NFL - CHAPTER 3

1948 Words
LOU Seven years ago... Iginala ko ang paningin ko sa bahay na pansamantala kong tutuluyan. Nandito ako sa bahay nina Ninang Nica, kaibigan ni Mama. Inihabilin ako sa kanya ni Mama habang may aasikasuhin daw muna sila ni Papa. Nitong mga nakaraang linggo, napapansin at naririnig ko ang madalas nilang pag-aaway. Kapag nagtatanong ako kung may problema, pareho silang tatahimik at sasabihing wala. Pero, taliwas naman iyon sa pakikitungo nila sa isa't-isa. Madalas na ring hindi umuuwi si Papa. Kaya kahit wala silang sabihin, alam kong may problema sila. Ayaw ko na lang masyadong isipin pa. Pero, umaasa pa rin akong may magandang mangyayari sa lakad nila at magkakayos sila.  "'Ma, sino siya?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Halos mahigit ko ang aking hininga nang isang guwapong lalaki ang bumungad sa 'kin. He looks so hot wearing a jersey and holding a ball in his right arm. And his intense gaze was directly looking at me.  "Nic, come here. I would like you to meet Vanessa Lou Taruc. Inaanak ko siya. Lou, meet my gorgeous son. Nicanor Mijares," pakilala ni Ninang Nica sa aming dalawa. I almost laugh when I heard his name. And I think he saw it because he groaned loudly and made a face. I find it cute, though. "'Ma! Could you just call me by my nickname? Nicanor sounds old." "Be proud of your name, son. It's the combination of my name and your father's name." "Sana kasi Nic na lang ang ibinigay ninyong pangalan sa 'kin. Sa tuwing nalalaman ng ibang tao ang buong pangalan ko, pinagtatawanan nila iyon. Masyado raw makaluma. Buti na lang talaga at nabawi sa kagwapuhan ko kaya walang kaso sa kanila. Tsk." His mother rolled her eyes at him. "Yeah, whatever, son. First meeting n'yo pa lang ni Lou, pinapakitaan mo na siya ng kayabangan mo. First impression always last, you know? By the way, dito muna siya pansamantalang titira. May aasikasuhin kasi ang parents niya at matatagalan pa bago bumalik. Walang magbabantay sa kanya kaya sabi ko dito muna siya sa atin tumira." "Okay. No problem." Then, he looked back at me. "Welcome to our home, Lou. Enjoy your stay here," he said, smiling gorgeously. I don't know what's with his smile, but I find myself smiling back at him. At nakakatuwa 'yung kayabangan niya. May ibang mayabang na sobrang nakakainis, pero siya, kahit nagyayabang na ay hindi ko magawang mainis. Siguro dahil guwapo nga talaga siya. "Labas na muna ako, 'Ma. Maglalaro lang kami ng mga kaibigan ko." Nagdududang tumingin sa kanya si Ninang. "Kaibigan o ka-ibigan? Baka hindi mo alam, ilang babae na ang kumatok dito sa bahay natin at nagpakilalang girlfriend mo. Noong isang babae pa lang ay medyo okay pa. Pero nang sunud-sunod na magkakaibang babae na ang pumupunta, doon na ako naalarma. Aba, Nicanor! Hindi kita pinalaki para maging malandi at salawahan." "Aish! 'Wag kang maniwala sa kanila, 'Ma. Hindi ko sila girlfriends. They're just flings. At ang iba naman, hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang girlfriend ko sila. I'm just being friendly and sweet towards them. Hindi ko naman alam na bibigyan nila iyon ng ibang kahulugan. 3 out of 10 girls na nagpakita sa 'yo, iyon lang ang flings ko. The rest, mga assumera na." "At talagang ipinagmalaki mo pa, ano?" Nic grinned smugly. "What can I say? Sadyang irresistible ang guwapo ninyong anak. Anyway, gorgeousness aside, totoong mga kaibigan ko ang kasama ko, 'Ma. Maglalaro kami ng basketball diyan sa gym malapit sa subdivision natin. Flings-free ako ngayon. Kung nababahala pa rin kayo, bakit hindi n'yo pasamahin si Lou para mabantayan ako?" Bahagya akong nagulat sa suggestion niya. At akmang tatanggi na sana ako nang biglang magsalita si Ninang. "Good idea." At binalingan niya 'ko ng tingin. "Lou, can you do me a favor? Puwede mo bang bantayan ang malandi kong anak? Isumbong mo sa akin kapag may nakita kang sawa na pumupulupot sa kanya. Besides, mag-aaral ka na rin naman sa school na pinapasukan niya, ikaw ang magiging mata at tainga ko kay Nicanor."  Fresh man high school ako at magta-transfer na 'ko sa Clifford International High School. At nabanggit sa 'kin ni Ninang na ahead lang sa akin ng isang taon ang nag-iisa niyang anak na lalaki. Nag-aalangan na tumango ako sa kanya. "Sige po. Makakaasa kayo, Ninang." Sumama ako sa gym at binantayan nga si Nic habang naglalaro sila ng basketball. Ipinakilala niya rin ako sa mga kaibigan niya. Masasabi kong mababait naman sila. Mukhang si Nic lang talaga ang bukod tanging mayabang. But in fairness, magaling siyang maglaro. Nang itira niya ang bola sa three-point area at pumasok sa ring, tuwang-tuwang nakipag-apir siya sa teammates niya. Nakangising tumingin siya sa direksyon ko at kumindat. My heart skipped a beat because of that smile and wink. I mentally shook my head and heaved a deep sigh. Tandaan mo, Lou. Sabi ng Ninang mo ay malandi siya. And a playboy like him is not your type. Masasaktan ka lang sa mga katulad niya, paalala ko sa sarili ko. Pero, hindi ko nagawang alisin ang pagkakatitig kay Nic sa buong durasyon ng laro niya.  The boys called for a time-out. Lalapitan ko na sana si Nic para abutan ng towel at bottled water nang agad din akong mapahinto dahil sa dalawang matinis na boses na narinig namin sa buong gym na tumawag sa pangalan niya. "Nic babe!"  "Nic my loves!" Sabay na tumakbo papalapit ang mga ito sa direksyon ni Nic. Nag-unahan pang magpunas ng pawis at abutan ng tubig ang lalaki. Ilang sandali pa, nag-agawan na ang mga ito sa atensiyon niya. "Hanep ka talaga, Pareng Nic! Iba talaga ang charisma mo sa mga babae." Sabay tawa ng mga kaibigan niya. Alanganin siyang ngumiti, pero magalang na hinarap ang mga babae. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o ano. At ewan ko ba kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis. Siguro dahil sinabi niya kay Ninang na flings-free siya ngayon, pero heto at dalawang babae pa ang nag-aagawan sa kanya. "Kunwari wala kang nakita kanina, okay? 'Wag mo na lang sabihin kay Mama," sabi ni Nic habang naglalakad kami pauwi. I didn't respond. And I guess, he took my silence as a yes. Pero, sorry na lang siya. Na kay Ninang pa rin ang loyalty ko kahit guwapo pa siya.  Nang makarating kami sa bahay at nagtanong ang Mama niya, walang pagdadalawang-isip na sinabi ko ang nakita ko. Pinalo siya at piningot sa tainga ni Ninang na para talagang bata. And I couldn't help but giggle. He glared at me, but I just grinned at him. And that same night, Nic barged into my room. Katabi lang ng kuwarto niya ang kuwarto na ipinagamit ni Ninang sa 'kin habang nag-i-stay ako sa kanila. Saglit ko lang siyang nilingon bago muling ibinalik ang tingin sa ginagawa ko. "What the hell is wrong with you? Sinabi ko naman sa 'yo na 'wag mong sasabihin kay Mama, 'di ba?" "I don't remember I said yes," I answered nonchalantly, my eyes were still on my notebook and writing something. Inaayos ko na ang schedule ko dahil papasok na ako bukas. Kung anu-ano pang sinabi niya sa 'kin na hindi ko naman masyadong pinagtuunan ng pansin. Nagulat na lang ako nang bigla na lang niyang ipihit paharap sa kanya ang upuan ko. Nakahawak ang mga kamay niya sa arm chair kaya parang nakulong ako. At halos maduling ako sa lapit ng mukha niya. His gorgeous face was just inch away from mine.  "Matuto kang tumingin sa 'kin kapag kinakausap kita. Ang ayoko pa naman sa lahat ay 'yung binabale-wala ang presensiya ko as if my gorgeousness was just nothing," mariing pahayag niya. Amoy ko ang mainit at mabango niyang hininga. He narrowed down his eyes on me. "You want war? I'll give you war. And I'll make sure na ikaw ang matatalo sa 'tin." I didn't know I was holding my breath until he pulled away from me. Tumalikod na siya at naglakad palabas ng kuwarto. Makakahinga na sana ako nang maluwag nang muli na naman siyang magsalita. "And one more thing. I like your nickname. It sounds like crazy." He smirked at me. It was devilishly playful. And I didn't like it. "From now on, I'll call you 'Loukaret'. See you around, Loukaret!" Before I could say anything, he already stormed out of my room. "Argh! Damn you, Nicanor!" I yelled annoyingly.  Doon nagsimula ang inis at bangayan namin sa isa't-isa ni Nic. He would call me Loukaret, and I would call him Nicanor. Pero ang gago, malakas mang-inis kaya palagi akong talo sa kanya. Patuloy ko rin siyang isinusumbong kay Ninang kapag nakikita ko siyang lumalandi. Sa pamamagitan no'n, nakakabawi ako sa pang-aasar niya sa 'kin. Pinipingot kasi siya ng Mama niya at minsan naman ay grounded sa gadgets o sa mga lakad kaya hindi siya nakakasipot sa mga dates niya. Pero kapag may nagiging clingy na sa kanyang babae at hindi naman niya gusto, nagpapatulong siya sa akin. And of course, I won't do it for free. Palagi niya 'kong inililibre ng pagkain at pamasahe kapalit ng tulong na hinihingi niya sa akin. Maliit na bagay lang naman iyon sa kanya. Kaya sinong mag-aakala na mula sa pagiging aso't pusa naming bangayan ay magiging magkaibigan kami? Napagkakamalan pa nga kaming magkasintahan. Like duh! As if naman!  Pero, bakit sa tuwing tutuksuhin kami ng mga estudyante, may nararamdaman akong kakaiba? Natutunaw ako sa mga ngiti at titig niya. Parang may mga naghahabulang kabayo sa puso ko kapag nasa malapit siya. Parang natutuwa pa 'ko kapag nagpapanggap akong girlfriend niya sa tuwing may itinataboy siyang babae. At parang nagseselos din ako sa tuwing may kalandian siyang iba. Normal pa ba itong nararamdaman ko sa kanya bilang kaibigan? And it's too late to realize why do I feel this way towards him.  I've fallen for him. Deep and hard. Pero, katulad din pala ako ng mga babaeng naging kalandian niya. Nag-assume ako na may nararamdaman din siya sa 'kin. But no. Sa aming dalawa, ako lang ang nahulog kaya ako lang din ang nasaktan. ~~~~~ Mapait akong napangiti nang maalala ko kung paano kami nagkakilala at naging magkaibigan ni Nicanor Mijares.  Nandito ako ngayon sa N&N Restaurant para kausapin si Ninang Nica. At dahil medyo busy pa siya, naghintay ako dito sa labas bilang isa sa mga customers nila. Katulad noong isang araw, si Nic ay nakaupo sa isang sulok na di-kalayuan sa mga customer habang nasa laptop ang buong atensiyon.  Hindi ko alam kung alam ba niya na pinagpipiyestahan na ng mga kababaihan at kabaklaan ang pagmumukha niya. May ilang customers ang pasimple kung ilabas ang camera para kuhanan siya ng picture at video. May ilan namang lantaran kung titigan siya. Either he's too busy on his work or he's just pretending not to notice it to look him cool.  If it's someone like him, I guess it was the latter. I admit. He looks more gorgeous and hotter now. He had boyish and playful smile before. But now, his smile was more manly and flirty at the same time. Pitong taon na rin naman nang huli kaming magkita. Malamang malaki na ang ipinagbago niya. Mukhang mas lumala pa nga yata ang kayabangan at kalandian niya ngayon.  He lifted his head and looked at my direction. I was a bit startled, but I did my best not to look it obvious. I raised my eyebrow when I met his gaze. Then, he gorgeously smiled and winked. Bumalik ako sa Pilipinas hindi lang dahil sa pakiusap ng Mama ni Nic. Dahil alam kong naka-move on na rin ako. Kaya nga malakas na ang loob kong magpakita sa kanya. Dahil alam kong wala na akong nararamdaman sa kanya. Or so I thought. My heart skipped a beat because of that smile and wink. This kind of feeling was very familiar to me. Ganito rin ang naramdaman ko sa una naming pagkikita.  And this is not good. Not really good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD