“Ikaw ba eh sigurado diyan sa trabahong pinasok mo?”
Marahas na napabuntong hininga si Amara nang muli nanamang marinig ang tinig ni Ken, kung ilang beses na siya nitong tinanong ng parehong tanong na iyon ay hindi niya na mabilang.
“Well I don’t know, okay? I really don’t.
I don’t have any idea how to clean or cook or serve anyone, people do those things for me.”
Maarte niyang sagot habang pilit isinasara ang zipper ng kanyang lumang bag.
Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng branded travelling bags na pag aari niya itong bulok na bag ng katulong pa ang ibinigay sa kanya.
“Kung hindi mo alam, paano mong malalampasan ang pagsisinungaling mo sa mayordoma ng bah-“
“I don’t know Ken, pwede ba, stop nagging me, you nag me like my grandfather and it pisses the crap out of me, I told you I don’t know- okay?”
Inis niyang sabi, kung anong ginagawa nito sa kanyang silid ay hindi niya alam,
“Instead of you being like my lolo, will you just take this bag downstairs?”
Utos niya, hindi naman na sumagot pa si Ken at basta na lang dinampot ang bag niya, buong akala ni Amara ay matatahimik na ito ngunit mali siya, napabuntong hininga na lamang si Amara nang muli itong mag salita bago lumabas ng pinto.
“Hindi ba sabi mo laking prinsesa ka, may mga katulong ka kaya hindi ka natuto sa gawaing bahay?
Bakit hindi mo na lang gayahin ang ginagawa ng mga katulong na nag sisilbi sa iyo? Paano ka ba nila pag silbihan?
Paano mo silang itrato- ganon, tingin ko makakatulong iyon ng kaunti.”
Seryosong sabi ni Ken, napaisip naman si Amara, sandaling natahimik saka frustrated na na naupo sa kanyang kama.
“Wala- hindi ko alam kung paano, well they fetch me water, they prepare my bath, they prepare my foods- well they do everything- I ask them to jump off a cliff they’ll do it because they are more scared of losing their jobs than losing their live-“
“Teka nga, ang OA mo na, ang ibig kong sabihin, paano mo sila itrato? Paano ka nila pag silbihan?”
Kamot-batok na tanong pa ni Ken.
“Sinagot ko na, I never really observe, as long as they do everything I want them to do we are good, I ask them to slap me sometimes, which of course they never did so I do it to them, so technically speaking, ginawa ko silang practice-san para maging magaling akong mananampal.”
Seryoso niyang sagot.
“Diyos ko Amara, ganoon kasama ang ugali mo?
Naku kung ganoon ay wala, pupusta akong tatlong araw palang masi-sisante ka agad.”
“I am on top of my game, I lie better than I slap, kaya kong panindigan ang pagiging mahirap na probinsyanang drop out student na kailangan mag trabaho dahil sa hirap ng buhay, you watch and see.”
Naka ngisi niyang sabi bago tuluyang itinaboy si Ken.
--
“Ah miss, bitbitin mo ang bag mo sa loob ng bahay, naroon sina nanay Unday at naghihintay sa iyo.”
Tawag kay Amara ng lalaking nag pakilalang si manong Filipe at siya ring nag sundo sa kanya, lihim pang napairap si Amara bago kinuha ang kanyang bag saka pumasok na sa loob ng mala mansyong bahay.
“Hmmm… this house is even bigger than mine- I wonder who the boss is.”
Satisfied niyang bulong sa sarili habang iniikot ng tingin ang kabuoan ng bahay na napipinturan ng kulay cream.
“So you will be my new personal maid?”
Muntik nang mapasigaw sa gulat si Amara nang may baritonong boses na bigla na lamang nag salita mula sa kung saan, muli niya pang inikot ang kanyang tingin, saka natigilan at napa nganga pa yata nang mahanap ng mata ang gwapong at makisig na lalaking naka tayo sa puno ng hagdan ng bahay.
‘Ohhh la la- he looks… so hot, handsome and young- he’s the boss?’
Tanong niya sa sarili habang hindi na namalayang nakagat niya na pala ang pangibaba niyang labi.
Titig na titig rin siya sa lalaki na mukhang papasa agad bilang model ng men’s underwear na hindi na kailangang interview-hin pa.
‘Oh my Gosh, he’s a total hunk-ruggedly handsome, I think I can already die…
No wait, I sure can’t die yet, I will marry him pa…
And those biceps… holy crap- I will be willing to submit and make him happy every night…’
Tahimik niyang kausap sa sarili.
Natauhan lamang si Amara nang may mag salita sa tabi niya.
“Sir Xavier, siya nga ho ang inyong magiging bagong personal na katulong, ang pangala-“
“Are you drooling over me right now?”
Putol ng lalaki sa sinasabi ni nanay Unday. Mabilis namang nag iwas ng tingin si Amara nang makitang nasa kanya ang atensyon nito.
‘Shocks… even his voice was hot… boses palang maka laglag panty na…’
Mabilis na iwinaksi ni Amara ang isiping iyon, bakit ba tila nagiging manyakis siya?
“Please let the woman introduce herself nay Unday,”
Seryosong sabi ng lalaki, tumango naman ang mayordoma bilang pag sangayon, si Amara naman ay nanatiling tahimik, kung hindi pa siya pag taasan ng kilay ng gwapong lalaki ay hindi pa siya matatauhan.
Tumikhim pa si Amara saka umaktong tila isang teenager na naka salubong sa daan ang crush at maarteng inipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tenga bago nag salita.
“M-my name is Am- Amara, s-sir… you can call me… Amara…”
‘Ano raw? Geez… get a hold of yourself, Amara!’
Saway niya sa sarili bago muling tinapunan ng tigin ang kanyang magiging boss na ngayon ay naka taas pa rin ang kilay habang matamang naka titig sa kanya.
“Very well, Amara. Once you are done drooling over me, like some kind of a pervert, come see me in my office, nanay Unday, can I have a word with you? please come with me.”
Walang ganang sabi ng lalaki saka mabilis na tumalikod, sumunod naman rito si nanay Unday.
Halos nasa kalagitnaan na ng hagdan ang lalaki ay saka lamang rumehistro kay Amara ang sinabi nito.
“No, I- I wasn’t d-drooling over you, I’m really not, sir…”
Malakas ang tinig niyang sabi, tinapunan lamang siya ng malamig na tingin ng lalaki saka ngumisi.
--
Hindi na nag abala pang pagaralan ni Amara ang kabuoan ng opisinang kanyang pinasok- tama nga at maraming magaganda at mamahaling gamit ang naroon ngunit bukod sa hindi naman na bago sa kanya ang ganoong tanawin ay hindi rin siya interesado.
She’s been surrounded by expensive things all her life, nothing in her hot boss’s office interests her anymore, except with the fact that she’s in his office and the fact that she had a little crush on him.
‘Who doesn’t anyway?’
Bulong niya sa sarili saka napangisi.
“You’re here.”
“Aww s**t!”
Gulat niyang sigaw saka mabilis na tinakpan ang sariling bibig nang makita ang lalaking naka upo sa malaking sofa sa isang sulok ng silid.
“I see you have a filthy mouth too.”
Walang reaksyon ang mukhang sabi nito habang mataman siyang tinititigan.
“N-no, sir, just a course of nature… I don’t usually curse…”
Kagat-labing pag tatangol niya sa sarili, tumaas naman ang kilay ng lalaki.
“You seem to be a very good speaker, Amara… you can easily get a good paying job so why choose to be a maid?”
‘Will you at least offer me to sit down first? Bastos rin aba…’
Gustong sabihin ni Amara ngunit agad ding pinigil ang sarili lalo pa at sa itsura pa lamang ay mukhang masungit na ang kanyang boss.
She will bet her 2-month salary that this handsome man does not have a sense of humor.
“Kakarating ko lang ho kasi sa manila sir, wala ho akong sapat na pera para mag hanap ng mas maayos na trabaho.”
Sagot ni Amara habang pasikretong nag pupuyos ang kalooban dahil ito lamang ang unang pagkakataonng sinabi niya ang mga salitang iyon.
Walang pera…
When she used to have thousands of bills in her wallet before.
“Hmm, nanay Unday mentioned that you were a college student, let’s see, if you are good with your job I can send you back to school.”
Walang reaksyon paring sabi nito, lihim namang napa ngiti si Amara, paano nga ba niyang sasabihing ayaw niya nang mag aral kaya’t pinilit na siya ng kanyang lolo Herman na mag umpisa nang mag training sa sarili niyang kumpanya?
“T-thank you, sir.”
Sabi ni Amara, tumango naman ang gwapong lalaki.
“Very well, it is almost dinner, you can see nanay Unday, she will help you settle in, bukas na natin pag usapan ang magiging trabaho mo bilang katulong ko, for the mean time, you take a rest. Makaka alis ka na.”
‘Gee- does this man even know how to smile?’
Muli pang bulong sa sarili ni Amara, saka tinitigan ang gawapong mukha nito- mayamaya pa ay agad nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang lalaki.
“Mark Xavier Peralta…”
Wala sa sariling sabi ni Amara dahilan upang malipat muli ang atensyon sa kanya ng lalaki.
“Yes that is me, do you know who I am?”
Kunot-noong tanong nito, sino ba naman sa mga myembro ng alta sosyedad ang hindi makakakilala rito?
He’s THE 30-year old successful business man- the youngest multi-billionaire…
“N-no, sir… n-nabangit po ni nanay Unday ang pangalan niyo kahapon.”
Pag sisinungaling ni Amara, tila nakumbinsi naman ito sa sagot niya.
“Alis na po ako, sir.”
Sabi niya saka tumalikod, palabas pa lamang sana siya sa opisina nito nang muli siya nitong tawagin.
“Iniwan ito ni nanay Unday kanina, this will be your uniform.”
Sabi nito saka inabot sa kanya ang isang kulay dark blue na maid’s dress, hindi niya man tignan ay alam niyang mag mumukha siyang si miss Minchin kapag isinuot niya iyon.
Amara hide the disgust in her expression as she accepted the uniform.
“M-my uniform? Christ, looks like someone died in this.”
Naka ngiwi niyang sabi, bakit nga ba hindi niya naisip na bilang katulong ay mag susuot rin siya ng uniform na pang katulong? Unipormeng minsan niya nang ginawang katatawanan sa tuwinang ma pag ti-tripan niyang makipag laro ng dress up sa kanyang mga taga silbi noon, tapos ngayon ay biglang siya naman ang mag susuot.
Who would have thought?
“Yes, may problema ba?”
Halos mag salubong ang makapal na kilay na tanong ng kanyang boss, mabilis naman siyang umiling bilang sagot.
“W-wala ho, just the design of this uniform…”
Wala sa sarili at maarteng sabi ni Amara dahilan upang lalong mag salubong ang kilay ng kanyang boss.
“Did you choose the design of this sir? I mean no offense, but even Jesus wouldn’t caught dead in half with this stuff.”
Sabi niya pa.
“Well would you rather stay naked then, Amara? Because trust me, I will like it even better.”