Steph POINT OF VIEW Nararamdaman ko ang biglang pag init ng paligid. Bakit bigla atang nagbago ang temperatura gayong madaling araw naman. Hindi na rin maganda ang nararamdaman ko tila ba may patibong na naghihintay sa amin sa loob. Dapat ay malamig ang klima ngayon dahil malamig naman ang hangin kapag madaling araw dahil wala pang sumisilay na araw sa kalangitan ngunit bakit tila nasa loob kami ng isang oven na sinindihan? Mayroong mali. Nararamdaman ko. Gayunpaman ay pinagwalang bahala ko ito at patuloy na humakbang papalapit sa bahay. Ang mahalaga ngayon ay maging matagumapay an gaming misyon sa pagsasagip kay Zillione. Pumasok kami ng bahay at dahan dahang lumakad. Tahimik ang paligid at wala kang maririnig na kahit anong ingay. Mas delikado ito. Sa tahimik na dagat ay makikita mo