga kaibigan. "Siya nga 'yan, grabe ang laki ng pinagbago niya. Mas gumuwapo pa siya, pero nag-iba ang kaniyang awra. Sayang lang kasi wala na si Zinn." Napatigil ako sa aking paglalakad at tumingin sa mga babaeng nag-uusap. "Tingnan mo galit tuloy siyang tumingin rito sa puwesto natin, tara na." Nagsi-alisan sila at nagtuloy naman ako sa paglalakad palapit sa mga barkada ko. "Dre! Grabe! Hanep, ang guwapo mo! Welcome back dre." Nag-fist bump kaming apat at niyakap nila ako. "Tara na, kanina pa ako hinihintay ng honey bunch ko sa cafeteria," ani Nathan. Balita ko ay girlfriend na niya si Ella. Si Vincent at Megan ay sila na rin. Si Christoff, sila na rin ni Audrey. Away, bati nga lang raw ang dalawa. Masaya ako para sa kanila, at least nagtino na sila. Papasok na kami sa cafeteria at kagaya kanina, ay gulat rin ang ibang istudiyante nang makita ako. Walang nakakaalam sa pagbalik ko maliban sa tatlo. Even sila Megan ay walang alam. "Oh em geeee! Harris?! Is that you?!" tili ni Megan. Hindi pa rin nawawala ang matinis na boses niya, nakakabingi at nakakainis sa tainga. Buti at natagalan siya ni Vincent. Seryoso lang akong nakatingin sa kanila at matipid na ngumiti. Lumapit sila sa akin at masaya akong binati. "Welcome back!" sabay nilang bati sa akin. "Thank you," walang buhay kong sagot. Nagsi-upuan na kami at naghintay ng pagkain. "Good to see you again, Harris," pormal na sabi ni Wendy sa akin. Kung gaano siya ka-seryoso noon, mas seryoso siya ngayon at nag-iba na rin siya. "Thanks, Wendy. Masaya ako at buo pa rin kayong lahat, I'm sure... masaya siyang nakikita kayo na buo pa rin," tukoy ko kay Zinn. "Of course, kahit wala na ang Dark Angel, buo pa rin kami. Hindi kami maghihiwa-hiwalay," sagot niya at matipid na ngumiti. "Sa washroom lang ako," paalam ko sa kanila. Tumayo ako at naglakad palabas ng cafeteria. Malapit na ako sa bukana ng pintoan nang may nakabangga akong babae. Nabuhusan ako ng juice sa uniporme ko, naikuyom ko ang aking kamao at hinampas ko ang dala niyang tray. Nagtilian ang mga istudiyanteng naroon at nakatingin sa amin. Nagsilapit naman ang barkada ko kasama sila Megan. Walang emosyon akong tumingin sa kaniya at tiim-bagang siyang tinitigan. "Ano bang problema mo?!" singhal niya. Tila nag-echo sa aking pandinig ang boses niya. "Bakit mo hinampas ang tray ko?" tanong niya. Napatitig ako sa mukha niya at parang may kung anong napansin ako. "What?! Ikaw 'tong nakabuhos ng juice sa akin tapos you're asking me what is my problem?!" madiin kong tanong sa kaniya. "E, shunga ka pala e, kung nakatingin ka sa dinaraanan mo hindi matatapon ang juice ko!" giit niya. "Ikaw ang dapat na tumitingin sa dinaraanan mo!" madiin kong sabi sa kaniya. "Ang laki ng cafeteria, maluwag ang daanan. Pero pinili mong dito dumaan at ngayon na nabuhusan ka ng juice dahil nabangga mo 'ko ay magagalit ka. Kung hindi ba naman t*ng*!" "What did you say? Are you saying that I am stupid? Hindi mo 'ko kilala 'miss', kaya 'wag mo akong subukan!" banta ko sa kaniya. "Sino ka ba? Hoy lalaki! Kung inaakala mong matatakot ako sa pangbabanta mo! Well I'm sorry, I'm not scared," sabi niya at pinagdilatan pa ako ng mata. "You will pay for this!" "Magkano? Tell me, babayaran ko." Ang yabang ng babaeng 'to, who is she? Bakit parang may kakaiba sa kaniya? "Oh! Siguro naman ay sapat na 'yan para sa pangpa-laundry mo sa uniform mo? Next time, watch your step nang hindi ka nakaka-damage. And just a little reminder, 'wag mo 'kong bantaan o takotin. You don't know me, but I know you. Kung ano ang gagawin mo sa akin, ibabalik ko sa'yo. Understand? Mr. Harris Harrington?" Natigilan ako at nabigla sa kaniyang pagbanggit sa buo kong pangalan. How did she know me? "What's the matter? Bakit parang nagulat ka? I know you, Harrington. I know you. Tsk! Excuse me, you're wasting my time." Umalis siya sa harapan ko at lumabas ng cafeteria. Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako, ang bilis ng t***k ng puso ko. Bakit hindi man lang ako nakapagsalita? Hindi man lang ako nakaimik, anong nangyayari sa akin? "Dre, okay ka lang? Tara, samahan ka na namin sa washroom para makapagpalit ka," ani ni Vincent. Nagpunta kami sa washroom ng mga lalaki, habang naglalakad kami ay siya ang pinag-uusapan nila. "Kakaiba ang babaeng 'yon, grabe! Hindi man lang siya nangigiming banggain ka. Unbelievable," umiiling na wika ni Nathan. "Tingin ko nga tomboy 'yon e, the way siya magsalita at kumilos parang lalaki," ani Christoff. Mukha nga, pero may kakaiba sa kaniya. Hindi ko lang alam kung ano. Hindi pa ito ang huling ingkwentro namin. Marami pang araw, at kapag mangyari 'yon, wala na siyang kawala sa akin. Nagkakamali siya ng binangga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD