Chapter 5

2171 Words
Chapter 5 Thirdy’s POV “S’ya nga pala nakahanda na iyong pagkain sa mesa, baka lumamig, kumain na muna tayo. Maagang nakapagluto si Juan Theodore,” malumanay na saad ni Sister. “Shuta, Juan Theodore, amoy baol- aw,” impit ni Uriel ng tamaan ng siko tagiliran niya. “Napaka-pormal naman ng Juan Theodore, Sister, pwede namang baby este Thirdy,” pasimpleng banat ko. “Hoy!” Saway ni Rafa. “Hoy, nagluto raw si Thirdy!” Pasaring ni Kiro. “Marunong ka pala magluto ‘tol-ayay!” impit muli ni Uriel. “Nagluto ka pa la ‘tol!” Sinamaan ko ng tingin si Dos. “Oo, para sa dalawang tao lang,” bara ko. “Marami naman iyon, ipagdasal na lamang natin na magkasya sa lahat, wala namang hindi ibibigay si God kapag taimtim na nagdarasal at humihingi,” Nakangiti niyang saad. Sa tuwing nagsasalita nakukuha niya lagi ang atensyon ko. Ang sarap niyang tingnan, tila bawat binitawan niyang salita tumatama sa dibdib ko para akong nahi-hipnotismo, nakakawala ng stress. Tapos iyong boses niya mala-anghel sobrang bagay sa maganda niyang mukha, nakakaantok, iyong tipong nagsasalita siya’y ‘di mo namalayan nakatulog ka na pala. “Hoy, tulala ka d’yan!” Sita ni Rain. “Patay na patay,” bulong naman ni Uno ngunit wala sa isa sa kanila ang atensyon na kay Sister lahat. “Laway mo tumutulo, pahiran ko-aray naman!” Angil ni Kiro ng mabilis kong hampasin ang kamay niyang hawak ang t-shirt ko upang kunwari pahiran ang laway ko ngunit ang mga mata ko’y nanatili kay Sister. “Kapag ba taimtim kong hingin ka sa kanya ibibigay ka kaya niya?” Wala sa sariling saad ko, kusa lamang iyong lumabas sa bibig ko. Natahimik bigla ang paligid. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya, nagtatanong ang mga itong nakatitig sa ‘kin. Maybe she’s figuring out what I meant. Kaso nakalimutan ko may kasama pala kaming mga maligno. “Ako iyong konsensya, gusto mo bang matusta,” bulong ng demonyong si Uriel sa kaliwa ko. “Hindi ko po alam, your honor,” singit naman ni Dos na nasa kanan ko. “Hoy, shuta!” Mahina lamang ang pagkakasabi kaya tiyak ‘di iyon narinig ni sister ngunit ang mga gago pati ako natatawa. Ramdam ko iyong mga pinipigilan nilang mga tawa. Pahapyaw na umilag ang dalawa ng pasekreto ko silang sikuhin ngunit ang mga mata ko’y nanatili sa kanya. “Kakain na ba, sister?” Untag ni Rain. Nag-alis ng tingin sa akin si Sister at tumango kay Rain. “Ha? Ay, oo! Halika kayo,” aya niya sa mga maligno saka tumalikod. Nang tumalikod si Sister napaluhod ang ilan habang hawak ang tiyan. Nagsiliparan ang mga engkanto ng pinagsisipa ko sila habang tumatawa. Nauna sa hapag si Sister. Sumunod ang mga asungot. Paglapit ko may kanya-kanya na silang pwesto. “Kakapal ng mukha,” mahinang saad ko. Akmang kukuha na sana si Uriel ng kanin. Nagulat ito ng hampasin ko. “Magdadasal pa,” sita ko. “‘Di ba, Sister?” “Oo,” tugon naman agad ni Sister. Nagsi-upuan kaming lahat. Pinikit ni sister ang mga mata niya at nagsimulang magdasal. Ang mga tropa ko naman ay naging seryoso bigla. Mga gago kami ngunit malaki ang respeto namin sa itaas at sa pagdadasal. “Aming Diyos, salamat po sa mga biyayang nasa harapan namin ngayon. Pagpapalain n'yo po ang pagkaing aming pagsasaluhan. Nawa'y magbigay ito ng lakas at kalusugan sa aming katawan. Basbasan n'yo rin po ang naghanda nitong pagkain. Sa pangalan ni Hesus, iyong anak, aming panginoon.” Nagmula ako ng mga mata nakita kong nagmulat rin sila. Nakita kong nag-sign of the cross si Uriel at napalakpak. “Let’s eat-” nahinto ito ng mapagtantong ‘di pa pala tapos si Sister magdasal. Agad itong napatakip sa kanyang bibig, mariing napapikit naman ako muli ng mga mata pati ang ibang tropa, nais kong matawa sa reaksyon niya ngunit naalala kong nagdadasal kami ngunit rinig ko ang mahina at pinipigilang hagikhik ng tropa marahil ay nakita ang ginawa ni Uriel. "Bless us, O Lord, and these, Thy gifts, which we are about to receive from Thy bounty. Through Christ, our Lord. Amen." Patuloy ni Sister. Pagkarinig ko sa salitang “Amen” ay agad akong nagmulat ng mata matapos mag-sign of the cross. Nakita ko ang pamumula ng tropa dahil sa pagpipigil nila ng tawa. “Finally! Let’s eat!” Anas ni Uriel na parang walang ginawang kahihiyan kanina lang. “Mabulunan sana kayo,” mahinang saad nito. Kukuha na sana muli si Uriel ng muling tapikin ko ang kamay niya. “Ano na naman?!” “Lady’s first,” saad ko. Pagkasabi’y nilagyan ko ng kanin ang plato ni sister, sunod kong nilagay ay ang niluto kong patotin. “Salamat, Thirdy.” “Walang anuman, Sister,” nakangiti kong saad. Nakatagilid ako upang tingnan siya. Muli’y nasa kanya lahat ng atensyon ko. “Kain ka na sister,” hinintay ko talagang tikman niya ang niluto ko. “Pasado ba, sister?” “Ang sarap,” alam kong nagsasabi siya ng totoo, bakas iyon sa mga mata niya. “Talaga ba?” “Oo naman, ikaw kumain ka na rin,” aya niya sa ‘kin. “Eat well, sister,” at nang akmang dudukot na ako ng pagkain, yung mga hinayupak ‘di man lang ako tinirhan. Isa-isa ko silang tinignan, walang makatitig sa mga mata ko. Apaka seryoso nilang kumakain, akala mo’y walang pagkain sa kanila, e. “Kukuha na muna pala ako ng maiinom,” saad ni sister at tumayo. “Kain ka na ‘tol,” alok ni Uno. “Kain? Ano kakainin ko, plato? Tinira niyo lang buto at sabaw! Sarap n’yong hampasin nitong mangkok! Langya kayo, ‘di n’yo man lang ako tinirhan!” Pigil na pigil n’yong mura ko sa kanila. “Lablab pa more!” Singit ni Rafa. “May tutong pa naman, lagyan mo lang ng sabaw, solb na ‘yan,” saad naman ni Kiro. “Apaka walangya n’yo, nakachopper pa kayo daig niyo pang patay gutom!” Tumahimik ako ng bumalik si Sister na may dalang Juice. Isa-isa niyang nilagyan ang mga baso ng maligno pero dahil bida-bida tayo, nag-volunteer ulit akong, ako na lang. “Ako na, sister. Kumain na lang muna kayo,” saad ko. “Ha, okay lang naman?” “Sige na, okay lang, akin na,” hindi na siya pumalag ng kunin ko ito mula sa kamay niya. Tumayo ako at isa-isang sinalinan ang mga baso ng mga hinayupak. “Bawal ako n’yan,” nahinto ako sa pagsalin sa baso ni Rafa. “Paki ‘ko,” saad ko. “Strict diet ako, ” may pa strict diet pa ang ayup! “Baka pwedeng water na lang,” saad nito. “E ‘di kumuha ka, putol ka ba?” “Ako na kukuha,” singit ni Sister. “Salamat, sister!” Saad ni Rafa, kapal talaga ng mukha. “Sister!” Nahinto sa pagtayo si Sister at napatingin sa ‘kin. “Ako na, kain ka lang d’yan,” pigil ko. “Ha?” Upang ‘di na siya makapalag ay inunahan ko na siya sa paglapit sa ref habang bitbit ko ang pitchel na may lamang Juice. Kumuha akong isang baso at sinalinan ng malamig na tubig. Bitbit ang Juice at ang isang baso ay lumapit muli ako kay Rafa. “Salamat master,” kay lapad ng ngiti ng ayop. Lumapit ako kay Kiro. “I don’t drink Juice but can I have black coffee,” saad nito. “Sosyal ng accent pero nakikain, kapal,” saad ko. “Magtimpla ka-” “Ako na magtitimpla-” singit ni Sister. “Nokokohoyo nomon!” “Okay lang-” “Ako na sister!” Boluntaryo ko ulit kahit na nabwebwesit na ‘ko. “Nahiya ka pang ayop ka! Sarap mong buhusan nitong Juice,” saad ko. “Mabigat yata loob mo ‘tol,” sinadya nitong lakasan ang boses upang marinig ni Sister. “Ha? Hindi!” “May sinasabi ka-” Nahinto ito sa pagsasalita ng mabilis kong dinampot ang isang hita ng manok at nilagay sa bunganga niya, nanlaki ang mata nito sa ginawa ko. Si Zap halos mabulunan ng makita ang reaksyon ni Kiro. “Kain ka lang dyan, browny,” saad ko sabay haplos sa buhok niya. “Ipagtitimpla kita ng kape. Iniwan ko na sa mesa ang Juice at tinungo ang counter kung saan nakapwesto ang coffee maker. Ginawan ko ng kape si Kiro kaso yung utak ko sinapian kaya imbes na asukal nilagay ko, kalahating laman ng bote ng black pepper. Kala mo ha? Saad ko at lihim na napangisi. Kay lapad ng ngiti ko habang hawak ang kape de paminta ni Kiro. “Here’s your coffee, master!” Masiglang saad ko. Kay lapad ng ngiti ni Kiro. “Yan ang gusto ko sa’yo, pre! Gwapo na! Mabait pa! Ta’s apaka sipag!” Sinadya nitong lakasan ang boses para kuno marinig ni Sister. “Sobra naman pre dapat lowkey lang tayo, humble,” saad ko. “Enjoy your coffee, pre!” Kinuha ko ang pitsel ng Juice at sunog kong sinalinan ang baso ni Zap ‘di ko pa nga napuno ay naibuga sa mukha ni Uriel ang hinigop nitong kape. “Ayp ka, pre!” Reklamo ni Uriel habang pinupunasana ang mukha. “Thirdy, langya ka! Ang sama ng lasa!” “Black coffee ‘di ba? Kaya nilagyan ko ng black pepper!” “Ayp ka talaga!” Matapos kumain, ang mga maligno kanya-kanyang tayo. Muli’y inako ko ang pagliligpit ng makitang liligpitin ni Sister. Seryoso akong nagpupunas ng mesa ng lumapit ang mga maligno. “Iba talaga pagtinamaan, sa bahay nagpapalaki ka lang ng itlog,” saad ni Uno. “Bobo ka ba, may katulong sa bahay, patanggalan mo pa ng trabaho? Alangan naman iasa ko kay sister itong pagliligpit ng kinainan niyo!” Umayos ako ng tayo. “Teka lang, ‘di pa ba kayo magsilayas?” “Ba’t atat na atat kang palayasin kami?” “Sina-sabotage niyo lablayp ko! Tangina n’yo!” Mura ko sabay lingon kay sa gawi ni Sister ngunit ‘di ko na ito makita sa may lababo. “Hala, nasaan si Sister?” “Hala nawala! Pati ang hugasin,” puna ni Rain. Sabay kaming napalingon sa likod bahay ng makarinig ng pingkian ng mga baso. Humakbang ako patungo roon. Sumunod naman ang asungot. Nakita kong seryosong naghuhugas ng pinagkainan namin at pinaglutoan ko si Sister habang nakaupo sa maliit na umpoan kaharap ang isang plangganang hugasin na nakatapat sa gripo. ‘Dito naglalaba ang nag-aasikaso nitong bamboo house. “Sister! Ako na!” Lumapit ako at inagaw mula sa kanya ang hawak niyang baso. Natigil ako ng mahawakan ko rin ang kamay niya habang nakatitig sa mga mata niya. Ang ganda talaga niya lalo sa malapitan. Halikan ko kaya ‘to baka sakaling magbago isip nito. Nagulat ako ng biglang kumulog kahit na kay taas ng sinag ng araw. Napatingala ako sa langit. Mukhang galit si Bro, nabasa yata ang iniisip ko. Naramdaman ko ang mabilis niyang pagbawi sa kamay niya. “Sige, i-ikaw bahala,” nagtaka ako at hindi siya nakipagtalo. “Ako na lang ang mag-aarrange niyan sa cabinet,” saad nito at tumayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. “Ka proud naman this guy!” “Marunong na siyang maghugas, o!” Pumalakpak pa sila. “Kayo pa hugasan ‘ko!” Maangas kong saad nila. Napatitig ako sa hugasin, ang dami pala nila. Sarap umatras ngunit napasubo na ‘ko. Okay lang, nahawakan ko naman kamay n’ya. Okay na ‘ko! Hindi ko alintana ang rami, nakangiti pa nga ako habang naghuhugas kaso iyong mga maligno ayaw akong patahiikin. Lumapit si Rain may dalang baso. “Pasali ako, nauhaw ako bigla,” saad nito sabay lagay ng baso. “Ako rin pahugas na rin nito, naghiwa ako ng mansanas,” saad naman ni Ian sabay hagis ng plastic na chopping board sa hugasin. “Ito rin.” Umilag ako ng ihagis ni Zap sa ‘kin ang hawak nitong malaking tupperware. “Pahugas na rin nito,” halus lumundag ako ng lumagapak sa semento sa tapat ko ang kaserolang hinagis ni Rafa. “Powtah! Hoy!” “Ito rin!” “Ito pa!” “Saluhin mo, Thirdy boy!” Napayuko ako at napaharang ng braso ng sunod-sunod ang pagliparan ng mga kasangkapan sa kusina patungo sa ‘kin kutsara, tinidor, sandok, tray, kabo. “Hoy! Mga hayop! Ipahugas n’yon rin kaya buong bahay! Nahiya pa kayo!” Napatayo na ‘ko, para akong nagtitinikling maiwasan lang ang pinaghahagis nila. “Hoy! Shuta!” Sigaw ko ng ang kasunod na lumipad ay kawali, kaldero, balde, laundry basket, tumaginting ang aluminum na planggana ng tumama ito sa semento. “Hoy!” Sumunod na ang grinder, coffee maker, oven toaster, rice cooker at panghuli ay drum.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD