"TAMA, SAKTONG sakto. Gumising kana, Heather. Ano'ng oras na rin. Nakahanda na ang pang paligo mo," ani Rihan nang makitang gising na ang kaibigan.
Dahil gustong umasa ni Andrea na kapag natulog siya ulit ay muli niyang mapapanaginipan ang gwapo at knight in shining armor niya ay muli siyang pumikit at kinumpas ang kamay sa ere na tila pinapatigil ang kaibigan sa pag-gising sakaniya.
"Mamaya na... 5 minutes pa..." ungot niya.
"Anong five minutes ka r'yan! Kilala kita, Heather. Gumising kana, isa," pagbabanta nito.
Nang hindi siya gumalaw ay sapilitang bnangon siya nito. Napatingin siya sa kaibigan. Bagay na bagay rito ang suot nitong V-neck white shirt at khaki fitted shorts. Fresh na fresh itong tignan. Parang ang bango bango. Nakaligo na pala ito, at dahul nakakahiya namang paghintayin ito kaya bumangon na siya at pumuntang banyo.
~
ILANG MINUTO at natapos na rin siya. Nagsuot lang siya ng chiffon turtle neck blouse. Color white ito at chekered na itim. Regalo sakanya ito ni Rihan noon kaya susuotin niya ito ngayon. Nagsuot lang siya ng skinny jeans at boots bilang sapin sa paa.
Naisipan niyang itrintas ang mahaba niyang buhok at naglagay lang ng sailor hat sa ulo. Nagayos ng kaunti sa mukha, and she's ready to go. Kinuha niya ang sling bag niya at nagwisik lamang ng paborito niyang pabango na Chanel Coco.
"Ganda naman natin ngayon," nakangiting puri ni Rihan at lumabas ang dalawang biloy nito sa mukha.
Inirapan niya ito. "Matagal na akong maganda, 'no,"
"Pasok na po mahal na prinsesa," pinagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse nang makarating sila sa parking.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya rito.
"Sa dating gawi," nakangiting sulyap nito sakanya. Nagkibit balikat siya at hinayaan ito. Ilang minuto ang lumipas at bumungad sakanya ang time zone.
Nanlaki ang mga mata niya at excited na lumabas. Nakangiting sinundan lamang siya ni Rihan.
"Oh my... thank you, Rihan!" nakangiting niyakap niya ito. Rihan hugged her back.
Damn, she missed this place. Lagi sila nagpupunta rito ni Rihan kapag dayoff nila, ang tagal na niyang hindi nakakapunta rito dahil ilang buwan rin nasa Las Vegas ang binata. Kahit noon pa mang bata bata sila ay lagi silang naririto ni Rihan. Favorite place nila iyon. Noong kolehiyo naman sila, at kapag nagkataong mahaba ang vacant time nila dahil matagal pa ang susunod na subject, time zone ang sagot sa kanilang problema.
"No problem, anything for you. I know ang tagal mo nang hindi nakakapunta rito," sabi nito. Kinurot lang niya ang pisngi nito at hinatak na ito papasok sa loob ng nasabing palaruan.
Maraming token na binili si Rihan, na tila mauubusuan ito. Halos lahat ay mga teenagers ang nasa loob, sila na lamang ata ang matanda rito. 'Yung iba ay kasama naman ang mga anak. But, who cares? Wala namang age limit ang mga ganitong palaruan.
Tinuro agad niya ang arcade booth at pinili ang larong Tekken. Excited na pinili niya ang favorite character niya na si Xiao Yu, expert ata siya dito. Si Rihan naman agad na pinili si Lei. Maging si Rihan sa character na iyon, pero magaling rin siya. Nakailang rounds sila at halos tie ang laban, kita niyang siniseryoso nito ang laban nila. Pero sa huli siya pa rin ang nanalo. Tawa siya ng tawa ng makita ang nanunulis na nguso nito.
"Ang daya! Sipa ka lang ng sipa!" reklamo nito.
"Heh, anong maduga roon! Eh technique niya iyon, kasalanan mo hindi ka marunong umilag!"
"O sige, Marvel Vs. Capcom naman tayo tignan ko kung manalo ka pa!"
"Sure!" hindi siya uurong sa anumang hamon.
Kinuha niya si Chun - Li at ang second character ay si Gambit. Pinili naman nito si Wolverine at ang second hero nito ay si Captain America. Napasarap ang laban nila. Hindi nila namalayan na marami na palang nanunuod sa likuran pero wala silang pakialam. Naka tatlong rounds sila, noong una panalo si Rihan. Ngunit sineryoso na niya at sa susunod na rounds ay siya na ang nanalo. Puro pangaasar naman ang inabot nito sakanya.
"Pinagbigyan lang kita kasi babae ka..." siya naman ang inaasar nito.
"Whatever," She rolled her eyes.
Sinunod naman nila ang basketball. Favorite niya ito pero mukhang hindi siya nito favorite, naroon iyong tumalbog yung bola at halos matamaan na siya sa mukha niya, naroon iyong bitin ang tira niya. Ah, nakakainis! Hinayaan nalang niya. Natawa naman ito sa inakto niya. Marami pa silang nasubukang mga palaro at talagang nakaka-enjoy at unwind, sulit na sulit.
Sinubukan din nila ang motor racing. Bet na bet naman niya dahil feel niya siya talaga ang gumagalaw. Naroon iyong sinbukan din nila iyong shooting. Pero hindi siya pwede roon, matarantahin kasi siya kaya hindi niya nababaril iyong kalaban. Si Rihan lamang ang nakarami ng points doon. Napadako ang tingin niya sa Dance Revolution at hinatak ang binata, na-e-excite na pinili niya ang paboritong tugtog doon sa DDR, Stomp to my Beat.
Noon, napakahilig nila ni Rihan mag DDR at talagang hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kupas. Hard ang pinili nilang laban, nagsimula na ang tugtugin at narinig niya ang palakpakan ng mga tao. May ilan pang kinukuhanan sila ng video at tuwang tuwa sakanila.
Nang mapagod sila ay tinapos na nila at nagkatinginan. Pagod man, ngunit bakas sa mukha nila ang matinding kasiyahan.
Papalabas na sana sila, nang may mahagip ito sa paningin. "You like frog toys right?" nakangiting tanong nito.
"Uhuh," Pumunta ito sa toy booth at naghulog ng token. Excited na nilapitan niya ito. Concentrate itong kinukuha ang frog stuff toy. At ilang sandali pa, voila! Hawak hawak na niya ang laruan.
"Thank you so much, Rihan..." halos maluha luhang yakap niya rito. She was never been this happy. Ang tagal din niyang nagisa. Walang kasama. Iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag kasama niya ang bestfriend niya.
Hinagod nito ang likuran niya. "Anything for my princess," Naglakad sila sa loob ng mall at naghanap ng restaurant na makakainan. Nakaramdam sila ng gutom. Marami pa silang ginawa ni Rihan, pinagshopping siya nito at nag grocery sila.
Ang saya saya, the feeling was very light. Parang lumulutang siya sa alapaap. The best talaga ang bestfriend niya. Napakasarap nitong kasama at kaya niya maging weirdo at siya mismo kapag kapiling niya ito. Kahit 'yong ang pangit pangit na ng itsura niya, pero alam niyang tanggap pa rin siya nito. Kapag kasama niya ito, hindi niya kailangan magkunwari o magpanggap na ibang tao na hindi naman siya.
Anong oras na rin nang mapagpasyahan nilang umuwi na sa condo unit niya, at tulad nang inaasahan, dito ulit matutulog sa condo unit niya ang binata. Her bestfriend. Nakatulog si Andrea na magkayakap sila ng binata at may ngiti sa labi.
~
MAHIMBING NA ang tulog ni Heather sa bisig niya ngunit hindi matagpuan ni Rihan ang antok niya. Ngayong payapa na natutulog ang dalaga, ay malayang napagmamasdan ni Rihan ang kaibigan. Ang maganda at maamo nitong mukha.
Wala sa sariling napabuntong-hininga siya at lumakbay ang diwa. Trenta'y dos anyos na siya. He got everything. He has money. Ang nagkahiwalay niyang magulang ay mayayaman dahil nagma-may-ari ang mga ito ng prestihiyosong hotel at casino sa Las Vegas. Sa madaling salita, mayaman siya at kayang kaya niyang bumuhay ng sariling pamilya kahit wala siyang permanenteng trabaho.
He isn't just rich. He can guarantee that his soon to be future family will have a comfortable life. He can provide them everything they want and need. Food, shelter, education, life plans, investments at kahit ano pa mang naisin ng mga ito.
Maitsura rin siya at masasabing guwapo. High-fade at clean cut lagi ang gupit niya, for he was never an avid fan of long hair. Pakiramdam niya kasi ay hindi babagay iyon sa itsura niya. May dugong banyaga rin siya dahil ang magulang niya ay mixed races ng Italian, Spanish at Filipino.
Anim na pulgada ang taas niya. Hindi siya 'yung tipong tall, dark and handsome. He was the total of opposite of that. Hindi rin siya iyong tipong mukhang bad boy at casanova. He was the living proof of Boy-Next-Door type. He is wild and carefree.
Para kasi sakaniya, lahat ay isa lamang challenge. Kumbaga sa college life, pa petiks-petiks lang siya. Yeah, he was used to it.
Noon ngang senior college na siya at si Heather naman ay freshmen pa lang sa University na pinapasukan nila, natatangurian siyang matalino. Mas ahead siya rito ng year dahil na-accelerate siyang mag-aral noong elementary at highschool days niya.
Mechanical Engineering graduate siya at may lisensya. Sa pagkakatanda niya noon, ang pinakamababa niyang marka noon ay one point five. Kahit hindi naman talaga siya nag-aaral o nagre-review. Noon paan, ayaw na talaga niya ng masyadong seryoso sa buhay. Life is too short, at naniniwala siyang habang nabubuhay pa ang isang tao, kailangang gawin nito kung ano ang makakapagpasaya rito. Live life to the fullest, ika nga.
Unlike Heather, first year pa lang noon pero tanda na niyang nagsusunog na kaagad ng kilay. Walang thrill ang life. Naiisip niya noon, bakit kailangan niya magpakakuba sa pagaaral tungkol sa walang katapusang mathematics at paulit ulit na english. Damn, simula elementary to highschool lagi nang kasama ang mga iyon pagdating ba naman ng college mayroon pa ring ganoon, what's with it anyway?
Ang mahalaga, alam niya ang basic mathematics. At sa Ingles naman, okay na siguro marunong siyang magbasa at nakakaintindi. Marunong makipagkomunikasyon gamit ang Ingles na wika.
Ang pinakai-inisan niya pa sa lahat ay iyong ay ang physical education. Simula pagkabata hanggang kolehiyo ay naroroon pa rin ang walang kamatayang p.e subject. Naniniwala siyang maganda sa kalusugan ng isang tao ang ehersisyo at sapat na kaalaman sa kalusugan at katawan. Ngunit hindi siya ganoon ka body-conscious at aaminin niyang hindi siya mahilig mag work-out at gym. Talagang swerte lang siya dahil kahit gayon ay maganda ang katawan niya at walang bilbil. Wala man siyang naglalakihang muscles tulad ng mga body builder, ay hindi naman patpatin ang muscles niya sa katawan.
Ang matindi pa roon, dalawang taon o apat na semestre pa ang p.e subject sa curriculum noong kolehiyo. Nakakatwang ang laki laki niyang tao pero nakikitang sumasayaw at nage-exercise sa mga activities ng subject na 'yon.
Natatandaan niya pa noon, tuwing p.e class ni Heather ay hindi lingid sa kaalaman niyang pinagtitinginan ito ng mga lalaking kaklase at ibang ka-schoolmate na parehas ng oras nito sa p.e. Kaya naman lagi niya itong binabantayan sa labas ng gymnasium.
God, hindi niya matiis hindi panuorin ito. Di bale nang nagi-i-skip siya ng klase noon, makanakaw lang siya ng sulyap rito tuwing p.e. Bakit naman kasi hindi? Damn! Napakaganda nito sa p.e uniform. Very sexy indeed. Noon pa man ay namumukad tangi na ang ganda nito sakanyang paningin. Hindi lang nito alam, pero unique ito sa panlasa niya.
Napakasimple lang at conservative manamit, but damn! Hindi talaga kayang itago ng uniporme ang ganda ng hubog ng katawan nito. Kahit saglit lamang ang nakaw na tingin niya ay hindi ito naging hadlang upang ang paghanga niya ay mauwi sa pagibig rito.
Matagal na niyang minamahal si Heather. Sobra sobra, na halos kahit buwan ay kaya niyang sungkitin para lamang rito. Minsan, natatagpuan niya ang sarili na napakakorni dahil sa mga naiisip niya. Pero sabi nga ng ilan, ganoon daw talaga kapag nagmamahal. Nagiging korni at ma-keso.
Alam niyang noon pa man ay maraming gustong ligawan ito pero babalakin pa lamang ng mga ito ay hinaharangan na niya. Habang ito ay walang kamalay-malay at nagtataka bakit ni wala man lang nangliligaw dito noon.
Pinilit niya mapalapit nang husto sa babae hanggang sa naging magkaibigan sila, masaya siya sa company nito. Masyado siyang protective rito kaya kahit kailan hindi ito nagka-boyfriend dahil na rin sa kagagawan niya.
Siyempre, hindi niya hahayaan mangyari iyon. Ang tagal na nang paghihintay at pagtitiis niya tapos maagaw lang ito ng iba? No way!
Gustuhin man niyang magtapat rito noon pa man ngunit nauunahan siya ng takot, takot na masira ang friendship nila ng dalaga at tuwing titiyempo na siya ay laging nauudlot naman.
Hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral at nakapasa sa board exam. Wala naman siyang kapatid. Ang mga pinsan niya ay nasa malalayong lugar. May asawang iba na ang papa niya na isang tanyag na businessman, mayaman ang ama niya at siya lamang ang nagiisang anak kaya sakanya napunta lahat ng mga ari-arian nito. Pero hindi niya ginalaw iyon, kinuha lang niya ang trust fund niya at doon kumuha ng pang capital sa negosyo. Sinuwerte naman siya kaya ngayon, successful ang La Mercedes, ang isa sa sikat at puntahan na casino at hotel sa Las Vegas. Hindi rin naman siya masyadong naging tutok doon dahil may kinuha siyang tao upang iyon ang magasikaso ng business niya. Habang siya ay kumikita at nagpapakasarap sa buhay.
Nagretiro na rin ang ama niya at ngayon ay kasama nito ang bago nitong asawa at tahimik na namumuhay sa Australia.
Siya man ay handa nang lumagay sa tahimik, pero titiyakin niya mangyayari lang iyon kung si Heather ang mapapangasawa niya. Hindi niya nakikita ang sarili na mag-aasawa ng ibang babae. Wala siyang ibang gusto kundi ito lamang.
Ito ang gusto niyang maging reyna ng tahanan niya, ang ina ng magiging anak niya. Sa sobrang pagmamahal niya sa babae ay kaya niyang gawin ang lahat ng gusto nito huwag lamang makitang umiiyak at nasasaktan ito. Halos guwardiyado niya ito sa bawat lakad nito at hindi rin siya pumayag noon na magkalayo ang bahay nila. Kumuha rin siya ng condo unit sa kung saang condo ito kumuha kahit na may niregalo na ang ama sakanya na pad sa isang high-end condominium din.
Natandaan niya pa ang unang beses na nakita siya nito sa condominium na ito.
Nakita niyang pumasok ng elevator si Heather kaya nang pasara na ito ay sinilid niya ang kamay niya sa pagitan ng elevator, nagulat ito nang makita siya.
"Rihan! Anong ginagawa mo rito?" bakas sa mukha nito ang matinding gulat.
Napangisi siya sa loob loob. "Dito ako nakatira, ikaw?" kunwari tanong niya
"Talaga? Bakit hindi ko alam? Gosh, magandang balita 'yan. Dito rin ako nakatira, kakabili ko lang ng unit ko. Ano'ng floor ka?" masayang sabi nito.
"16th floor,"
"Ang galing! Coincidence! Floor 16 din ako," lumabas ang pantay na pantay at puting ngipin nito. "Really? Well, mukhang pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana," nakangiting sagot niya.
Nagagalak na humilig ito sa balikat niya. "Mukha nga. Mukhang nakatadhana talaga tayo maging maging mag bestfriend forever,"
Hindi na lamang niya pinahalata na nalungkot siya sa sinabi nito. Hinaplos na lamang niya ang ulo nito at dinampian ng halik doon.
Kaya ngayong naririto na siya at ngayong alam niyang higit pa na nasa tamang edad na si Heather, ay gusto na niyang magkaroon sila ng masaya at tahimik na pamilya. Matured na ito, at naniniwala siyang ganoon na rin naman na siya. He was not getting younger anymore. Gusto rin niyang magkaanak. At ito ang gusto niyang maging ina ng kanyang anak.
Handa na ang lahat. At dapat niya nang magawa na mahalin din siya ni Heather.