Maricris POV
Kinabukasan ay humango ako ng kaunting gulay sa palengke na pwede kong itinda sa gilid ng kalsada, kailangan ko ngayon ng extra income dahil buntis ako. Hindi matugunan ang pagmamahal na sinasabi ni Skyler sa akin kaya maaga pa lang kanina ay umalis na ako upang iwasan siya. Nabigla ako sa ipinagtapat niya. Kaya pala ganuon na lamang ang pinapakita niya sa akin nuon at pati kung paano niya ako ipagtanggol sa iba ay dahil mahal niya ako. Bakit hindi ko man lamang naramdaman na mahal niya ako? Marahil ay dahil sa sobrang pagkabaliw ko kay Sammy na niloko lang naman ako.
"Miss paninda mo ba 'to? Magkano 'yang mga gulay na 'yan?" ani ng isang magandang boses na pumukaw sa malalim kong pag-iisip. Nagulat ako ng napatingin ako sa kanila, sobrang gaganda nila at ang mga kasuotan nila ay tila ba sila 'yung mga babaeng napapanuod ko sa tv at mga babaeng modelo na nababasa ko sa magazine. Hindi agad ako nakapagsalita, tumingin pa nga ako sa kaliwa't kanan ko dahil baka naman hindi ako ang kinakausap nila.
"Ako po ba ang kausap ninyo? Sigurado po ba kayo na bibilhin ninyo ang mga ito?" gulat na gulat kong ani. Tumingin ako sa paligid at baka may mga camera na nakatago at isang malaking biro lamang ito katulad ng mga napapanuod ko sa social media na mga videos. Wala naman akong makita kaya muli ko silang tinignan at nagtataka talaga ako kung bakit ang mukhang Barbi na ito ay bumibili ng aking paninda.
"Okay naman ang mga gulay mo, sariwa at mukhang bagong pitas lang. Balak kasi naming magluto ng gulay tapos nakita namin ang paninda mo, ibalot mo na lahat kukuhanin na namin." ani ng isang morena ang kulay na naka dress na hanggang hita lang ang haba na kapag humahangin ay tila ba nakakahalinang pagmasdan.
"Naku mga ate na sobrang gaganda, salamat po at makakauwi ako ng maaga. Tamang-tama po maipag -luluto ko si lola ng tinolang manok kahit tatlong pirasong manok lang ang bibilhin ko. Hindi ako makapaniwala na sa akin kayo bumibili." masaya kong ani sa kanila at isa-isa ko ng inilagay sa plastic ang mga gulay na binili nila.
Inabutan nila ako ng bayad at ng ilalagay ko na ito sa aking pitaka ay may walang pusong humablot ng pitaka ko kaya nagsisisigaw ako ng magnanakaw pero wala namang tumutulong sa akin. Umiyak na ako kaya hahabulin ko na lamang sana ang magnanakaw na 'yon ng pinigilan ako ng mga magagandang babae na kaharap ko.
Sabi nila ay huwag ko ng habulin ang magnanakaw at papalitan na lang nila ang bayad na nanakaw sa akin, sinasama din nila ako dahil mag go-grocery daw sila at tinuro pa nila ang building na pag-aari nila. May kinawayan pa sila duon na yumukod naman ng bahagya sa kanila upang patunayan lamang sa akin na wala daw silang interes na masama. Kung sabagay ano naman ang mapapala nila sa isang katulad ko? Bukod sa mahirap na ay pangit na nerd pa.
Inaya na nila akong umalis para daw makapagluto na daw ako ng tinola para sa lola ko. Nagpakilala ako sa kanila at ganuon din sila sa akin, Tinanong din nila kung ilang taon na ako kaya sinagot ko sila na eighteen na ako at buntis pa ako kaya gulat na gulat sila sa narinig nila. Sabi ko din sa kanila na huwag nilang babanggitin kay lola na buntis ako dahil ayokong malaman niya muna ang tungkol dito.
Pagkarating namin sa aming barong-barong ay nakaramdam ako ng hiya, syempre naman dahil kita naman sa hitsura nila na hindi sila sanay sa ganitong lugar. Pinapasok ko sila at ipinakilala ko sila kay lola. May mga nagpasukang lalaki sa loob ng barong-barong namin at ipinasok ang lahat ng pinamili nilang mga groceries na ikinugalat naman namin, napakarami nito at sabi nila ay para daw ito sa amin at ginagawa daw talaga nila ito taon-taon at ako daw ang mapalad na napili nila.
Hindi matapos-tapos ang pasasalamat namin ni lola sa kanila pero akala namin ay 'yon na ang tulong na matatanggap namin pero laking gulat ko ng muli silang magsalita sa amin.
Sabi nila ay sa isang condo na kami maninirahan ni lola dahil masama daw sa kalagayan ni lola na nakakaamoy ng mabahong basura, kaya daw hindi gumagaling si lola ay dahil duon. Kailangan daw ni lola ng maayos na tirahan at ipapagamot daw nila ito. Nuong una ay todo tanggi ako pero sa tuwing ipinapaliwanag nila sa akin ang kalagayan ng lola ko at nakikita ko naman ang kabutihan ng puso nila ay sino ba ako upang tumanggi sa ganitong uri ng kabutihan na inilalahad sa harapan ko. Pumayag na ako at hinakot na nila ang mga gamit namin maging ang mga groceries na ipinasok nila dito kanina.
Pagkarating namin sa isang mataas na building ay napapanganga na lamang kami ni lola, pumasok ang sasakyan sa isang basement na sa tingin ko ay parkingan ng mga sasakyan.
Hindi nagtagal ay nasa isang silid na kami na napakalaki at napakaganda, Para akong nalulula sa mga karangyaang nakikita namin ni lola. Tinulungan nila ako sa lahat ng dapat kong malaman, lahat kung paano namin gagamitin ang mga bagay na nakikita namin dito. Sobrang bait ng mga taong ito, katulad sila nung lalaking nagtanggol sa akin kay Sammy.
Inabutan nila kami ng pera ni lola at sabi nila ay hindi 'yon bigay, at babayaran ko sila kapag may trabaho na ako na maayos. Hindi matapos-tapos ang pagpapasalamat namin ni lola at iyak lamang kami ng iyak dahil napakabuti ng kanilang puso. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kabutihan upang makamtan namin ang ganitong uri ng pagpapahalaga.
Nagpaalam na sila sa amin at sabi nila ay babalik sila kinabukasan upang kamustahin kami pero bago sila umalis ay binigyan nila ako ng phone at tinuruan pa nila ako kung paano gamitin ito.
Dalawa na tuloy ang phone ko, 'yung isa ay bigay ni Skyler at itong isa naman ay bigay nila. Nang maalala ko si Skyler ay bigla akong napatakbo sa silid ko at kinuha ko ang telepono sa loob ng aking bag. Simpleng telepono lamang ito pero para sa akin ay napakahalaga nito. Napatingin ako sa telepono ko at nakita ko ang napakaraming missed calls ni Skyler. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya pinatay ko na lamang ang aking telepono. Saka ko na siya tatawagan kapag maayos na ang lahat sa akin.
Ano kaya ang sinasabi nila sa akin na pagbabagong magaganap? Hindi ko man naiintindihan pero ngayon pa lang ay nagtitiwala na ako sa kanila. Alam ko na gagawin nila ang lahat upang matulungan ako ng walang kahit na anong kapalit, hindi katulad ni Sammy na pinakitaan ako ng pagmamahal dahil ang kapalit nuon ay ang aking dangal. Naging tanga ako at nagpadalos-dalos ng dahil sa pagmamahal na ito. Hindi sana ako naniwala sa kanya, hindi sana nangyari sa akin ang lahat ng ito.
"Apo, napakapalad mo dahil binigyan ka ng diyos ng bagong mga kaibigan. Naniniwala ako na ginagabayan na tayo ng lolo mo." ani niya at halos maiyak na naman siya. Nilapitan ko si lola at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Lola, pangako po, hinding-hindi na po ako magpapaloko sa Sammy na 'yon, hinding-hindi na po. Natuto na po ako at ang malaking pagkakamali sa buhay ang babago nito sa akin." ani ko sa kanya at isang malaking ngiti ang sumilay sa kanyang labi at niyakap niya ako ng mahigpit.