LOU "What the hell are you doing here?" Nagsalubong ang kilay ko nang mapagsino ang mabungaran ko sa labas ng bahay ko nang ganito kaaaga. It was only six in the morning and yet, Nicanor Mijares was standing in front of me, smiling widely and gorgeously. "Good morning, too. Makiki-kape lang sana," sabi niya. Hindi ko pa man siya pinapatuloy ay kusa na siyang pumasok sa loob ng bahay. I rolled my eyes before closing the door behind me. "Well, come in and feel at home," I said sarcastically. "At walang kape," dagdag ko pa bago sinundan siya sa kusina. "Gano'n ba? Eh, di milo na lang." "Wala rin." "What about hot milk?" "Wala rin." "Juice?" "Wala rin." "Fine. Tubig na lang. Don't tell me wala ka ring tubig dito?" Hindi na 'ko sumagot. Kumuha ako ng isang pitcher ng tubig sa ref