NFL - CHAPTER 2

1922 Words
NIC "Akala ko pa naman kung gaano ka-emergency ang sinasabi mo, Nic." "Akala ko pa naman, may malala ka ng sakit." "Akala ko nga na-confine siya sa ospital. Magdadala sana ako ng prutas, eh." "Akala ko nga, burol na niya ang pupuntahan ko. Magdadala sana ako ng kape at biscuit." "Akala ko nga libing na niya, maghuhulog na lang sana ako ng bulaklak sa libingan niya." "Akala ko naman, nagtungo na siya sa impyerno. Magpapaalam na sana ako dahil alam kong hindi na kami magkikita pa sa kabilang-buhay."  Iyan ang bungad nila sa 'kin pagkatapos ko silang papuntahin dito sa isang sikat na coffee shop para sana makausap sila nang matino. Pero, nakalimutan kong mga Blue Orions nga pala sila. Hindi sila matino. Blue Orions or BO for short ang tawag sa aming magbabarkada. It was the name of our basketball team during our college days. Sikat kami sa mga babae at binabae. Sampu kaming miyembro ng team. Pito ang kasama ko ngayon. Wala sina Captain Nathan, Juice at Deus. Si Juice ang best friend ni Captain at ang tumayong Vice Captain ng team noon. As for Deus, kahit transferee lang siya noon at pinakahuling napabilang sa BO, mabilis din naman naming nakapalagayan ng loob.  Hindi sa pagyayabang, pero walang papahuli sa amin pagdating sa kagwapuhan. And just so you know, ako ang nangingibabaw pagdating sa Gorgeous Department. While them, they excelled in Jerk Department. Pero kahit naggagaguhan kami, alam kong matibay ang samahan namin at maaasahan sila. Iyon nga lang, mas maaasahan sila sa kalokohan. Ngayon talaga ako nagtataka kung bakit ko ba naging kaibigan ang mga gagong 'to. Tsk.  "Sabagay, hindi na pala dapat kami magtaka pa. Ang babaerong gago, hindi madaling mamatay," sabi pa ni Jaiden na agad kong sinamaan ng tingin.  "The last time we talked, you told us that you don't want to see us. Bakit ngayon ay ikaw pa ang nakipagkita sa 'min?" tanong ni Aaron. "It was just a joke," I answered annoyingly. "Hoy, Gagong Nic!" tawag ni Leonne. "Joke my a*s. Wala kang karapatang magbiro. Ako ang joker dito kaya 'wag mo nang subukan pa." Sa aming magbabarkada, siya ang masasabi kong pinakagago sa lahat ng gago. "Oo na, ginagawa mo ng biro ang lahat. Kaya nga wala ring sumeryoso sa 'yo, eh. Kaya kahit noong high school ka---" Agad na niyang pinutol ang anumang sinasabi ni Kent. "Hayop ka! Past is past nga, eh! And at least, nagka-girlfriend ako. Hindi katulad mo na nagtapat na nga sa 'yo ang babae, tinanggihan mo pa kahit mahal mo naman. Mas malaking katangahan 'yon, 'di ba?"  "Aba, gago ka, ah!" sabay bato nito ng bottled water sa direksyon ni Leonne na agad din namang nakaiwas. "Oo, guwapo talaga ako. Matagal na!" ganting-sigaw niya. Nagpatuloy pa ang bangayan nila na ikinailing na lang namin at hindi pinansin. Hindi lang halata, pero totoo ang sinabi ni Kent tungkol kay Leonne. Despite for being a joker and a jerk, he had a painful past with his ex-girlfriend during high school. Mga bagong members pa lang kami ng basketball team at unang araw ng practice namin sa gym, ay basta na lang siya nagkuwento sa kung anong nangyari sa kanila ng babaeng iyon kahit hindi naman kami interesado sa loveless life niya. Ang isang loko-loko ay naloko na pala ng isang babae. How ironic, right?  As for Kent, walang kuwenta rin ang isang 'yan. If I'm not mistaken, may girl best friend daw siya noon. Mahal naman niya ang babaeng iyon, pero ewan ko ba kung bakit ni-reject niya. Ang laki niyang tanga, 'di ba? At ang loveless life naman ng ibang gago, wala akong paki. Hindi naman na nakakapagtaka kung walang babaeng mabulag sa kanila. At least, ligtas pa ang mga iyon sa mga kagaguhan nila. Pero, hindi sila ang pinag-uusapan namin dito. "Tulungan n'yo na lang ako sa problema ko," pahayag ko na agad nilang ikinatahimik at ikinalingon sa 'kin. "Paano? Dadagdagan ba namin?" "It's your problem, not ours." Walang kwentang sagot nina Jaiden at Dave.  Si Dave, mukhang tatahi-tahimik lang 'yan, pero matindi at sagad hanggang buto ang banat niyan. Malakas bumasag ng trip ang gago. Mababasag ang lahat ng puwedeng mabasag sa 'yo. Kaya ngayon talaga ako nagsisisi kung bakit ko pa kinausap ang mga ito.  Sana si Captain na lang ang tinawagan ko, pero malabo rin niya akong matulungan. Malaki rin ang problema ng isang 'yon, eh. He's still suffering from amnesia. At idagdag pa ang complicated relationship nila ni Miles. Kaibigan ko man siya, pero nakiusap kasi ang huli sa 'min kaya hindi na rin namin natanggihan. And if I'll choose between Captain and Miles, of course I'll choose the latter. Weakness ko pa rin naman ang mga babae. "She came back," I answered. "Who?" they asked in unison.  "Si Lou." Their forehead creased. "Sinong Lou?" "Sino pa ba? Isang Lou lang naman ang naging parte ng buhay ko. Kailangan ko pa bang banggitin ang buong pangalan niya?" "Natural. Malay ba namin kung sino ang tinutukoy mo. At maraming Lou sa mundong ito," bale-walang sagot ni Aaron. Argh! Bwisit talaga ang mga hinayupak! "Vanessa Lou Taruc," I replied in annoyed voice. "Ah... Si Vanessa Lou Taruc. O tapos?"  I glared at them, one by one. "Anong 'o tapos'? Siya ang problema ko. Bumalik na siya."  "Bakit kailangan mong problemahin?"  "Ikaw ba ang binalikan niya?" Magkapanabay na tanong nina Cyprus at Kent. I ignored their nonsense retort. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon."  "Wala ka namang dapat gawin."  "Because in the first place, you didn't do anything when it comes to her," Jaiden bluntly agreed to Aaron's statement. I just ignored them again. "Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin at pakikiharapan nang normal." "Sus! Madali lang 'yan." Inakbayan ako ni Leonne. "Kung hindi mo siya kayang harapin, tumalikod ka na lang." "At hindi ka naman talaga normal kaya malaking problema nga 'yan," walang pakundangang komento naman ni Dave. "Imbes na tulungan n'yo ko sa problema ko, nagagawa n'yo pa 'kong gaguhin." Leonne scoffed. "Huh! Sino ba ang may sabing tinutulungan ka namin?" "Mga bwisit talaga kayo!" sigaw ko sa kanila. Inalis ko rin ang braso ni Leonne na nakapatong sa balikat ko. "Tanong lang, Gagong Nic. Bakit mo ba pinoproblema si Vanessa Lou Taruc? Ano ka ba niya? Ano mo ba siya? Ano ba kayo?" "Burn! Nadali mo, Gagong Leonne. Oo nga naman, Pareng Nic. Hindi mo nga naman naging girlfriend si Lou. Ni wala ngang kayo, eh," segunda ni Cyprus bago sabay-sabay silang bumunghalit ng tawa. Talagang may diin pa ang pagkakasabi niya sa salitang kayo. Takteng 'yan. "Given the fact that she's not my girlfriend, but still, she's my first love," I answered defensively. "Alam ba niya?" tanong ni Kent. "Hindi."  "Then, act normal. No, scratch that. Hindi ka nga pala normal gaya ng sinabi ni Dave," biglang bawi ni Jaiden kaya sinamaan ko siya ng tingin. "What I mean is, just be yourself." "In short, just continue being a playboy and gago. Especially the last one." I turned my gaze at Dave. "Wow. Coming from you, huh?" I said sarcastically.  "How does it feel to see her again? After seven years, right?"  Si Kent naman ang binalingan ko. "Why the sudden question?" I asked, frowning at him. "Do you really have to ask that stupid question? Malamang may pinagdadaanan ang isang 'yan. Para malaman niya kung ang nararamdaman mo ba ay mararamdaman din niya kapag nagkita ulit sila ng best friend niya. Iyon ay kung babalik pa." "There's only a 0.000001 possibility para bumalik ang tinutukoy mo." Sabay pang nag-apir bago tumawa nang nakakaloko sina Leonne at Aaron.  Kaysa patulan pa ang walang kakuwenta-kuwentang komento ng dalawa, nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago sagutin ang tanong ni Kent. "Hindi naging maayos ang paghihiwalay namin noon. Pumunta siya ng Amerika nang hindi man lang ako kinakausap. She didn't say goodbye to me that time. Na para bang hindi kami naging magkaibigan. She didn't call, chat, write a letter or even send an e-mail. Uso naman 'yon. Tapos ngayong nagbalik na siya, parang wala lang sa kanya? I didn't recognize her, but she easily recognized me. She changed a lot. Well, her physical appearance really changed in a good way. She's more beautiful and sexier now."  "Nakuha mo pang manyakin, ha?" "Heh! Magtigil ka," saway ko kay Jaiden, pero ang gago, nakuha pa 'kong ngisihan. "Knowing you, maybe you did something to her. Baka may nagawa kang masama sa kanya nang hindi mo alam." "Guwapo ako at hindi masamang-tao kaya bakit ko naman siya gagawan nang masama?" depensa ko sa sinabi ni Cyprus. "Yun na nga, eh! Kahit guwapo ka - according to you - hilatsa pa lang ng pagmumukha mo, mukha ka ng hindi gagawa nang mabuti sa babae."  "'Tado!" Natigilan ako sa akmang pagsikmat kay Leonne nang mahagip ng mga mata ko ang dalawang babae na naglalakad papasok nitong coffee shop. And if I'm not mistaken, mga naging flings ko rin sila. Damn! Bakit ba sila nagsusulputan ngayon sa harap ko? Bago pa nila ako tuluyang makita, agad na 'kong nagtago sa ilalim ng mesang inookupa namin. "Hoy, Gagong Nic! Anong ginagawa mo diyan?" takang tanong ni Aaron. "Shut up, you jerk! At 'wag n'yo rin akong silipin dito. Kapag may lumapit na mga babae at hinanap ako, sabihin n'yong wala ako."  Naputol na ang sasabihin pa ni Aaron nang may tumigil sa kinaroroonan namin. Mula sa pinagtataguan ko, kitang-kita ko ang mapuputi at mahahabang binti ng dalawang babae. They're wearing mini-skirt. And I mentally whistled on the beautiful view before my eyes. "Hello, gorgeous guys! Kaibigan kayo ni Nic, 'di ba?" tanong ng isang babae.  "Hi, girls! Unfortunately, yes," Jaiden replied. "Where is he?" asked by other woman.  "Sabi niya wala siya, eh--- Aw, takte!"  Sinuntok ko nga ang tuhod ni Leonne. Tarantado ang hayop! "Anong nangyari sa 'yo?" "Wala naman. Kinagat lang ako ng langgam. Malaki at gagong langgam. Thank you for your concern, anyway," sagot niya sa tanong ni Kent. Hindi ko napaghandaan ang sunod niyang ginawa. He kicked me under this table. At tinamaan ang ma-muscle kong braso. Damn him! mariing mura ko sa isip ko. Si Dave na ang sumagot sa mga babae. "Wala dito si Nic. Kaaalis lang niya." "Gano'n ba? Pakisabi sa kanya na hinahanap namin siya. We'll wait for his call."  "Sure, sexy. May we know your names? Because we doubt that Nic would remember your names." You're right, Jaiden. I just remember my flings' faces, not their names, I mentally agreed. "Ako si Roximarie Bernales. At siya naman ang pinsan kong si Alexandra Cuartero." "Okay. Nice meeting you, ladies. Sasabihin na lang namin kay Pareng Nic na tawagan niya kayo." Narinig ko pang pahayag ni Cyprus.  Ilang sandali pa, nagpaalam na 'yong dalawang babae. Nang makita ko ang papalayong mga paa nila at tuluyang paglabas nitong coffee shop, saka lang ako lumabas sa ilalim ng mesa. "Pambihira ka naman, Nic. Pati magpinsan, sinulot mo! Wala ka talagang pinapalagpas." I turned my gaze at Kent. "What can I say? I'm really irresistable," I replied, smiling smugly. They only shook their heads in response.  "Damn!" Napalingon kaming lahat sa direksyon ni Cyprus na kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa phone niya. "Problema mo?" tanong ko. "I have a date. And take note. Hindi lang sa isa o dalawa, kundi sa tatlong babae pa. What the hell, right?" Dave smirked playfully. "I didn't know that you're really desperate now to have a girl." "Shut up, Dave! Hindi ako desperadong magkaroon ng babae. I enjoyed being gorgeous and single. But, my parents set me up on blind dates. Tsk." He stood up. "I gotta go. I have to talk to my parents." "Me, too. May pupuntahan pa 'ko," sabi naman ni Kent. Sumunod na ring magpaalam ang iba pa. "Sige lang. Ingat sila sa inyo. And by the way, thank you. You're really a big help to my problem," I stated, full of sarcasm.  As usual, walang pinatunguhan ang usapan namin. Puro kalokohan at kagaguhan lang ang mga sinabi nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD