NIC
"Hi, Sir Nic. Ito na po ang merienda n'yo."
I lifted my gaze from my laptop and glanced at the waitress. "Pakilapag na lang diyan. Thank you, beautiful." I smiled and winked at her.
She blushed and smiled back. Halatang kinikilig pa ito habang inilalapag ang isang tray na may carbonara with garlic bread and iced tea sa mesa ko. And for the last time, I gave her my sweet and gorgeous smile before going back to my work.
I'm the General Manager of this N&N Restaurant, owned by my parents. The restaurant was named because of their initials, Nica and Norman Mijares. After I graduated in Business Management a year ago, agad na 'kong pumasok dito sa restaurant namin para mag-training. And because being business-minded really runs in my blood, I get the GM position after six months training. Now, I'm managing this restaurant for more than a year now.
May sarili naman akong opisina sa loob, pero mas pinipili kong magtrabaho dito sa labas para mas maobserbahan at pamahalaan ang business namin. At para na rin masilayan ng mga kababaihan ang taglay kong kagwapuhan. Kapag kasi nandito ako, mas marami kaming customers. So, yeah. Business is business. And gorgeous is me, I muttered confidently.
After a few minutes, I was busy typing on my laptop when I heard someone called my gorgeous name. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon. A beautiful lady was walking towards my direction. "Hi, Nic mylabs!"
Nang tuluyan itong makalapit, agad akong ngumiti rito. "Hi, babe," I greeted back. Who is she again? I asked myself.
And I wasn't prepared when her right hand landed on my gorgeous face. "Damn! What the hell was that for?" salubong ang kilay na tanong ko habang hawak ang nasaktang pisngi ko.
"Babe mo'ng mukha mo! Napagkamalan mo 'ko sa ibang babae mo, 'no? Huh! Nic, ako 'to! Si Rina Mariano! At hindi babe ang tawag mo sa 'kin kundi honey!"
"Sino ba nagsabing babe ang tawag ko sa 'yo? Bingi ka lang, honey."
"Tse! Lulusot ka pa. I hate you!" sigaw pa nito bago tumalikod.
Hinihilot ko ang nasaktang pisngi ko habang naiiling na sinundan na lang ito ng tingin hanggang sa makalabas ng restaurant namin. Huh! As if I will chase after her. It's not so me.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang makaalis si Tina o Pina o kung sino man 'yon nang isang sexy na babae naman ang pumasok at nakangiting naglakad patungo sa direksyon ko.
"Hi, babe!"
Ah, ito pala ang babe ko. I stood up and forced a smile. "Hello, hon!"
"Hon? Darling kaya ang tawag mo sa 'kin! At kilala mo ba kung sino ako?"
"Oo, si darling ko."
"Anong pangalan ko?!"
I frowned. "Nagka-amnesia ka ba? Bakit hindi mo alam ang pangalan mo?"
Hindi ko na naman napaghandaan ang muling pagdapo ng kaliwang palad ng babae sa kanang pisngi ko. It hurts, damn it!
"Tandaan mo, darling. Ako si Lyn Men May! Itaga mo 'yan sa bato!" sigaw nito bago naglakad palabas.
"Good morning, darling!"
I groaned silently when another beautiful lady was smiling and approaching towards my direction. Seriously? Kailangan bang magsisulputan ang mga babaeng ito ngayong araw?
I hid my annoyance by smiling gorgeously at her. "What is it, sweetie pie?"
Her forehead creased. "Sweetie pie? Hindi iyan ang tawag mo sa 'kin."
Damn those endearments! Sa susunod nga, isang endearment na lang ang itatawag ko sa kanila para hindi ako nalilito sa itinatawag sa kanila. "Anong kailangan mo, jelly ace?" tanong ko pa. Nagbabaka-sakaling iyon nga ang tawag ko sa kanya.
"Jelly ace? That's not me, darling. You forget, do you? Now tell me, do you even know my name?"
Damn it! "Huh? Nasabi mo ba sa 'kin 'yan dati?" kunwari ay patay-malisyang tanong ko.
"Of course! Ako si Jessica Mae Javier! Natatandaan mo na ba?"
"Of course, I do remember you. You're Jessica Mae Javier, right? Ito naman. Binibiro lang kita kanina - Oh, oh, oh! Nakatanggap na 'ko ng mag-asawang sampal kanina. 'Wag mo nang dagdagan pa," pigil ko sa kaliwang kamay niya nang akmang sasampalin na niya 'ko.
"Argh!" she yelled before giving me a death glare.
I grinned in response. Pero, agad din akong napamura at napangiwi sa sakit nang sipain niya ang kaliwang binti ko bago tumalikod at lumayas sa harap ko. What a nice greetings from those women. Pambihirang buhay naman oh! Ako na nga ang nagiging mabait sa kanila, ako pa ang palaging naaabuso, naiiling na bulong ko.
Do'n ko lang napansin na halos lahat pala ng customers at empleyado namin ay nakatingin sa direksyon ko. Siguradong nakita at nasaksihan nila ang eksenang ginawa ng mga babaeng iyon.
I stood up straight and smiled gorgeously as if nothing happened earlier. "Ang hirap talaga maging guwapo. Nakita n'yo naman, 'di ba? Palagi na lang akong hinahabol. But, don't mind me and just enjoy your food," pahayag ko na bahagyang ikinatawa nila.
Napahinto ako sa akmang pag-upo nang muli na namang bumukas ang pinto ng restaurant at pumasok ang isang babae. And damn! She's beautiful and smokin' hot.
I think, my heart skipped a beat when I met her gaze. Muli akong napatuwid ng tayo nang makitang patungo siya sa direksyon ko.
Is she one of my girls? If she is, what's my endearment to her again? Hindi man ako matandain sa pangalan ng mga babae ko, natatandaan ko naman ang magaganda nilang mukha. She looks familiar, but I can't remember where and when did I see her.
I flashed my sweetest smile that makes all the girls drool over me and extended my both arms to hug her. "Hi, sweetheart!"
Huminto siya sa paglalakad at kunot-noong tumingin sa 'kin.
Mali ba? Hindi iyon ang endearment ko? "Hey, lemon juice! Long time no see." But, she frowned even more. "Apple kiss? Mango shake? Buko pie?" panghuhula ko pa.
She rolled her eyes at me as if she was pissed or something. And I find it very cute, though. "You never changed, Nic. Still playboy as ever. At 'wag mo 'kong tawagin sa mga endearments mo sa mga babae mo. I'm not one of your girls," mataray niyang pahayag.
"Are you sure?"
"Oo. At wala akong planong mapasama sa koleksyon mo ng mga babae."
"Then, what are you doing here? Bakit patungo ka sa 'kin?"
She raised her eyebrow before answering my question. "Nasa likod mo ang taong kailangan ko."
"Tama siya, Nic. 'Wag mo siyang isama sa mga babae mo dahil hindi mo siya niligawan noon."
Nilingon ko ang nagsalitang iyon mula sa likuran ko. My mother was walking towards our direction.
"Never naman akong nanligaw, 'Ma. Sila ang nanliligaw sa 'kin," nakangising sagot ko rito.
"Conceited," narinig ko pang bulong ng babae.
"I'm just stating a fact, you know?"
"Yeah, right. Being conceited is really a fact, Nic," she bluntly said.
"Teka nga, sino ka ba? At bakit alam mo ang pangalan ko?" naiinis kong tanong. Makapagsabing conceited ako, parang close kami. As if naman. Tsk.
Binalingan ako ni Mama na may pagtataka sa mukha. "Hindi mo siya nakikilala?"
"Itatanong ko ba kung sino siya kung nakikilala ko siya?" sarkastikong balik-tanong ko kay Mama.
"Siya si Vanessa Lou Taruc. Inaanak ko at kinakapatid mo na nagpunta sa States seven years ago. Kababalik lang niya sa bansa at isang linggo na rin siyang nag-i-stay dito."
I frowned the moment I heard that name. Vanessa Lou Taruc? Pamilyar talaga. Nang ibalik ko ang tingin sa babaeng nasa harapan ko, unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko kung sino siya.
What the hell? Siya na si Vanessa Lou Taruc? As in si Loukaret? 'Yung nag-iisang Lou na kilala ko? Damn! mariing sigaw ko sa isip ko.