NANGINGITING TINUNGO ni Jedric ang pintuan ng main door nila, bumungad roon ang takang mukha ng kapatid niya na si Jerica. "Aba! Anong masamang hangin at mukhang masaya yata ngayon ang baby brother ko?" takang tanong nito pagkakita sakaniya.
Natawa siya. "Bakit? Masama na ba ngayon na maging masaya?" tanong niya na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi.
"Wala akong sinabing ganoon. Ang ibig ko lang sabihin bakit masaya ka 'ata ngayon? What's new? Bakit kayo na ba ni Portia at ganyan ka kasa--"
Pinutol na niya kung ano man ang sasabihin nito. Ayaw na niyang marinig ang sasabihin ng kapatid na pawang mga walang katotohanan. "Jerica, it's not about Portia. At alam mo namang hanggang screen lang ang love team namin. At kahit isipin ko pa lang ang bagay na iyon ay napapangiwi na ako," hindi talaga maimagine ni Jedric ang sarili kasama ang artistang tulad niya na si Portia.
Ito ang ka-love team niya at kung gaano kalakas ang chemistry nila sa harap ng camera ay napaka-opposite n'yon sa totoong buhay. Sa totoong buhay, hindi sila close nito at ayaw niya sa guts ng babae. Siya kasi iyong tipo ng lalaking conservative at si Portia ay moderna at hantaran ang pagsasabi nitong gusto siya at bakit hindi pa nila i-level up ang pagiging on-screen love team nila.
Tinaas ng kapatid ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "Okay, okay. Ito nalang, bakit masaya ka?" parang nagugulumihan pa ring tanong nito.
Bakit nga ba siya masaya? Well... "I think ate, nakita ko na ang babaeng papakasalan ko," muli siyang napangiti na parang baliw na teenager.
Halos lumuwa naman ang mga mata nito sa narinig at tumayo mula sa prenteng pagkakaupo sa sofa. "Jedric Kyle! Tama ba ako ng naririnig? Nakita mo na ang babaeng papakasalan mo? Are you sure about it?"
Doon siya napangisi. Heck, he was never been this so sure. Unang kita pa lang niya kay Andrea ay nabighani na kaagad siya rito. At alam niyang may dahilan kung bakit niya ito nakilala at niligtas. Naniniwala siyang ito ang babaeng laan para sakaniya. At kung hindi man, well he is willing to fight for it!
"Oo ate, tama ka ng naririnig,"
"Alam ba ito ni mom? Sino siya? Do I know her?" Hindi magkaundagaga na tanong nito.
"Isa-isang tanong lang, okay? Well, hindi pa alam ni mom. Kung tatanungin mong kilala mo siya, naniniwala akong hindi. Because she's quite unique," nakita niyang umirap ito
"Ang korni mo naman. Kilala ko ba o hindi?"
Natawa siya. "Hindi mo siya kilala, ate."
Naintriga naman ito. "Ipakita mo nga saakin 'yang babae na 'yan, nakakacurious ha," sabi nito na hindi pa rin makapaniwalang may babaeng nakakuha ng interest niya.
"Oo naman, don't worry," Iyon lamang at umakyat na siya sa kwarto niya.
~
PAGKAHIGA ni Jedric sa kama ay agad niyang ginunita ang nangyari kanina, kung paano niya iniligtas ang buhay ng magandang dalaga sa kamay ng holdaper. Napangiti siya nang maalala ang mukha nito. Napakaganda. Kakaiba. Bilang isang actor, ilang beses na siyang nakapagdate at nakakita ng nagagandahang babae. Natural na lang iyon sa trabaho niya dahil mahirap ding humindi, dahil lahat ng galaw ng isang celebrity ay may issue kaagad. Sa larangan pa naman ng showbiz ang kasinungalingan ay nagiging katotohanan. Ang katotohanan ay nagiging kasinungalingan. Dito sa mundong ginagalawan nila, may pakpak ang balita at may tenga ang lupa at kaunting galaw mo lang, chismis ka agad.
Well, that's life. Hindi na maiiwasan iyon. Maraming darla sa showbiz. Marami na siyang nakita at nakilalang mas magagandang babae kesa kay Andrea. But... there's something about her that hit him. Hindi niya alam, ngunit kay bilis nitong nakuha ang atensyon na napakailap na makuha ng iba.
Para bang nagiisang babae lang si Andrea sa mundo niya na ito lamang ang napansin niya. Para bang 'yung iba ay display lamang, nababaliw siya kay Andrea, ngayon pa lamang. Hinahanap hanap na niya agad ang mukha nito, ang tinig nito, ang munting tawa nito at ang kainosentehan nito.
Noong malaman niya na hindi siya nito kilala ay na-amuse siya, imagine, halos lahat ng tao sa Pilipinas ay kilala siya tapos itong babaeng ito parang nasa bundok nakatira at hindi siya kilala? Gayunpaman, he really find her amusing in her own way. Wala pang sinumang babae ang nakapagpabaliw ng ganito sakaniya. Kung sa iba siguro matatapakan ang ego niya at maiinsulto na hindi siya kilala but damn, imbes iyon ang maramdaman niya, naaliw pa siya!
Pinilit niyang makatulog ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya magawa. Pabiling biling siya sa higaan. Sa bawat pagmulat ng mata niya ay ang maamong mukha ni Andrea ang nakikita niya. Napa frustrate siya. Hindi siya makapagconcentrate.
Wala siyang nagawa kundi bumangon at gumawa ng isang hakbang, hahanapin niya si Andrea saan mang lupalop and he will do everything just to make her mine. Tanging kanya lang. Nasisiguro na siya, ngayon pa lang, ito na ang gusto niya maging asawa at maging ina ng kanyang mga anak. Sana naman ay wala pa itong asawa o kahit boyfriend.
Ngayon lang siya umasam ng isang bagay, at sisiguraduhin niyang makukuha niya ito sa unang pagkakataon na humiling siya ng ganito!
What Jedric wants, Jedric gets!
~
SAMANTALA, SI Reeve naman ay malayo ang iniisip at wala sa kasama ngayon ang diwa at atensyon niya. Pumunta nang walang pasabi ang babae sa opisina niya rito sa Manila.
"Babe, c'mon! Let's do it here..." malanding sabi sakaniya ng sikat na aktres na si Natasha Foube. Pinadaanan pa nito ang mga daliri sa dibdib niya.
Siguro, kung sa ibang pagkakataon at iyong kilala niya pa ang sarili, ay kadaling naakit siya ni Natasha. Bakit hindi, magandang babae ito at sexy. Pero hindi niya ba alam, parang nawalan siya ng amor dito. Hindi lang dito. Pati na sa iba at naggagandahang mga babae.
Napapakamot sa ulo na tinignan niya ang babaeng ito. Ano bang mayroon sa mga babaeng ito?
"Acacia, get out of here. Hindi mo ba nakikita, marami akong ginagawa. Busy ako," naiinis na sabi niya rito.
Paano ba siya hindi mabibigla sa ginawa nito bigla na lamang itong umupo sa desk niya at hinubad ang panty! Kung dati rati ay agad siya ma-a-arouse. Pero ngayon, ewan, iba!
Natigilan ang babae at galit na pinagbabayo siya sa dibdib. "What?! Who's Acacia?!"
Kumunot ang noo niya, tanga ba ito? O nagtatanga tangahan lang? "Sino pa ba? Malamang, ikaw. Sino pa bang kausap ko ngayon?" pilosopong sagot niya.
"Damn, I hate you, Reeve! My name is Natasha not Acacia. Hindi ako puno!" pinagdiinan pa nito ang pangalan nito.
Napabuntong hinga siya. Sa dami ng mga babaeng nagpupuntahan sakaniya. Hindi na niya matandaan ang mga pangalan nito. He's not good in remembering names. Anyway, ito ang pumunta rito sa office niya at nagdemand na makipagmake-out sa loob ng office niya rito sa Pilipinas, for christ sake!
"Sorry Natalia--"
Isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha niya. "It's Natasha! Not Natalia. You jerk!" Nagwawala na ang babae sa matinding galit.
Apologetic naman na tinignan niya ito ng matiim. "Okay Miss, pwede ba umalis kana at iwan mo ako rito. Bigyan mo ako ng peace of mind. Kung hindi ka aalis, I have no choice pero ipapadampot kita sa guard. Sinasayang mo ang oras ko. Come on, suotin mo na ang panty mo and get out," turo niya pa sa pintuan ng office niya.
Gigil na gigil na sinuot nito ang lacy panty at bago ito umalis ay binigyan siya nito ng nanguuyam na tingin. "Ano'ng nangyari sa matinik at bihasa sa babaeng si Reeve Buenavists? Bakit hindi ko na siya makita ngayon? Tinago mo ba siya? You're changing Reeve. You're so boring na, at ayaw ko sa boring at walang thrill na tao, gotta go! Bye! Hope bumalik na ang totoong Reeve!" Iyon lang at tumataguktok ang matulis na heels nito sa makintab na tiles.
Napabuntong-hininga siya pagkaalis nito. Napahawak siya sa ulo niya dahil na nai-i-stress siya. Damn, tama ang babae. Ano na nga ba ang nangyayari sakanya? Bakit ba siya nagkaganito simula nang bumalik siya sa Pilipinas? Where's the old Reeve?
Sinandal niya ang likod sa swivel chair at umikot. Maybe he needs a break.
No, it's not what you need. You need her. Sabi ng kabilang bahagi ng utak niya.
fuck! Ano na bang nangyayari sakaniya? Bakit ilang araw na siya nitong hindi pinapatulog? Ilang araw na nitong binubulabog ang isip niya? Ang daming babaeng lumalapit sakaniya pero nakakapagtakang wala siyang gana and he finds them boring and unattractive.
Parang may hinahanap-hanap ang mata niya na hindi makita ang hinahanap. Sinubukan niyang pumuntang bar, pero hindi effective. Nade-depress na siya. Hindi siya makapagconcentrate sa trabaho at napapansin na 'yon ng Tiya niya.
Ano bang mayroon sa Andrea na iyon? Hindi naman niya matandaang na pinakain siya nito. Ginayuma ba siya nito? Kinulam? Bakit siya nagkakaganito sa dalaga? Para siyang mababaliw sa ilang araw na hindi niya ito nakikita at nasisilayan, para itong d*rugs na hinahanap-hanap ng sistema niya.
Ang maganda nitong mukha, ang mga kainosentehan nito, ang napaka sexy nitong katawan...
pervert jerk! Sigaw ng utak niya.
But hell, maisip niya pa lang si Andrea ay hindi na niya mapigilan ang hindi ma-arouse kahit anong pigil ang gawin niya.
Sa huli bago pa siya takasan ng katinuan, nakapagdesisyon na siya. Pupuntahan niya si Andrea! Ngayon din!