❦ ABATTB - 5

2788 Words
"RIHAN, AMININ na natin ang totoo. May mga sarili tayong buhay, hindi maaring habang buhay magkasama tayo. Paano kapag nagka-asawa kana? Paano na ako? Sana maintindihan mong kailangan ko rin ng partner sa buhay..." nalulungkot na sabi niya na maisip na malaki ang posibilidad na mag-asawa na ang binata. Sa dami ba naman ng babaeng naikama nito, baka may mabuntis ito. "Andrea... ano bang hindi mo maintindihan? Kung gusto mong habang buhay lang ako sa tabi mo at huwag mag-asawa, fine! Gagawin ko!" frustrated na sabi nito at hinilamos pa ang palad sa maamo nitong mukha. "Rihan... hindi 'yon ang ibig kong sabihin," "Hindi ba iyon ang pinupunto mo? Kaya nagkakainteres ka ngayon maghanap ng mapapangasawa kasi iniisip mong mawawala ako sa buhay mo!" singhal nito sakanya. Nanlaki ang mga mata ni Andrea. Hindi iyon ang ibig niya pakahulugan. Hindi siya ganoon ka-selfish. "Rihan! Hindi iyon ang ibig kong sabihin," For the first time in history, ngayon lang sila nagtalo ng ganito ni Rihan. "Then what, Andrea? Ipaintindi mo saakin kasi hindi ko maintindihan," nakatiim bagang na sabi nito. Napalunok siya. Ayaw niyang nagaaway sila ni Rihan. Hindi, hindi niya kaya 'yon. "I...I... s-suddenly realize na ayaw kong tumandang mag-isa. Na ayaw ko maging matandang dalaga. I want to be normal, Rihan. Gusto ko maging ganap akong babae. Gusto kong magkaroon ng pamilya, ng asawa, ng mga anak... ayaw kong mamatay na virgin. Gusto kong maranasan na maging g-ganap na babae..." hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob upang sabihin iyon. "I'm here, Andrea. Ano pa bang kailangan mo?" seryosong tanong nito sakanya. Napalunok siya at napabuntong-hininga. "I know Rihan... and I really appreciate that. But, let's accept the fact. Darating ang panahon na magkakaroon tayo ng kanya-kanyang buhay..." "Damn! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" galit na sigaw nito. Marahas siyang napatingin rito. Unang beses nitong magtaas ng boses sakanya. "Ano?" litong tanong niya "I'm here! I can be your husband, be the father of your children," seryoso ang mukha nito habang sinasabi iyon. Magsasalita sana siya pero nang ma-realize ang sinabi nito awtomatikong napa letter "O" shape ang bibig niya ngunit walang lumalabas ng kataga sa bibig niya. Nang mahimasmasan, natawa siya. As in tawang tawa. Napahawak pa siya sa tiyan sa kakatawa, naiyak-iyak pa siya. "That was funny! Hindi ko alam na may talent ka pala sa pagpapatawa," sabi niya rito at tinampal ang mukha nito. "I'm not joking, Andrea." may banta na ang boses nito. Napatingin siya rito. Mukha ngang hindi ito nagbibiro, pero imposible! Baka pinipigil lang nitong huwag tumawa. Sinundot niya ang tagiliran nito para tumawa, ngunit hindi effective. "Rihan, nakad*rugs ka ba? Kung anu-ano na ang pinagsasabi mo. Hindi ka siguro nakakain sa eroplano ano? Ha-ha-ha," tatawa-tawa pa rin siya. She heard him protest. "Andrea..." May pagbabanta na sa tono nito. Pero hindi niya pinansin ang binata. Masyadong mabenta ang joke nito, nau-utot siya sa pagbibiro nito. Maya-maya pa'y lumabas na ang atomic bomb niya at awtomatikong tumayo at nagtakip ng ilong si Rihan. "Andrea!" gigil na sambit nito. Binelatan niya ito. "Ikaw kasi, huwag ka masyado magjo-joke. O siya, magbibihis muna ako ha? D'yan ka lang," humahagikgik siya habang paakyat ng hagdan. Pagkapasok sa kwarto, binuksan niya ang closet niya para maghanap ng pangbahay na damit. Nang mahangip ng paningin niya ang isang papel. Nakakunot-noong binuklat niya iyon. Nanlaki ang mga mata niya nang malaman kung ano iyon, tseke na naglalaman ng five hundred thousand pesos! Galing sa hambog na Reeve na iyon. My God! Ganoon ganoon lang ba ito mamigay ng pera? Hindi bale kapag may libre siyang araw ay ibabalik niya iyon sa lalaki. She don't need it. Marami rin siyang pera. Hinubad niya ang long sweater niya at sinabit sa rack stand. Kumuha siya ng daster at pajama. Sa katunayan, ito talaga ang outfit niya kapag nasa bahay lang siya. Naalala niya ang calling card na ibinigay sakanya ng gwapong binata kanina. Excited na kinapa niya iyon sa bulsa at nakangiting nilabas iyon at binasa. Jedric Kyle Mondragon... Napatili siya bigla nang mabasa iyon. Ang... ang lalaking tumulong sakanya kanina ay walang iba kundi... ang imaginary boyfriend niya? Totoo ngang may nage-exist na Jedric Mondragon! Kaya pala kilala ni Tita Concha ito! My God! She can't believe this. At... actor and model pala ito kaya pinagti-tinginan sila kanina ng lahat. Dali niyang binuksan ang laptop at sinearch ang pangalan nito. Natampal niya ang noo nang malaman kung gaano siya ka-tanga at ka-ignorante. Nasa harap na pala niya ang isa sa kinahuhumalingan na aktor ng bansa, hindi niya pa alam? Kaya pala nagtataka ito sakaniya kanina at kaya pala pinagtitinginan sila ng mga tao. Pero bakit nilihim ito ni Jedric sakanya? Sabagay sino ba siya para pagaksyahan nito ng oras? Santisisma, ganito na ba siya ka-introvert at wala na siyang alam sa nangyayari sa mundo? Sa sobrang kahihiyan sa mga pinag-gagawa ay hindi niya maiwasan hindi batukan ang sarili. Ang tanga tanga mo talaga, Andrea! Nakakainis! Ah! Ano nalang sasabihin ni Jedric sakaniya? Na engot siya? Diyoskopo! Sa frustration na nararamdaman ay nadulas siya sa tiles at napatili ng malakas. Awtomatikong tumama ang ulo niya sa lapag at nanlalaki ang mga mata niya na nakatitig sa kisame. Nakarinig siya ng malalakas na katok at yabag galing sa labas. "Andrea?! Andrea! Open the door!" halos gibain na ni Rihan ang pintuan niya. "Rihan..." OA at nanghihinang tawag niya rito. "f**k! Andrea!" Nagpapanic naman ang mokong sa labas. Ilang sandali pa'y nabuksan na nito ang pintuan at naabutan siya nitong nakahandusay sa lapag. Madali itong lumapit sakanya at yumuko. Tinignan suya Tinukod nito ang siko sa semento. Ngunit sa malas nito, nadulas ang siko nito at saktong naglapat ang mga labi nila. Nanlaki ang mga mata niya sa sobrang gulat. Nanatiling nakadilat lamang siya gayundin si Rihan. Mukhang shock na shock din ito sa pangyayari. Nakadikit pa rin ang kanilang mga labi, walang humihinga sakanilang dalawa. Kitang kita niya ang mga mata nito sa malapitan. Ang ganda pala ng mata ng kanyang kaibigan, ngayon lamang niya napansin na kulay hazelnut iyon. Akmang magsasalita siya ngunit nauwi iyon sa pagkibot ng labi niya kaya animo'y hinahalikan niya ito. She tasted his lips, and God! Napakatamis n'yon! Rihan has a nice soft pair of lips, parang babae ang labi nito sa lambot. Ang sarap pala ng feeling kapag nahahalikan. Pero, letse! Hindi naman nila gustong maghalikan, ano? Aksidente lamang ang nangyayari! Ang lalaki ang unang bumitaw sa labi niya at tumayo. Hinihingal ang itsura nito. "What happened to you, Heather?!" sita nito. Nanatiling nakahiga pa rin siya sa lapag. Tulala at hindi maka get-over. Akmang babangon siya ngunit kumirot ang ulo niya. "A-Aray... Rihan.." nakarehistro sa mukha niya ang sakit. Nagaalalang inalalayan siya nitong bumangon,nang magtama ang kanilang mga mata, agad nitong iniwas ang tingin. "M-Magayos kana ng sarili mo. Ano ba kasing nangyari sayo?" nauutal na sabi nito at hindi tumitingin sakanya. Hinuli niya ang tingin nito, pero umiwas ito. "Bakit hindi ka makatingin saakin, huh?" tanong niya rito. Kumunot noo ito. "H-Huh? Anong hindi makatingin ang pinagsasabi mo d'yan. Pwede ba Heather, umayos ka nga." sabi nito at namumula ang mga pisngi. He look so cute kapag nagba-blush! Hindi pa siya nakakakita ng lalaking namumula ang mga pisngi, tanging si Rihan pa lang. I never seen a man na nagblush si Rihan pa lang. "Hindi ka makatingin saakin, why? Look at me, Rihan. Maybe because of the kiss, you like my lips, right?" panunudyo niya rito. Ofcourse, joke lamang iyon. Sinundot niya pa ang tagiliran nito, pumiksi ito. Nanlaki ang mga mata nito at todo iling ang ginawa "Ang labi mo? Halik? You call it a kiss? Yuck, hindi ko maimagine na naghalikan tayo!" hindik na sabi nito. Nainis siya. Pikon pa naman siya. Yuck daw huh! Purque hindi siya marunong humalik may karapatan na ito laitin ang halik niya? Hindi niya ba alam na swerte ito, dahil ito ang first kiss niya! Gigil na tinignan niya ang binata. "Mas yuck saakin, dahil ninakaw mo ang una kong halik! My first kiss! Argh, I hate you, Rihan! Dahil sayo nasira na ang pangarap ko!" gigil na hinampas niya ito at inirapan. Natatawang umilag naman ito "Bakit, ano ba iyang dream mo?" nakangising tanong nito. "All my life, pinangarap ko na ang una kong halik ay espesyal! At ibibigay ko iyon sa boyfriend ko!" inis na inis na sabi niya. Humalakhak ito "Well, say goodbye to that dream, Heather. Ako na ang first kiss mo and you can never change that. At wala ka namang boyfriend," he smirked. Naiiritang kinuha ng dalaga ang hotdog pillow at hinampas sa binata. "Kahit kailan ka talaga Rihan! Hindi ka na magtino, huh!" pinagpapalo niya ito ng pinagpapalo. "Stop, Heather." sabi nito Hinabol niya pa ito at pinaghahampas ng unan. "No! I will not stop hanggang hindi ka nagtitino!" Napangisi si Andrea at tumalon pa ng mataas gamit ang kama upang mahampas ng todo ang likuran ng lalaki. "Prepare to be cleansed!" sigaw niya at ginaya si Freya kapag titira ng Ether Strike sa Valkyrie Profile at ini-s***h ito ng unan sa likuran. Tawa siya ng tawa. "Heather, ano ba?" sabi nito na nakakunot noo na. "Hmph. Ang KJ mo ngayon, Rihan! Aminin mo lang, na nagustuhan mo ang halik ko. Hoy, utang mo saakin iyon ah! Sisingilin kita roon!" dinuro duro niya ito. Nakangiting ginulo lamang nito ang buhok niya. "Ang kulit mo talaga. Wala bang masakit saiyo?" nagaalalang tanong nito. Sa totoo lang, kay Rihan lamang siya makulit. Ito lang naman ang nagiisang lalaking kaibigan niya na napaglalabasan ng lahat ng hinanaing at ka-weirduhan sa buhay. Nakaisip siya ng isang kalokohan. Bigla niyang hinawakan ang ulong nabagok, masakit iyon kanina. Pero hindi na niya ramdam ngayon. "Ohhh, Rihan! A-Ang sakit..." papikit pikit pa siya ng mga mata at kinakagat ang labi na tila may masakit na nararamdaman. Mukhang naalarma naman ito. "Saan? Saan ang masakit?" natatarantang wika nito. Lihim siyang natawa. "D-Dito...ouch, Rihan... that hurts.. A-Aray... Rihan..." OA na sabi niya at kunwari umiiyak pa, ngunit wala namang pumapatak na luha. Lintek! Makisama ka namang luha ka oh! Gigil na sambit niya sa sarili. Halos mapahagalpak siya ng tawa nang makita ang balisang balisa na mukha nito, hindi malaman kung ano ang gagawin. Hinawakan nito ang ulo niya at inihiga sa binti nito. "Rihan... hindi ko na kaya... mukhang hindi na ako magtatagal pa..." nanghihinang sabi niya kunwari at todo kagat labi para hindi matawa. Humawak pa siya ng mahigpit sa braso nito. "What...? No, Heather, no! I won't let that happen! Tatawag ako ng ambulansya, please stay still!" Mahigpit na hinawakan nito ang palad niya. Kitang kita naman ni Andrea ang pagaalala ng binata sakaniya. Kaya naman napangiti ang dalaga dahil doon. Ngayon, alam niyang mahal talaga siya ni Rihan. Bago pa ito tumayo, ay pinigilan niya ang kamay nito at binuhos na niya ang lahat ng acting niya. Na sana'y magawa niya nang maayos. "Rihan... please stay with me. Huwag kang umalis, please..." nakita niya ang hirap na mukha nito sa pagdedesisyon. "Andrea..." "Please, Rihan... gusto ko hanggang sa mamatay ako katabi kita. Goodbye Rihan... please be a good boy..." iyon lamang at unti unti niyang pinikit ang mga mata. Atlast, may pumatak na ring luha sa mga mata niya, kaya very convincing ang acting niya! Anytime ay bubunghalit na siya ng tawa kaya lulubusin na niya, sigurado lagot siya sa binata kapag nalaman nito ang kalokohan niya. Nagulat siya nang umatungal ito na parang mabagsik na hayop. "No! Andrea! H-Hindi... hindi mo ako maaring iwan!" narinig niyang humahagulhol na sabi nito. Pinilit niyang huwag huminga at nagkunwaring walang ng malay. Naramdaman niyang may tumutulong tubig sa bandang braso niya, kaunting dinilat niya ang kaliwang mata. Nakita niyang nakayuko ito at... umiiyak! Basang basa na ang braso at damit niya ng luha nito! Yumuyugyog ang balikat nito. "Andrea, please hindi mo ako pwedeng iwan. Please, Andrea wake up... I Lo--" naputol ang sasabihin nito dahil hindi niya kinaya ang sitwasyon, tawang tawa na talaga siya. Humagalpak siya ng tawa, awtomatikong napatingin ito sakanya at bakas roon ang gulat. Agad na dinama nito ang magkabilang pisngi niya. Tinitigan siya ng matiim, mata sa mata. "You're alive... my God! You're alive!" mahigpit siya nitong niyakap habang mamasa-masa pa rin ang mga mata nito dahil sa pagiyak. Halos hindi siya makahinga sa higpit ng yakap nito, nanginginig ito. "You scared me, woman. Don't ever do that again... I'll never forgive myself kapag may nangyaring masama saiyo... never..." sabi nito na parang takot na takot mawala siya. "Rihan... hindi ako mawawala and besides, joke lang iyon. Acting. I'm sorry, galit ka ba saakin?" tanong niya na parang bata. Sinalat nito ang buong mukha niya gamit ang palad nito at hinalikan siya ng binata sa noo. Gawain na talaga iyon ni Rihan noon pa man. "No, hindi ko kayang magalit kailanman sa prinsesa ko. J-Just don't scared me again, okay?" seryosong pakiusap nito. Tumango siya. Na-gu-guilty tuloy siya. Napatunayan na niyang tunay itong naga-alala at mahal siya. Alam niyang tunay na pamilya ang turing nito sakanya, at blessed siya dahil doon. Nakangiting tumango siya at niyakap ito. "Okay, promise. Hindi ko na ulit gagawin," She said like a brat girl who promised not to be clever anymore. "Get rest, may pupuntahan tayo paggising mo," binuhat siya nito at hiniga sa kama niya. Kinumutan rin siya nito, ang sarap talaga kapag narito sa Pilipinas si Rihan. Nagmimistula siyang prinsesa na laging pinagsisilbihan, may cook at labandero pa siya. "Rihan, let's sleep together." malambing na ungot niya rito. "But, Heather... I c-can't," Napakunot noo siya. Ano'ng ibig nitong sabihin? Tinatanggihan na ba siya ng bestfriend niya? "Bakit? Ayaw mo?" tanong niya. "It's complicated. Hindi mo rin ako maiintindihan," bumuntong hininga ito. "Please, Rihan. Nakakatampo ka naman eh," lumabi ang dalaga. Talunang napabuntong-hininga naman ito at wala na ngang nagawa kundi sundin ang utos niya. After all, queen size bed naman ang kama niya. Ayaw kasi niya ng masikip. Hinubad nito ang medyas at ang polo nito. My God, bakit parang uminit ang paligid? Tumingin ito sakanya at pakiramdam niya ay mas lalong uminit. Nakaslacks na lang ito ngayon at nakita niya ang 8 pack abs nito. Oo, aware siya noon pa man that Rihan has a nice physique body at ang itsura at aura nito na mala-boy next door type. Ang katawang pinagnanasahan ng mga kababaihan at papasa na sa Calvin Klein models. "R-Rihan... paki-check nga ang aircon. Hindi yata b-bukas," nauutal na utos niya Sinunod naman iyon ng binata. "Bukas Heather, nasa cold pa nga oh," Napalunok ang dalaga. So, anong ibig sabihin nito? Ahh! Nakakahiya, my god! Baka anong isipin ni Rihan. Isipin nito na pinagnanasaan niya ang delicious body nito? Ano nalang iisipin nito sakanya? Kinuha niya ang kumot at daling tinalukbong iyon sa mukha niya. Hindi niya kayang harapin si Rihan! Binabatukan niya sa ilalim ng kumot ang sarili niya. "Nakakainis ka talaga, Andrea! Nakakainis! Nakakahiya!" parang baliw na kinakausap niya ang sarili. Nakita niya ang anino nito sa kumot at malapit na sa kama. Bumundol ang kaba sa dibdib niya. My God, Andrea. Naririto na siya... Inhale... Exhale. . okay? Okay ka lang. Don't be like this. Matagal niyo na 'tong ginagawa ni Rihan, ngayon ka pa ba maiilang? Keep calm and be normal... Inhale... Exhale... "Heather, ano 'yang sinasabi mo d'yan? Naririnig kong nagmumurmur ka," ani Rihan. Nanang ko po! "Ah... eh, wala 'no! Matulog na nga tayo! Nakakainis tong lalaking 'to ang tagal kumilos!" Kunwari'y galit na sita niya. Narinig niyang napakamot ito sa ulo at humiga na sa tabi niya. Uh-oh ito na Andrea... whoo... huwag mong gagapangin si Rihan! Alam kong virgin ka pa, pero maghunos dili ka naman 'no! Sabi ng inosenteng bahagi ng isip niya. Asus, nagmamalinis pa ang ale! Kontra ng malanding bahagi ng isip niya. Napapikit siya sa inis na nararamdaman. Tinampal niya ang noo. Andrea, please behave! "Heather, ano ba? Ang gulo mo naman," reklamo ni Rihan sa tabi niya. "Heh! Edi sa sofa ka matulog!" naiiritang sagot niya. "May regla nanaman ang babaeng ito," napapailing na wika na lamang nito at humarap sakanya, batay sa anino nito. Nakatalukbong pa rin sa mukha niya ang kumot. Kinuha at dinantay nito ang legs niya sa legs nito at niyakap siya. She was used to this, pero parang may kakaiba ngayon? Bakit parang... parang... Rihan looks more yummier... and sexier now? Halos hindi siya makahinga, nagrarambulan ang puso niya sa bilis ng t***k nito. Inalis nito ang kumot sa mukha niya. "Hindi ka makakahinga n'yan. Sleep well, Heather. May pupuntahan pa tayo after," hinalikan ulit nito ang ulo niya at naramdaman niya ang unti unting pagsarado ng talukap ng mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD