❦ ABATTB - 4

2164 Words
PHILIPPINES Sa wakas, pagkatapos nang mahaba at nakakaboring na biyahe ay naririto na rin siya sa bansang sinilangan. Nagpadala ng mensahe ang Tiya niya na may susundo raw sakaniya sa airport. Ginala niya ang paningin. Itim na Lamborghini raw ang susundo sakaniya at sinabi nito ang plaka. Agad naman niya itong nakita at tila kilala na rin naman na siya ng driver. "Magandang araw, Sir. Ako po iyong pinadala ni Madam Concha." magalang na pakilala nito. Tumango lang siya at pinagbuksan siya nito ng pintuan sa passenger seat. Sumakay agad siya roon at ilang sandali pa ay mahimbing na mahimbing na ang tulog niya. May jetlag pa siya sa biyahe. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal natutulog ngunit nakarinig na lamang siya ng kakaibang ingay na galing sa labas. Parang may nagbungguan. Napasubsob pa ang mukha niya sa headrest ng driver seat dahil sa biglaang pagpreno. Tila nagising ang natutulog niyang diwa. "Ano ho ang nangyari?" nakakunot noong tanong niya. Napapakamot ito sa o habang tumingin sakanya. Hindi makatingin ng maayos. "Ah-eh, S-Sir..." Nagulat na lamang siya nang makita sa gilid ng bintana niya ay may isang babaeng galit na galit at binato ang salaminl ng kotse gamit ang bato. Nanlaki ang mga mata niya. My God! Baliw na ba ito? Hindi ba nito alam kung magkano ang sasakyan ng Tiya?! Inis siyang bumaba ng kotse para harapin ang mahaderang babaeng ito. Hindi niya ito papalagpasin! Kakauwi niya lang galing ibang bansa at pagod pa, ngunit mukhang mae-evict niya itong babaeng ito. Pagkababa niya, nasilayan niya ang isa sa pinakamagandang babaeng nakita niya 'ata sa tanang ng buhay niya. She's not that beautiful na pwedeng ipanglaban sa beauty pageants. Pero may ganda itong hindi nakakasawa. He was about to screen her body but to noticed na napaka baduy nito manamit. Conservative ito manamit. Sa init ng klima dito sa Pilipinas, anong pumasok na kalokohan sa kukote nito para magsuot ng get-up nito? Sayang maganda pa naman ang dalaga. But, no way. Hindi siya pumapatol sa pa old-maid na. Tulad ng tiyahin. Mukhang may balak pa yatang pumasok sa kumbento itong babaeng ito. Napansin niya bahagya itong natulala nang makita siya at mukhang nagda-daydreaming pa ang mukha nito kaya naisip niyang lokohin ito. Mukhang napahiya naman ang babae, kaya bahagyang tumagilid ito at para punasan ang ika nga niyang "tumulong laway" nito. Natawa siya. He find her very amusing. Ilang sandali pa ay nagkapalitan na sila ng maaanghang na salita ng babae. Matabil ang dila nito. At ayaw man aminin ni Reeve, ngunit nasasagi nito ang ego niya. Kaya naman para matapos na ang usapan ay binigyan niya ito ng tseke at nanggigigil na umalis doon. Sayang! Maganda pa naman ang babaeng 'yon, pero bukod sa manang na nga manamit, masyado pang mataray! "Nandito na ho tayo, Sir, pasensiya na ho ulit. Ayaw ko pa hong matanggal sa trabaho," sabi ng driver. Tumango siya at bumaba na. Kinuha ng driver ang bagahe niya sa compartment at siya naman ay nagdoorbell na sa bahay. Agad siyang pinatuloy ng kasambahay at dare-daretsong pumasok na sa loob. Agad niyang nabungaran ang tiyahin niya na na nasa hapag kainan at nagaayos ng pagkain. Nagulat ito nang makita siya. "Reeve! Hijo! Nagulat naman ako saiyo. Hindi ka man lang tumawag na narito kana. Hindi pa ako tapos mag-prepare. Anyway, kamusta ang biyahe? I miss my baby boy," nakangiting lumapit ito sakanya. Agad siyang nagmano. Niyakap siya nito at gumanti rin siya ng yakap. He miss her Auntie so much. "May nangyari lang, Auntie. Masyado akong pagod sa byahe..." mababakas ang pagod sa boses niya. "Ganoon ba? O sige, umakyat ka muna roon sa kwarto mo at magpahinga saglit. Tutal hindi pa ako tapos magayos dito. Tatawagin na lang kita kapag ayos na," sabi nito "Okay, Auntie. Thanks," at umakyat na nga siya. Tinungo ang dating kwarto niya na ganoon pa rin ang ayos. Nakakamiss din pala rito. Agad siyang nagpalit ng komportableng damit at nahiga sa kama. Naisip niya ang babae kanina. That woman is interesting. Pero naisip niyang dapat nang huwag isipin ito dahil alam naman niyang hindi na sila muling magkikita pa. Bago pa siya hilahin ng kaantukan ay may naririnig siyang tinig sa ibaba. Parang may kausap ang Auntie niya. Napagpasyahan niyang bumaba at tignan sino ang kausap ng tiyahin. Isama na rin ang pagtunog ng sikmura niya. "Tita, sino ho iyang kausap mo?" tanong niya habang pababa ng hagdan "Ah, sakto! Ikaw pala hijo, ito si Dra. Andrea, ang veterinarian ko. Naku, napakagandang bata nitong si Andrea hijo, come here," sagot ng Tita niya. Napangiwi siya. Mukhang balak pa yata ng tiyahin i-match make siya. Kilala niya ang sinasabi nitong veterinarian. Papaanong hindi, eh kulang nalang sambahin na ito ng tiyahin niya. Wala yatang tawag na hindi nito binabanggit ang Doctor nito. Na ayon dito ay napakaganda, napaka maayos na babae at responsable. Lahat na yata ng magandang 'napaka' ay nasabi na ng ginang. Sa mata nito, tila isang santo ang Doctor nito. Bilib na bilib ito sa babae nito at kulang nalang ay ipagpalit na siya rito. Nasabi pa nga nitong parang anak na ang turing nito sa alaga. Isama pa roon na parehas ang mga ito ng interest. Pets. Well, hindi naman siya inggitero. At hindi naman siya nai-inggit sa malugod na papuri ng tiyahin sa dalaga. Alam naman niyang siya ang mas matimbang dito at salingkitkit lang ang Doctora na ito sa buhay ng pinakamamahal na Tiyahin. At bukod pa roon ay baka manggagamit ito at nakikipag-close sa ginang dahil alam nitong mayaman ang huli. Mga taong oportunista at manggagamit! Hindi na iyon bago sa buhay. At dapat niyang masabihan ang tiya, lalo na't wala namang masama kung magiingat. Kailangan niya masabi ang nilalaman ng isip sa hindi nakaka-offend na paraan dahil tiyak niyang hindi makikinig ang tiyahin sakanya basta basta. Pagbaba niya ng hagdan saktong nagkatitigan sila ng panauhin nito. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng tiyahin. "Ikaw?!" at nakakatawang bukod sa parehas sila ng reaksyon ay magkasabay pa nilang sinabi iyon. ~ "WHERE HAVE you been? I've been searching you everywhere!" nagaalalang bungad ng binata kay Andrea. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Hindi siya mapakaniwala na naririto ito ngayon sa harapan niya. Her bestfriend. "Rihan!" masayang tili ni Andrea. Ibinuka nito ng malapad ang mga braso. Walang isip na tinakbo niya ito at niyakap ang binata, nagyakapan sila ng mahigpit. Namiss niya ang init ng yakap nito. Oh God, ngayon niya lang realized kung gaano niya ito namiss. "Bakit ngayon ka lang? Akala ko ba saglit ka lang sa Las Vegas?" nakabusangot na tanong niya sa kaibigan. Bahagyang natawa ang lalaki sa pagsimangot niya. Nangigigil na kinurot nito ang pisngi niya. "Aray! Ang sakit naman." nakasimangot na reklamo ng dalaga. "Ikaw kasi. Ang cute cute mo!" parang batang sabi nito. Hindi pa sila kumakalas sa yakap ng isa't isa. Miss na miss niya ang lalaking ito. Ilang buwan din itong nawala at hindi nagparamdam. "Hmpk. Wala ba akong pasalubong?" kunwa'y nagtatampong wika niya "Asus! Nagtanong pa ang ale. Akala naman nakalimutan na siya," tatawa tawang sabi nito. Hinampas niya ito sa balikat. "Sus! If I know hindi naman business ang inasikaso mo roon sa Las Vegas kundi babae!" tukso niya rito. Biglang sumeryoso ang mukha nito at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Tumitig ito nang matiim sa mata niya. "Heather... alam mong hindi totoo iyan," Yes. Si Rihan lang ang tumatawag sakaniya ng Heather, bata pa sila, Heather na talaga ang tawag nito sakaniya. Kapag galit lang siya nito tinatawag ng Andrea. "Oo na," "Heather, look at me..." Sinunod naman niya ito at napansin niyang may kakaiba. Parang iba kung tumingin ito sakanya, nagniningning. O, baka naman malikot lang ang imahinasyon niya? "Business ang ipinunta ko roon sa Las Vegas, Heather. Hindi mga babae na pinagsasabi mo r'yan," "Alright. Kumain ka na ba? Kailan ka pa nakarating sa Pilipinas?" Pagliliko nalang niya ng usapan, hindi rin naman kasi naniniwala dito. "Dalawang oras lang simula nang dumating ako dito. At ikaw agad ang pinuntahan ko," Well, ano pa nga ba ang aasahan niya sa lalaking ito? Independent na ito. Nagiisang anak lang din ito at patay na ang ina nito. Ang ama naman nito ay nagasawa na ng iba at nakabase na sa Australia. Mayaman si Rihan at ang ama nito. Binigyan niya ang binata ng spare key ng condo unit niya para kapag may mga babae itong pinagtataguan ay may matutuluyan ito. "Bakit hindi mo i-check ang unit mo? Sigurado ang dumi na 'nun," suhestiyon niya. Nagkunot ang noo nito. "Pinapaalis mo na ba ako, Heather?" masungit na tanong nito. "Rihan, hindi naman sa ganoon..." "Then what? Atsaka... bakit ganyan ang suot mo? Saan ka ba nagpunta?" animo tatay niya kung magtanong ito. Hindi niya masisisi si Rihan. Kakaiba nga ang suot niya ngayon dahil nag fitted jeans siya, kilala siya ni Rihan na conservative kung manamit. "Hmm..." napangiti siya ng maalala ang nangyari kanina. Kung paano siya iligtas ng gwapong lalaking iyon. Wait? Ano nga ba ang pangalan noon? Hindi niya pala naitanong. Nakakakilig, isipin na pinagtanggol siya laban sa hinayupak na holdaper na iyon. Nakakakilig! Hinatak niya ang binata na umupo sila sa sofa niya. "Ano 'yang mga ngiti mo, Heather? Hindi ko gusto iyang mga ngiti na 'yan," "Ang KJ mo naman! Heto na! Iku-kwento ko na. Ganito kasi, may nangholdap saakin kanina tapos niligtas ako ng gwapong lalaki... Oh my god, Rihan. Sobrang gwapo niya..." Nagda-daydreaming na wika niya habang iniisip ang gwapong mukha ng lalaki na nagligtas sakaniya kanina lamang. "WHAT?!" gulat na sigaw nito sakaniya pagkatapos niyang ikwento ang nangyari kahapon. Kaya napabalikwas siya. "Grabe ka naman makasigaw!" "Heather, bakit hindi ka nagi-ingat? Bakit naglalakad ka magisa sa kalsada? Alam mo namang maraming tarantado ngayon..." napapailing na wika nito. "Alam mo napaka OA mo. Hindi ko naman kasalanan ang nangyari kahapon dahil nasa vulcanizing shop ang kotse ko. Nasira ng barumbadong lalaki," gigil na wika niya ng maalala ang insidente nila ni Reeve. "Sira ang kotse mo? Damn! Kung alam ko lang na mapapahamak ka ng ganito sana hindi na ako umalis ng bansa. Simula ngayon ako na ang maghahatid sundo sayo sa clinic mo, okay?" nakakunot noong sabi nito. Yumakap siya rito. Narinig niya ang mabigat na pagbuntong hininga nito. "Huwag ka nang magalit, Rihan..." malambing na sabi niya rito. Narinig niyang nagmura ito. "Ewan ko ba, Heather. Kay bilis mawala ng tampo ko sayo. Pasalamat ka. Sa susunod magingat ka na ha. At sino naman 'yong lalaking nagtanggol saiyo?" muling nagseryoso ang mukha nito. "'Yan, Rihan. 'Yan ang gusto kong ikwento sayo. Alam mo ba kanina niligtas ako ng isang makisig at gwapong lalaki mula sa holdaper. Hay naku, Rihan! Sobrang gwapo! Mamamatay na yata ako." kinikilig na sabi niya. Nakita niyang umasim ang mukha ng nitp. "Ano ba 'yan, Heather. Maghunos dili ka nga!" sita nito sakanya. Pinanlakihan niya ito ng mata. "Heh! Ikaw ang tumigil! Hindi ka ba happy para saakin?" sabay himas sa braso nito. "At bakit naman ako magiging happy sa'yo?" masungit na sabi nito "Hmpk! Ang hina mo, kasi po sa wakas nagkaroon na ako ng interes sa lalaki. Alam mo ba Rihan, grabe tumulo 'ata laway ko sakanya... ang gwapo talaga. Siguro ang sarap magpabuntis sakanya," sabi niya at bumungisngis. Nakita niyang nanlalaking mga mata na tumingin ito sakanya at tumayo ng marahas. "What?! No way, Andrea!" puno ng awtoridad ang boses nito. Nagtataka naman siyang tumingin rito. Ano bang problema nito? "Andrea... makinig ka saakin. Ako ang magsasabi kung sino ang lalaki na nararapat sa'yo. Ako lang!" tila kinokombulsyon na ito sa galit at niyugyog pa ang magkabilang balikat niya. "Pero Rihan, I'm old enough..." pilit niyang katwiran. Somehow, naiintindihan niya ang pagaalala nito at nagpapasalamat siya dahil roon. Ibig lang sabihin – he really cares for her. Rihan is her male bestfriend. Nagsimula silang maging magkaibigan noong elementary pa lamang sila, magkaklase sila nito noon. At hanggang ngayon magkaibigan pa rin sila. Halos magkapatid na ang turingan nila. Malapit sila masyado sa isa't isa, halos dito na tumira ang binata sa unit niya. Magkatabi rin silang matulog, wala namang masama dahil parehas silang walang malisya sa isa't isa. And speaking of Rihan? Masyado itong playboy. Casanova talaga palibhasa nuknukan ng kagwapuhan. Siya lang yata ang babaeng immune sa charisma nito. "Ang edad mo, oo. Pero inosente ka pa sa larangan ng pagibig. Masyadong mapaglaro ang mga lalaki. Huwag ka agad agad magtitiwala o mahuhulog sa lalaking 'yan. Baka masaktan ka lang." giit nito. Kumunot na ang noo niya. "Rihan... I'm not getting any younger, what do you want me to do then? Tumandang dalaga? Paano naman ako wala ako makakasama," naweweirduhan na siya sa inaakto nito. "Ako, Andrea. Ako, sino ba ako sa buhay mo?" tumingin ito sakanya na halos tumagos na sa kaluluwa niya. At patay! Tinawag na siya nitong Andrea. Ibig sabihin lang n'yon ay galit at seryoso na ito. Napalunok siya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD