Heaven’s POV
“Aaaaaaaaah!” Kay lakas ng sigaw ko nang makita ang malaking bulto ng katawan ng lalaki sa harapan ko, sa mismong paanan ng kamang kinahihigaan ko.
“Waaaaaaaah!” Nagitla ako at nahinto sa pagsigaw nang sumigaw rin ang lalaki. Sino bang hindi mapapahinto kung mas malakas at mas matinis ang sigaw niya kaysa sa akin? Napatitig na lamang ako sa kanya habang panay pa rin ang sigaw niya, nakapikit ang mga mata at bakas ang takot at kaba sa gwapo niyang mukha. Oo may hitsura siya at napakapamilyar ng kanyang mukha. Hala! Sigaw ko sa aking isipan ng sa wakas ay maalala ko kung sino itong malaking lalaking nasa harapan ko ngayon na panay pa rin ang sigaw.
Kay bilis kong binaba ang mga paa sa sahig at napatayo at nang sinubukan kong lumapit aky kay bilis naman nitong napaatras hindi alintana ang pagtama ng likod niya sa ding-ding ng kwarto. Pinagkrus nito ang magkabilang hintuturo at tinuon sa akin na para bang masamang espirito ako na pilit niyang pinapalayo.
“Wag kang lumapit! Our Father who art in heaven-” nagsimula na siyang magdasal. Akala siguro niya’y multo ako. Bahagya kong tinaas ang magkabilang kamay upang pigilan siya. “No! Do-do- d-on’t you f*cking come near me! I swear!” Sigaw niyang nanatiling nakapikit ang mga mata. Tila takot na tignan ako. Na-iskandalo bigla ang tenga ko sa isang salitang ginamit niya. Patawarin niyo po siya o Diyos ko sapagkat hindi niya alam ang kanyang mga sinasabi. Marahil ay gawa lamang ito ng kanyang takot, paghingi ko ng tawad sa itaas.
Nahinto ako sa paglapit sa kanya. Natatakot rin ako at baka kung ano ang magawa niya sa’kin sa takot na nadarama niya.
“Sorry po, hindi ko po intensyon na takutin po kayo. Tao po ako sa maniwala man po kayo o sa hindi. Hindi po ako multo o masamang ispirito na inaakala po ninyo. Mabuting tao po ako at alagad po ako ng Diyos.” Nahinto naman ito sa pagsigaw matapos kong sabihin ang huling mga salita. Tila ba isa iyong magic word upang mawala ang nararamdaman niyang takot. Dahan-dahan nitong binaba ang mga daliri kasabay ng dahan-dahan na pagmulat ng mga mata niya. Tignan niya ako hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa.
Nakita ko kung paano ruhistro ang gulat at kislap sa mga mata niya nang makita ako at ang naramdaman niyang takot sa akin kani-kanina lamang ay naglahong parang bula. Bakas rin sa mga ito ang pagtataka. Umayos siya ng tayo ngunit ang mga titig niya’y nanatili sa akin, ayaw niyang kumurap o mag-alis ng tingin kahit isang segundo sa ‘kin na para bang isang kisapmata niya’y mawawala ako bigla. His forehead creased, tila ‘di makapaniwala sa nakikita ng mga mata niya.
“You gotta be kidding me?” Sa hina ng boses niya’y nagmistulang bulong ang mga salitang lumabas sa bibig niya ngunit dahil sobrang tahimik sa paligid ay nagawa ko paring mapakinggan ang sinabi niya.
“Humihingi po ako ng pasensya kung sakaling natakot ko po kayo. Humihingi rin po ako ng pasensya dahil nangahas po akong pumasok dito sa loob po ng bahay niyo. Alam ko pong mali ang aking ginawa ngunit wala na po talaga akong ibang mapupuntahan sa islang ito.” Hindi siya umimik. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa paliwanag ko. Nanatili lamang siyang nakatitig sa mga mata ko. Nakakunot ang kanyang noo. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkabigla. Tila ‘di makapaniwala. Halatang wala sa sinasabi ko ang atensyon niya kundi nasa pagtitig sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang ngunit hindi ko lamang pinahalata.
“How did you– No! You’re not real!” Nahinto ako sa pagsasalita ng marinig ang sinabi niya. “Nagpapanggap ka lang na tao. You’re just playing tricks on my mind. Nililinlang mo lang ang isip ko!” Saad niya sabay siksik ng sarili niya sa dingding.
Sa pagkakaintindi ko ay napagkamalan pa rin niya akong multo at nagpapanggap na tao ngunit nawala na yung takot sa mga mata niya at napalitan ng pagkamangha habang titig na titig pa rin sa aking mukha. Hindi ako makapaniwala na sa laking tao niya at sa itsura niya’y naniniwala pa rin siya sa multo.
“I am not. Totoo ako. Tao ako at hindi nagpapanggap lamang na tao.” Mahinahon kong saad sa kanya. Siya naman ngayon ang nahinto sa pagsasalita at mas napatitig pa sa akin ng mas mariin. “Wag kang matakot. Hindi ako multo.” Dagdag ko pa. Dumadalangin ako na sana ay paniwalaan niya ako at pakikinggan. Dama ko rin na hindi siya masamang tao. Ewan ngunit kahit katiting ay hindi ako nakaramdam ng takot at kaba sa kanya. Mas nakaramdam ako ng kapanatagan sa estrangherong nasa harapan ko kaysa sa taong pilit na pinapakasal sa akin ng mga magulang ko.
“What? How— How did you get here?” Tanong niyang tila ‘di pa rin makapaniwala. Mahirap nga naman paniwalaan kung paano ako nakarating dito sa isla lalo at mukhang pribado ang lugar na ito dahil ito lamang bamboo house ang tanging establisyementong nakatayo rito sa isla.
“Kung ipahihntulot mo ay isasalaysay ko kung paano ako napadpad rito sa isla. Hindi ako multo at mas lalong hindi ako masamang tao o magnanakaw. Nais ko lang talaga nang masisilungan,” saad ko na lamang.
“Did you fall from heaven or was it heaven sent you here on purpose?”
“Po?”
“May kamukha ka kasi, dalawa.”
“Talaga? Sino po?”
“Una, mukha kang anghel.”
Natameme ako ng marinig ang sinabi niya habang titig na titig siya sa mga mata ko dama ko. Ilang beses ng may nagsabi sa’kin ng linyang iyon ngunit sa kanya ko lang naramdam ang sinceridad. Kasalanan man sa itaas ngunit nakaramdam ako ng kiliti ng marinig ang sinabi niya. Patawarin niyo po ako Diyos ko.
“Pangalawa kamukha mo yung gusto ng mama kong mapangasawa ko.”
“Po?” Gulat kong tanong.
“Hindi ka nga multo?” Paninigurado niya. Marahan akong umiling. Lumipat ang tingin niya sa kamay ko nang ilapit ko ito sa kanya.
“Pwede mong hawakan ang kamay ko upang makasiguro kang hindi ako multo.” Mula sa kamay ko ay muling napatitig siya sa mga mata ko saka niya dahan-dahan na inabot ang kamay kong nakalahad ngunit nang bahagyang lumapat ang kamay niya sa palad ko’y bahagya akong nagitla ng maramdaman ko ang tila pag-spark ng kamay naming dalawa para akong nakuryente. Hindi ko alam kung naramdaman rin ba niya iyon. Marahan niyang pinisil ang kamay ko. Dama ng palad ko ang kalambutan ng palad niya. Saglit lamang dahil agad ko ring binawi ang kamay ko nang mapansing wala siyang balak na bitawan ito. Matipid akong ngumiti. “Naniniwala ka na ba na hindi ako multo?”
“Hindi pa rin.”
“Ano bang dapat kong gawin para maniwala ka?”
“Smack.”
“Po?” Bahagya niyang tinawanan ang reaksyon ko.
“Biro lang. Naniniwala na ako,” saad niya. Sumeryoso siya ulit at mariin akong tinitigan sa mga mata. Bakas pa rin ang pagkamangha sa mga ito. Tila ang saya niya ng mga mata niya habang nakatitig sa akin. “I love you…” Kumunot ang noo ko sa binitawan niyang salita. Ako ba ang sinabihan niya nun. “God. I love you, God for the beautiful wife– Life! You bestowed on me.” Nakahinga naman ako ng maluwag ng dugtungan niya ang sasabihin. Lihim akong natuwa at mukhang magkakasundo kaming dalawa dahil mukhang relihiyoso din siya.
“Mabuti naman at napaniwala na kitang hindi ako multo.”
“Masyado kang maganda para maging multo at kung sakaling multo ka man, ikaw lang yung multong pinahihintulutan kong dalawin ako araw-araw but I am so glad that you’re not mukhang may pag-asa pa tayong dalawa.”
“Pag-asa? Saan?”
“Pag-asang mas makilala pa natin ang isa’t-isa.” Napatango-tango lamang ako. “So, how did you come here? It looks like we’re destined to meet, or we’re really destined to be together.