NFL - CHAPTER 5

2151 Words
NIC "Babe, wait for me!"  Hindi ko pinansin ang pinanggalingan ng tinig na iyon. Kahit hindi ako lumingon, alam kong ako ang tinatawag ng babae. Her seductive voice was very familiar, but I don't remember her name. At wala ako sa mood para harapin ito.  Malapit na 'kong makapasok sa gate ng school namin nang maramdaman ko na lang ang pagkapit ng kung sinong babae sa braso ko. "Babe, kanina pa kita tinatawag." Umakto akong parang nagulat. "Uy, babe." Tama nga bang iyon ang endearment ko? She frowned at me. "Babe? It's baby. Iyon ang tawag mo sa 'kin."  "Baby o babe, same lang din naman 'yon. Pinaikli ko lang," I replied, smiling gorgeously at her. "By the way, what are you doing here?" Sa pagkakaalam ko, sa kabilang school lang siya base na rin sa suot niyang uniform. Matamis siyang ngumiti. "Talagang dumaan ako rito para makita at makausap ka. Kelan ulit date natin?" sabi niya bago bahagyang ngumuso na para bang nagpapa-cute. "Hindi mo na kasi ako ni-reply-an sa text ko kahapon." May himig pa ng pagtatampo ang boses niya. Mariin kong inalala kung ano nga ba ang pangalan niya. At kung hindi ako nagkakamali, nagtatapos iyon sa 'city'. Electricity o Elasticity? Ah, ewan. Basta nagkakilala kami last week sa isang cafe.  I admit she was cute and beautiful that time. Pero ang nakakuha talaga sa atensiyon ko no'n ay ang pag-iyak niya. I walked towards her, introduced myself and got a chance to talk to her. I even used an endearment to her. Well, gano'n naman talaga ako sa mga babaeng nakikilala ko. Sweet ako, eh. Sa pag-uusap namin, nalaman kong umiiyak siya dahil sa problema niya sa pamilya. Being a real gentleman, friendly and gorgeous, I gave her unsolicited advices. I even comforted her.  Kinabukasan, nag-text siya sa 'kin at sinabing nagkaayos na sila ng pamilya niya. She wanted to thank me personally kaya magkita raw kami. Pumayag naman ako - na agad ko rin namang pinagsisihan sa huli. She became clingy and touchy to the point na ituring niya 'kong pag-aari niya. She even think that our supposedly thank you conversation was a date.  Fuck! It wasn't a freaking date! And I was never been hers! I was just being friendly, not flirting with her. Pero, iyon ang naging dating sa kanya. Sinabi ko kay Lou ang problema ko. At ang Lou-karet, nakuha pa 'kong asarin at tawanan. Iyon daw ang napapala ko sa pagiging sweet sa lahat ng babae. Hindi maiwasang mag-assume at umasa dahil nagbigay raw ako ng motibo.  Bigla ko ring naalala ang naging pag-uusap namin tungkol doon. "Kasalanan ko pa ngayon? Nagmagandang-loob lang ako at naging friendly. Hindi ako nagbigay ng motibo. Ako ang biktima rito. She took advantage of me. Siya ang lumalandi sa 'kin." "At tuwang-tuwa ka naman?" "Of course not! May prinsipyo ako. May mga babaeng nilalandi at may mga babae ring kinakaibigan lang. You know me and you know my rules. Kapag kalandian, kalandian lang. Kapag kaibigan, kaibigan lang. Alam mo 'yan." Speaking of Loukaret, nasaan na ba 'yon? Ang usapan namin ay magkikita kami rito sa labas. Nauna siyang pumasok dahil may gagawin pa raw siyang research sa library. Malakas ang kutob kong pupuntahan ako ng babaeng nakapulupot pa rin sa braso ko hanggang ngayon kaya sabi ko ay tulungan niya ako. At hindi nga ako nagkamali. Lagot talaga sa 'kin mamaya ang lukaret na 'yon. Tsk. Pilit akong ngumiti at pasimpleng inalis ang braso niya. Act like a real gentleman, Nic. Kahit ayaw mo sa kanya, babae pa rin 'yan. Kahit nauubos na ang pasensiya mo, magpasensiya ka pa rin. Ang tunay na guwapo, gentleman at pasensyoso. Control, dude. Self-control. "I can't date you. And a gentle reminder, I'm not interested in you. Please stop texting and seeing me. Sa ibang tao o bagay mo na lang ituon ang oras mo sa 'kin." "Why? Wala ka namang serious girlfriend, 'di ba? Sabi pa ng napagtanungan ko, puro flings lang ang mga iyon." Halos mapangiwi ako sa sinabi niya. Mukhang may pagka-stalker pa pala ang babaeng ito.  "Who told you I don't have a girlfriend? I do. Sobrang mahal ko 'yon at mahal niya rin ako. Kaya hindi na 'ko interesado pa sa iba," pahayag ko. Tumingin lang siya sa 'kin na para bang hindi naniniwala. Damn, Loukaret! Where the heck are you? I need you right here, right now! Mukhang dininig agad ang dasal ko. Nakita ko si Lou na naglalakad na patungo sa direksyon ko. I met her gaze. Hindi na ako nagdalawang-isip pang kawayan siya at tawagin. Kumalas ako sa babaeng nakapulupot sa 'kin at mabilis siyang sinalubong. Inakbayan ko rin siya para maging makatotohanan ang pag-arte ko. "Hey, Bee! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay." "Bee?" kunot-noong tanong niya.  Bahagya kong pinisil ang braso niya at mahinang bumulong. "Makisakay ka na lang." "Elasticity, meet Vanessa Lou." "It's Felicity," she corrected. Hindi ko iyon pinansin at mas hinapit ko pa sa katawan ko ang katabi ko. "Itong babaeng nasa tabi ko ngayon, siya 'yong sinasabi ko sa 'yo. My serious girlfriend," pahayag ko bago bigyan si Lou ng isang ngiting nakakapagpakilig sa mga babae. But this woman, mukhang wala man lang epekto sa kanya. Kitang-kita ko ang napipilitan niyang ngiti at pagtalim ng tingin sa 'kin bago balingan ang babaeng nasa harap namin. Napailing na lang ako. "Hi. Ikaw ba 'yung babaeng tinulungan nitong boyfriend ko? I hope hindi mo binigyan nang malisya ang pagtulong niya sa'yo. Sadyang friendly at sweet lang talaga siya sa lahat ng babae. A piece of advice, girl, 'wag ka nang umasa sa kanya. Masasaktan ka lang." Sabay ngiti niya rito. She didn't answer. Sinamaan lang nito ng tingin si Lou bago taas-noong umirap sa kanya at umalis.  "Bitch." Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang bulong na iyon ni Lou.  Ilang sandali pa, binalingan niya 'ko nang masamang tingin. "Serious girlfriend? Muntik na 'kong masuka. I couldn't imagine you being serious with a girl. Kahit sa panaginip, imposible." "Kilig ka naman na tinawag kitang girlfriend. Dahil ako lang naman ang nagpapakilalang boyfriend mo." "Wow. At utang na loob ko pa pala sa 'yo ang pagpapakilala mong boyfriend ko?" puno ng sarkasmong pahayag niya. "Ipapaalala ko lang sa'yo, Nicanor Mijares na ikaw ang nakiusap sa 'kin na magpanggap na girlfriend mo kahit ayoko." "Sus! Choosy ka pa? Guwapo at sweet na nga ang lumalapit sa 'yo," nakangisi namang sagot ko. She rolled her eyes at me. "Guwapo at malandi kamo," nakasimangot na sabi niya. She's really cute, though. I couldn't help but smile. Pero, agad din akong napangiwi at napaubo nang maramdaman ang biglang pagsiko niya sa tagiliran ko dahilan para mapabitaw ako sa kanya. "'Yang braso mo, nawiwili." I scoffed. "Nag-enjoy ka naman." "Tse! Tigilan mo 'ko. Tara na nga!" Nakangiti at napapailing na sumunod ako sa kanya papasok ng school. ----- Kasama ko ngayon ang mga kaibigan kong sina Gene at Josh. Nagkukuwentuhan lang kami tungkol sa mga babaeng nali-link sa 'min. Kung playboy ang tingin ng mga estudyante sa 'kin, mas playboy ang dalawang ito. In the real sense of the word. Nagkakatawanan na kami nang bigla silang magtanong tungkol kay Vanessa Lou Taruc. "I'm just curious, Nic. What's the real score between you and Vanessa?" "We're just friends," sagot ko kay Gene. "Ulol! Showbiz ka," nakangising saad naman ni Josh na ipinagkibit-balikat ko lang. "Friends lang kayo? Eh, 'di ba girlfriend ang pakilala mo kay Vanessa sa tuwing may itataboy kang babae?" kunot-noong tanong ni Gene. "Pretend girlfriend," pagtatama ko. I remember the day the first time I saw her. Papunta ako noon sa gym para maglaro ng basketball kasama ang mga kaibigan ko. Naka-jersey na ako at kalalabas pa lang ng silid ko nang mapansin kong may bisita sa bahay namin. I got a chance to stare at her. Kahit nakatalikod siya sa direksyon ko, sigurado akong maganda siya. At hindi ako nagkamali nang masilayan ang mukha niya habang naka-side view.  Nalaman kong inaanak siya ni Mama. At pansamantala raw muna siyang titira sa 'min habang may inaasikaso pa ang mga magulang niya. It was okay with me. My first impressions with her were kind and quiet. I welcomed her and smiled gorgeously. And when she smiled back at me, I felt something different. Hindi ko iyon naramdaman sa mga babaeng nakikilala ko. I thought that we could be friends. But, I was wrong.  Hindi ko inaasahan na may dalawang babae na pupunta sa gym. I admit, they were my flings. Hindi ko sinabi sa kanila kung nasaan ako nang mga oras na iyon kaya nagulat din ako nang makitang naroon na sila. Akala ko, madadaan ko sa kagwapuhan at magandang pakiusap si Lou para hindi sabihin kay Mama ang nakita niya. Pero, isinumbong niya pa rin ako. Dahil doon, nainis ako sa kanya.  Simula nang araw na iyon, hindi na maganda ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Palagi kaming nag-aasaran at nagbabangayan lalo na kapag palagi niyang isinusumbong ang kalokohan ko sa nanay ko. But, who would have thought that we can really get along? Kahit mas madalas kaming mag-away kaysa mag-usap nang maayos, masasabi kong naging magkaibigan na rin kami ni Lou. If I would ask for help, she would help me especially when it comes to girls. Kahit alam kong inis na inis na siya sa kalandian ko, hindi naman niya 'ko kayang tiisin. "You're smiling like a complete idiot. Sinong iniisip mo?" "Sino pa ba? Malamang 'yung pretend girlfriend kuno niya," si Gene na ang sumagot sa tanong ni Josh. Napailing na lang ako. Hindi ko alam na nakangiti na pala ako. Si Vanessa Lou Taruc lang naman ang nakagagawa nito sa 'kin. "Seriously, dude. Magkaibigan lang ba talaga kayo?" "You know my rules, Josh." "Yeah, right. Ang kalandian, kalandian lang. Ang kaibigan, kaibigan lang." Sumandal sa upuan si Gene at matamang tumingin. "So, what about Vanessa? Nasaan siya sa dalawang iyan? Kalandian o kaibigan?" "Kaibigan," sagot ko with full of conviction. "Talaga lang, ha?" Tumayo si Josh at umakbay sa 'kin. "Kilala ka namin, pare. Ang mga katulad ni Vanessa ang tipo mo. Imposibleng hindi mo natipuhan iyon. Sa landi mong 'yan? Imposibleng hindi pumasok sa isip mo na landiin siya." Natatawang inalis ko ang braso niya sa balikat ko. "Dude, off-limits si Loukaret sa kalandian ko. Baka masapak lang ako ng nanay ko kapag nalaman niyang nilandi ko ang inaanak niya."  "Hindi mo siya nagustuhan?" tanong pa ni Gene. Hindi agad ako sumagot. Pero, ilang sandali pa, makahulugan akong ngumiti sa kanila. "Hindi ko siya gusto. At wala akong planong landiin siya." She deserves more than that, I added silently. ----- "Lou! Hey, wait!" habol ko sa kanya. Pinigilan ko siya sa braso bago pa siya tuluyang makalabas ng school. "May problema ba tayo?" Nitong mga nakaraang araw, napansin ko na parang umiiwas siya sa 'kin. No. Umiiwas talaga siya. Napapaisip tuloy ako kung may nagawa ba akong mali.  "Wala. Kailangan ko nang umuwi, Nic. May gagawin pa 'ko," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. I was about to say something when my friends called me. "Nic! Tara na! May practice pa tayo!"  "Sige! Susunod na 'ko," sagot ko bago ibinalik ang tingin kay Lou. Napabuga ako nang hangin. "Mag-practice muna ako. Mag-usap tayo mamaya pagdating ko sa bahay." Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya at nag-angat ng tingin sa 'kin. "Goodbye, Nic." Iyon lang at tumalikod na siya. Kinabahan ako. Habang sinusundan ko siya ng tingin papalayo, bakit pakiramdam ko ay iyon na ang huli naming pagkikita? The way she said those words, as if it has a deeper meaning. As if she's saying it for good. I shook my head and dismissed the thought. I'm just overthinking, I told myself before going to the gym for basketball practice. Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Agad kong tinungo ang silid na inookupa ni Lou at kumatok. Nang walang sumagot, binuksan ko iyon at pumasok sa loob. Nagtaka ako nang makitang walang tao. "Oh, Nic. Nandiyan ka na pala." Nilingon ko ang nagsalitang iyon. "'Ma, nasaan si Lou?" "Hindi na siya uuwi dito. Sumama na siya sa Mama niya. Sinundo na siya kanina. At siguro sa mga oras na 'to, nasa eroplano na sila papuntang Amerika. They'll stay there for good. Akala ko naman nagpaalam na siya sa 'yo. Nang tanungin ko kasi siya kung alam mo na, sinabi niyang siya na ang bahalang magsabi sa 'yo." Bumakas ang pagtataka sa mukha niya. "Hindi ba niya nasabi sa 'yo?"  Natigilan ako. Ang sinabing iyon ni Mama ay parang bombang sumabog sa harap ko. Bigla ay nahirapan akong huminga. "Wala. Wala siyang sinabi," sabi ko na halos hindi na rin lumabas sa bibig ko. So, her goodbye really means something. My instinct earlier was right after all. She left for good. She f*****g left me without saying anything but a f*****g goodbye. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD