FIRST ENCOUNTER

1051 Words
FLAME POV Ang yabang ng lalaking 'yon! Akala mo kung sino umasta! Anong akala niya sa akin? Matatakot sa kaniya basta-basta? No way! Hindi siya ang katatakutan ko, hindi porke lalaki siya at anak siya ng owner nitong school ay puwede na siyang maghari rito. Pareho lang kaming istudiyante. Nakakainis! Ang lagkit ng juice, sa susunod talaga hindi ko na papalampasin pa ang kaniyang gagawin sa akin! Padabog akong lumabas ng washroom matapos kong maglinis ng katawan ko at makapagpalit ng uniform. Mabuti na lang may extra ako sa locker ko. Tahimik akong naglalakad papunta sa classroom namin. Medyo nahihirapan ako sa course ko ngayon, pero bahala na. Para sa kapatid ko, ako ang tutupad sa pangarap niyang maging architect. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko siya. Madalas kaming mag-usap sa video call noon. Nasa probinsiya kasi ako nakatira kaya sa video call lang kami nakapag-usap. Lagi niyang kinikwento sa akin ang mga nangyayari sa kaniya. Alam kong kagaya ko, ay isa ring gangster si Frances. Pinakilala niya sa akin ang mga kaibigan niya. Noong nalaman ko ang nangyari sa kaniya ay nahirapan akong tanggapin iyon. Hindi ako nagpakita. Hindi ako lumuwas ng Maynila. Ayokong makita ang kapatid ko na nakahimlay, ayokong tanggapin na wala na siya. Hindi man kami tunay na magkapatid, anak man siya sa ibang babae ni Papa ay malapit kami sa isa't-isa. Mas matanda rin ako sa kaniya ng tatlong buwan. Pagkatapos ng pasokan sa probinsiya ay agad akong lumuwas rito sa Maynila. Doon lang ako naniwala na wala na ang kapatid ko. Sobra akong nasaktan, nagwala pa ako sa bahay ni Mama Francisca. Pumunta ako sa puntod niya at nangako ako noon sa kaniya. Ipaghihiganti ko siya, butas man ng karayom ay papasokin ko makuha ko lang ang hustiya para sa kapatid ko. Hinanap ko sa social media ang mga kaibigan niya at doon ko sila mas nakilala. Mga normal lang kung titingnan mo pero mabagsik pala sila. Sila ang Dark Angel g**g, ang g**g group na sinalihan ng kapatid ko. Kilala ko rin ang boyfriend niya noon, si Ashton Santiago. At siya ang suspect sa pagkamatay ng kapatid ko. Siya ang bumaboy sa kapatid ko. Siya ang walang pusong lumapastangan sa katawan ng kapatid ko! Hinanap ko siya noon pero sad'yang magaling siya magtago. Nakita ko lang siya isang beses sa lugar kong saan nakalibing ang kapatid ko. Hanggang sa nabalitaan ko ang nangyari sa isa pa nilang kaibigan na si Zinn. Iisa lang ang taong pumatay sa kanilang dalawa, at iyon ay ang lalaking pareho nilang minahal noon. Nabalitaan ko rin na patay na rin ito, pero hindi ako naniwala. May kutob ako na buhay pa siya at hindi lang nagpapakita. Sila ang grupo ng lalaking gangster na nangunguna sa ranking noon. Sa mga babaeng gangster naman ay nangunguna ang grupo ng Dark Angel. Pero ngayon ay wala na ang Dark Angel, pero ang Wolf g**g ay nanatili pa rin sa kanilang puwesto. Kaya hindi ako naniwalang patay na ang leader nila, dahil buo pa rin silang lima. Bago pa ako pumasok sa isk'welahang ito ay hinanap ko silang lahat. Kumuha ako ng kaunting impormasyon. Si Zinn, siya ang fiance ni Harris Harrington na nakabangga ko kanina sa cafeteria. Base sa nakalap kong balita ay ipinagkasundo sila ng kanilang mga magulang. Engaged na sila bago pa ito mawala, nawala rin sa sariling kaitinuan si Harris kaya pina-confine ito sa mental health hospital. Mayroon lang akong napansin noong hinahanapan ko ng impormasyon ang babaeng iyon. Nagkaroon ako ng interest kay Zinn. Inalam ko lahat ang tungkol sa kaniya. Ngunit bigla akong nagtaka dahil napapanaginipan ko na siya. Nag-uusap kami sa panaginip ko at malungkot siya. Hindi ko matatandaan ang mga pinag-uusapan namin pero isa lang ang alam ko at naalala ko. May pinakiusap siya sa akin, kahit anong gawin ko ay hindi ko maalala. Hinanap ko ang Harrington Integrated University at nag-enroll. Dapat pagdo-doctor ang kukunin kong kurso, pero naalala ko ang kapatid ko kaya architect na lang ang kinuha ko. Nag-aral akong mag-design ng mga bahay at kung ano-ano pa. Hindi naman mahirap noong una, pero ngayon medyo nagkabuhol-buhol ang mga naiisip ko. Nasa classroom na ako at naghihintay na lang ng lecturer namin. Tahimik akong naka-upo at nakatingin sa labas ng bintana. Mayamaya pa ay dumating na rin ito at nagsimula na kami sa aming klase. Matapos ang klase ay nagsilabasan na kami, papunta na ako sa labasan ng university nang may humarang sa akin. "You!" turo sa akin ng babaeng pulang-pula ang labi. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya. Pero hinablot niya ako paharap sa kaniya. "H'wag ka ngang bastos! Kinakausap kita!" asik niya sa akin. Masama akong tumingin sa kaniya at iniwaksi ang kamay niya. "H'wag mo rin akong hawakan!" madiin kong sabi. "How dare you! Ang lakas ng loob mong kalabanin si Harris. Don't you know him?" tanong niya. Napailing ako at napabuga ng hangin. "Bakit? Sino ba siya? At ikaw, sino ka?" "None of your business!" "Wala rin akong panahon na magpaliwanag sa'yo. Kung may problema ka, doon ka sa pulis magreklamo." Tinalikuran ko siya pero hinila niya ang bag ko dahilan para mapaupo ako. Tumayo ako at galit na tumingin sa kaniya. "Ano? Lalaban ka?" tanong niya. "Ano bang problema mo, ha? H'wag na h'wag mo akong hinahamon dahil hindi kita aatrasan! Sino ka ba sa inaakala mo? Ito ang ilagay mo diyan sa kukute mo 'miss', hindi ako takot sa kung sino man ang babanggain ko. And you? Sa susunod 'wag mo akong paandaran sa katarayan at pagiging impakta mo! Dahil sisiguraduhin ko sayo, ibabalik ko lang rin ang gagawin mo sa akin." Tinulak ko siya gamit ang siko ko, natumba siya at tulalang nakatitig sa akin. "As I said, gagawin ko rin sa iyo ang gagawin mo sa akin. Now we're even." Tinalikuran ko siya at umalis na, wala akong pakialam sa mga istudiyanteng naroon. Hindi nila ako kilala at mas lalong hindi ako takot sa kanila! Una si Harris, ngayon naman ang impaktang iyon. Hindi sila ang katatakotan ko, at hindi rin ako magpapatalo. Kaagad kong pinaandar ang motor ko at pinaharurot ito paalis sa lugar na iyon. May dadaanan pa ako kaya kailangan kong magmadali. "H'wag kang mag-aalala, Frances. Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD