KASALUKUYANG inaayos ni Andrea ang mga records ng kanyang pasyenteng aso nang lumapit sakanya si Caleb. Ang kanyang male assistant. "Doc, may naghahanap po sainyong lalaki sa labas," anito. Napakunot noo naman siya. Wala siyang inaasahang delivery supplies ng mga pet food ngayon. "Sino raw? Wala naman tayong delivery ngayon," "Hindi po sinabi ang pangalan Doc. Basta sabi niya kilala niyo raw siya," nagkibit balikat siya. Baka si Rihan lang iyon. Tinabi muna niya ang mga records na hawak at tinanggal ang suot niyang laboratory gown. Sa loob kasi ng clinic niyang iyon ay mayroon siyang sariling opisina at nandoon nakalagay ang mga importanteng papeles ng negosyong niya. Nadala na siya dahil noong ilang taon na ang nakakaraan ang opisina niya ay nasa lobby lang ng clinic, kaya nasalisiha