Prologue
“Whether you like it or not, magpapakasal ka kay Argus!”
“Hindi ko siya mahal-”
“Ano bang hinahanap mo sa isang lalaki ha, Heaven? Argus is a good looking guy, smart, mabait, magalang, edukado at higit sa lahat nagmula sa marangyang pamilya. Alam kong darating ang araw na matutunan mo rin siyang mahalin. As I can see hindi mahirap mahalin si Argus.” Nais ko sanang sabihin na siya na lamang ang magpakasal dito ngunit ayokong maging bastos sa mga magulang ko. Lumaki akong kay laki ng respeto ko sa kanilang dalawa.
Natigilan ako at napatitig kay mommy. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanilang dalawa na maiintindihan nila na ayaw kong magpakasal na kahit na sinong lalaki? Dahil nangako na ako na iaalay ko ang buong buhay ko sa kanya, sa itaas.
“Mom, dad, since I was a kid, alam niyo na kung ano ang gusto kong maging-”
“Pagiging madre?” Bakas ang disappointment sa mukha ni mommy. “Patawarin nawa ako ng Diyos pero anak naman! Ang ganda mo, nagtapos ka ng pag-aaral mula sa isa sa pinakaprestihiyosong paraalan. Sayang ang pinag-aralan mo kung hindi mo iyon gagamitin at sayang ang pinagkaoob sa iyong kagandahan kung itatago mo lang sa likod ng abito. Naiintindihan kita na nais mong magsilbi sa kanya pero anak, pwede mo naman siyang pagsilbihan na hindi kailangan pumasok sa kumbento,” mahabang lintanya ni mommy.
“Iyon po ang gusto ng puso ko at alam kong iyon rin ang kagustuhan niya para sa akin,” saad ko.
“Paano naman ang kagustuhan namin bilang mga magulang mo? Hindi ba pangalawang utos niya ay igalang at sundin ang iyong mga magulang? Paano mo siya pagsisilbihan kung sa pangalawang utos niya’y nilabag mo na siya,” I couldn’t believe what came out from his mouth.
“Mapag-unawa siya mommy. Maiintindihan niya ako lalo at ang maglingkod sa kanya habang buhay ang kapalit ng ‘di ko pagsunod sa kagustuhan niyo-”
“Buo na ang desisyon namin ng Mommy mo,” natigil ako sa pagsasalita ng lumakas ang boses ni Daddy. Nagitla ako ng malakas niyang hinampas ang dalawang palad sa ibabaw ng lamesa sabay tayo. Dama ko ang nararamdaman niyang galit para sa akin. “Magpapakasal ka kay Argus kaya itigil mo iyang kahibangan mo,” pinal na saad ni Daddy. Naiiyak na ako. Unti-unti ng nangingilid ang mga luha sa mga mata ko. Ang bigat sa pakiramdam na sarili kong mga magulang ay walang paki sa nararamdaman ko, sa gusto ko at sa kung anong nais ko.
“Hindi isang kahibangan ang pag-alay ng buong buhay sa kanya dahil sa una't sapul siya ang nagbigay sa atin ng buhay. Patawad, itakwil niyo na po ako ngunit hindi kailanman ako magpapakasal kayArgus o kahit na sinong lalaki. Ipagpapatuloy ko po ang pagiging madre. Sa pagbalik ko sa kumbento ay manananata na po ako. Mawalang galang po sa inyo, Mommy, Daddy, aalis na po ako,” saad ko sabay talikod at humakbang patungo sa pinto ng opisina ni Daddy.
“Heaven! Wag kang bastos! Hindi pa kami tapos-” Sigaw ni Daddy.
“Darling?!” Kay bilis kong napalingon pabalik sa mga magulang ko ng marinig ko ang malakas na sigaw ni mommy. Agad na dumako ang tingin ko kay Daddy na hawak ang kanyang puso at namimilipit. Napatakbo ako pabalik sa kanya upang alalayan siya.
“Daddy, what’s wrong-”
“This is all your fault! Pinapasama mo ang loob ng ama mo! Kung may mangyaring masama sa Daddy mo kargo de konsensya mo ito lahat!”
“Mom…” Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko sa tinuran ni mommy.
“Anong iniiyak-iyak mo dyan! Magtawag ka ng tulong!” Singhal ni mommy sa akin. Pagkasabi ay tumakbo na ako palabas upang tawagin ang mga body guards ni Daddy ng matulungan isakay sa sasakyan at madala sa hospital si Daddy. “Darling?” Rinig ko pang tawag ni mommy kay Daddy. Mas lalong pumatak ang mga luha sa mga mata ko ng marinig ko ang pagkabasag ng boses nito. “Tulong!” Sigaw nito. “Darling, oh please, wag mo ong iiwan! Tulong!”
Nakita ko na lamang ang sarili kong nakatayo sa harapan ng nakasaradong higanteng pintuan ng simbahan, suot ko ang aking trahe de boda. Namumugto ang mga mata ko dahil walang tigil ako sa pag-iyak habang humihingi ng kapatawaran sa kanya. . Kung saan malamang naghihintay na si Argus. Siya ang kababata kong kasabay kong lumaki. Bata pa lang kami pinagkasundo na kaming dalawang ipakasal. Hindi ito ang pinapangarap ko. Sa panaginip ko’y naglalakad ako habang suot ko ang uniporme ko sa kumbento at hindi ang aking trahe de boda habang nakatingala sa kanya, nakangiti at masaya ang puso kabaligtaran ng nararamdaman ko ngayon. Pumayag akong magpakasal dahil ayokong muling bigyan ng sama ng loob si Daddy at baka hindi na ito muling makarecover pa kung sakali.
At nang dahan-dahan na bumukas ito ay sinimulan ko na ang paghakbang patungo sa lalaking pakakasalan ko. Kay bigat ng bawat hakbang ko. Labag sa kagustuhan ko ang maikasal sa kung sino man. Nakatingin sa akin ang mga magulang ko habang kay lapad at kay tamis ng mga ngiti. Hindi ko lubos maisip kung paano nila nakakayanan na tingnan akong nakangiti habang umiiyak at miserable. Minsan napapatanong ako sa aking sarili, am I really their child.
Ngunit nakailang hakbang pa lang ako ay muli akong napatigil. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang maikasal, una sa lahat sa lalaking ‘di ko gusto. Pangalawa, ayokong makulong habang buhay sa lungkot at pagsisisi dahil tinuloy ko kahit labag sa loob ko. Pangatlo, bakit ako mag-alala sa mararamdaman ng daddy ko kung ang pinipili ko ay ang higit na makapangyarihan sa lahat? Baka pagsubok lamang ang karamdaman ni Daddy upang subukin kung gaano katatag ang pananampalataya ko sa kanya?
Unti-unting nawala ang mga ngiti sa mga labi ng mga magulang ko at napalitan ng pag-aalala sa aking pagtigil. Muli ay pumatak ang luha sa mga mata ko kasabay ang mahinang usal ko. “I’m sorry, mom, dad…”
“No! No, Heaven, anak! Please don’t do this!” Nagmamakaawang saad ni mommy.
Pagkasabi ko’y tumalikod ako at mabilis na tumakbo. Narinig ko ang pagsigaw ng mga magulang ko kasabay ng ugong ng mga tao. Tumakbo ako palabas ng gate ng simbahan at pumara ng taxi.
“Manong, alis na po tayo, pakibilisan, po!” Pinaghugpong ko ang mga palad at mariing dumalangin sa kanya. Humingi ako ng patawad at gabay.
Lumipas ang mga buwan. Ilang linggo na lamang ay ang pamamanata ko na. Nagpakalayo-layo ako at hindi na muli pang umuwi sa mga magulang ko. Alam kung laman ako ng balita kaya pinili kong manirahan sa bundok kung saan salat sa teknolohiya. Tinulungan ako ng isa sa mga superyora ng kumbenton na pinagsisilbihan ko ng ilang taon at siya ang nagdala sa akin dito sa kumbento sa bundok. Naging tahimik ang pamumuhay ko. Minsan ay nakaramdam ako ng pag-aalala kay Daddy kung ano na ang nangyari sa kanya ngunit hindi kailanman ako nakaramdam ng pagsisisi na mas pinili ko ang bokasyon kong maging madre, ang pagsilbihan ang nasa itaas ng buong puso at buong buhay ko. Mas maligaya ako rito. Hindi ko na mahintay ang aking pamamanata.
Nasa kusina ako. Tumutulong sa mga madre sa paghihiwa ng sangkap para sa lulutuin naming lugaw. Magpapa-feeding ulit kami sa mga tao ng buong sitio. Nakagawian na namin ito linggo-linggo.
“Heaven, may lagnat si Cristel, pwede bang ikaw na lang muna ang sasama sa akin bumaba sa bayan upang bumili ng tinapay? Kulang na kasi ang i-se-serve natin ngayong gabi,” saad ni Superyora Agnes.
“Sige, po, walang problema po,” saad ko at agad na ang hugas ng kamay.
Tatlumpung minuto ang biyahe lulan ng service na lumang L300 ng kumbento pababa sa bayan. Sabay na bumaba kami ni Superyora mula sa likod ng sasakyan at tinungo ang suki naming bakery.
“Magandang hapon po, Sister Agnes, Sister Heaven,” bati sa amin ng tindera.
“Magandang hapon din sa iyo, Joy!” Sabay na bati namin sa kanya. “Pabili kami ng isang daang pandesal para sa feeding mamaya,” saad ni Superyora.
“Sige po,” saad nito.
Nagkwekwentuhan kami ni Superyora habang hinihintay namin matapos i pack ni Joy ang order namin. Naagaw ang atensyon ko ng may humintong magarang kotse sa kabilang kalsada kasabay ng pagsibabaan ng mga nakaunipormeng mga lalaki. Tila mga bodyguards. Their uniforms are familiar ngunit ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng mula sa likod ay ang pagbaba ni Argus.
“A-argus,” utal kong saad. Agad na tumahip ang kaba sa dibdib ko. Napalingon din si Superyora.
“Hala, ‘di ba siya yung ikakasal sa iyo?” Agad kong hinila si Superyora upang magtago.
“Kailangan kong umalis, Superyora, patawad dahil baka kung makita niya muli ako ay hindi na ako makakatakas pang muli,” naiiyak kong saad.
“Sige-sige, o heto, tanggapin mo,” inipit niya sa kamay ko ang papel na pera. Nakita kong may ilang libo iyon.
“Superyora-”
“Tanggapin mo iyan dahil kailangan o iyan sa pagtakas mo. Sumakay ka ng tricycle ilang minuto lamang ang biyahe papuntang pier, dahil mo rin ito dahil ako ang tatawag sa iyo,” saad niya sabay bigay rin ng keypad phone niya sa akin. “Sige na! At baka makita ka pa! Mag-iingat ka, ha?” Tuluyan na akong naiyak. Mabilis ko siyang kinabig at niyakap. Bago nagmamadaling naglakad papasok sa loob ng palengke. Sa Kabilang exit ako lalabas kung saan may mga nakaparadang tricycle.
Naging matagumpay akong nakabili ng ticket at nakasakay sa barko. Bitbit ko ang rosaryo sa isa kong kamay habang nakaupo. Dumadalangin na sana ay tuluyan muli akong makalayo kay Argus at gabayan niya ako. Tila nabunutan ako ng tinik ng sa wakas ay nasimulang maglayag ang sinasakyan kong barko, magtatakip silim na. Kung saan ako tutungo yun ay ‘di ko alam.
Mahigit thirty minutes ng naglalayag ang barko. Madilim na rin sa labas. Kampante na akong nakaupo dahil alam kung malayo na ako kay Argus. Hindi na muli nila ako mapipilit na maipakasal sa kanya.
“Boss, si Ma’am Heaven!” Kay bilis kong napalingon sa kaliwang bahagi ko ng marinig ang pangalan ko. Napatayo ako ng magtama ang mga mata namin ni Argus bago pa man siya makalapit ay tumakbo na ako.
“Diyos ko, ako po’y patuloy na nananalig po sa inyo. Kung ano pong nais niyong ipagkaloob ay susundin ko po,” patuloy lamang ako sa pagtakbo habang habol nila ako hanggang sa marating ko ang dulo ng barko. Kay dilim ng paligid. Wala akong makita dahil sa gitna na kami ng laot. Wala na akong matatakbuhan pa ngunit mas isa pa akong paraan upang makatakas sa kanya ngunit tiyak na ikapahamak ko iyon lalo at hindi ako marunong lumangoy pero mas gugustuhin ko pang mawala kaysa ipakasal ako sa taong ‘di ko mahal para na rin nila akong binawian ng buhay at buo ang pananampalataya ko na 'di niya ako pababayaan.
Narinig ko na ang palapit nilang mga yabag. Mabilis naman akong umakyat sa railings ng barko.
"Diyo ko, kasalanan man ang kitilin ang aking buhay pero ito na lang po ang tanging paraan para tuluyang makalayo kay Argus. Ikaw na po ang bahala sa akin. Patawarin niyo po ako sa aking gagawin."
“Heaven, wag! Ganyan ba ka laki ang pagkadisgusto mo sa akin at mas pipiliin mo pang mamatay kaysa maikasal sa akin?” Rinig kong sigaw ni Argus. Narinig ko ang sunod sunod na paghinto ng mga kasunod niyang mga yabag. “Wag, please! Mahal lang talaga kita, Heaven-”
“‘Di kita maintindihan, mahal mo ako pero ‘di mo kayang respetuhin ang gusto ko,” saad kong hindi tumitingin sa kanya. “Mahal mo ako ngunit 'di mo ako kayang palayain? Ang tunay na nagmamahal nagpaparaya hindi sakim, Argus,” madiing saad ko.
“Matutunan mo rin akong mahalin-"
"Kailanman hindi matuturuan ang puso. Nanumpa na ako Argus. Sa kanya ko lang iaalay ang buong buhay ko at hindi sa sinumang lalaki," pagkasabi ko'y mabilis akong tumalon mula sa barko.
"Heaven, no!" Dinig ko pang sigaw niya.
Agad kong naramdaman ang sakit dahil sa lakas ng impact ng pagkakalgapak ng katawan ko sa tubig. Pumailalim ako ngunit pinilit kong lumangoy at iahon ang sarili ngunit dahil hindi ako marunong ay nahihirapan akong umangat. Unti-unti nang nawawala ang paghinga ko, tila may humihila sa akin pailalim. Kay rami ko na ring na inom na tubig. Sinubukan ko pa rin kahit na hindi naman ako umuusad hanggang sa makaramdam na ako ng pagod at tuluyang naubos ang hangin ko sa katawan. Pinikit ko ang mga mata. Tinanggap ko na lamang ang aking kapalaran kung hanggang dito na lamang ang aking buhay ay may ngiti akong mamamaalam sa mundo dahil nagawa kong ipaglaban ang nais ng aking puso…Higit sa lahat ang pagmamahal ko sa kanya… Sa puong may kapal.
Hanggang sa tuluyaang nawala na ang aking paningin.
Napaubo ako ng malakas ng magising ako. Basa ang buo kung katawan, nakadapa ako sa buhangin na may tubig habang dama ko ang init na tumatama sa aking pisngi at balat. Tuluyan akong nagising ng hampasin ang mukha ko ng alon.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ngunit muling napapikit at napaubo sa muling paghampas ng alon sa aking mukha. At nang makahuma ay dahan-dahan kung binangon ang sarili. Umupo ako sa buhangin, basang-basa ang buong katawan ko.
Saka ko lang napansin kung saan ako dinala ng alon. Ginala ko ang tingin sa paligid. Kay tahimik, wala akong ni isang taong nakikita. Isa siyang isla ngunit kay ganda niya para siyang paraiso.
Napangiti ako at napatingala. Buhay ako! Binuhay niya ako! Muli ay iniligtas niya ako sa kapahamakan. Totoong napakalakas ng tunay na pananampalataya.
"Maraming salamat, o diyos ko!" Malakas na saad ko.
Tumayo ako at muling ginala ang paningin sa paligid upang mas mapagmasdan ang kabuohan ng isla ngunit biglang nahinto ang mga mata ko ng mapadako ang tingin ko sa isang bahay na gawa sa kawayan ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko.
Muli ay napangiti ako. Nabuhayan ng loob dahil may mahihingan ako ng tulong. Kay laki ng bawat hakbang ko palapit sa bahay na gawa ng kawayan.
At nang tuluyang makalapit ay mas humanga ako sa taglay na ganda nito. Hindi ito ordinaryong bahay lamang dahil kay rangya ng disenyo nito. Hindi ako lubos makapaniwala na sa gitna ng isang isla ay may ganito kagandang bahay. Umakyat ako sa tatlong palapag na gawa sa kahoy. Lumapit ako sa pinto at mahinang kumatok ngunit nakailang katok na ako ay walang tumutugon. Tantiya ko'y walang tao sa loob kaya pinihit ko na ang siradura. Nagtaka pa ako dahil hindi iyon nakalock nangahas na akong pumasok sa loob nito.
Mas namangha ako sa ganda ng loob nito. Mas lalong nanalamin ang karangyaan. Kumpleto ito sa gamit at tantiya ko’y lahat ay mamahalin.
"Tao po?" Tawag ko muli ngunit wala pa ring sumasagot. “Tao po!” Nilakasan ko na ang aking boses ngunit wala pa ring tumutugon.
Tiingnan ko na ang bawat kwarto at bawat sulok ng magandang bahay ngunit wala talaga akong nakitang tao. Mukhang wala talagang tao na naririto. Marahil ay bahay bakasyunan lamang ito ng nagmamay-ari ng bahay. Nangi.alam na ako. Malinis naman ang konsensya ko, wala akong intensyong masama. Ang nais ko lang ay makaligo at makapagbihis. Makikain na rin. Babayaran ko na lamang ang lahat sa pamamagitan ng pagsisilbi.
Pumasok ako sa isang kwarto ginala ko ang mga mata sa kabuohan nito. Ang laki at kay ganda sa loob nito. Mas malaki sa kwarto ko sa bahay namin. Ang aliwalas. May pinto ito patungo sa terasa kung saan tanaw ang buong isla. May malaking kama ito sa gitna. May higanteng TV sa paanan nito, naka-centralize aircon. Napadako ang tingin ko sa mga kwadra na nakadisplay. Lumapit ako at tinignan ang mga iyon. Unang dumako ang tingin ko sa mag-asawang may edad na ngunit ngunit bakas pa rin ang taglay na kagandahan lalo na ng babae. Sumunod na dumako ang tingin ko sa group picture ng isang apat na lalaki at pinapagitnaan ang nag-iisang babae at magkakaakbay. Namangha ako ng titigan sila isa-isa dahil sobrang magkakamukha nila. Kambal yata ang lima ngayon lamang ako makakakita ng ganito, limang kambal kamukha nila lahat ang kanilang tatay, ang babae ay hati sa nanay at tatay ngunit may naguumapaw ang genes ng tatay ngunit nagpirmi ang mga mata ko sa lalaki na katabi ng babae. Napatitig ako sa mga mata nito, tila nakita ko na siya noon pa hindi ko lang matandaan kung kailan at kung saan. Sa lahat rin nila ay siya ang may kakaibang mata, kulay asul ang sa kanya. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakipagtitigan sa kanya pilit ko kasing inalala kung saad ko siya nakita. May kung ano sa kanya na ‘di ko mabitaw-bitawan.
Napapikit ako ng matauhan. Napadasal ako ng wala sa oras. Sa tanang buhay ko ngayon lamang ako nagkainterest sa isang lalaki. Napasign of the cross ako at pinagdaop ang aking dalawang mga palad. Napadalangin at humingi ng kapatawaran.
Tinungo ko ang cabinet. Napangiti ako ng makakita ng mga damit pambabae at panlalaki. Kumuha ako ng isang puting malaking t-shirt at Pajama na pambabae. Tinungo ko ang banyo at naligo. Nilabhan ko na rin ang aking damit at binilad sa araw upang matuyo agad at maisuot muli bago pa man dunmating ang may-ari.
Kay sarap na sa pakiramdam ng katawan ko ngayong malinis at tuyo ang damit na suot ko. Nilinis ko ang aking kalat. Pinunasan ko ang nabasa kong sahig. Hindi pa ako nakuntento at nilinis ko na ang buong bahay. Kahit man lang sa ganitong paraan ay maipaabot ko ang aking pasasalamat. Halos Tatlong oras rin akong naglinis.
Nang matapos ay lumabas ako upang tingnan kung tuyo na ang sinampay ko. Napangiti ako ng makapang tuyo na nga ito. Paanong hindi? Kay Taas ng sikat ng araw. Sinuot ko muli ang aking uniporme. Nilabhan ko ang hiniram ko at pinatuyo.
Pumunta akong kusina ng kumalam ang aking tiyan. Tinignan ko ang laman ng cabinet. Natakam ako bigla ng makakita ng de lata. Ayokong magluto at baka magkasala ako at masunog ko itong bahay.
Nang matapos akong kumain ay lumabas ako ng bahay. Pinagsawa ko ang aking sarili sa napakagandang tanawin. Napakabait sa akin ng Diyos at sa lahat ng islang pwede akong mapadpad ay dito pas sa isla na hindi lang may masisilungan kung hindi kumpleto sa lahat.
Tumamabay ako sa labas. Nagbabakasakali na anumang oras ay dumating na ang may-ari ng Bahay ngunit sumapit na ang hapon ay nanatiling mag-isa ako. Bahagya akong nagulat ng isa-isang nagsindihan ang mga ilaw. Namangha uli ako dahil automated ang pagsindi nito.
Nang dumilim ay pumasok ako na ako sa loob. Nakasindi na rin ang iilan sa mga ilaw.
Muli akong kumain, naghugas at naglinis ng kusina. Tinanggal ko sa sampayan ang hiniram kong damit. Dinala ko ito sa loob ng kwarto. Tinupi at muling ibinalik sa lagayan nito. Umupo ako sa kama. Bigla akong napahikab ng maramdaman ang kalambutan nito. Nanunukso ito sa akin.
“Madilim na, siguro naman ay hindi na sila uuwi rito sa bahay,” saad ko sa aking sarili. Dahan-dahan akong puwesto sa gitna. Pinikit ko ang aking mga mata at taimtim na dumalangi bago humiga. Nakatihaya at napakatuwid ng aking pagkakahiga. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at nilagay ko sa aking ibabaw ng aking tiyan. Pinikit ko ang mga mata at tuluyang nagpahila ng antok.
Thirdy’s POV
Gabi na ng dumating ako sa isla. Hinatid ako nina Tatay Tonyo gamit ang pumpboat ng farm ngunit agad lang rin nila akong iniwan. Bit-bit ang bag ko at ang ginamit kong sapatos sa isang kamay ay tinungo ko ang bamboo house. Kay sarap sa paa ang pinong buhangin. Sobrang na miss ko ang isla. Gabi na akong nakarating dahil wala naman akong balak na umuwi sana rito, wala ito sa plano ko.
Simula ng mag-live selling ako ay hindi na bumalik sa dating tahimik ang buhay ko. Naging instant celebrity ako bigla. Kahit saan ako naroon ay natutunton nila ako. Sa penthouse na tinitirhan ko, sa A’choholic, sa kumpanya ko maging ang mga bahay ng mga kaibigan ko na ginagala ko ay natutunton nila. Tila kay raming mga matang nakasunod at nakamasid sa akin. Sa umpisa lang pala ito masaya. Sobrang natutuwa pa ako noon na laging sold out ang mga produkto ko. I earn eight digits per month. Minsan kinukulang pa kami sa stocks. I feel so blessed ngunit lahat ng blessing pala ay may kapalit dahil ng nadadamay na pati ang mga pribadong buhay ng mga malalapit ko sa buhay ay hindi na ako nasisiyahan. Hindi ko na magawang gumala na hindi ako dinudumog ng tao. Lahat ng kilos ko ay binabantayan. Minsan ay nagkakaroon ako ng treat.
All I need now is peace of mind at lumayo sa magulong mundo ng social media at itong isla ang unang pumasok sa isip ko. Kaya gabi ko piniling bumyahi upang makasigurong walang nakasunod sa akin papunta rito. Wala ring nakakaalam sa islang ito maliban sa malapit na kaibigan ng pamilya at iilang katiwala sa farm.
Binagsak ko ang bag sa sofa. Tinungo ko ang kitchen. Binuksan ko ang ref at kumuha ng malamig na tubig. Nag-unat ako ng katawan at napahikap. Mag-a-alas dose na ng gabi kaya nakaramdam na ako ng sobrang antok ngunit bigla itong nawala ng makaramdam ako ng lamig, shuta!
Mabilis akong napalingon sa kaliwa dahil doon nagsisimula ang pag-ihip ang malamig na hangin sa balat ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa braso. Kinabahan ako saglit ngunit paglingon ko’y nakabukas pala ang isa sa mga bintana sa sala. Nililipad nito ang puting kurtina.
Shuta! Tila lilipad ang ispirito ko sa katawan. Ako pa naman mag-isa rito. Lumapit ako sa bintana at sinaradao ito. Muntikan na akong mapasigaw ng biglang may lumabas na imahe sa salamin ngunit naantala ang pagsigaw ko .g makitang masyadong gwapo yung imaheng katitigan ko ngayon. Napangisi ako. “No doubt why bunch of girls go crazy when they see you, gwapo mo, bro,” buong kumpyansang saad ko sa sarili.
Nang maisara ko ang bintana ay tinungo koang master's bedroom. Binuksan ko ang pinto at humakbang papasok. Mabilis na napadako ang mata ko sa ibabaw ng kama, nahagip ng mata ko ang isnag bulto ng katawan na nakahiga sa ibabaw nito ngunit 'di ko pinansin ang nakita at nagpatuloy sa pahakbang.
Hinubad ko ang suot ko pangitaas habang patungo sa banyo ngunit bigla akong napahinto sa paanan ng kama nang ma-realize kung ano ang nakita. Agad na bumundol ang kaba sa dibdib ko. Kay bilis ng t***k ng puso ko. Kay lamig ng kwarto ngunit unti-unting namumuo ang pawis sa aking noo. Hindi ako makagalaw, naeestatwa ako, 'di ko maihakbang ang mga paa. Nanginginig ang mga tuhod at mga binti ko. Mariin akong napalunok nang mula sa gilid ng mga mata ko'y nakita ko ang unti-unting pagbangon nito sa kama. Napapikit ako, naiiyak, nagsisisi kung bakit pinili kong pumunta mag-isa.
"Peace of mind pa more, ayop ka!" sita ko sa sarili. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Lumukot na ang mukha ko at naiiyak na. tinaas ko ang isnag kamay at mariing napakuyom sabay lagay nito sa loob ng nanginginig ang mga bibig ng makitang nakasuot ito ng uniporme ng madre. Nakaupo ito sa ibabaw ng kama at nakayuko kaya 'di ko maaninaw ang kanyang mukha ngunit naglalaro na sa isip ko ang magiging itsura nito lalo at kakanood ko lang ng the nun. Nais ko mang sunigaw ngunit nahihirapan ako. Walang boses ang lumabas sa bibig ko.
At nang dahan-dahan itong nag-angat ng mukha ay hindi ko na napigilan ang sariling mapasigaw lalo at nauna na itong sigawan ako!