❦ ABATTB - 7

2485 Words
HALOS TATLONG oras din silang nagkwentuhan ng ginang at patingin niya sa orasan ay pasado alas nuwebe na. Nagmamadaling kinuha na niya ang shoulder bag at nagpaalam dito. "Salamat, Andrea. This is a wonderful evening. Ang gaan gaan talaga ng loob ko saiyo. I wish you're my daughter. Magingat ka ha, gabi na. Gusto mo bang gisingin ko si Reeve para ihatid ka?" alok nito. Matindi ang pag-iling na ginawa niya. Siya at si Reeve? Sa iisang kotse? Huwag na lang! Baka magka World War III pa. "No thanks, tita. I can handle myself," nakangiti niyang sagot. "Tawagin mo na kaya akong mama? Hindi kana iba saakin. Okay you go ahead, Andrea. Drive safely please," Nagulat man sa sinabi nito ay hindi niya pinahalata. "I will tita," at nagbeso beso sila ng matanda. Hinatid siya ng katulong sa labas ng main door. Nahagip ng paningin niya ang lamborghini ng lalaki. Sabi na nga ba niya, familiar ang kotse na ito. May naisip siyang kalokohan bigla. Lumingon siya sa katulong. "Ahm, pasabi naman sa Ma'am mo salamat uli," tumango ito at pumasok sa loob ng bahay. Nangingiting lumapit siya sa kotse ng binata at kinuha niya ang lipstick niya sa bag. Sinulatan niya ang harapan ng kotse nito using her red lipstick. "Reeve go to hell," ang sinulat niya. Pagkatapos, dali-dali siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot iyon. Naupod ang lipstick niya, pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga nagantihan niya ito sa lahat ng pangaasar nito kanina sakaniya. Habang daan para siyang baliw na tumatawa-tawa. Ang sarap sa feeling. Siguradong lalaki ang butas ng ilong nito kapag nakita nito iyon bukas. Natawa siya ulit kapag na-i-imagine ang inis na mukha nito. Sa may kanto -- ipinaayos niya ang nasirang kotse na sa kabutihang palad. Sa loob ng panaginip niya, ay muli siyang nanaginip sa isang panaginip.  "Ikaw ba si Heather Andrea Gagandahan?" tanong ng isang lalaki na sa tingin niya ay bantay. Ito ba ang taga bantay sa langit? Iginala niya ang paningin at nakita niyang lumulutang siya. Nasa langit nga siya! Napakaliwanag din ng paligid. Ibig bang sabihin...? OA na umiyak siya. No, no, no! Impossible. Paanong nangyaring patay na siya? Natatandaan niyang umuwi pa siya. Namatay siya dahil sa bangungot? Ano ito?! "Andrea, tama ang nasa isipan mo. At naririto ka sa pintuan ng kalangitan." sabi nito na nabasa ang isip niya. Kinabahan siya. "Bakit nandito ako? Kukunin niyo na ba ako, patay na ba ako?" matapang niyang tinanong. Umiling-iling ito. "Hindi ka pa namin pwedeng kunin..." "Oh mabuti naman. Sige na, ibalik niyo na ako sa lupa." "Hindi ka pa namin pwedeng kunin, dahil may misyon ka pa na dapat tapusin. Hindi ka pa namin maaring kunin dahil isa ka pang birhen," Dahil sa sinabi ng bantay ay hindi niya malaman ang ire-react kaya napasigaw nalang siya. "Nooooo! Ahhhh!" sigaw niya. Nagising siya na sumisigaw sa panaginip niya. Minulat niya ang mga mata niya. Naka aircon naman ngunit pawis na pawis siya. Napangiwi siya sa napanaginipan. Leche! Patay na nga siya sa panaginip niya, ayaw pa rin siyang tanggapin dahil birhen pa rin daw siya. What a dream! Naalala niyang nasa vulcanizing shop pa ang kotse niya. Kailangan niya pa maglakad upang tignan kung ayos na iyon. Lumabas na siya ng unit at naglakad siya, nakalabas na siya ng subdivision nang maramdaman niyang mayroong sumusunod na lalaki sakanya. Lumingon siya at nakita niyang pabilis ng pabilis ang lakad nito papalapit sakanya. Nagpanic siya at tumakbo agad. Pero maagap ang lalaki at agad siyang nahablot nito. "Holdup 'to!" sigaw nito. Nahintakutan siya. Umikot ang paningin niya at wala siyang nakikitang tao na dumaraan. "Wallet! Cellphone!" sigaw nito at naglagay ng balisong sa leeg niya. Agad nanlaki ang mga mata niya. Ito na lang ba ang kapalaran niya? Ang mamatay siya? Mamatay siyang no boyfriend since birth? Mamatay siyang walang asawa o anak. At... ayaw niyang mamatay na virgin! Oh God! Oh God! Napapapikit siya habang iniisip. Gusto niya naman bago mamatay ma-devirginized naman siya! Siguro kaya nanaginip siya kanina na hindi pa raw siya maaring mamatay. Ito siguro ang sign. Dahil roon nagkaroon siya animo ng ibayong lakas upang tabigin ang kamay nito kaya lumipad ang balisong nito. Sinamantala niya ang pagkakataon at agad na tinadyakan ang gitna nito. Namilipit ito sa sakit at agad siyang tumakbo, nililingon-lingon niya ito upang tignan kung humahabol ba ito. "Tulong! Tulong!" Sigaw niya habang mabilis na tumatakbo. Pakiramdam niya ay nasa isang shooting siya at siya ang action star. Paika-ika naman siyang hinahabol ng mama. "Bwisit kang babae ka!" sigaw nito at hinahabol pa rin siya. Nasa tawiran na sila at nakita niyang naka-stop. Mabilis na tumakbo siya at nakita niyang sumusunod ang hudas na holdaper. Nakalingon ang ulo niya kaya hindi niya nakita ang lalaking nakasalubong niya. Nabunggo siya nito dahil hanggang balikat lang siya nito. Natumba siya at nauna ang pwetan niya sa semento. "A-Aray!" daing niya habang nakapikit pa. Bwisit na lalaking ito ang laki-laki ng daan hindi siya nakita! "Hoy! Lagot ka saakin!" narinig niyang sabi ng holdaper. Ilang metro nalang ang layo nito mula sakanya. Napatili siya at pinilit ang sariling tumayo mula sa pagkabagsak. Malapit na malapit na lang at maabutan na siya ng holdaper! Nakatayo na siya nang nasa harapan na niya ang holdaper at hinatak nito ang balikat niya. "Halika rito! Pinahirapan mo akong babae ka!" gigil na sambit nito. Pero bago pa siya makasagot nakita niya na binali ng lalaking nakabangga niya ang braso ng holdaper! Nakahiga na sa lapag ang pobreng holdaper at inuudayan ng suntok sa mukha at sikmura. Pakiramdam niya ay nanonood siya ng live taping ni Tom Cruise. Nakanganga siya habang tinitignan kung paano siya nito ipagtanggol na animo nag da-daydreaming pa at namumungay ang mga mata. First time may nagtanggol sakanyang lalaki at talagang nakaka haba ng hair! Ilang sandali pa'y duguan na ang mukha ng holdaper at tinayo ito dahil nagsidatingan na ang mga gwardya. "Dalhin na iyan sa presinto," He roughly said. Bitbit na ng mga gwardya ang holdaper at napatingin siya sa paligid. Napapalibutan na sila ng mga tao. Tumingin siya sa lalaking nagligtas sakanya at tumingin rin ito sakanya. At... s**t! Pwede bang maglupasay siya rito? My, oh my! Unang tingin pa lang, ulam na! Bakit kung kailan may edad na siya saka nagsi-sidatingan ang mga gwapong nilalang? Pakiramdam niya ay para siyang cheese na nagmelt na pa-letter "S". s**t na malagkit! Sobrang gwapo! Kung si Reeve ay gwapo at maputi, ito ay magandang lalaki rin. Ito naman ang tamang deskripsyon ng 'tall, dark and handsome,'. Pang action star naman ang dating nito. Ang lakas din ng s*x appeal. Medyo kulay kahel ang buhok nito at medyo mahaba ang style. Layer kung tatawagin. Ngunit hindi iyong mahaba na hanggang balikat na at dugyot tignan. Malalim ito tumingin na tila manunuot saiyo ang bawat titig. Pakiramdam niya'y parang hinihubaran siya sa bawat tingin ngunit hindi nakakabastos. Perpekto ang pagkakaukit ng ilong nito na animo nililok ng isang mahusay na iskulptor. Manipis lamang ang pinkish nitong labi. At dumako ang malisyosa niyang mata sa katawan nito, bakit ganoon? Parang model ng bench ang katawan nito. Parehas magandang lalaki ito at si Reeve. Walang tulak kabigin. Magkaiba ang itsura, ngunit parehas gwapo. Pwede bang mamatay na siya? Kaso hindi pa pala pwede, birhen pa siya. "Miss? Miss? Naririnig mo ba ako?" Winagayway ng lalaki ang kamay nito sa mukha niya. Nabalik siya sa realidad "A-ah... ano iyon?" Namumungay ang mga matang sabi niya. "Are you okay, Miss? Kanina pa kasi kita kinakausap parang hindi mo ako naririnig," anito. Bakit pati ang boses nito, ang gwapo rin? Parang pang DJ ang boses nito! Narinig niyang nagtawanan ang mga babae sa paligid niya sa pagtunganga sa kagwapuhan nito. Napairap siya sa mga inggiterang babae. "I-I'm fine. Thank you nga pala..." nahihiya niyang tugon. Ngumiti ito, "It's okay. Ayokong may nakikitang na-a-agrabyadong babae. At isa pa, he deserves it! Ang laki laking tao, hindi maghanap buhay!" iling na wika nito Napangiti siya sa sinabi nito. Yes, he's definitely right. Kaya talamak ang krimen sa bansa dahil sa poverty. Pero bakit 'yung iba tamad at batugan? Imbes maginuman hindi na lamang maghanap buhay, kahit naman anong trabaho basta't marangal. "Thank you ulit..." "I don't accept thank you. Sorry din dahil nabangga kita kanina. Ang bilis mo kasing tumakbo," Ipinakita nito ang pamatay na ngiti nito na nagpabilis ng t***k ng puso niya. Damn, panibagong perkpektong lahi nanaman ni Adan! "Naku... wala kasi akong cash na dala rito..." nahihiya niyang sagot. Narinig niyang tumawa ito. "You're amusing. Anyway, it's not what I mean. Kung gusto mong makabayad sa ginawa kong pagligtas saiyo, join me, let's have some cup of coffee," yaya nito Tumango siya. Anyway, wala namang masama kung sasama siya rito. Utang niya rito ang paglitas sa virginity niya. Este, sa buhay niya! Natawa nanaman siya sa naisip. He offered his hand, at nagaatubiling tinanggap iyon ng dalaga. Narinig niya ang mga tilian ng kababaihan. Nakarinig pa siya ng mga iba't ibang komento. Tila sikat itong lalaking kasama niya ngayon, ano bang mayroon? Nakarating na sila sa kotse nito at pinagbuksan pa siya ng pintuan. Hmm, gentleman! Ang bango pa ng kotse. Very manly! Isusukbit na sana niya ang seatbelt ngunit naging maagap ito at ito mismo ang nagkabit. Magkalapit na magkalapit ang mukha nila kaya naamoy niya ang mabangong hininga nito! Hmm, yummy! Sabi nga ni Coco Martin sa isang patalastas. "Hmm... saan ba tayo, mister?" tanong niya sa lalaki "Doon na lang tayo sa Lugar Feliz," sagot nito Tumango siya. Pero teka, hindi ba't isang sosyal na lugar iyon? Mga artista at matataas na tao lamang ang pumupunta roon. May kamahalan kasi ang coffee shop na iyon at hindi niya afford. Isa pa, ang ambiance palang doon ay pinaparamdam na sakaniyang hindi siya dugong elite. "Ano nga palang pangalan mo?" Parang nahihiyang tanong ng lalaki habang tinatahak ang daan patungo sa sinabi nitong lugar. Tumingin siya rito. "Andrea," matipid niya sagot. "Andrea... it's a nice name. Andrea...?" "Andrea Gagandahan," sabi niya sa buo niyang pangalan. Natigilan ito at natawa. "Wow! This is my first time to hear that kind of surname. It's kindda unique... like you," sabi nito na ikinapula ng mukha niya. My God! Kinikilig siya! At talagang kinilig pa siya sa edad niyang ito! Santisisma! "At Gagandahan... bagay nga sayo ang apelyido mo. Because you're beautiful," may paghangang tinignan nito ang mukha niya. Nagiwas naman siya agad ng tingin. Really? Nagagandahan ito sa tulad niya? Mukha kasing mataas ang standard nito sa babae. "Hey, don't be shy. Marunong akong mag-appreciate ng ganda," "Oo nalang. Ikaw ano bang pangalan mo?" tanong niya rito. Parang nagulat ito sa tanong niya na para bang kataka-taka ang tinanong niya. "Oopps. We're here." hindi na nito sinagot ang tanong niya at inalalayan siya makababa ng kotse. She really found him sweet and gentleman. Sana kung magkaasawa siya, iyong tulad ng binata. Nang makapasok sila sa loob ay napansin niya na tinitignan pa rin sila ng mga tao. "Why they're looking at us?" nagtataka na niyang tanong. "Don't mind them. Nagagandahan lang sila sayo," And he smiled. Napailing na lang si Andrea. Malakas mangbola ang kasama niya! Sigurado siyang gamit na gamit na nito ang mga linyang iyon sa sandamakmak na babae. Umupo sila sa pandalawahang upuan na malapit sa bintana. "Ano'ng gusto mong orderin?" "Hmm... wintermelon milktea nalang," hindi kasi siya umiinom ng kape. Acidic kasi siya. Isa pa, mukhang mahal ang bawat inumin dito. Credit card lang ang dala niya at hindi niya alam kung ilan pa ang laman niyon. "Ikaw?" tanong ng dalaga. "Ako na ang mag-o-order," sabi nito. Tumango siya at inabot rito ang credit card niya. Nagtatakang tumingin ito sakanya. "Wala kasi akong cash..." nahihiya niyang sabi. "Andrea, niyaya kita hindi dahil gusto kong magpalibre sayo o magpabayad sa ginawa ko sayo. Ako ang nagyaya, ako ang taya," parang galit na sabi nito. "Pero--" "No buts," Iyon lamang at pumunta na ito sa counter. Hmm, ideal boyfriend, check! Mga ilang minuto lamang ay bumalik na ito at dala na ang milktea niya. Binilhan rin siya nito ng doughnut. Natuwa pa siya nang makitang paborito niyang flavor ang inorder nito. Nagsimula na silang lantakan iyon. "So... anong pinagkakaabalahan mo sa buhay mo, Andrea?" tanong nito. "Well... I'm a veterinarian. May sarili akong clinic sa Ortigas," sagot niya. "Wow! That's amazing. Hindi ka lang pala maganda, matalino ka rin." puri nito. "Hindi naman... ikaw? Anong pinagkakaabalahan mo?" tanong niya. "Ako? Hmm. Well, I have my own resort business in Tagaytay," imporma nito "That's good to hear. Anong pangalan ng resort niyo? Ma-try nga!" nakatawa niyang sagot. "If you want, I'll give you accomodation. All free for you," lumabas ang puti at pantay pantay na ngipin nito "Huwag na. Nakakahiya naman," tanggi niya. "Ilang taon ka na ba, Andrea?" tanong nito "Hulaan mo!" nakatawang sabi niya rito. Saglit na nagisip ito. "Hmm. 24?" "Nope," "26?" "Still no," "23?" panghuhula pa nito. Tumawa siya. "I'm 31 already. Malapit na mawala sa kalendaryo," "Really?" Nasa mukha nito ang hindi mapakaniwala. "Yes." "Damn! I can't believe it! You're already 31? You look younger at your age," komento nito. Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig. Younger? Samantalang si Reeve puro kantyaw ang naririnig niya rito sa edad at itsura niya! "Stop joking me..." pakiramdam niya ay niloloko lamang siya ng lalaki. "Hey, I'm not joking. Infact, you're ravishing," Nag-iwas nanaman siya ng tingin. "Ikaw?" balik tanong niya rito. "I'm 30," halos magkasing edad lang din pala sila nito. Marami pa silang napagkwentuhan ng lalaki. At nakalimutan niya na ang oras at kunin ang kotse sa vulcanizing shop. Napasarap kasi ang kwentuhan nila, napakasmooth nito. Ang sarap kausap. He has sense of humor. Hinatid pa siya nito sa tapat ng condominium building dahil baka raw ma-holdup nanaman siya. Hindi na rin siya nakapasok sa building, buti na lang at maasahan ang mga tao niya roon. Inalalayan at muli siya nitong pinagbuksan ng kotse. "Thank you ulit ha..." sabi niya. "No problem. Thanks for the time Andrea. See you again, here's my calling card. Call me if you need something." sabi nito, binulsa niya iyon sa sweater niya. "Thank you! Ingat ka!" ngiting ngiting sabi niya. Kumaway ito gayundin siya. Pumasok na ito sa elevator. Hinintay niya ito mawala sa paningin niya bago siya pumasok sa loob ng unit niya. Pagbukas niya ay may nakita siyang bulto ng katawan na nakahiga sa L-shape sofa niya. Takot na hinanap niya ang switch ng ilaw at pagbukas, "Where have you been? I've been searching you everywhere!" nagaalalang bulalas ng kaharap. At dahil doon, hinihingal na nagising siya at namulat niya ang mga mata. Pawisang pawisan siya kahit bukas naman ang aircon. At talagang napanaginipan niya pa ang tatlong Diyos! Este, ang tatlong lalaking tila biniyayaan lahat sa kagandahang katangian! Mahabaging langit, ito na ba ang sign na dapat na siyang lumandi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD