Chapter 1: A not so ordinary girl

1727 Words
NAGISING si Cristine sa isang pamilyar na ceilingsaka siya napangiti nang maalala kung ano nang nga bang araw ngayon. Inunat niya ang katawan kasabay ng pagtingin labas bahagya pang kuminang ang paborito niyang butterfly na kwntas na nakasabit sa leeg niya.  Maninipis na kurtina lang ang nakalagay sa French window na nagbibigay ng maaliwalas na pakiramdam sa kanyang kwarto. Pininturahang lang niya ng kulay sky blue habang  pinintahan niya `yon ng mga paborito niyang mga bulaklak. Tumayo na siya sa hinihigaan niya saka hinid maiwasan na ilibot ng tingin ang kwarto niyang magiisang linggo din niyang  pinaghirapan. Bago lang siyang lipat sa village na to kung saan balak niya sanang  magtayo ng kanyang Vet clinic pero sa ngayon ay nasa planning stage pa lang ang gusto niya. Her feet softly padded on the carpet to the bathroom saka hinanda na niya ang sarili niya para sa buong araw. Pagkatapos `non ay bumaba na siya sa sala para naman makapaghanda na ng almusal. Habang  nagluluto ng kanyang paboritong chocolate pancake ay hindi niya maiwasang maalala  ang nangyari sa kanya nitong nakaraang araw. Bukod sa  naging busy siya sa pagaayos ng kanyang bagong matutuluyan ay nakakilala siya ng mga interesanteng tao na naencounter lang niya nitong mga nakaraang araw. Isang tingin pa lang niya alam  na niyang hindi pangkaraniwan ang mga ito besides she herself knows that she is nothing but ordinary. Hindi nga lang siya sigurado kung anong espesyal sa mga ito pero hindi  na masamang maging kaibigan niya ito lalo na si Rina she doesn’t look what she seems to be kaya natutuwa siyang makita pa  kung anong meron dito.  She’s humming a ryhme habang nagluluto may usapan rin kasi sila ni  Rina na  magkikita mamaya at total marami pa siyang oras napagdesisyunan niya na magikot-ikot muna sa buong subdivision para maging pamilyar naman siya sa lugar. There is  something weird  about this  place at sa totoo lang mukhang si Rina ang puno’t-dulo ng lahat but she thinks that her new friend is very far of being bad. Matapos  na  mamatay ang  isang pilantropo na umampin sa kanya dahil sa sakit nitong cancer ay sa kanya ipinamana ang lahat ng ari-arian nito na  napagdesisyunan niyang ibigay sa charity ang kalahati at ang kalahati naman ay i-invest sa isang business. Kaya kahit na siguro hindi siya magtrabaho buong buhay niya ay hindi pa rin niya mauubos ang pera na nasa bangko niya. Hindi nga lang niya naintindihan kung bakit sa dinami-rami ng lugar sa  mundo na napuntahan niya dahil palagi siyang kasama nitong magbyahe ay sa  Pilipinas nito nagustuhang manatili sa natitirang oras sa buhay nito. Multiligual siya kaya naman hindi mahirap sa kanya matutunan ang salitang Filipino. Kaya eto kahit na ilang buwan pa lang siya nakatira sa Pilipinas ay gamay na niya ang pagsasalita ng lengwahe ng mga ito. Napangiti siya nang makita niya ang finish product ng kanyang niluto, wala sa sariling hinugot niya ang cellphone niya saka piniktyuran ang chocolate pancake niya with  maple syrup. Pagkatapos niyang kainin `yon ay  nagdesisyon na siyang lumabas at magikot-ikot sa subdivision. Sumagap siya ngg hangin saka napatingin sa bughaw na langit hindi awala sa sariling napangiti siya habang itinaas ang kamay at nakikita niya ang paglalagos ng araw sa mga siwang mga darili niya. Mukhang isang maganda araw ang sasalubong sa kanya hindi niya maiwasang ma-excite, so her first stop! The Garden Park!  Sa bawat taong madadaanan niya ay binabati niya ng magandang araw hanggang sa makarating na siya sa parke. Ilang minuto lang ang itinagal nang makarating siya sa parke at dahail hindi pa naman ganon katirik ang araw ay marami pang namamasyal sa parke. Mga bata kasama ang pamilya ng mga ito at mangilan ngilan na mga magkasintahan. Naghanap siya nang mapupwestuhan hanggang sa nakuha ng  pansin niya ang isang concrete bench sa isang tabi na tinungo ay inupuan niya. Muli  siyang sumagap ng hangin habang maraang dumadapyo ng hanngin, naririnig pa niya ang mga huni ng ibon mula sa di kalayuan hindi niya alam pero may parang gubat sa likod ng garden park na `yon at mukhang restricted ang area base sa mga naglalakihang barbed wire na nakalagaysiguro para na  rin sa mga batang mahilig na maglaro sa lugar.             Iginala niya ang tingin sa paligid hanggang sa napansin niya ang  mga nagtatawanan na mga bata sa paligid  niya hanggang sa napansin niyang tila may mga bata na inaaway ang isang mas maliit na bata. Iyak lang ng iyak ang bata habang binabato ito ng mga di hamak na mas malalaking bulas na bata kay sa rito. Medyo nagtaka pa siya na tila may kung anong pinoprotektahan ito gamit ng dalawang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang may makita siyang umagos na dugo sa ulo nito dahil sa tumamang bato  na ibinato rito, doon na siya nagpasya na makialam.  “`Oy mga bata ano sa tingin nito ang ginagawa niyo?” Nagkatinginan lang ang mga ito sabay nagtatakbong palayo napailing na lang siya sa mga inasal ng  mga ito saka itinuon ang pansin sa sugatang bata at  lumuhod nang  magpantay ang tingin nila.  “Bakit kasi hinayaan mo silang batuhin ka?” mahinahong tanong niya sa bata bago niya inilabas ang panyo niya at dahan-dahang pinunasan ang sugat nito sa noo. Sandali itong natahimik saka nakita niyang isa-isang nagbagsakan ang malalaking butil ng luha sa  mga mata nito pero kahit nag anon ay hinid  ito umatungal ng iyak at halatang nagpipigil sa  sarili. “Kasi.. kasi bad sila inaapi nila `yung little bird,” Sumisigok-sigok pang wika nito hanggang sa nakita niya ang isang maliit na sisiw na maingat nitong hinahawakan sa mga palad nito. She smiled saka patuloy lang na pinupunasan ang mukha nito. “Don’t cry na, okay?” “Pero kasi `yung bird hinurt  siya nung mga bad kids,” anito his eyes was obviously traced with pity. Wala sa sariling hinaplos niya ang buhok nito nakakatuwa na may mga ganito pa rin palang bata sa mga panahon na `to na malaki ang malasakit sa mga hayop.  “Pwede bang pakiabot `ang sisiw kay Ate?” inilahad niya ang dalawang  palad,  kita niya ang pansamantalang pagaalangan sa mga mata nito pero sa huli ay marahan nitong inilipat ang nanghihina nang ibon sa  kamay niya.  “Lahat ng makikita mo secret lang natin `to okay?” Nakita niya ang  nagktatakang tingin ng bata pero dahil kita  niya ang kakaibang pagtitiwala na binigay nito sa isang katulad  niya na kakakilala pa lang. Huminga siya ng malalim bago may puting liwanang na basta na  lang lumabas sa kamay niya  at sa isang iglap ay narinig nila ang masigla nitong huni.   “Wow! How did you do that po?” namamangha na tanong sa kanya ng bata nagnining-ning ang mga mata nito sa kuryosidad. “Magic!” sabay haplos sa sa noo nitong nasugatan na agad ding naghilom. Maraming salamat.Narinig niyang sabi sa kanya ng maliit na ibon na ginantihan niya ng ngiti. Tama ito ang kakayahan niya simula pagkabata. Ang makaintindi ng mga salita ng hayop at makapanggamot nang kahit na anong sugat na siyang itinuring niyang biyaya sa buhay niya. Muli niyang napagtuunan ng pansin ang bata nang hilahin nito ang manggas ng t-shirt niya. “Now that the bird is okay, dapat po siguro natin na ibalik siya sa nest niya,”  Sabay turo sa puno na nasa itaas nila. “Eh?” hindi niya mapigilang mapakamot na lang sa ulo habang tinitignan an mataas na puno. Napabuga na lang siya ng hangin at saka tumingin sa batang lalaki sa tabi niya kung hindi  lang siya  nito  tinitignan na  parang siyang superhero baka nanghingi na lang siya ng tulong.  “Sige balik  natin siya nest niya.” Wala na run naman kasi siyang magagawa at kahit na nag-aalangan siya sa pag-akyat dahil matagal-tagal na rin simula nang huli siyang makaakyat sa puno  ay sinubukan pa rin niya. Inilagay niya ang ibon sa balikat niya at saka siya maingat na umakyat buti na lang at kahit na papano ay marunong pa rin  pala siya kahit na ba ilang taon na rin ang lumipas simula nang ginawa niya `to. Agad na nakahinga siya ng maluwag nang makita niya ang pugad, mabuti na lang at wala pa ang nanay nito kaya pwede pa itong makabalik. Maingat niyang ibinalik ang sisiw at akma sanang baba na siya nang mapapitlag sa  sigaw ng isang lalaki.  “What the hell are you doing up there?!” napakurap  siya sa boses saka tinignan  `to at dahil sa hindi niya nnakita ang bababaan at nadulas siya saka napabitaw sa hawak niyang malaking  sanga ang malas pa niya dahil sumabit pa ang suot niyang damit bago siya tuluyang nahulog. Mariin na lang niyang ipinikit ang mga mata niya saka nagdasal sa lahat ng santong alam niya only to realize that she was now in a man’s arms           The arms that gently cradling him and as she looked up she saw a scowling face looking at her yet somewhat she can’t help but be mesmerize in the man’s face. “Are you idiot or what?” “Huh?” “Ano sa tingin mo ang iniisip mo at umakyat ka sa ganyan kataas na puno? Hindi mo ba alam na pwede kang madisgrasya sa ginagawa mo?!” litanya nito sa kanya at saka siya dahan-dahang ibinaba pero ramdam  niya ang  pagiingat sa kilos nito bago hinubad nito ang maong jacket na suot at ibinalabal sa kanya. “Sa susunod magingat ka baka sa susunod wala nang sasalo sa`yo.” Habang siya? Ayun nakatanga pa rin rito. May sasabihin pa sana ito nang may tumawag sa pangalan nito. “Marlon!” Hindi man lang siya nito  kinausap at basta na lang nilayasan, wala sa sariling napahawak siya sa necklace na suot. Alam niya sa sarili niyang bigay `yon ng nakilala niya sa gubat at kung paano nito naibigay sa kanya ay wala siyang ideya kaya nang narinig ang isang pamilyar na pangalan may kung ano na nagu-udyok sa kanya na sundan ito kahit  na ba  may mailiit na bahagi ng isip  niya ang nagsasabi  na baka kapangalan lang nito ang batang lalaking `yon.  “Ate, ayos lang po ba kayo?” napakurap siya nang marinig ang boses ng batang kasama “Oo,” sagot niya saka nagpaalam ditto, doon lang kasi  tumimo sa isip niya ang mga nangyari  pero nang makalabas siya ng parke ay hindi  na niya naabutan pa kahit na anino man nung lalaki. Napahaplos siya sa suot na jacket na ibinigay nito sa kanya kung hindi man ngayon sigurado siyang magkakaroon pa siya ng ibang pagkakataon para makita itong muli. Nararamdaman niya yon at hinding-hindi siya magkakamali. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD