NFL - CHAPTER 4

1955 Words
NIC "Kumusta kayo ni Vanessa Lou Taruc?" I was about to answer Cyprus' question when Kent spoke. "Walang sila." "Balik-magkaibigan ba ulit kayo?" "Walang pagkakaibigang ibabalik. Hindi siya kawalan kay Lou," si Jaiden naman ang sumagot sa tanong ni Aaron. "Bakit ka nga ba iniwan ni Lou?" tanong pa ni Leonne. "Even though I don't know her personally, I can say that was the best decision she made for herself. Why? Dahil wala naman siyang dahilan para mag-stay sa'yo," dagdag niya sabay tawa nang nakakagago. "Gaya nang wala ring dahilan ang ex mo para balikan ka," I retorted back.  "For your information, wala akong planong makipagbalikan sa kanya. And just for the record, ako ang nakipag-break. Hindi ako ang iniwan. In your case, hindi na nga kayo, iniwan ka pa niya. Saklap, men!" Matalim ang mga matang binato ko siya ng chips na nilalantakan namin ngayon. Nang-iinis ang gago, eh. Nandito sila sa restaurant namin ngayon. Wala raw silang masyadong ginagawa kaya naisipang tumambay rito. If I know, nandito lang sila para maki-chismis at abangan si Lou na ilang araw na ring pabalik-balik dito. Well, I understand her. I'm very irresistible that she couldn't get enough of my gorgeousness and that's why, she kept coming back here. Kahit gusto ko silang paalisin ay hindi naman puwede. Dahil mas dumarami talaga ang customers namin lalo na ang mga babae kapag narito ang mga gago. Kaya kong tiisin ang kagaguhan nila kung makakabuti naman ang mga pagmumukha nila sa business ko. It was business over foolishness. And I'm just being practical.  "Nevertheless, he's worth it," maya-maya pa ay narinig kong pahayag ni Cyprus. "Worth it balikan ng Lou niya?" pahayag ni Aaron. "Worth it siyang iwan. Besides, the girl was never been his in the first place." "Boom!" sabay tawa nila nang nakakaloko. Isa-isa ko silang tinapunan nang masamang tingin, partikular na sa taong nagsalita kanina. Si Dave. Nagpatuloy sila sa panggagago sa 'kin na hindi ko na lang pinatulan pa. Just fool me all they want, the hell I care. I don't give a damn. Dahil ang tunay na guwapo, hindi pumapatol sa gago. Ilang sandali pa, "O, bakit? Anong nangyari sa inyo?" tanong ko nang bigla na lang silang tumahimik. Mas lalo akong nagtaka nang lagpasan ang tingin nila sa akin. I followed their gazes. Right then and there, I saw her - the woman that we were just talking about - walking and smiling confidently beautiful inside the restaurant. Kahit ako ay natulala at napatitig sa kanya. The surroundings became blurry to me. At para bang siya na lang ang malinaw na nakikita ng mga mata ko.  "That's her, right?" "Exactly. Vanessa Lou Taruc."  Napakurap ako at biglang natauhan nang marinig ang mga sinabi nina Jaiden at Kent. Nakapasok na si Lou sa office ni Mama.  I looked at them in disbelief. I only showed them Lou's picture once and that was four years ago! How come they easily recognized her? Samantalang ako ay hindi agad siya nakilala nang magkita kami after seven years.  "Based on my observation, mukhang hindi ka naman kawalan sa buhay niya. Mukhang hindi siya nanghihinayang, eh," walang pakundangang pahayag ng gagong si Cyprus. Ngumisi si Leonne. "Kahit naman ako ang nasa posisyon ng babae, hindi ako manghihinayang na iwan ang kagaya niya." Na sinegundahan pa ng walanghiyang si Dave. "I would even be thankful for that." Muli ko silang binato ng chips. "Manahimik na lang kayo kung wala kayong magandang sasabihin." Pero ang mga gago, nakuha pang tumawa nang malakas. Hindi ko na sila pinansin pa at itinuon na lang ang buong atensiyon ko sa pagtatrabaho. Kahit nasa laptop ang tingin ko, nakaalerto naman ako sa pagbukas ng pinto ng opisina na pinasukan ni Lou.  I must talk to her. I need to know why she left without saying anything but goodbye. At kung bakit hindi rin siya nakipag-communicate sa 'kin sa loob ng pitong taon. Makalipas ang ilang minuto, nagbukas ang pinto ng opisina ni Mama at lumabas si Lou. I was about to stand up on my seat when I saw Leonne stood up and ran towards her. He was smiling like a complete idiot before her. "Hi, Miss! Alam mo bang mas lalong gumaganda ang umaga dahil sa magagandang kagaya mo?" pambobola nito sabay kindat pa ng gago.  "Thanks for the compliment. So, what do you want?" she asked directly, beaming at him. Even though it was a sarcastic smile, I still find it cute and sexy. She has sexy lips, indeed. "Puwede ba kitang maimbitahan sa table namin? Ayun lang, oh." Tumingin ito sa direksyon namin na ikinalingon din naman ni Lou. Kumaway ang mga kasama ko sa kanya at napatuwid naman ako ng upo nang magtama ang mga mata namin. "Mga kaibigan kami ni Nicanor Mijares. You know him, right?" "Yes-" The jerk cut her off. "Really? That's great! Thank you for accepting my invitation. After you, my lady." Bowed head, he extended his right hand, motioning her to our direction just like a real gentleman.  Real gentleman my a*s. There was no gentleness in him. Sanay sa biglaan ang gagong 'yan, kontra ko sa isip ko. Tumayo si Aaron at ipinaghila ng upuan si Lou. "Have a seat, Miss Beautiful. Ako nga pala si Aaron. Ang totoo at nag-iisang gentleman sa amin." "'Lol! Naunahan mo lang akong ipaghila siya ng upuan. Ako naman si Kent," kontra agad nito. Muling nagtama ang tingin namin ni Lou nang makaupo siya sa upuan na katapat ko lang. I don't know how long, but it seemed like ages when we gazed at each other. Natauhan lang kami nang marinig namin ang malakas na pagtikhim ng mga gago. "Hi, Vanessa Lou. I'm Cyprus. Ang namumukod tanging guwapo sa aming lahat. It's so nice to finally meet you in person," pakilala nito sabay lahad ng kamay sa babae. Nagtataka man, pero tinanggap niya ang kamay nito. "You know my name?" "Of course, we know your name. Who wouldn't? Palagi kang bukambibig sa amin ni Nic. Jaiden nga pala." "Leonne here. Akala namin ay kathang-isip lang niya 'yong mga kinukuwento niya sa 'min tungkol sa'yo. Pero ngayong nakita at nakilala ka na namin, nawala na 'yung pagdududa namin sa kanya." Naiinis na binalingan ko ng tingin ang dalawa. "Hoy! Anong palagi ko siyang bukambibig? Bilang lang sa mga daliri ko kung ilang beses ko siyang nabanggit sa inyo noon. At anong kathang-isip ko lang siya? May ipinakita ako sa inyong picture niya, tapos sasabihin ninyong gawa-gawa ko lang 'yon?"  "Ikinukuwento mo 'ko sa kanila?" narinig kong tanong ni Lou. "Oo naman! Ikinuwento kita sa kanila. Natural lang naman iyon dahil kaibigan kita. Hindi kita kinalimutan. Ikaw lang naman sa ating dalawa ang nakalimot at biglang nang-iwan diyan." "Aba! Nanunumbat ang hayop. Affected ka talaga, ano?" sabay tawa nang nakakaloko ni Aaron. Lou smiled. And I don't know if it was just me, but her smile looked so sad and full of bitterness. "Alam mo kung bakit ko ginawa iyon? Kasi napakalaki mong gago." Katahimikan. At literal akong walang nasabi sa statement niyang iyon. Nainis ako nang marinig ang hagalpak na tawa ng mga hayop sa paligid ko. "Burn! Lasapin at damhin mong maigi ang sinabi ni Vanessa Lou!" At tumawa na naman sila na para bang wala ng bukas. "Very well said," nakangising puri pa ni Dave kay Lou. Pang-asar lang ang gago.  "Sige lang. Itawa n'yo lang 'yan. Kabagan sana kayo," sarkastikong pahayag ko bago mariing tinitigan si Lou. "Anong problema mo? Ikaw na nga ang nang-iwan tapos ikaw pa ang parang masama ang loob diyan. May nagawa ba ako sa 'yo?" Hayun na naman ang mapait at sarkastikong ngiti sa mapupula niyang mga labi. "Wala. Wala kang ginawa. Besides, hindi ko naisip na hahanapin mo 'ko nang umalis ako." "Malamang hahanapin kita. You just left me with just a f*****g goodbye. Hindi mo man lang sinabi sa 'kin nang araw na iyon na aalis ka na pala. That you'll leave for good. Ni hindi ka rin kumontak sa 'kin. Hindi mo rin sinabi kung bakit ka umalis. You never get in touch with me." "Dahil ayoko nang magkaroon pa ng kaugnayan sa 'yo." I frowned. "What? Why? Anong kagagahan 'yan?" "Why? Because you're a full-time playboy. Delikado ang mga katulad mo." Pagak akong tumawa. "Malandi ako, oo. Pero, hindi ako playboy. Alam mo ang bagay na 'yan. At ako delikado? Ginawa mo pa 'kong masamang tao. 'Yung totoo? Ano ba talagang problema mo? Bakit parang galit na galit ka sa 'kin? Kung may dapat magalit dito, ako 'yon. Ikaw ang nang-iwan, Loukaret." Seriously? Bakit ba parang ang lalim ng pinaghuhugutan niya sa panlalait sa 'kin?  Tumaas ang isang kilay niya at ngumisi nang sarkastiko. "Hindi ako galit. At nang-iwan? Wow. Big word. Baka nakakalimutan mo, Nicanor Mijares at ipapaalala ko lang din sa 'yo, ikaw ang sanay mang-iwan at magpaiyak ng mga babae mula noon hanggang ngayon. Kaya ang tawag diyan, karma." Saglit akong natigilan at napatunganga sa bluntness niya. Narinig ko naman ang pagsipol ng mga kaibigan ko. Kung naiba-iba lang ang sitwasyon ngayon, malamang pinagtatawanan na nila ako. Kaso mukhang na-sense na rin nila ang tension sa pagitan namin ni Lou kaya bigla silang nanahimik.  Bago pa man ako makapagsalita, tumayo na siya. "I have to go. May importante pa 'kong gagawin. Nice meeting you, guys." "Same here, Vanessa Lou. See you around!" paalam nila sa kanya. Tumalikod na siya at naglakad palayo. Ang tanging nagawa ko na lang ay sundan siya ng tingin hanggang sa tuluyang makalabas nitong restaurant.  Umismid ako. I'm Nic Mijares. Ako ang hinahabol ng mga babae. I never chased after a girl. Lalo pa at hindi ko naman babae ang dapat habulin. Pero, bull s**t lang talaga! I have this strong urge to chase her. Imbes na sundin ang ibinubulong ng kabilang bahagi ng utak ko, nakapamulsang sumandal na lang ako sa upuan ko. I sighed exasperatedly. "What the hell was that?" hindi ko na napigilang sabihin. Dahil naguguluhan talaga ako sa inaakto ni Lou ngayon. "I think, hindi siya sa mga playboy na katulad mo galit. Mukhang sa 'yo talaga siya galit na galit. May ginawa ka sigurong hindi maganda sa kanya." "Wala!" maagap kong sagot kay Cyprus. "Ang bait ko kaya sa kanya." Patlang at mahabang katahimikan.  Great. Mga tunay ko nga silang kaibigan. Dama ko ang suporta nila, puno ng sarkasmong bulong ko sa sarili ko. Nang-iinsultong tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. "'Wag kang magbiro nang ganyan. Kahit siguro sabihin mo 'yan kay Lou mo, agad niyang itatanggi ang bagay na 'yan. Wala kasi sa hilatsa ng pagmumukha mo na gagawa ka nang mabuti." Sinamaan ko ng tingin si Leonne. "Nagsalita ang gagong akala mo naman ay gumagawa nang mabuti." "Ano bang nangyari sa inyo?" tanong pa rin ni Jaiden. "Wala nga!" sagot ko bago muling itinuon ang tingin sa laptop ko. "Wish ko lang meron," nakasimangot na bulong ko na hindi ko alam na maririnig pala nila. "Aish! Ano ba?" naiinis na sigaw ko nang pagbabatuhin nila ako ng chips. "Manyak ka talagang gago ka," sambit ni Kent. "No wonder she left you," Aaron stated. "Dahil karapat-dapat kang iwan." Hindi na ako nakatiis at binalingan ko na nang masamang tingin ang nagsalitang iyon. "Namumuro ka na, Dave! Hindi ko naman talaga alam kung bakit siya galit sa 'kin. The last time we talked seven years ago, we're okay! Although, parang iniiwasan na niya ako noong mga araw bago siya umalis. Pero kung aalis pala siya, sana man lang nagpaalam siya nang maayos. Hindi ko naman siya pipigilan, eh. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon ginawa. Kahit sulat o text man lang, wala siyang iniwan." Another silence. After a few minutes, Dave spoke again. "May dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Alalahanin mong mabuti. Kung hindi mo pa rin maisip, bahala ka na sa buhay mo." At tumayo na siya. "Alis na 'ko."  Sumunod na rin ang iba pa sa kanya.  Naiwan akong nakatitig sa screen ng laptop ko. At hindi ko naiwasang kumunot ang noo dahil sa sinabi niya. May dahilan? Ano naman 'yon? takang tanong ko sa isip ko. Hindi ko rin tuloy naiwasang alalahanin ang nakaraan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD