Chapter 4 -Skyler-

1612 Words
Maricris POV Mahigit isang buwan na ang nagdaan mula ng mamatay si lolo at hanggang ngayon ay sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya. Hindi naman ako sinisisi ni lola, nasabi ko na rin naman sa kanya ang buong katotohanan kung bakit nawala ako ng gabing 'yon. Nuong una ay inakala ko na kasusuklaman ako ni lola pero niyakap nya lamang ako at sinabi niya na magpakatatag ako. Buntis ako ngayon at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko pa nasasabi kay lola ang kalagayan ko dahil ayokong mag-alala siya sa akin. Hindi ko pa kaya ang maging isang ina dahil kahit ako sa sarili ko ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, hindi ko nga mabuhay ang sarili pero ngayon heto ay may dinadala pa ako sa aking sinapupunan. Litong-lito na ako, takot na takot ako tungkol sa sasabihin sa akin ng mga tao. Kung saan-saan na ako nakarating at kung saan-saan ko na hinanap si Sammy pero talagang pinagtataguan na niya ako at hindi ko nga alam kung nalalagi pa siya dito sa Manila o talagang nasa malayong lugar na siya upang makaiwas. Mag-aalas otso na ng gabi, nagpaalam ako kay lola sabi ko rin sa kanya na huwag siyang lalabas ng bahay para hanapin ako dahil uuwi din naman ako saka may kasama naman ako, ang nag-iisa kong kaibigan, ang nag-iisang tao na nagtyatyaga sa kagagahan ko. Tumango siya sa akin kaya lumabas na ako ng bahay at nagpunta na ako kay Skyler, ang lalaking may mabuting puso at kalooban na lagi akong tinutulungan pero madalas ako ang tumatanggi. Ang alam ko ay natagpuan na siya ng kanyang ama, anak daw kasi siya sa labas at nabuntis ng ama niya ang kaniyang ina nuong namamasukan pa ang ina niya bilang katulong at nung namatay ang ina niya ay pinahanap siya ng tunay niyang ama upang ipakilala sa pamilya nito. Kaya nawala siya ng matagal dahil dinala siya ng ama niya sa ibang bansa at tinuruan sa kanilang negosyo. Nandito siya ngayon upang bilhin ang lupang sinasakupan namin, ang lupang kinatatayuan ng mga mumunti naming kabahayan dito upang hindi kami mapalayas sa lugar na ito. "Hahanapin mo na naman ang lalaking 'yon? Ano ka ba naman Maricris, apat na buwan lang akong nawala, nagkaganyan na ang buhay mo! Ang dami ng nangyari sa buhay mo! Pati si lolo nawala sa atin." inis niyang ani sa akin kaya may sumilay na luha sa gilid ng aking mga mata. Napabuntong hininga na lamang siya habang napapailing ng kanyang ulo. "Bu-buntis a-ako, hi-hindi pa alam ni lola. Gusto kong hanapin si Sammy baka panagutan niya a-ako." wika ko sa kanya at kitang-kita ko sa kanya ang pagkagulat at isang malakas na suntok sa pintuan ang bumutas dito. "BAKIT KA NAGPAKATANGA NG GANYAN?!" malakas niyang sigaw sa akin na ikinapitlag ko at tuluyan na akong humagulgol. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya sa dibdib na niya ako tuluyang umiyak. Alam ko naman na magagalit siya sa akin sa oras na malaman niya na buntis ako. Siya lang ang best friend ko na umuunawa sa akin. Siya lang ang kaibigan ko mula ng maliit pa ako, mas malaki ang tanda niya sa akin, eighteen lang ako samantalang siya ay twenty-five years old na. Mula bata ako binubully ako at siya ang naging tagapagtanggol ko, nuon hanggang ngayon. Kinuha niya ang sasakyan niya at nagpunta kami sa building na pag-aari ni Sammy at Si Skyler ang pumasok sa loob upang itanong si Sammy. Nalaman namin na kaaalis lang daw nito at may mga kasama dahil pupunta daw sila sa isang sikat na bar. Inalam din ni Skyler kung saan ang bar na 'yon kaya ngayon ay duon na kami papunta. Pagkarating namin sa bar na sinasabi nila ay nakiusap ako kay Skyler na ako na lang pupunta sa loob, nakita ko kasi ang baril na dinala niya at inilagay sa ilalim ng upuan niya. Ayoko siyang mapahamak dahil batid ko na may katungkulan ang mga grupo ni Sammy dahil nakikitaan ko din siya ng baril, hindi lang isa dahil dalawa lagi ang nakasukbit sa kanyang dibdib sa loob ng coat niya. "Please, nakikiusap ako sa iyo, saglit lang naman ako at babalik din agad ako. Ito na ang huli kong alas, kapag hindi niya ako pinanagutan ay pangako, hinding-hindi na ako magpapakita pa sa kanya, hinding-hindi ko na siya hahanapin at ako na lamang ang magpapalaki sa anak namin." wika ko sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at pagkatapos ay bumaba siya ng kaniyang sasakyan at pinagbuksan ako. Pagtayo ko sa kanyang harapan ay mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin. "Nandito lang ako, kapag may ginawa silang hindi maganda sa iyo ay papatayin ko ang lalaking 'yon." wika niya. Ngumiti lamang ako sa kanya ng mapait at tuluyan na akong umalis ng parking lot. Ang kabog ng puso ko ay parang sasabog. Matinding takot ang nararamdaman ko lalo na ng makapasok na ako sa loob ng bar. Nakita ko sila sa itaas na nagtatawanan kaya nakakaramdam na ako ng matinding pangamba. Nakiusap ako sa mga bouncer na paraanin ako pero ayaw nilang pumayag, bawal daw akong pumunta sa itaas dahil nakareserba lamang ito sa mga may ari at sa mga bisita nila. Nakakagawa na ako ng ingay kaya may isang gwapong lalaki ang nag-utos mula sa itaas na paraanin ako. Nakita ko si Sammy at nakiusap ako sa kanya pero kung ano-anong masasakit na salita ang binibitawan niya sa akin. Lunod na ako sa luha at ang lalaking nasa likuran ko ay may mabuting puso na umaagapay sa akin. "Sa-sabi mo mahal mo ako, nangako ka sa akin na pananagutan mo ako." umiiyak kong ani sa kanya na ikinatawa niya ng pagak. "Sinabi ko lang 'yon, uto-uto ka naman at ibinigay mo ang katawan mo sa akin! Umalis ka na Maricris at baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo." ani niya na ikinadurog ng puso ko. "Buntis ako." wika ko sa kanya, gusto kong makita mula sa kanya kung kahit papaano ay may halaga sa kanya kahit ang ipinagbubuntis ko lamang, kahit na huwag na ako. "So? Wala akong pakialam kung buntis ka!" asik niya at tuluyan ng nagunaw ang mundo ko sa tinuran niya sa akin. Ang puso ko naman ay tila ba may milyong-milyong patalim na unti-unting tumatarak dito hanggang sa tuluyan na itong mamatay. Nagpasalamat ako sa lalaking nagtatanggol sa akin, napakabuti ng puso niya kung sino man siya. "Salamat sa lahat, sa lahat ng kasinungalingan mo. Akala ko ay mabuti kang tao pero nagkamali ako. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko na ipipilit pa sa iyo ang sarili ko at ang magiging anak ko. Sorry po kung minahal kita, sorry kung nagbakasakali ako, sorry kung nagpunta ako dito. Kung saan-saan na kasi ako nagpunta mahanap lang kita. Pasensya na po at hindi na mauulit." wika ko sa kanya at tuluyan na akong tumakbo palabas ng bar at sa halip na puntahan ko si Skyler ay sumakay ako ng jeep at dumiretso na ako ng uwi. Ayoko ng magpakatanga, ayoko ng magpa-uto pa sa kanya. Sapat na ang mga masasakit na salitang binitawan niya sa akin upang matauhan ako. Isang lalaki ang sumabit sa jeep, nakaitim itong t-shirt at nginitian nya ako ngunit nagyuko lamang ako ng aking ulo. Kinuha ko ang teleponong ibinigay sa akin ni Skyler kahapon at nagpadala ako ng mensahe sa kanya na pauwi na ako. Galit na galit siya ng mag reply siya at kahit na anong tawag niya ay hindi ko ito sinasagot. Pagkarating ko sa barong-barong namin ay bumaba na din agad ako at dumiretso na ako sa tahanan namin at pagkakita ko kay lola ay mahigpit ko siyang niyakap at umiyak ako ng umiyak sa dibdib niya. "Apo ko, ano ba ang nangyayari sa iyo ha?" wika ni lola, umiling lamang ako sa kanya at sinabi ko sa kanya na mahal na mahal ko siya at hindi na ako magpapakatanga pa sa kahit na kaninong lalaki. Naging aral na sa akin ang mga nangyaring ito sa buhay ko kaya hindi na ako magpapa-uto pa sa kahit na kaninong lalaki. Napalingon kami ni lola ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng aming barong-barong. "Bakit mo ako iniwan? Anong nangyari?" galit na ani niya at kinuha niya ako kay lola at mahigpit niya akong niyakap. Inalis niya ang salamin ko at pinunasan niya ang mga luha ko. Ilang halik sa noo ko at sa ulo ko ang ibinigay niya sa akin sa harapan ni lola. "Ako na lang ang mahalin mo Maricris, ipinapangako ko sa iyo magbabago ang buhay mo sa akin." wika niya na ikinagulat ko. Hindi agad ako nakakibo sa tinuran niya at napatitig lamang ako sa mukha niya. "Oo Maricris, mahal na mahal kita at kaya kong tanggapin ang lahat ng nakaraan mo. Wala akong pakialam kung hindi mo ako mahal ngayon pero alam ko na darating ang araw na mamahalin mo din ako." wika niya at tuluyan na naman akong umiyak. Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Inangat niya ang aking baba at isang halik ang dumampi sa aking labi kaya nagawa ko siyang itulak ng bahagya. "Hi-Hindi kita mahal, ka-kaibigan lang ang tu-turing ko sa iyo." wika ko sa kanya at hindi na ako makatingin pa sa kanya. "Wala akong pakialam kung hindi mo ako mahal ngayon, matututunan mo rin akong mahalin at ako ang tutulong sa iyo upang kalimutan ang walang kwentang lalaking 'yon." wika niya at hindi pa rin ako sumasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko, umatras ako ng bahagya at tumakbo ako papasok sa aking maliit na silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD