Chapter 2

1672 Words
Thirdy's POV “Tangina tol! Aga-aga!” Reklamo ni Uno. Ginising ko kasi. Nakadapa pa ito sa kama, magulo ang buhok at inaatok pa. Maaga pa nga naman. Alas singko pa ng madaling araw. ‘Di ako makatulog. Paano ba makatulog kung yung babaeng ilang taon ko nang hinahanap ay narito kasama ko sa iisang bubong. Ayokong matulog dahil baka pagkagising ko mawala na lamang siyang bigla. Para siyang panaginip– D*mn! Did I really say that? Mabilis kong pinilig ang ulo, Baduy mo ‘tol! “Wag magmura, bad yan, minus 69 ka na agad kay San Pedro,” seryoso ako, mukha lang akong walang kwenta kausap. “Sarap mong sapakin,” dama ko nga yung pagkabwesit niya sa ‘kin. “Ano kailangan mo, bilis!” Inis nitong saad. “Paturo ako yung mag luto ng Batutin,” saad ko. “Ano?” “Batutin!” “Ano yun?” Lukot ang noong tanong nito. “Yung buong manok-” “Patotin!” Bahagya kong nilayo ang mukha sa screen. Sumigaw ba naman. “O yan! Patotin pala yun, e manok yun, dapat manuktin-” “Inuubos mo rest day ko sa walang kwentang usapan! Bala ka dyan-” “Saglit lang ‘tol! This is a matter of life and death-” “Anong pinagsasabi mo?” “Seryoso na ‘ko. Paturo lang ako ng recipe mo ng Patotin. The best kasi yun! Gusto kong lutuin.” “At kailan ka pa naging interesado sa pagluluto, e, dakilang palamunin ka lang naman sa bahay,” sinamaan ko agad siya ng tingin. “Sakit mo magsalita, a!” “Wag mo kong gaguhin, ‘di ka natatablan, sa kapal ng mukha mo-” “Grabe ka na talaga, nasasaktan kaya ako, tumatagos nga sa bone, e.” “Tumatagos mukha mo! Yung mukha mong daig pang bulletproof kahit anong salita ‘di natatablan ng hiya.” “Shuta parang ‘di kapatid. Nagpapaturo lang, ang dami pang sinasabi. Tuturuan mo ako o hindi? ” “Hindi!” “Wala kang heart!” “Gago!” “Magkapatid tayo, Uno! Hindi lang magkapatid, kambal pa! Magkarugtong ang mga puso natin, bituka, atay, balunbalunan– Hello! Uno! Uno! Juan Zachary!” Tawag ko sa kanya ng bigla na lamang naging black ang screen. Tinaob nito ang cellphone. “Uno, pisot!” Wala na talaga itong balak na kausapin ako. “Uno, yung madre na sinasabi ko sayo, narito sa rest house. Gusto ko lang naman lutuan ng patotin, pandagdag puntos-” “Weeeh!” Yung kugtong nagpakita sa screen. “Narito nga sa resthouse. Tulog pa nga lang pero pasekreto akong kukuha ng picture send ko sayo para maniwala ka.” “Ba’t nandyan?” ‘Di niya makapaniwala na tanong. Segundo ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya at umupo sa kama. “Shuta, tinanan mo? Male-lechon ka talagang hayop ka! ‘Di ka talaga makakaakyat kay San Pedro, kung ako minus 69 ikaw minus 100 O10 (ONE HUNDRED OH TIN) kang hinayupak ka! Isauli mo yan! Makukurot ka talaga ni mommy frog sa scrotum!” “Hindi! Hindi ka maniniwala sa kwento niya basta ang tumatak sa utak ko may humahabol sa kanya tas tumalon siya sa barko at napadpad rito. Tingin mo sign na ‘to ‘di ba from up above?” “Hirap nga paniwalaan. Hindi mo talaga yan tinanan?” “Hindi nga!” “Kinidnap?” “Lalong hindi! Ang tawag dito, tinadhana! Ano turuan mo ko?” “Fine!” “Yes! Aylabyo ‘tol!” Kasalukuyang hinihintay ko ang pagtunog ng oven hudyat na luto na ang especial patotin de Thirdy, malamang ako nagluto! Kay Thirdy, kung si Uno yun e ‘di patotin de Uno. Nakaupo ako sa isang high stool sa harapan ng island counter sa kitchen. Nanunuod ako ng sport news sa cellphone ko habang nakahalumbaba. “Hi, Good morning!” Saad ng mala-anghel na boses ni sister. Pumwesto siya sa harapan ko ngunit ng ngitian niya ako bigla na lamang dumausdos pababa yung siko ko muntikan pang tumama ang mukha ko sa counter. Umayos ako ng upo. Shuta, ganito ba talaga pag kaharap ang babaeng mahal nagiging hari ng sablay? “Good morning, sister! Maupo ka muna, malapit na maluto yung ulam,” saad ko. “Nakaluto ka na pala, nakakahiya tuloy. Ang aga mo palang gumising. Sa susunod mas maaga na ako at ako na ang magluluto.” “Wala po yun, sister. Sanay po akong gumigising ng maaga,” nagulat kami pareho ni siter ng biglang may lumagapak sa labas. “Kumidlat yata,” saad nito. Mukhang tutol ang langit sa sinabi ko. “Marunong ka pala magluto?” “Opo sister, hobby ko po magluto. Yung niluluto ko ngayong patutin, basic lang sa ‘kin, yun.” Nahinto ako ng muling may lumagapak sa labas, kumidlat ulit. Napalagok na lamang ako ng tubig sa baso na nasa tapat ko. “Ganun ba? Ang galing naman, sanay ka sa mga gawaing bahay.” “Magsibak ng kahoy,” kidlat! Ngunit ‘di ko na pinansin. “Mag-igib ng tubig,” kidlat. “Maglinis, maglaba, mag-hugas, yun ang daily exercise ko.” “Nakakahanga ka naman. Ang swerte ng mapapangasawa mo.” “Maybahay na nga lang daw ang kulang sa ‘kin, sister.” “Hindi mo pa ba natagpuan?” “Actually, she found me,” saad kong may kahulugan but she didn’t get it. “Can I ask sister?” “Do you love Math?” “Ha?” “Math.” “Ah, Math? Oo, bakit?” Pilyong ngumiti ako sabay lahat ng palad ko sa kanya. “Hi, I’m Math, and you are?” Nakatanga lang siya sa’kin, confused, ganun, mukhang hindi niya nakuha yung pick-up line ko, bobo ba siya? Ay sorry sorry, bro! Aasawahin ko nga pala ‘to. Binaba ko na lang kamay ko dahil ‘di niya pinansin, naguguluhan pa rin siya sa pinagsasabi ko. “Ahm, Heaven,” untag ko sa kanya. “Bakit?” “Do you know that four plus four equals eight?” Muli’y napatitig siya sa’kin. Akala ko ba bawal sa mga kagaya nila ang pagiging judgemental pero ba’t yung tingin niya sa’kin mapanghusga? “Wag mo kong titigan sister, kasalanan yan,” untag ko sa kanya. “Ha? Hindi, nag-iisip lang ako na baka may kasamang logic yung tanong mo,” saad nito. Napakaseryoso naman ni sister. Tanga ka ba? May madre bang joker?, ako lang rin sumita sa sarili ko. Nginitian ko siya. “Actually sister may karugtong yan. Ganito kasi yan,” I leaned my forearms on the side of the table, I pulled myself closer to her and stared at her innocent eyes. “If four plus four equals eight, then, you and I equals fate, don’t you think?” pucha! Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang sarili kong mapangiti sa sarili kong pick up lines. Kaso yung kaharap ko emotionless, ayos, a! Nawala agad ang ngiti ko. Nakatitig lang talaga siya sa’kin, parang batang walang kamuwang-muwang, gawan ko kaya ‘to ng bata, ay! Sorry sorry, bro! “Oo, tama, fate,” na-surpresa ako sa naging tugon niya. ‘Di ko na napigilan muli ang pagkawala ng ngiti ko at mas napatitig ako sa napakaganda niyang mukha. “Talaga sister?” Sunod-sunod na tumango siya at ngumiti. Napahawak ako sa puso ko ng biglang tumalon ito tapos na laglag. “Sister pwede bang pakipulot sa nalaglag,” saad ko. Agad na bumaba ang tingin niya. “Ang alin?” Inosenteng tanong niya. “Ito,” saad ko sabay taas ng oppa finger heart sign ko. Nag-angat siya ng tingin at napatitig sa daliri ko. Muli’y kumunot ang noo niya, shuta mukhang ‘di pa nga nito alam kung anong ibig sabihin ng sign na ‘to. “Ano yan?” Muli ay inosente niyang tanong. “Puso ko, nalaglag sa ‘yo,” nag-expect akong ngumiti siya at mamula pero shuta, tao ba ‘tong kaharap ko? Ba’t ‘di tinatablan ng mga banat ko. Wala man lang ekspresyon ang mukha niya. Binaba ko na lamang ang kamay ko. Medyo napahiya yung p*********i ko ng slight lang naman. “Balik tayo sa fate, sister,” paglilihis ko. “Totoong naniniwala ka na ikaw at ako ay tinadhana?” “Oo, sinandya ng panginoon na dito sa isla ako mapadpad dahil alam niyang may isang katulad mong mabait, maginoo, matulungin at may mabuting puso na handang tulungan ako na walang hinihinging kapalit.” at habang inisa-isa niya ang mga katangian na ginamit sa pagsasalarawan sa’kin parang gusto kong mahiya bigla. Yung maginoo talaga–sorry Bro! “Bago ako tumalon sa barko nasa isip ko ang bible verse na Psalm 121:1-2 I lift up my eyes to the mountains— where does my help come from? My help comes from the Lord, the Maker of heaven and earth. Kaya naniniwala akong galing ka sa Diyos, bigay ka ng panginoon, ikaw ang tulong na ibinigay niya sa’kin,” habang nagsasalita siya nakatitig lamang ako sa kanyang mukha, para talaga siyang anghel. Sobrang bagay sa kanya ang pangalan niya, Heaven, sing ganda niya ang pangalang binigay sa kanya. Nakangiti siya habang nagsasalita, tapos yung boses niya napakamalumanay, ang sarap pakinggan, parang habang nagsasalita ‘di mo mamalayan nakatulog ka na pala sa lambing ng boses niya. “Walang nagkataon lang sa mundo, lahat ay nakatadhana kaya naniniwala ako na nakatadhana tayong magkita kung ano man ang rason ng Diyos ay siya lamang nakakaalam.” Ngumiti ako. Nais ko sana sabihin dalawa na kami ni bro na may alam ng rason, nakatadhana talaga siya para sakin at siya nama’y akin lamang. “Sa ngayon ang alam ko, ikaw ang sagot niya sa panalangin ko,” patuloy niya. “Akalain mo yun sister, pareho pala tayo ng panalangin?” “Ha? Ano bang panalangin mo?” Muli ay napatitig ako sa mga mata niya. “Ikaw.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD