Tres POINT OF VIEW Dahil nabaling ang atensyon ng dalawa sa dumudugong ulo ni Drei ay sinamantala namin ni Blaze ang pagkakataon para atakihin silang dalawa. Malakas ko itong hinampas ng hawak kong tubo ang babaeng may kulay abong buhok. Kanina pa talaga pinapakulo ng babaeng ito ang aking dugo. Masyado itong mayabang kaya naman sisiguraduhin ko na tatanggalin ko ang yabang niya sa katawan. Bumaluktok ang tubo sa lakas ng pagkakahampas ko at mukha namang ininda ng babaeng kaharap ko ang aking naging atake. Tumingin ito pabalik sa akin at matalim akong tinignan. Nakalabas ang mga matatalim na pangil nito at ang itsura nito ay nais lumapa ng anomang oras. Tama ganito nga sila kasabik sa dugo ng isang tao. Para bang hindi sila nakakain ng ilang taon sa oras na makaamoy sila ng dugo. Wala s