Maricris POV
Ilang linggo ko ng hinahanap si Sammy pero hindi ko siya mahanap. Pinagtataguan na niya ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal ko siya kaya gagawin ko ang lahat mahanap ko lang siya. Nagdesisyon akong pumunta sa building niya upang kausapin siya. Sigurado akong nanduruon lang siya at hindi nagpapakita sa akin. Mabilis akong nagbihis kahit madilim na para lamang makausap ko siya.
Nakarating ako sa building na pag-aari ni Sammy, nagpipilit akong pumasok sa loob kahit pilit akong hinaharangan ni kuyang guard.
"Ineng hindi ka nga pwedeng pumasok diyan, bakit ba ang kulit mo ha?" ani niya sa akin. Umiiyak ako nagmamakaawa sa kanya na kailangan ko lang makausap si Sammy pero pinipilit niya na wala ito dito at nasa club daw niya. Hindi ko alam kung saang club ang tinutukoy niya kaya nagmakaawa ako dito na sabihin sa akin kung saang club ko pwedeng puntahan si Sammy.
"Malapit lang 'yon dito, taluntunin mo lang ang daan na 'yan at sa ikaapat na kanto ay makikita mo ang napakalaking club na may nakasulat na Club of Phoenix, pag-aari niya 'yon." ani ni kuyang guard kaya nagpasalamat agad ako sa kanya at lakad takbo na ang ginawa ko. Wala naman akong pera na pambayad ng taxi kaya nilakad ko na lamang ito kahit na pudpud pa ang sapatos ko.
Nang makarating ako sa isang club ay tinanggal ko ang salamin kong nanlalabo dahil sa walang tigil kong pag-iyak. Pinunasan ko ang salamin ko at muli ko itong isinuot.
Pagkabasa ko ng pangalang Club of Phoenix ay nagmamadali akong pumasok sa loob.
"Ineng ano ba ang kailangan mo at nandito sa club eh bawal ka dito. Wala ka pa nga yatang kinse anyos." ani ng isang magandang babae sa akin.
"Eighteen na po ako, hinahanap ko po kasi si Sammy dahil may sasabihin ako sa kanya." wika ko. Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa at muli akong tinitigan sa aking mukha.
"Kaaalis lang niya, nagbilin lang sa amin na kailangan na may papasok na tatlong babae diyan sa malaking cake box na 'yan para sa bachelors party na dadaluhan niya." ani ng magandang babae kaya napatingin ako sa napakalaking cake box na tinutukoy niya. Hindi ko alam kung ano 'yung tinutukoy niyang bachelors party pero kailangan kong makapasok sa box na 'yan upang makausap ko si Sammy.
"Ate pwede po ba ako na lang 'yung isa?" tanong ko at natawa siya ng pagak.
"Naku miss, 'yang hitsura mong 'yan ay hindi papasa sa mga bilyonaryong 'yon at baka ibalik ka pa dito ng mga 'yon at masesante pa kami." wika niya habang hindi tumitigil sa mahinang pagtawa.
"Kaunting ayos n'yo lang po sa akin magiging okay na din naman po ang hitsura ko, susuotin ko din po kahit na anong ipasuot ninyo sa akin." wika ko pero tumanggi siya kaya nawalan tuloy ako ng pag-asa, napaupo ako sa upuang bakante na nakatapat sa lamesang bilog at naiyak na naman ako. Kailangan ko talaga siyang makausap, gusto kong malaman kung bakit niya ako ginaganito.
Habang nag-iisip ako ng paraan ay may tumawag naman sa babaeng kausap ko at base sa pag-uusap nila ay galit na galit siya sa kung sino man ang tumawag sa kanya. Hindi ko na lang siya pinansin at akma na akong tatayo para umalis na lamang ng tinawag niya ako.
"Kaya mo bang mag two-piece?" tanong niya na ikinagulat ko. Ibig bang sabihin nito ay pumapayag na siya na ako ang papasok sa cake box na 'yon?
"Opo." mabilis kong sagot at kinuha niya ang kamay ko at iginiya niya ako sa loob ng isang silid.
Tinanggal niya ang salamin ko kaya wala na akong nakita pa, malabo ang paningin ko, may nakikita naman ako pero malabo.
"Kaya mo ba ng walang salamin? Lahat ng gamit mo ay ilalagay ko sa paper bag na ito at pagkatapos ng gagawin mo sa party nila ay kunin mo lang 'yan para makapagbihis ka agad at maisuot mo ulit 'yang salamin mo. Ilalagay ko ang paper bag na ito sa loob ng cake box kasama mo." ani niya at tumango ako. Pinagbihis niya ako sa isang pang silid at pinasuot sa akin ang two-piece na may mga kumikinang na bagay at may mga palawit sa pang-ibabang parte. Hindi na ako mahihiya, kailangan ko talagang makausap si Sammy.
Inayusan niya ang mukha ko ng kaunting make-up at pagkatapos ay hinayaan na lang niya na nakapusod ang buhok ko, sabi niya ay okay na daw 'yon dahil mahihirapan siyang ayusin at baka magalit na daw si Sammy dahil kanina pa hinihintay ang cake. Napag-alaman ko din mula sa kanya na hindi makakarating ang tatlong dancer na pinili daw ni Sammy dahil nasiraan ang sinasakyan nila at malayo pa sila. Nagpapasalamat ako at ganuon ang nangyari kaya nagkaroon ako ng pagkakataon. Isinakay nila ang cake na malaki sa isang truck at pagkatapos ako naman ay sa unahan ng sasakyan. Naka robe lang ako at sapatos na pinahiram sa akin nung babae, flat lang dahil hindi ko kaya. Humingi din ako ng dalawang shot ng alak para lumakas ang loob ko. Kailangan ko ito dahil hindi ko alam kung kakayanin kong humarap sa mga tao na ganito ang suot ko.
Pagkarating namin sa lugar ay ibinaba agad nila ang cake sa isang may gulong na bagay at binuhat ako ni kuyang pogi at ipinasok sa loob ng cake. Habang nandito ako sa loob ay hinubad ko ang robe. Naramdaman ko ang pag-andar ng may gulong na bagay kaya napakapit ako sa kahit saan dahil baka bigla akong tumihaya, malaki ang loob nito at kasya kahit apat kami dito.
Huminto ang sinasakyan ko at naririnig ko na ang maingay na musika na pinalitan ng malumanay na awitin. Kinalampag ang cake pero hindi ako lumalabas. May kung anong takot akong nararamdaman dahil ngayon ko narealize na hindi pala ito basta-bastang party lang dahil napakaraming boses ng lalaki ang naririnig ko sa labas kaya matinding takot ang nararamdaman ko. Muling kinalampag ang cake pero hindi talaga ako lumalabas. Narinig ko ang sinabi ng isang lalaki kung nakatulog na daw ba ako. Ipinikit ko ang mga mata at ilang kalampag pa sa cake at napag desisyunan ko ng lumabas. May tama na ako dahil sa alak na nainom ko, kaya pagtayo ko ay halos gumewang na ako at at pagbukas ko ng pinakaituktok ng takip ng cake ay humakbang na ako sa hagdanan na nandito sa loob pero sumabit ang paa ko kaya nahulog ako at buti na lamang ay may sumalo sa akin. Pagdilat ko ng aking mga mata ay nagulat pa ako ng makita ko na si Sammy ang sumalo sa akin at nagbabaga ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
Maingat niya akong naibaba, pero nagsalita na ako bago pa man ako mawalan ng ulirat.
"Sa-Sammy, ma-mahal kita, ma-mahal na mahal k-kita." ani ko at nanlambot na ang aking mga tuhod at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
NAGISING na lamang ako sa isang silid, nakabihis na ako at nakasuot na rin ang salamin sa mata ko. Napabangon akong bigla at tinawag ko agad si Sammy.
"What the hell are you doing, Maricris?" galit na boses ni Sammy kaya napalingon ako sa isang sulok. Nakita ko ang nagbabagang mga mata sa akin ni Sammy pero wala akong pakialam. Mabilis ko siyang nilapitan at lumuhod ako sa harapan niya.
"Mahal na mahal kita Sammy, sabi mo mahal mo ako pero bakit mo ako pinagtataguan?" ani ko habang umiiyak. Tumawa siya ng pagak at pinakatitigan ako. Umalis siya sa harapan ko at naupo siya sa gilid ng kama.
"Umuwi ka na Maricris, huwag mong sirain ang buhay mo ng dahil sa akin. Wala kang mapapala sa akin, nakuha ko na ang gusto ko sa iyo kaya wala na akong pakialam pa sa iyo." ani niya.
"Siguro naman ay sapat na ang perang naibigay ko sa iyo. One hundred thousand ang perang 'yon at pwede kayong magsimula sa malayo ng pamilya mo. Tigilan mo na ako dahil ginamit lang kita at hindi kita mahal." wika niya pero hindi ko siya pinansin. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Sabi mo mahal mo ako, naramdaman kong mahal mo ako Sammy. Huwag mong gawin sa akin ito." umiiyak kong ani pero inalis lang niya ang pagkakayakap ko sa kanya at tumayo siya palakad palabas ng silid.
"Hindi kita mahal at susunod na sundan mo ako ay makakatikim ka na sa akin. Hindi ang isang katulad mo ang seseryosohin ko." ani niya at tuluyan na niya akong iniwang mag-isa. Sumigaw ako ng sumigaw at tinatawag ko ang pangalan niya pero hindi na niya ako nilingon pa. Napaupo ako sa sulok ng silid at niyakap ko ang dalawa kong binti at umiyak ako ng umiyak.
Bakit nya ako niloko? Bakit niya pinaglaruan ang mura kong puso? Galit na galit ako sa ginawa niya pero mahal na mahal ko pa rin siya.
"Sammyyyyy! Mahal na mahal kita Sammy!" umiiyak kong sigaw pero wala na, hindi na talaga niya ako binalikan pa. Ang sakit naman ng una kong pag-ibig. Nagmahal ako ng lubos pero pinaglaruan nya lang ako at kinuha lang sa akin ang aking dangal.
Napatingin ako sa bintana, heto na naman at tanghali na, siguradong nag-aalala na sa akin sila lolo. Pinahid ko ang aking mga luha at
Tumayo na ako. kailangan ko ng umuwi dahil sigurado akong umiiyak na naman si lola.
Pagkarating ko ng bahay namin ay nagulat ako dahil napakaraming tao. Nakaramdam ako ng matinding takot na hindi ko maunawaan at unti-unting naglandasan ang mga luha ko sa aking mukha.
Lahat ay napatingin sa akin, si lola ay nasa sofa at walang tigil na umiiyak.
"Lola..." mahina kong ani. Hinanap ko si lolo pero wala siya dito.
"Apo, ang lolo mo apo, patay na ang lolo mo apo ko." ani ni lola na ikinatigagal ko at napatingin ako sa mga taong naririto sa loob ng bahay namin.
"Ineng, nasagasaan kaninang madaling araw ang lolo mo dahil hinahanap ka at tinakbuhan siya ng van na naka aksidente sa kaniya. Patay na lolo mo ng maisugod sa hospital, mayamaya lamang ay nandirito na rin ang katawan ng lolo mo para iburol." ani ni Tatang Kanor. Ang mga luha ko ay tuluyan ng umagos, ang dibdib ko ay biglang nanikip na tila ba unti-unti na akong namamatay.
"Lolo! Hindi totoo 'yan! Lolooooo!" malakas kong sigaw habang patuloy ako sa pagluha. Halos nagwawala na ako dahil hindi ko matanggap na wala na si lolo at ako ang dahilan kung bakit namatay siya.
"Tama na apo, panginoon ko, tama na apo." ani ni lola pero hindi ko na kinakaya pa ang lahat ng sakit kaya lumuhod akong bigla sa harapan ni lola at humingi ako ng kapatawaran sa kanya.
"Lola, patawarin n'yo po ako lola, hindi ko po ginustong mawala si lolo. Patawarin nyo po ako." umiiyak kong ani habang nakayakap ako sa mga hita niya.
"Apo tama na, hindi kita sinisisi. Tama na 'yan apo ko." ani ni lola habang wala din siyang patid sa pag-iyak. Tinulungan ako ni tatang Kanor na tumayo at niyakap naman ako ng asawa niya.
"Tutulungan namin kayo ineng sa pagpapalibing kung wala kayong pera." ani niya. Umiling ako, may pera ako at gagamitin ko ang perang ibinigay sa akin ni Sammy para mailibing ng maayos si lolo.
Dumating ang kabaong at sa loob nito ay ang nakahimlay na si lolo. Halos panawan ako ng ulirat at walang tigil kong sinisisi ang aking sarili. Kung hindi sana ako nagpipilit na maghabol kay Sammy ay hindi sana mangyayari ito. Mahal na mahal kita lolo patawarin mo po ako.
"Lolo! Lolo ko, patawarin mo po ako." umiiyak kong ani at niyakap ko na ang kabaong ni lolo. sobrang sakit, ang sakit-sakit dito sa puso ko dahil wala na ang lolo ko na nagtatanggol sa akin sa lahat ng taong umaapi sa akin. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Tama na 'yan apo, wala na tayong magagawa. kapiling na siya ng poong maykapal." ani ni lola habang yakap na niya ako.
Niyakap ko si lola, siya na lamang ang natitirang nagmamahal sa akin, gagawin ko ang lahat upang maipagamot din si lola, ang matitirang pera na ibinigay sa akin ni Sammy ay ipang-gagamot ko kay lola upang maresetahan siya ng gamot.
Napatingin ako sa kabaong ni lolo at muli na namang umagos ang aking mga luha.
"Lolo mahal na mahal po kita, mahal na mahal." wika ko at muli kong niyakap si lola ng napakahigpit.