Chapter 5

2001 Words
Hindi malaman ni Amara kung ilang beses niya nang sinubukang ibaon ang ulo sa malambot na unan na kanyang yakap, kaunti na lamang din ay masisigawan niya ang kung sino mang kumakatok at istorbo sa kanyang pag tulog. “Ughhh, ang ingay…” Inis niyang sabi saka lalo pang ibinaon ang ulo sa unan, pilit niya ring tinakpan ang tenga sa pag babaka sakaling sa pamamagitan niyon ay mabawasan kahit paano ang ingay ng mga katok. Sandali pang napangiti si Amara nang tumigil na rin sa wakas ang mga pag katok, pabalik pa lamang sana siya sa pag tulog nang bigla na lamang may kung sinong bastos na humablot sa unan niyang yakap, dahil sa matinding gulat ay mabilis siyang napa upo sa kama saka sinamaan ng tingin ang istorbo. Masamang tingin na agad ring napalitan ng pilit na ngiti nang makitang ang seryoso at inis na inis na mukha ni Mark Xavier Peralta ang bumungad sa kanya. “G-good morning.” Nahihiya niyang sabi, sinamaan naman siya lalo ng tingin nito bago sinulyapan ang orasang naka sabit sa isang sulok ng napaka liit niyang silid. Tingin niya pa nga ay mas malaki pa ang banyo niya sa bahay kaysa rito, gustohin niya mang mag reklamo ay hindi niya magawa, lalo pa at sa tingin niya ay dapat pa siyang mag pasalamat na hindi sa maid’s quarter ang ibinigay sa kanyang silid tulugan kung hindi ang maliit na stock room sa pinaka dulo ng bahay kung saan malapit sa silid ng kanyang boss, speaking of boss… Muli pang nag pilit ng ngiti si Amara sa tila galit na galit niyang boss, palipat-lipat rin ang masama nitong tingin sa orasan at sa kanya. “Good morning? Do you have any freaking idea what time it is now?” Galit na sabi nito. “Eh tiningnan niyo na ho ng paulit-ulit ang oras, bakit niyo pa po ba tinatanong sa akin? Hindi po ba kayo marunong mag basa ng analog clock?” Pilosopo niyang tanong saka piniling huwag nang pansinin ang inis na reaksyon ng kanyang amo sa halip ay ibinaling na lamang ang tingin sa orasan. “Oh ayan ho, alas otso palang po ng umaga, pshhh, remember the three hands of the clock, know which hand represents time, the short hand for hour, long for min-“ “Shut the hell up, I am not stupid, I know how to tell time, Amara. Indeed it is already 8 in the morning, ngayon sabihin mo saakin, matinong gising ba ng katulong iyan?” Halos pasigaw nang sabi ng kanyang amo, muli pang napangiwi si Amara saka sasagot pa sana nang pigilan na siya nito. “Kung mamimilosopo ka lang nanaman, then just shut the hell up and just fix yourself then prepare me some f#cking breakfast, damn, bakit ba katulong ang napili mong pag aplyan ng trabaho gayong mukhang saksakan ka naman ng batugan.” Inis na sabi nito na hindi naman nagustuhan ni Amara. “Na late lang sa first day, batugan na agad sir? Oo na kikilos na, umalis ka na ho rito at mag aayos na ako para po mag luto ng almusal mo.” Masama ang tinging sabi ni Amara sa lalaki na tila hindi makapaniwalang nakuha niya itong sagot-sagutin dahil sa halip na umalis na nga gaya ng sinabi niya ay nanatili lamang itong naka tayo habang masamang- masama pa rin ang tingin sa kanya. “Ayaw niyo pa po umalis?” Naka ngiwing tanong pa ni Amara, ngunit wala pa rin itong sagot. Dahil sa inis ay mabilis siyang kumilos pababa sa maliit niyang kama, walang pakelam na isang sobrang nipis na kulay puting sando lamang ang kanyang suot na kita na yata halos ang kanyang u***g, maging sa suot niyang kulay red na lace panties. Ang kanyang itsura naman ang naging dahilan ng tila mabilisang pagka taranta ni Xavier, agad itong nag iwas ng tingin sa kanya at ang orasan na lamang na piniling tignan. Pilya namang napa hagalpak ng tawa si Amara, saka naiiling na lamang itong tinalikuran. “Ayan, napala, ang sungit kasi…” Bulong niya pa, kinuha namang pagkakataon ng kanyang boss iyon upang mag madaling lumabas mula sa kanyang silid. -- “Nasaan ang iba?” Takang tanong sa sarili ni Amara pag pasok pa lamang sa kusina at walang kahit na sino man lang siyang nakita. “The maids are enjoying their day offs, nanay Unday and the others went to the church, they will be back maybe after lunch, you are alone now, so move, make breakfast. I would like a French toast and coffee, no creamer or sugar, just black coffee.” Walang reaksyon ang mukhang utos sa kanya ni Xavier na bigla nanaman lang sumulpot mula sa kung saan. Hindi naman na ito pinansin ni Amara at inilibot na lamang ang tingin sa kabuoan ng malaking kusina, lihim pa siyang napalunok sabay ang mahinang pag mumura nang mapag tantong hindi niya alam ang gagawin, kung saan mag uumpisa at lalo na kung anong lulutuin. ‘Paano?’ Tanong niya sa sarili bago dahan-dahang kumilos palapit sa napaka laking ref at binuksan ang pinto niyon. Kung ilang minuto na siyang naka tanga sa harap ng naka bukas na ref, hindi alam ni Amara, kamuntik pa siyang mapatalon nang muli nanaman siyang sigawan nang nangungunsumi nang si Xavier. Mabilis siyang napalingon rito at napangiwi nang makitang masamang masama nanaman ang tingin nito sa kanya. “Do you even have any idea what a damn French toast is?” Tanong nito. “Yes, of course I do, sir.” Mabilis niyang sagot dahilan para lalo lamang tumaas ang makapal na kilay ng kanyang boss. “Then what the hell are you doing there? Nag papalamig? Gusto mo diyan na sa loob ng ref tumira?" Bakas ang inis sa tinig na tanong nito sa kanya, sandali namang napa ngisi si Amara sa kanyang boss bago sumagot. “Actually that is a good idea, pwede ba?” Piloso niyang sagot dahilan para lalo pang sumama ang tingin sa kanya ni Xavier. “Walang mararating iyang pamimilosopo mo, Amara. If you want to stay here and work, then do your f#cking job.” Halos pasigaw nang sabi nito, napakamot naman siya ng ulo bago muling inilipat ang tingin sa mga laman ng ref, habang pilit na inaalala kung ano nga ba ang mga sangkap na kakailanganin niya sa pag gawa ng punyetang French toast para sa amo niyang mukhang pinag lihi sa sama ng loob. Ngunit kahit anong pilit niya ay wala talaga siyang alam, bukod sa nasasayang ang kuryente dahil sa kanina pang naka bukas ng ref ay lalo lamang mag huhuramintado si Xavier kapag hindi pa rin siya kumilos. “Eggs! Of course, there’s freaking eggs on freaking French toast.” Tuwang-tuwa niyang sabi bago masayang dinampot ang isang egg tray na naka tanga lang din sa harap niya. Naka ngiti niya pang isinara ang ref at nakuha pang iwagaywas sa harap ng naka simangot paring si Xavier iyon. Wala namang pakealam na nag lakad si Amara palapit sa kitche counter saka nag hanap ng mapag babatihan ng itlog. Matapos sa mga itlog ay saka nanaman siya namroblema kung ano na ang susunod na gagawin, muli pa siyang napatanga bago inis at pabagsag na inilapag muli sa counter ang hawak niyang whisk saka tinapunan ng tingin ang nag mamasid lamang na si Xavier. “Fine, hindi po talaga ako marunong mag luto, I lied to nanay Unday because I really need this job, sorry po.” Kagat-labing pag amin ni Amara kay Xavier, inirapan naman siya nito bago siya nilapitan. “Seriously? Ano ba ang nakita ni nanay Unday sa iyo at sa dinami-dami ng nag a-apply na katulong ay ikaw pa ang napili? At bakit ba katulong ang pinili mong pasukin gayong mukhang wala ka namang alam gawin?” Inis na sabi nito, simple naman itong inirapan ni Amara bago sumagot. “Hindi ko po alam, dapat po ba itanong ko muna kay nanay Unday kung bakit niya nga ba ako tinangap bilang katulong? Baka lang kasi nagandahan lang talaga sa akin iyong matanda, at ako ang mas pinaka malapit sa katulong na model ng lui vuiton na hanap mo.” Mahaba at pilosopo niyang sagot, lalo pang sumama ang timpla ng mukha ni Xavier pinili namang huwag pansinin iyon ni Amara, sa halip ay muling binati ang mga itlog. She knew any minute now, Xavier will already tell her the most hated words of every employee… The cursed YOU ARE FIRED words. Inasahan niya na iyon, sino ba naman ang gugustuhing maging katulong ang isang gaya niya na wala na ngang alam sa gawaing bahay ay nuknukan pa ng kapilosopohan. Ngunit taliwas sa kanyang inaasahan ang ginawa ni Xavier. Tahimik at naiiling na lamang na inagaw nito mula sa kanya ang whisk at inilagay iyon sa isang malinis na pingan bago siya binalingan. “I am hoping that it’s only French toast that you had no idea how to make and that you knew how to do other simple things, to be honest, hindi ko alam kung bakit ka pa nag punta ng manila when you can have the same job as a maid in your province but I am hoping that you will do better next time, sa susunod din bawasan mo iyang kapilosopohan mo, because not only that is not the right way you treat a boss also, it irks the crap out of me. Now get the bread, and watch me make a damn breakfast para sa susunod ay alam mo na.” Mahabang sabi nito, napakagat-labi naman si Amara bago nahihiya itong tinanguan muna bago kumilos. Mabilis niyang kinuha ang ipinag uutos nito saka iyon inabot kay Xavier. Seryosong-seryoso ito habang nag luluto kaya’t hindi niya maiwasang titigan ito at mapangiti. “What? I thought I said you watch what I do, not watch ME while I do it?” Inis na tanong nito sa kanya, mabilis naman siyang umiling bilang sagot. “Are you a chef a too?” Wala sa sariling tanong ni Amara. “No, cooking is just one of my hobbies.” Sagot nito, napatango naman si Amara. “So magaling kang mag luto?” “Well you can say that.” Tipid nitong sagot habang hindi man lang siya tinapunan ng tingin, napa ngisi naman dito si Amara bago muling nag salita. “Magaling ka pala mag luto eh, bakit hindi na lang po ikaw ang mag luto ng sarili mong pagkain at huwag niyo na po akong inuutusan dahil wala ho talaga akong alam sa kusina?” Dahil sa sinabi niya mabilis nanaman siyang sinamaan ng tingin ni Xavier. “What is your job here again?” “Katulong niyo po.” Mabilis niyang sagot, tumango naman ang kanyang boss na masama pa rin ang tingin sa kanya. “Exactly, katulong kita, trabaho mong pag silbihan ako para matuwa ako sa iyo at bigyan kita ng sweldo. Kaya ayusin mo ang trabaho mo.” Inis na sabi nito. “Sungit mo po, nag sa-suggest lang naman eh.” Naka simangot niyang bulong na mukhang hindi naman naka lampas sa pandinig nito dahil mas lalo pang sumama ang tingin nito sa kanya. “Ay sir bawasan niyo ho ang pagiging masungit, ikaw rin mabilis maka tanda ‘yan, kaya pala mukha kayong gurang nang tignan.” Sabi niya pa saka mabilis na umilag nang akmang ihahampas nito sa kanya ang hawak na spatula. “Hm, be thankful you are a woman, kung hindi...” “Eh ‘di thank you po.” Sagot niya saka ngumiti ng ubod ng tamis sa galit nang amo. “I could not hit you, but you know what I can do?” Mapanganib na tanong nito, hindi naman na naka sagot pa si Amara dahil mabilis na itong kumilos palapit sa kanya. “I could do this…” Xavier said, and the next thing she knew, sakop na ng labi nito ang mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD