ACCIDENT

1045 Words
FLAME POV Nagpaalam ako kay Mama Francesca na may pupuntahan lang ako, pero ang totoo ay sa karera ako pupunta. Simula no'ng dumating ako rito sa Manila ay ito ang pinagkakaabalahan ko, una nanood lang ako, pero kalaunan ay sumubok akong sumali. Apat na ang panalo ko at isang tie, ang lagi kong nakakalaban ay si Patrick Mendoza na walang ibang ginawa kun'di ang b****t*n ako. Kung hindi niya ako iti-text ay tatawagan niya ako at niyayang makipag-date sa kaniya. May itsura naman siya, guwapo at matalino, mabait rin pero nakakainis ang kakulitan niya. Ayoko kasi sa makukulit na tao at mahangin, may pagkamahangin at mayabang rin kasi siya. Mayaman rin dahil anak siya ng Mayor rito sa Valenzuela. Pero hindi ko talaga siya magustohan, kaya ang ginagawa niya ay hinahamon niya ako sa karera. Kapag natalo ko siya, titigilan na niya ako, pero kapag siya ang mananalo ay nobya na niya ako. Napakaduga, pero dahil sa magaling na ako ngayon kesa dati ay hindi niya ako matalo-talo. At ngayong gabi, sigurado akong siya ang katunggali ko. Nasa bukana na ako kung saan kami nagkakarera, dahil rin sa pagkakarera ko ay nagkaroon ako ng mga kaibigan, iyon nga lang ay karamihan lalaki. Aaminin kong may pagkatomboy ako, pero sa pananamit ay babae naman ako. Takot ko lang sa Papa ko kung aasta ako na lalaki, baka isako niya ako at itali sa puno ng mangga. May tumawag sa phone ko kaya huminto muna ako sa isang tabi, motor kasi ang dinala ko ngayon para hindi magtataka si Mama. Nakita ko ang pangalan ni Jigs, isa sa mga kaibigan ko at sumasali rin siya sa karera pero motor ang ginagamit nila. Pagsagot ko ay bumungad kaagad sa akin ang boses nitong kabado o nag-aalala na hindi ako makarating? Late na rin kasi ako ng kalahating oras. "Flame, na saan ka na ba? Kanina pa kami rito naghihintay, ikaw na lang ang wala rito." Napapikit ako nang marinig ko ang lakas ng boses niya. "Nandiyan na. Sino ang katunggali ko?" tanong ko kaagad sa kaniya. Tanaw ko na mula rito ang mga tao na manonood sa karera. "Same as usual, si Patrick," sagot niya. Napailing ako, hindi ko alam kung trip ba niyang magpatalo o trip niyang magpapansin? Tatlong beses na kaming naglaban sa karera pero lagi siyang talo, ngayon ang pang-apat. "Sige, papasok na ako," sabi ko sa kaniya at pinatay na ang tawag. Pagpasok ko ay mas marami pa pala ang mga manonood, may nagpupustahan na ng pera. Pinarada ko ang motor ko at lumapit sa mga kagrupo ko. "Flame! Thanks, at dumating ka na. Ready ka na ba?" tanong ni Jigs sa akin. Nakipag-fist bumped ako sa kanila at yumakap naman ako sa mga kaibigan kong mga babae. "Ano na naman ang itataya ng mokong na 'yan? Hindi pa rin ba siya titigil sa kakahamon sa akin? Nauurat na ako sa pagmumukha niya," naiinis kong wika. "Itataya niya raw ang puso niya," natatawang sagot nila. "Tsk! Simulan na natin para makauwi ako ng maaga. Naghihinala na si Mama Francesca sa akin," sabi ko sa kanila habang sinusuot ang helmet. "Hindi mo pa rin sinabi sa kaniya?" tanong ni Shyla. "Hindi. Kung sasabihin ko, I'm sure pipigilan lang niya ako at isusumbong kay Papa." Hindi kasi nila alam na sumasali ako ng car racing, kaya todo ingat ako para hindi nila malaman. "Loko ka talaga, kapag ikaw nahuli doble ang sermon na aabutin mo, or worst baka ma-grounded ka pa. O sige na, mag-iingat ka." Inabot sa akin ni Jigs ang susi ng sports car na gagamitin ko sa karera. Nagtungo na ako sa sasakyang nakaparada katabi ng isang sports car na kung hindi ako nagkakamali, kay Patrick ito. Tsk! Ang kintab, halatang bago. Sumakay na ako at pinaandar ito. Nakita ko naman sa kabila si Patrick na mayabang ang mukhang nakatingin sa akin. Nagpunta naman sa gitna si Paloma para sa hudyat ng karera. "On your marks! Ready! Set! Let's the race...begin!" Tinodo ko ang bilis ng takbo at ang aking pagmamaneho. Habang mabilis ang takbo ko ay nakikita ko naman sa side mirror si Patrick na hinahabol ako. Napangiti ako at napailing, niliko ko ang sports car at binilisan pa ang takbo nito. Nasa kalagitnaan na kami ng karera nang apakan ko ang preno para lumiko ay hindi ito gumana. Bigla akong kinabahan at nataranta. "Sh*t! What is going? Come on, gumana ka!" paulit-ulit kong inapakan ang preno pero hindi ito gumana. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang malaking puno ng kahoy. "Ahhhhhhh!" Tanging pagsigaw na lang ang nagawa ko. Sa bilis ng takbo ko ay hindi ko kaagad ito nailiko, huli na dahil bumangga na ako sa puno. Huling narinig ko ay ang pagkabasag ng salamin ng kotse at ang naramdaman kong mainit na likidong umagos mula sa aking ulo at nawalan ako ng malay... Two weeks later... Nagising ako na pupungas-pungas at habol ang paghinga. Labis naman ang gulat ng mga magulang ko at sobrang pag-aalala. Sinuri ko ang aking sarili na naka-dextrose at may benda sa ulo. Pinakiramdaman ko rin kung may masakit ba sa akin pero wala akong maramdaman. Sobra akong nagtaka, paano nangyari ito? Sobra naman ang pasasalamat ni Papa dahil sinabi ng doktor ay kritikal ang aking kalagayan at isang himala na lang kung ako ay magigising. Naalala ko ang nangyari sa akin, bumangga ako sa malaking puno. Sa sobrang lakas ay halos tumilapon na ako palabas ng kotse na minamaneho ko sa karera. Maging ako ay hindi ko akalaing mabubuhay ako, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Kakaiba, parang may ibang pagkatao sa katawan ko. Hindi ko sinabi sa mga magulang ko ang pagbabagong naramdaman ko sa aking sarili, siguro ay dahil lang ito sa nangyari sa akin. Tinatanong pa nila ako kung may masakit ba sa akin o kung ano ang nararamdaman ko. Pero tanging pag-iling lang ang nagawa ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanila. Nagpapasalamat na lang ako at buhay ako, binigyan pa ako ng pangalawang pagkakataong mabuhay. May misyon pa ako, marami pa akong plano... Isa na roon ang paghahanap ko ng hustisya para sa kapatid ko, si Frances. At kailangan pa ako ng mga magulang ko, tutuparin ko pa ang pangarap ng kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD