Heaven’s POV
“Ha? Ano bang panalangin mo,” tanong ko.
“Ikaw,” sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko habang ako’y seryosong hinihintay ang karugtong ng sasabihin niya. Nagsimula na ‘kong magtaka ng lumipas ang ilang segundo’y nanatiling tahimik siya pero agad kong napagtanto na baka yung salitang Ikaw, ay hindi sagot kung hindi tanong, baka tinatanong niya ‘ko kung anong panalangin ko, oo ‘yun!
“Ako?” malumanay kong saad sabay turo sa sarili ko. Nakita ko ang pagningning sa mga mata niya. Nakangiting tumango siya.
“Oo, ikaw…” Kumpirma niya. Lihim akong natawa sa sarili dahil sa maling pag-intindi ko.
“Ako, ang panalangin ko, simple lang, ang tuluyang maging isang ganap na madre,” buong pusong sagot ko. Nanatiling nakangiti siya sa ‘kin pero naging pilit yung ngiti bigla o sadyang ganyan lang talaga siya ngumiti.
“Maging madre de pamilya, ayaw mo? Langit rin naman patutunguhan mo sa piling ko, ” sumeryoso siya’t mariing tumitig sa mga mata ko.
Natigilan ako bigla at hindi ako nakasagot agad tila ba nahipnotismo ako sa gawi ng pagtitig niya sa mga mata ko. Ngayon ko mas nasilayan ng husto ang kanyang mukha, napakalapit kasi at maliwanag. Kasalanan man ang humanga ngunit kasalanan rin ang itanggi at maging sinungaling, kay ganda ng features ng kanyang mukha at ang gawi ng paninitig niya, nakakakaba ngunit hindi dahil natatakot ako, hindi ko lang maipaliwanag dahil napakaestranghero sa ‘kin ang nararamdaman ko ngayon. Agad na inihingi ko ng tawad sa Diyos ang nararamdaman ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko yung kabang naramdaman ko’y tila kasalanan.
Napalingon kami pareho ng makarinig ng tunog ng helicopter sa labas ng bamboo house.
“Tang-”
Thirdy’s POV
My forehead creased as my mind recognized the loud noise coming from the horizon. The noise grew louder as it approached the ground.
Mas lalong kumunot ang noo ko ng marinig kong hindi lang isa o dalawa ang pinanggalingan ng tunog, higit pa.
“Tang-” naudlot ang pagmumura ko ng maalala kong madre itong napakagandang babaeng nasa harapan kong titig na titig sa kagwapuhan ko, pwera usog, napatingin siya sa ‘kin. “Tang–Manga, sister, baka lang gusto mo juice may four season tayo sa ref,” palusot ko.
Sa likod ng utak ko’y pinagmumura ko na ang mga hayop!
“Naririnig mo iyon?” Tumayo siya sabay lingon sa pinanggalingan ng tunog. “May inaasahan ka bang bisita?” Tanong niya.
“Saglit lang, Sister, ha at silipin ko muna ‘yung mga hayop-” natigil ako ng kunot noo niya akong nilingon. “Yung bisita, pala,” mabilis na pagtutuwid ko.”
Hindi pa man siya tumango’y mabilis na tumayo na ako’t tumakbo sa harap ng glass wall kung saan tanaw ko ang labas ng bamboo house.
“Theodore! Lumabas ka dyan! Pinapaligiran ka namin!”
“What the h*ck!” Pigil na mura ko’t mahigpit na napahawak sa buhok ko sa tuktok ng makita sa ere ang pitong choppers na papalapag sa buhangin.
Inis kong tinaas ang dalawang kamay, pinandilatan ko sila ng mga mata, my way of telling them what the f*ck they are doing here!
Yung mga hayop may pa-wave-wave pa, habang nakangisi. Napatingin ako kay Uno. Inis na tinuro ko siya.
“Tangina ka talaga, UNO!” I mouthed.
“Good morning, Tres! How was your day?” Nakaradyong bati sa ‘kin ni Rafa.
Kay lakas ng tawa ng mga hinayupak ng ang sinagot ko’y middle finger. Umalingaw-ngaw ang mga boses nila sa speaker ng kanilang mga choppers.
“Good morning, sister!” Bati ni Rain.
Kay bilis kong tinago ang mga daliri kong naka-dirty finger. Paglingon ko sa likod ay naroon na si sister nakatayo habang nakatanaw sa papalapag na mga choppers. Bakas sa mga mata nito ang pagkamangha habang sinusundan ng tingin ang mga ito.
“Anong mukha yan, Theodore?”
“Is that how you welcome your guests?”
Muli’y napalingon ako sa mga disturbong anak ng mga maligno na basta na lamang sumusulpot. My jaw clenched as I placed both my hands on both sides of my waist, I tilted my head and gave them a deadly stare.
“Wala bang pa-fireworks, dyan?”
“O kaya’y banda?”
“Aren’t you happy to see us, brother?” Saad ng traydor na si Uno.
Hanggang sa tuluyang nakalapag ang mga choppers nila. Yung mga gago akala mo kung sinong mga artistang maglakad patungo sa gawi ng bamboo house. Napalingon ako kay Sister. Napamura ako ng makita ang mangha sa mga mata niya habang nakatanaw sa mga malignong papalapit.
“Sister,” Agaw ko sa atensyon niya ngunit tila ‘di niya ako narinig. Upang tuluyang makuha ang atensyon niya’y hinawakan ko ang kanyang baba at giniya ang mukha niya sa direksyon ko. “All eyes on me, Heaven… Seloso ako,” inosenteng napatingin siya sa ‘kin. Natatanong ang mga mata niya, bakas ang kaba sa mga ito.
“M-may sinasabi ka?” Hindi n’ya ba talaga narinig o nagpapanggap na hindi niya narinig. Nang namalayan niyang nakahawak ako sa baba niya’y kay bilis niyang napaatras.
“Can I have a favor? Pwedeng paki-check ng nasa oven,” saad ko.
“H-ha? Sige,” mabilis nitong tango saka tumalikod at umalis.
Mabilis na sinara ko ang kurtina ng glass wall. Kay laki ng mga hakbang ko patungo sa mga pinto, sinarado ko at ni-lock ang lahat ng pwede nilang pasukan. May sa maligno pa naman ang mga lahi ng mga ito, nakakapasok kahit saang butas, shuta!
Nag-ring ang phone ko mula sa bulsa ng suot kong pantalon. I took out the phone and looked at the screen.
Kanton Boy’s calling…
It’s our group chat’s name. Bakit Kanton? Nahilig ang tropa sa dalawang putahe, isa sa canton, ang isa alam niyo na ‘yun.
Nang makakasigurong malayo lang si Sister ay saka ko lang sinagot ang tawag ng mga hinayupak.
“What the hell are you doing here!” Bungad ko kaagad.
“Titikim lang naman ng patutin,” sagot ni Dos.
“Hayop ka talaga, Uno! Traydor!”
Tawang-tawa naman ang mga anak ng maligno.
“Sige na, Theodore, tingnan natin kung pasado ang luto mo,” saad ni Rafa.
“Magluto kayo, t*ngina niyo! Disturbo, p*tek kayo! Mga patay gutom!”
“Kaya pala baliw na baliw ka kay Sister, mukha nga talagang anghel,” saad naman ni Uriel. Napangisi ako, feeling proud.
“Ako pa ba?” Pagmamalaki ko.
“Ta’s ikaw mukhang diablo, ‘d bagay” dagdag pa nito. Tawang-tawa buong tropa.
“Buti pre, buhay ka pa? ‘Di ka nasunog,” kantyaw ni Rain.
“Tangina pre! Nag-uumpisa pa lang lablyp ko pero mukhang tatapusin niyo na, t*ngina niyo! Utang na loob, magsilayas kayo!”