Chapter 4

1148 Words
Heaven’s POV Insaktong paglapit ko sa kusina ay ang pagtunog ng oven. Inabot ko ang nakasabit na ternong pot gloves at sinuot ko ito sa magkabila kong kamay. Lumapit ako sa oven at binaba ang takip nito. Napapikit ako at natakam bigla ng sumalubong sa ilong ko ang nakakatakam na amoy mula sa umuusok na buong manok. Binuksan ko ang ang mga mata. Napangiti ako at hinango mula sa loob ng oven ang manok. Ingat na dinala ko ito sa countertop ng kitchen island. Muling napapikit ako ng manuot sa ilong ko ang bango ng manok. Saglit kong iniwan ang hinango kong manok at tinungo ang pinaglagyan ng rice cooker. Hinubad ko ang pot gloves at binalik ang mga ito sa lalagyan bago ko binuksan ang takip ng rice cooker. Nakapagluto na rin siya ng kanin. Muli’y napangiti ako sa isiping may lalaking katulad pala niya na alam ang mga gawaing bahay. Sa panahon kasi ngayon ay bibihira na lamang ang mga lalaking marunong sa bahay lalo na ang pagluluto. Lihim akong napahanga sa pagiging masipag niya. Tumingala ako at tumingkayad upang maabot ko ang mga kabinet binuksan ko isa-isa ang mga ito. Naghahanap ako ng paglalagyan ko ng kanin. Nang makita ang malaking bowl ay kinuha ko ito saka ko hinango ang kanin. Muli’y dinala ko ito sa kitchen island. Kumuha na rin ako ng mga plato at kutsara. Dinamihan ko na para na rin sa mga bisita— Ano nga ba pangalan niya? Oo nga pala ‘di ko pa kami nakapagkilalang dalawa pero tinawag niya akong Heaven. Hindi ko matandaan na sinabi ko ang pangalan ko sa kanya o baka nasabi ko at hindi ko lang matandaan dahil sa antok ko kagabi. Isa-isa kong nilatag ang mga plato at kubyertos sa countertop at nang matapos ay tinungo ko na ang kinaroroonan ng lalaki upang tawagin at makakain na kaming lahat. Gutom na rin ako, tumutunog na ang tiyan ko. Nagsimula na ‘kong humakbang at nilapitan siya. “Magsilayas kayo mga hayop kayo-” Nahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang malakas niyang boses. Nahinto rin siya ng pag-angat ng mata niya mula sa hawak niyan cellphone ay nagsalubong ang mga tingin naming dalawa. “May mga hayop, rito?” Tanong ko. Napatuwid siya ng tayo. “Oo pito sila nasa labas-” “Labas?” Kuno ang noo ‘kong tanong. “Hayop sa kagwapuhan, sister!” Rinig kong sigaw ng isang tao sa labas. “Pwera, usog, Rafa!” Saad naman ng isa pa. Nakita ko ang pagdilim ng mukha ni Sir, Sir na lang muna ang tawag ko sa kanya since ‘di ko pa alam kung anong pangalan niya. “Tao po, pabukas!” Muli’y nabaling ang atensyon ko sa mga tao sa labas ng marinig ang sunod-sunod nilang katok. “Walang tao!” Sigaw ni Sir. “Hayop ba yan?” “Insekto?” “Unggoy ?” “Igwana?” “Homo sapiens?’ “Habilis?” “Erectus?” Sunod-sunod nilang saad. Nalilito na ‘ko. Naglalaro ba sila? “Zander Ford?” Narinig ko ang malakas na tawanan nila sa labas. “Long Mejia?” Iyong tawa nila nakakadala para silang kinikiliti, nahihirapan huminga, rinig ko pa ang pag-aapiran nila, habang si Sir, nagpipigil sa inis o tawa? “Ano pa ba kamukha niya?” “Nahiya naman 34 million followers ko sa inyo!” Sigaw ni Sir. “Sir, ayaw niyo po silang papasukin?” Singit ko. “Sister, ganyan kasama ugali niyan-” ‘Di na natapos ng nasa labas ang sasabihin ng bigla na lamang buksan ni Sir ang pinto. Nagulat ako ng sabay-sabay silang lumagapak sa sahig dahil sa biglang pagbukas ni Sir, marahil ay ‘di nila inaasahan ang gagawin nito. “Tang-” “Yaw-” “Pist-” “O mga bibig niyo narito si Sister,” saad ni Sir. “Tang-Pinya!” “Yawns!” “Pistacho!” “Hala, okay lang kayo?” Saad ko. Nababahala ako at baka may napuruhan kay lakas pa naman ng lagapak nila sa semento lalo’t kay lalaki nilang mga tao. Napatingala sila sa ‘kin. Namangha ako dahil dalawa sa kanila ay kamukhang-kamukha ni Sir. Napalipat-lipat pa ang tingin ko sa kanilang tatlo. Naalala ko iyong mga pictures sa mga frame na nakadisplay. Dinaluhan naman ni Sir ang mga bisita nito. Nakatingin lamang ako sa kanila. Namumula ang mukha ni Sir na para bang nagpipigil tumawa. “Uy, ingat naman kayo!” Saad ni Sir. “Nasaktan ba kayo? Ipakuha ko na ba kayo sa St. Peter?” “Hayp ka, Theodore!” “Sakit ng balakang ko, shu-shooot!” Reklamo ng isa habang dahan-dahang tumayo hawak ang balakang. “Wawa naman, palibing ka na lang-” mabilis na umilag si Sir ng abutin siya ng lalaki. Isa-isa namang bumangon silang lahat. Tinitignan pa nila ang mga parte ng natamaan saka nila ako binalingan. “Good morning, sister,” nakangiting bati nila sa ‘kin. Sabay-sabay silang yumuko. Napangiti ako dahil ‘di ko inakalang maginoo ang mga ito. “Ako nga pala si Uno,” saad ng isa sa kamukha ni Sir sabay lahad ng kamay niya nagulat ako ng mabilis iyong tampalin ni Sir. “Madre yan, bawal humawak ng kamay ng lalaki,” paalala ni Sir. Agad na nasapo ng lalaki ang kamay niyang natampal ni Sir. “Sakit, parang mas kasamang galit,” reklamo ni Sir. “Mukhang may magpupuasa sa Kanton boys ah! Theodore hanggang canton ka muna, mababarbecue ka talaga ni Lucy,” saad naman ng isa pa. “Hi sister, I’m Zap,” pormal na pakilala ng isa. “Walang nagtatanong, Zap-” nahinto si Sir ng sikuhin siya nito. Namangha muli ako at kamukha niya rin ang dalawa sa kanila. “Rain, sister,” pakilala naman ng isa. “Rafa.” “Uriel.” “Kiro.” “Ian.” Sunod-sunod nilang pakilala. “Sister Heaven, po,” nakangiting pakilala ko sa kanila. “Ah, Heaven…” Sabay-sabay nilang saad sa pangalan ko. “Pangalan pa lang kay bait na,” saad ni Rafa. “Ang Theodore din naman!” Singit ni Sir. “Tunog luma!” Saad ni Kiro. “Pang ataol,” singit naman ni Dos. “Hoy!” Natatawang sayaw ni Ian. “Ano apelyido mo, sister, i-FLAMES ko lang sa Juan Theodore,” saad ni Uriel. “Samahan mo na rin ng HOPE at CANDLE para more chances of winning, hayp ka!” Singit ni Sir. “Sino si Juan Theodore?” Tanong ko. Sabay-sabay nilang nilingon si Sir. Napatingin rin ako kay Sir. Inayos niya ang suot niyang itim na T-shirt kahit wala namang gusot at ngumiti sabay lahat ng kamay niya sa ‘kin. “Juan Theodore Fernandez-” Parehong nagulat kami ni Sir ng sabay-sabay nilang hampasin ang kamay ni Sir. “Bawal yan, madre yan!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD