❦ ABATTB - 6

2151 Words
MULA SA mahimbing na tulog ni Andrea ay napanaginipan niya ang huling engkwentro nila ng mayabang at hambog na Reeve na iyon. "Ikaw?!" gulat at sabay nilang sabi. Nagtataka naman na nagpapalit palit ang tingin ni Concha sa dalawa. "T-Teka hijo, do you know Dra. Andrea?" gulat na tanong ng ginang. Matiim na tumitig sakanya ang lalaki, those looks that send shivers down to her spine. Iba talaga tumitig ang lalaking ito! Iyong tinging nakakapanginig ng tuhod. "Yes Tita. I know her," may diin sa tono na sabi nito. Bahagya namang napalunok si Andrea sa pagkakasabi ng binata at nagulat na ito pala ang pamangkin na tinutukoy ni Mrs. Del Mundo. Este, Ms. Del Mundo pa pala. Matandang dalaga nga pala ito. Pero ang awkward naman kasi kung Miss pa rin ang itatawag niya rito. Parang hindi bagay. "Oh really? How come? Kakauwi mo lang ngayon," takang tanong naman ng tiyahin nito. "It's a long story, tita. Sasabihin ko nalang some other time. Bakit hindi niyo ako ipakilala sa doktora niyo?" talagang dinidiinan nito ang salitang "doktora". "Oh, akala ko ba magkakilala na kayo?" "Yes. Pero mukhang nakalimutan yata ni Ms. Gagandahan na pormal na magpakilala saakin," he smirked after that. Nanlaki naman ang mga mata ni Andrea sa naririnig. Ano bang gustong palabasin ng damuhong lalaking ito? Mukhang natuwa naman ang matandang babae. "Tutal magkakilala na pala kayo, ngayon mas magkakakilanlan pa kayo..." simula ng ginang. Halos maitirik naman ni Andrea ang mga mata sa naririnig. Huh! As if namang gusto niyang lubusang makilala pa ang pamangkin nito! No, thanks! "Ah... Ma'am, tita, i-che-check ko na po si Blossom," pagiiba niya ng usapan. "Naku, don't worry about Blossom, Andrea. She's pefectly fine. I'm sorry, pero gumawa lang ako ng alibi kanina. Ang totoo niyan eh, gusto talaga kita imbitahin sa munting salu-salo kasi darating nga itong pamangkin ko. Alam ko kasi kapag sinabi ko sayo, hindi ka papayag," nakangiti at apologetic na tumingin ito sakanya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil naalala siya nito, o maiinis dahil imbes nagpapahinga siya ay heto, narito siya at nakilala itong lalaking kung umasta ay parang hari at binili ang mundo. "Okay lang ba, hija?" nagaalalang tanong nito. Agad siyang nagangat ng tingin at ngumiti sa ginang. "Ayos lang po," pilit siyang ngumiti. Naging mabait sakanya ang huli at ayaw niyang sa munting hiling nito ay hindi niya pa mapagbigyan, narito na siya. Titiisin nalang niya ang presensya ng lalaking ito. "Kung gayon, tara na sa hapag kainan, nakahanda na ang dinner," anyaya nito. Nauna ito sa paglakad at sinabayan nila ito ng lalaki. "I didn't know na bulag pala si tita. Maganda? Bakit parang hindi ko naman nakikita iyon sa'yo? Anyway, we still have unfinished business to do," mapangasar na bulong nito sa tainga niya kaya bahagyang napakislot siya. "How dare you to insult me like that! You have no right! Masyado kang mahangin, mister!" gigil niyang sambit rito. Natawa ito ng mahina. "Well... pwede ka na ring sigurong pagtyagaan... you still have the curves kahit pang manang iyang suot mo," ini-screen pa nito ang katawan niya na ikinapula ng mukha niya. Sa sobrang inis at gigil niya rito ay nasuntok na lamang niya ito sa braso. "Ouch!" daing nito "Serves you right!" natatawa naman niyang sabi. Saktong lumingon naman sakanilang direksyon ang ginang. "Ohh, mukhang nagkakamabutihan na kayo ng pamangkin ko Andrea," ngiting ngiting sabi nito. "Yes, Tita. Mabait naman pala ito si Dra. Andrea. Kaso mukhang sinusungitan niya ako. Mainit yata ang dugo niya saakin," nakangisi nitong sabi na animo nagpapaawa pa sa Tiya. Umupo na ang ginang sa nakahandang upuan at gayundin sila. Nagsimula na sila sa pagkain nang nagsalita ulit ang babae. "Andrea, pagpasensyahan mo na iyang pamangkin ko. Sadyang mapangasar talaga iyan. Siya nga pala, siya si Reeve. Reeve Buenavista. Kapatid ko ang namayapa niyang ina. Naku, alam mo namomroblema nga ako sa nagiisa kong pamangkin na iyan. Paano ba naman 32 years old na, ni isang matinong babae wala man lang siyang naipapakilala saakin," napapailing na wika nito. Huh, just as I thought. This man is a casanova. Wala itong matinong gagawin. Isa itong playboy! Anang bahagi ng isip niya. Hindi niya alam pero nadisappoint siya nang maisip kung ilang babae na ang naikama nito. Siguradong pang beauty queen ang kagandahan ng mga ito o kung hindi man, pang artista -- unlike her. Plain Andrea. Agad niyang iwinaksi ang naisip. Ano bang paki niya kung ganoon man? Wala na siya roon. Bahala na ito sa buhay nito kung magkaka AIDS ito sa pakikipagtalik kung kani-kanino. It's not her problem anyway. "Tita naman... huwag mo naman akong ipahiya sa harap ng inyong doktora," at kumindat pa ito sakanya. Shit! Pakiramdam niya hinangin ang panty niya sa pagkindat nito. Sobrang gwapo naman kasi talaga nito. Parang isang titig lang nito handa nang liparin ang underwears ng sisinumang babae. Lihim siyang natawa sa naisip, nagiging berde na siya simula ng masilayan ang lalaking ito ha? "Heh! Dapat lang ano, pasasaan ba't malalaman din ni Andrea ang pinagagawa mo sa mga babae. Kung sakali mang magaasawa ka, ang gusto kong mapangasawa mo ang mga babaeng tulad ni Andrea. Conservative, magaling sa buhay at ideal wife. O kung hindi man, matutuwa ako kung si Andrea nga ang mapapangasawa mo," nagniningning ang mga mata ng matanda. Agad na nalunok ni Andrea ang malaking steak na sinubo. Napaubo siya at nanlaki ang mga mata. "Tubig! Tubig!" natatarantang sabi ng ginang. Pati si Reeve ay nataranta rin at agad siyang inabutan ng tubig. Ininom niya iyon. Naluha ang mga mata niya dulot ng pagkabara ng steak na agad niyang nalunok. Napapaubo pa rin siya nang magsalita, "I'm sorry tita..." hinging paumanhin niya "It's okay, Andrea." "Ganoon ba katindi ang ayaw mo saakin at nabulunan ka pa sa sinabi ng tiya?" madilim na tanong ng binata Agad naman siyang napatingin rito at napakunot noo. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong niya Agad itong nagiwas ng tingin. "Wala, ubusin mo na iyang pagkain mo," Ipinagkibit-balikat niya ang sinabi nito at nagkwentuhan pa sila ng ginang. Marami siyang nalaman tungkol kay Reeve. Marami na raw itong naipatayong bar business nito sa Barcelona sa edad na 32. Mas lumawak ang paghanga niya sa lalaki sa abilidad nito. "Pwedeng pwede na nga siyang mag-asawa. Stable naman na ang business niya. Ewan ko nga ba d'yan sa batang iyan... mukhang ayaw lumagay sa tahimik..." nasa boses nito ang pagkadismaya. Andra heard how Reeve groaned. And for her that groan was too... sexy. "Tita, I don't have time para sa pag-a-asawa kasi. Sakit lang sa ulo ang mga babaeng iyan. Masyadong maraming demands sa buhay. If I stay single, wala akong problema. No complications." sabad sa usapan ni Reeve. Nalungkot siya sa sinagot nito. So, wala itong balak magasawa. "Pero flings ang dami mo? Hay naku Reeve! Hindi ako magtataka kung isang araw mayroong sumusugod ritong babae at i-ke-claim na ikaw ang ama. Magtino kana, Reeve. You're not getting any younger," sermon nito kay Reeve "Tita, babae ang lumalapit saakin. Ano bang magagawa ko kung masyadong gwapo itong pamangkin niyo?" napatirik niya ang mga mata sa narinig. Hindi rin naman ito mayabang, ano? "Huh! Basta gusto kong maghanap kana ng mapapangasawa mo..." dumako ang tingin ng ginang sakanya. "Ikaw naman Andrea, kailan mo rin balak lumagay sa tahimik? Hindi ka na rin bata. Ilang taon ka na rin. Nasa alanganin kana Andrea, kung ako sayo maghanap kana ng mapapangasawa mo. Mahirap nang tumandang dalaga, look at me. Walang kasama, nakakalungkot," sabi nito. Naisip niya na rin iyan. Ayaw niyang tumandang dalaga. Sino bang babaeng nangarap na huwag magkaasawa at huwag magkaanak? Wala naman siguro, hindi ba? Pero ano ba ang magagawa niya, kung walang magkamaling lalaki sakanya. Wala ngang nanliligaw. Hindi niya alam kung anong problema. Maganda naman siya? Mayaman? May class at breeding din naman siya. Ano bang problema? Minsan napapaisip siya, 'yung iba hindi naman kagandahan pero ligawin. Pero siya, maraming nagsasabing magandang babae siya. Sa katanuyan, lagi siyang napipiling Reyna Elena noong kabataan niya. Pero bakit ganito? Nagsisimula na rin siyang mag-alala, ilang taon na siya. Wala pa rin siyang boyfriend. Anong edad siya magbubuntis? Baka hindi na siya pwedeng magkaanak kapag nangyari 'yon! My God! Nagpanic bigla ang isip niya. Hindi niya maiwasan hindi makaramdam ng self-pity. Letseng buhay 'to, 'yung iba nga, nangangarap gumanda o yumaman pero may asawa o boyfriend. Samantalang siya, nasakaniya na ang lahat, kahit si bentong o dagul hindi man lang siya maligawan. Bakit? "Andrea?" untag ng ginang "Ahh... ehh..." "Naku, tita. Mukhang wala 'atang magkakamali kay Andrea. Dinaig pa si Maria Clara sa pananamit at nuknukan ng taray, kahit nagiisang lalaki sa mundo hindi iyan papatulan," at tumawa ng nakakaloko si Reeve. Biglang humigpit ang hawak niya sa tinidor. Kanina pa namumuro itong lalaking ito, ha! Ngumiti siya ng pilit pero pinanlalakihan ng mata ang binata. Pinapakita rito ang gigil na nararamdaman niya. "Ahh... He-he-he! Naku huwag po kayong magworry saakin, tita. A-Actually, may b-boyfriend na po ako, he-he-he," pilit niyang tawa at sinasamaan ng tingin ang lalaking talipandas na ito. "Oh, really? That's a good news," ngiting ngiting wika ng ginang. "O-Opo... he-he-he..." "Talaga ba? Sino naman 'yang bulag na lalaki na 'yan? Baka imaginary boyfriend mo lang 'yan," tatawa-tawang sabi pa rin ng binata. Hindi na siya nakapagpigil at sinaksak niya ang hita nito ng tinidor sa ilalim ng lamesa kaya hindi nakita ng tiya nito. "O-Ouch!" nanlalaking mga matang daing nito. Tinapakan niya ng madiin ang paa nito at pinanlalakihan ito ng mata. "Ano iyan? Reeve?" nagtatakang tanong ng ginang "Ahh... nakagat lang po siya ng lamok, tita..." nakita niyang nanlaki ang mga mata ng binata at balak magsalita pero maagap na sinalo niya iyon. "Huwag niyo na po siyang problemahin. Kain lang po. Hmm, ang sarap po ng pagkain!" sabay subo niya ng malaking steak habang tumatawa tawa pa. "Salamat, Andrea. Ako ang nagluto niyan," napangiti naman ito dahil sa papuri niya. "Kaya pala masarap kayo pala ang nagluto... hindi ba Reeve?" sabay baling dito na nakangisi. Nang-aasar. Nakita niyang inis na inis ang mukha nito. "Hindi ba masarap, Reeve? O, bakit ganyan ang mukha mo? Masakit ba ang tiyan mo?" nagaalalang tanong naman ng matanda. Lihim siyang natawa. Serves him right! "S-She--" "Naku, tita. Hindi po. Sarap na sarap nga po siya. Kain lang po tayo, hindi ba Reeve?" "Ahm.. y-yes..." Tawang tawa na siya sa isipan niya. "Kamusta naman kayo ng boyfriend mo, Andrea?" walang kamuwang muwang na tanong ng ginang sa nangyayaring alitan nila ni Reeve. Nanang ko po! Isip, isip Andrea! Ano na? Wala naman talaga siyang boyfriend! "A-Ahm..." nagiisip siya ng masasabi. Napatingin siya sa pwesto ni Reeve na nakangisi habang nagiisip siya ng maidadahilan. "So, sino iyang boyfriend 'kuno' mo?" he smirked. Hindi pwede ito! Mabubuko siya! Kailangan niyang may maisagot. Kung hindi, pati ang natitirang ego niya ay mawawala pa. Baka ano pang isipin nitong mayabang na lalaki na ito! Na hanggang ngayon wala pa rin siyang boyfriend? Huh! Hinding hindi niya ibibigay ang ganoong satisfaction sa lalaki. Kung kinakailangan na magimbento siya ng lalaking boyfriend niya, gagawin niya. Ganoon siya ka-desperada na hindi mapahiya. Mamatay muna siya bago mapahiya sa harap nito. "J-Jedric po ang pangalan niya..." walang maisip na nasabi niya. "Jedric? Jedric what? Anong apelyido?" tanong pa ng tsismosong lalaki na talagang hinuhuli siya. "J-Jedric Mo..." wala siyang maisip na apelyido. Jedric ano? Jedric Montes? Jedric Monderin? Nabablangko siya! "Jedric Mondragon ba, Andrea? Siya ba ang boyfriend mo?" galak na galak na wika ng ginang. Huh? At sino naman iyon? Nagtatakang isip niya. "Kaya naman pala naglilihim ka saakin ha? Si Jedric pala ang boyfriend mo. Kaya pala, now I know. Masikreto ang lalaking iyon. At nagawa nga niyang i-sekreto ang relasyon niyo. Really, hija... I'm very surprise! Hindi ko akalain na magboyfriend kayo ni Jedric..." parang nagda-daydreaming na dagdag pa nito. Sino ba iyon? Nalilitong isip niya. Pero dahil naririto na siya, sumabay nalang siya sa agos. "Ah... he-he-he. O-Opo... gusto po kasi ni Jedric na nakaprivate lang ang lahat..." nakangiwing sabi niya. "Bagay na bagay nga kayo ni Jedric, Andrea. Iniisip ko pa lang, may chemistry nga kayo. Ilang taon na ba kayo?" nakangiting tanong nito. "M-Months pa lang po... mag fi-five months po," bwisit kasing Reeve ito! Dahil dito nagiging makasalanan pa siya! "Sana tumagal pa kayo, at kayo na ang maging mag-asawa," "Ah. Sana nga po..." and she fake a laugh. Napatingin siya sa direksyon ni Reeve at nakita niyang nakakunot noo ito at malalim ang iniisip. "Nawalan na po ako ng gana, tita. Mauna na po ako sa taas," iyon lamang at pagalit na umakyat ito ng hagdan. "Anong problema 'nun?" nagtatakang tanong ng matanda. Nagkibit balikat siya, baka napikon. Huh, tama lang 'yun sakanya! Sobrang yabang kasi. Ano ang akala nito, wala ng lalaking magkakainteres sakanya? "Baka pagod lang po," nakangiti niyang sagot at nagsimula na sila ulit magkwentuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD