Teaser 2

1839 Words
“Ayan na, simula na,” saad ko sa mga magulang ko habang nakatingin sa nakaset-up na camera sa harapan namin. Nasa sala kaming tatlo at nakaupo sa mahabang sofa. Nasa gitna nila akong dalawa. “Ano ba ‘to?” Tanong ni Daddy. “‘Di ba sabi ko after college I’ll be independent from you. So I start by applying for a scholarship in Harvard University for my master’s degree,” seryosong saad ko sa kanila. “Wow, ang galing naman ng anak namin,” puri ni mommy sa akin. “Naman!” Bulalas ko. “Ang gawin niyo lang ay makinig sa mga sinasabi ko. It’s all about myself lang naman. I will send the video to Harvard. They will evaluate my video at sa video na ito nakasalalay kung i ga-grant nila ang scholarship ko o hindi,” saad ko. “Wow! Good to hear that, anak! Sige, ngayon pa lang, proud na proud na ako sa’yo,” buong pagmamalaking saad ni Daddy. “Thanks, Dad! This is for you both. Can we start now?” Tanong ko. "Ano pang hinihintay mo? Excited na ako," bakas ang excitement sa boses nito. Pagkarinig ay tumayo ako agad at muling nilapitan ang camera. Pinindot ko muli ang start button at nang matapos ay mabilis na bumalik ako sa kinauupuan ko. Umayos ako ng upo at seryosong napatingin sa camera. “Hi! I’m Juan Theodore Fernandez. I’m twenty-one years old. I’m a Civil Engineering Graduate. I am here with both my mom and dad, Juan Miguel Fernandez,” kumaway naman si Daddy sa camera ng hawakan ko ang isang hita niya. “And this is my mom Addison Eunice Celeste- Fernandez," kumaway rin si mommy sa camera. "I have four siblings. Actually we are quintuplets, namely Uno, Dos, Fourth and Fifth and my nickname is Thirdy. I really need the scholarship because my parents cannot afford to send me to your prestigious school for my master’s degree,” nakita kong napakunot ang noo ni Daddy sa camera. "Naghihirap na tayo, nak?" Mahinang saad niya na hindi pinapahalata sa camera. "Dad, makinig ka lang. Diskarte ko 'to," mahina ko ring saad. Tumikom na man siya agad. Muli ay nagpatuloy ako. “My dad was once a drug addict but now cured-” “Sandali lang! Tigil mo yan!” Nahinto ako sa pagsasalita at bahagyang nagulat sa malakas ang boses ni Daddy habang tinuturo ang camera. “Anong drug addict pinagsasabi mo?” “Dad naman, kailangan kong magpaawa para i grant scholarship ko. Sa tingin niyo kung malaman nila bilyonaryo ama ko i-grant nila scholarship ko?” “Itigil mo na ‘tong scholarship na ‘to kaya kitang ipasok sa kahit na anong eskwelahan na gusto mo kahit na doon ka na tubuan ng puting bolbol, kakaaral,” na highblood na si Juan Miguel. “Daddy, I want to be independent-” “Wag na! Wala akong paki kung aasa ka sa amin habang buhay total nasanay na kami sa kapal ng mukha mo-" "Sakit mo magsalita, Dad," reklamo ko. "Ganyan talaga truth hurts. Kahit matulog ka rito sa bahay buong buhay mo kahit ‘di ka na gumising, okay lang! Shuta naman anak, drug addict talaga? MOO, yung anak mo, oh?” Naghanap pa ng kakampi. Paglingon ko kay mommy namumula na ito sa kakapigil kakatawa. “Tinawanan pa talaga,” reklamo ni Daddy. Kinalma naman ni mommy ang sarili niya. Pinunasan nito ang luha dahil sa kakatawa sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata. “Hayaan mo na anak mo para naman matuto sa buhay. Hindi yung umaasa na lamang sa atin. Hindi ka ba masaya na nais niyang maging independent kahit na kaya natin ibigay ang karangyaan sa kanya? Ano bang maranasan din niyang pagsikapan ang bagay na gusto niya?” “Kahit na ginawa akong drug addict?” “Daddy, WAS ONCE A DRUG ADDICT AND CURED, ang sinabi ko Dad. Ibig sabihin nagbagong buhay ka na. Kapag nakita ng taga Harvard itong video nating ‘to maaantig ang mga puso nila sa istorya ng tatay ko at hahangaan ka nila,” paliwanag ko. “Shuta, parang utang na loob ko pa yung pagiging drug addict ko,” nais kong matawa sa sinabi nito ngunit pinipigilan ko lamang. “Ano? Magpapatuloy na po ba ako?” “Wag na, okay na yun," tugon nito. “Daddy talaga. Ipagpatuloy ko na dad, ha? Hindi na ako magsisimula sa umpisa i-cut ko na lamang yung nagalit ka,” saad ko kay Daddy. Muli ay tumayo ako at pinindot ang start button. "Bahala ka sa buhay mo, buhay mo naman yan," nawala na ang naramdaman nitong excitemet. “My father was once a drug addict but now cured. He is also a mute,” nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Daddy sa camera ngunit hindi na ito nagsalita pero ramdam kong gustong-gusto na niya akong sakalin. “He became mute when he drank a whole barrel of muriatic-” “SAGLIT LANG!” Muli ay napatigil ako ng muling sumigaw si Daddy. “Ginawa mo na nga akong drug addict, ginawa mo pa akong pepe tapos ngayon para akong nasiraan ng ulo. Sinong matinong uminom ng isang drum ng muriatic? Tapos buhay pa ako? Siraulo ka ba? Ha? Nangigil ako sayo, kutong lupa ka!” “Daddy naman! Drug addict ka nga ibig sabihin may tendency na nasiraan ka ng ulo, uminom ka ng muriatic,” napalingon kaming dalawa ng humiyaw na kakatawa si mommy halos hindi na ito makahinga kakapigil sa kakatawa. “MOO, maghunusdili ka ayaw ko pang ma balo,” saad ni Daddy. “‘Di mo pa rin kastiguhin ‘tong anak mo? Ginawa na akong siraulo?” Muli ay kinalma ni Mommy ang sarili. “Saglit lang, tapusin ko muna tawa ko,” tumawa nga ng tumawa si Mommy. “Manang, pahingi ako tubig,” Utos ni mommy sa aming mayordoma matapos niyang pakalmahin ang sarili. Ilang saglit lang ay inabutan na si Mommy ng isang basong tubig ni Manang Puring. Nang maubos ay binigay lang rin niya ito pabalik kay Manang. “Thank you po,” saad ni mommy. “MOO hayaan mo na ang bata. Malay mo ito makakapasa sa kanya. ‘Di ba sabi mo kahit anong gusto nila suport lang tayo?” “Nagbago na isip ko, MOO. Wag na lang kaya,” saad ni Daddy. “Sige na, makinig lang tayo. Wag ka na lang magreact para matapos na tayo agad,” saad ni Mommy. “Wag mag react? Ginawa na akong siraulo?” “Okay lang yan, siraulo ka man sa paningin nila, dyamante ka naman sa puso ko,” paglalambing ni Mommy. Hindi nakaimik si Daddy. Kinilig ang gors. “Swerte mo mahal kita,” ang rupok lang ng tatay ko buti di ako nagmana. “Ako Dad? Mahal mo ko?” Singit ko pa. “Oo, kung dyamante ako para ka namang kayamaan. Konti na lang ibabaon na kita kaya ayos-ayosin mo dyan,” saad nito sa akin. Napakamot naman ako sa aking ulo. Muli ay tumayo ako at pinindot ang start button. Muli ay bumalik ako sa pagkakaupo. “He became mute when he drank the whole barrel of muriatic-” “Inulit pa talaga langya. Baka malunod ako niyan,” bulong nito. Nais kong matawa ngunit pinigilan ko muli. “Fortunately, he only lost his tongue-” “Salamat ha? Naawa ka pang hinayupak ka,” muli ay bulong nito. “Dad," nilingon ko siya. "Can you please greet them,” saad ko sabay turo sa kamera. Napalingon sa akin si Daddy hindi nakaimik. Salubong ang mga kilay niya titig na titig sa akin. Habang si Mommy nakayuko dama ko ang pagpipigil ng tawa. “I’m sorry, Sir, Ma’am, due to the incident not only his speech is affected but also his hearing,” gustong-gusto ko ng matawa sa reaksyon ni Daddy ng pinadilatan niya ako ng mga mata. Umuusok na ang magkabilang tenga niya sa panggagalaiti s akin. Hinarap ko siya muli at nag sign language kahit hindi ako marunong kunwari lang. “Pwede mo ba silang batiin, dad?” Umayos ng upo si Daddy. Napakaseryoso ng kanyang mukha. Sa itsura pa lang niya alam kung hindi ko ito mapapasunod ngayon. Malalim itong napabuntong hininga ngunit ng magsimula siyang magsign language napayuko na lamang ako upang wag ipakita ang pagngisi ko. Sinimulan niya ito sa pagdaop ng kanyang palad na parang nagdarasal sabay yuko. “I translate mong, ayop ka,” mahinang usal nito. “He said, Good evening,” translate ko. Tinignan ko ang kamay ng Daddy ko. Kinapa nito ang dalawang sus0. “Daddy, bastos yan,” saad ko. “Ladies yan, tanga!” Sita nito sa akin. Napakamot ako ng ulo. “Paano naging ladies yan?” “Babae lang may sus0, yawa ka!” Inis niyang saad. "Good evening, ladies!” Saad ko sa hrap ng kamera. Muli ay napalingon ako sa kamay niya. Inis-spell out niya ang salitang AND gamit ang hand signal. “And!” Patuloy ko. Pero ang kasunod na ginawa nito ‘di ko na kinaya dahil gamit ang kanang kamay ay tinaas baba nito ng ilang ulit ang kamao ng dahan-dahan. Nagdemonstrate ito ng lalaking nag jaj@kol. “Daddy!? Illegal yan!” “Anong illegal? Gentlemen yan!” “Paano naging gentlemen yan?” “May nakita ka bang babaeng nagjajak0l? Kita mo hand gesture ko? Dahan-dahan lang in english GENTLE tapos lalaki lang gumagawa so GENTLE plus MAN equals GENTLE MAN pero syempre hindi lang isa mag-i-evaluate nito kaya GENTLEMEN! Wag ka nalang kayang mag-apply ng scholarship, simple sign language ‘di mo maintindihan,” saad nito sa akin. Napapakamot na lamang ako sa aking ulo. Legend talaga itong tatay ko pagdating sa kalokohan kung sa mobile legend ako beginner pa habang siya siya Mythical Glory na. Kung parte naman sa katawan siya yung utak habang ako ingrown lang, shuta! “Sorry na! Sorry na! Ulitin natin para dire-diretso,” Sumeryoso ako sa harap ng camera. “My Father said,” nilingon ko siya. Ginawa niya ulit simula sa pinakaumpisa hanggang dulo. “Good evening ladies and gentlemen!” saad ko. “Very good!” Bulong niya. “Ayaw ko na!” Napatayo si Mommy at napahiyaw sa kakatawa. “‘Di ko na kaya! Sabihin mo na sa tatay mo Thirdy kung ano talaga ‘tong kolokohan mo,” saad ni Mommy. “Bakit?” Inosenteng tanong ni Daddy. “Prank lang po ‘to, Dad," pagaamin ko na. Prank nga lang 'to ng buong pamilya sa kanya. Ang mga kapatid ko'y nanunuod lamang sa amin sa second floor. “Sinasabi ko na, kaya sinakyan kong hayop ka, kala mo ‘ha?” Saad ni Daddy. Napatingala naman kami sa may hagdan ng nagmamadaling bumaba ang apat kong kambal na katulad ni mommy pulang-pula ang mukha sa kakatawa. Hi! I’m Juan Theodore “Thirdy” Fernandez and this is my makasura story kaya wag niyo ng abangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD