2 - Lorielle

1074 Words
"Iyan lang po ang nakuha kong impormasyon. Malaking sabit ho kung hahayaan n'yo pang manatili ang babaeng 'yan dito. Baka magkaroon kayo ng problema." Naririnig ko sila ngunit hindi ko magawang idilat ang aking mata. Parang nakatali ako sa labis na bigat ng katawan ko. Gusto kong tignan kung kaninong tinig iyon. Ako ba ang tinutukoy nila? Ako ba? "Mananatili s'ya rito, tiyakin mo na lahat nang kailangan n'ya ay maibibigay." Ani ng baritonong tinig na puno ng awtoridad. Gusto kong makita ang mga nag-uusap, gusto kong kumilos, tumayo at harapin sila. Tiyak kong ako ang pinag-uusapan ng mga ito. "Ikaw pa rin naman ang masusunod, Boss Elordi. Tauhan mo lang naman ako. Pero sana pakinggan mo rin ang payo ko." "Alam ko ang ginagawa ko, Jonas. Gawin mo na lang ang sinasabi ko. Sumunod ka na lang." Mariing ani ng lalaking tinawag na Boss Elorde. Sumunod ay ang pagbukas at pagsara ng pinto. Saka katahimikan na mas lalong nagpagising sa pakiramdam ko. Pero bago pa ako makamulat ay muling nilamon nang kadiliman. Nang sunod na magising ako ay nagawa ko nang imulat ang aking mata. "Gising na s'ya! Gising na s'ya!" nasa tinig ng isang babae ang kagalakan. Sinundan ko ang bawat kilos nito. Tuwang-tuwa ito na waring hindi na alam ang gagawin pero sa huli ay tumakbo pa rin ito sa pinto habang hinihiyaw na gising na ako. Iginala ko ang aking tingin. Nasa isang silid ako na mukhang nakaharap sa dagat. Naririnig ko kasi ang paghampas ng alon, pumapasok din sa silid ang malamig na hangin mula sa labas. Nang subukan kong tumayo ay nabigo ako. Pakiramdam ko ay may nakadagan sa katawan ko kahit wala naman. "You're awake now." Sinubukan kong lingunin ang lalaking nagsalita. Iyon 'yong tinig na narinig ko kanina o kahapon, hindi ko na namalayan kung ilang oras ulit akong nakatulog. Tumambad sa akin ang balbas saradong lalaki. Halatang matikas ang katawan nito base na rin sa kanyang pagkakatindig. "Naririnig mo ba ako?" tanong nito sa akin. Gusto kong sabihing 'oo' ngunit pati iyon ay waring hirap na hirap pa ako. "Nurse Lira, pakitawag ang doctor n'ya." Ani ng lalaki. "Okay, Boss Elordi." Ani ng babaeng una kong nakita nang nagmulat ako ng aking mata. Mabilis itong lumabas ng silid. "May masakit ba sa 'yo?" tanong ng lalaki. Boss Elordi? "Kaya mo bang pisilin ang kamay ko? Kahit hindi ka magsalita, pisilin mo ng dalawang beses kung yes, isang beses kung no." Kumurap-kurap ako. Malinaw ko naman silang naririnig, ngunit sadyang hindi ko lang talaga maikilos ang katawan ko. "Ano ba ang nangyari sa 'yo?" tanong nito. Mainit ang palad nito, medyo magaspang ang kamay. Bahagya kong pinisil ang kamay nito, isang beses lang iyon. Siguro naman naramdaman nito dahil pati iyon ay hirap pa ako. Mukha namang nakahinga ito nang maluwag dahil doon. "Nagugutom ka ba?" tanong nito. Kaya pinisil ko ang kamay nito ng isang beses. Mukhang wala rin naman kasi itong maisip na itanong pa. Wari pa ngang napapaso ang kamay nito kaya binitiwan na ang aking palad. Bumukas ang pinto na waring nagmamadali base sa ingay na nilikha no'n. "Ako si Doc Sam." Ani ng babae na agad lumapit sa akin."Naririnig mo ba ako, hija?" tanong nito. Bahagya akong kumurap-kurap. Tahimik lang ang mga taong kasama namin sa silid habang sinusuri ako ng babae. Nang ngumiti ito sa nurse at kay Boss Elordi parang nakahinga nang maluwag ang mga ito. "Mabuti at gising ka na, hija. Alam mo bang ilang buwan din naming hinintay ang paggising mo." Shock ako sa narinig mula rito. 'Yong utak ko waring inuutusang ikilos ang katawan ko ngunit hindi ko naman maigalaw. "Huwag mong pilitin," ani nito na waring nabasa ang tinatakbo ng utak ko. "S-ino..." usal ko. Natigilan ang doctor kaya bahagya itong yumukod at waring naghihintay na muli kong ibuka ang bibig. "Go on, may sinasabi ka?" "S-ino..." "Sino kami?" tanong nito. Kumurap na lang ako bilang tugon. "Ako si Doc Sam, s'ya si Nurse Lira at s'ya si Boss Elordi." Ani nito."Si Boss ang nakakita sa 'yo sa dalampasigan. Napagkamalan ka pa nga n'yang patay." Ani nito sa akin. Ang tingin ko ay ibinato ko sa lalaki. Wala naman akong mabasang emosyon sa mukha nito. "S-alamat." Ani ko. 'Di ko tiyak kung narinig ako nito. Pero iyon lang naman ang alam ko na dapat sabihin sa lalaki. Hindi naman ito tumugon. Para itong walang emosyon na nakatitig lang sa akin. "Labas na ako, Doc. Ikaw na ang bahala sa kanya." Ani nito na hindi na hinintay pang makasagot man lang ang doctor at umalis na ito. Excited na lumapit si Nurse Lira sa pwesto namin. "Magpagaling ka, baka hinahanap ka na ng pamilya mo." Ani ni Nurse Lira. "Lira!" waring saway ng doctor. Natutop naman nito ang bibig at waring na gets ang pagsawat ng doctor. Ilang buwan ba akong walang malay? Nasaan ako? "Ikwekwento ko sa 'yo kung paano ka nakita ni Boss Elordi," excited na ulit ang tinig ni Nurse Lira."Naghahabulan kasi kami sa dalampasigan, 'yong parang sa mga telenovela..." kinikilig na ani nito. "Tsk, huwag kang nagpapaniwala sa sinasabi n'ya." Ani ng doctor. "Ito naman si Doc, hindi man lang sumakay sa illusion ko." Reklamo nito na napapadyak pa."Pero ito na nga, nakita ka n'ya sa dalampasigan. Napagkamalan ka n'yang patay na. Pero nang lumapit s'ya sa 'yo ayon alive ka pa naman tapos humingi s'ya nang tulong sa akin, sa magandang nurse ng Isla." Bibong ani nito. "Hay! Ikaw lang ang nurse rito sa Isla." Ani ng doctor. "Si doc naman, eh. Kontra ka naman sa kagandahan ko." "Kahit saang angulo tignan, mas maganda pa rin sa 'yo itong pasyente natin." "Ano pa nga ba? Hindi na ako kokontra." Ani ni Nurse Lira. Napakagaan sa pakiramdam ang marinig ang paraan nila nang pag-uusap. Masarap makinig sa ganoong usapan. "Ililista ko 'yong mga dapat mong gawin, Lira. Alam mo naman ang byahe ko bukas. Sa lingo na ang balik ko dahil mahalaga ang lakad kong ito. Alam naman ni Boss Elordi ang gagawin, pero ibibilin ko sa 'yo dahil ikaw ang nurse n'ya." "Alam ko na rin 'yan, Doc." "Ikaw talagang bata ka, saglit lang, kakausapin ko lang itong batang ito." Waring nauubusan nang pasensyang ani ng doctor sa akin. Nang lumabas na ang mga ito, wari akong naiwan sa isang kahong mag-isa, walang marinig kung 'di ang sariling paghinga, ang hampas ng alon sa dalampasigan at ang pagtangis ng aking kalooban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD