"BABE, ONE more round please..." Malambing na tinig na sabi ng babaeng kaniig niya.
Hindi naman nagpatumpik tumpik pa si Reeve. "You know that I can't say no," Napangisi siya sa kaisipang ang brunette na ito ay handang gawin ang lahat para matikman siya muli.
Naging hudyat ang sagot niya sa babae upang masundan muli ang pag-iisa nila. Katulad niya, napakalakas din ng appetite nito sa s*x! The woman aggresively put her hands on the back of his neck and kissed him, torridly.
Tinutumbasan niya ang init na binibigay nito. Reeve started to roam his hands all over her body nang tumunog nang pagkalakas-lakas ang cellphone niya.
Ang kaninang mainit na pagpapalitan nila ng halikan ay naputol. Wala sana siyang balak sagutin noong una. Ngunit hindi iyon tumigil kakatunog.
Wala na siyang nagawa kundi ang tumayo at lumayo sa babae. Ngunit, hindi ito pumayag at hinawakan pa ang pulso niya at hinatak siya.
Natawa siya. "Hey kitty, just a sec. I need to answer--" Inilapat nito ang kamay sa dibdib niya kaya naman hindi niya napigilan ang hindi mapaungol.
"You like it? Huh?" mapangakit na tanong nito.
Yes, he likes it. Lalaki lang siya. "Hey, I need to answer it," hindi na niya mabilang kung ilang ring na ang nagawa bago siya tuluyang nakalayo sa malatukong babaeng nakanguyapit sakanuya at sinagot ang kaninang kanina pang nagagalit na cellphone.
Pagkasagot nang tawag ay agad niyang nailayo ang cellphone sa tenga. "Ano ka ba namang bata ka! Saan ka ba nagsu-suot at ano ang ginagawa mo? Ang tagal mong sagutin ang tawag ko!" Ang mala machine-gun na bunganga ng kanyang Tiya ang narinig niya.
He groaned in frustration. "Im sorry Auntie, I've been busy--"
"Busy! I doubt that! Ako nga'y huwag mong paglolokohin, Reeve. Kilala kitang bata ka. May kasama ka nanamang babae r'yan sa condo mo, ano?" conclude agad nito.
Ang talas talaga ng pangamoy nito -- parang K9 lang. Tamang tama talaga dahil Dog Lover ito.
"Huh? Anong babae? Wala po akong alam sa sinasabi mo, Auntie..." patay malisya niyang sagot.
"Naku, Reeve. Ako'y huwag mo nang paglolokohin. Masyado na akong beterana sa mga kalokohan mo. Ikaw lalaki ka, kailan ka ba talaga titino, ha? Ang tanda tanda mo na. Kesyo inaatupag mo 'yang mga babae mo, kung naghahanap ka nalang ng mapapangasawa mo, edi sana may katuwang kana ngayon sa buhay mo,"
Ito nanaman sa walang katapusan na sermon ng kaniyang Tiya. Naitirik nalang niya ang mga mata sa panenermon nito. Hindi na ito bago sakanya. Simula nang humantong siya sa edad na trenta'y naging interesado na ito sa lovelife niya. At matindi ang pangbubuyo nito sakanya na magasawa na, samantalang ito nga ay tumandang dalaga.
"Auntie, don't worry okay? I'm starting to find my future wife." Sabi na lamang niya. But ofcourse, isang kasinungalingan 'yon.
Getting married? Having family and kids? Malayo pa iyon sa isip niya. He's just 32. He's not even in the prime of his life! He's never been in a serious relationship. Lahat ay flings lang. Thanks, but no thanks. He rather stayed single until the rest of his life, than being married. No complications. No stress. No commitments.
Mukhang naniwala naman ito sakaniya. "Really? Are you sure?" tanong pa nito.
"Yes, Auntie. Don't worry about me, okay? Ipapakilala ko rin siya sa'yo," dagdag niya pa.
Hindi na ito nagtalak at tila naniwala na. Somehow, he felt guilty. Kasi alam niya na tanging kabutihan lamang niya ang iniisip ng tiyahin. Ang nagiisang kamag-anak niya. Ulilang lubos na siya. Magkapatid ang ina at tiya niya. Ngunit ang kanyang ina ay namatay pagkapanganak sakanya. At sa sobrang depression naman ng kanyang ama sa pagkawala nito ay pagkalipas ng ilang taon, pumanaw na rin ito.
Kaya sa tiyahin niya siya lumaki, wala rin naman siyang kapatid kaya tanging ang tiyahin na lamang ang natitirang kamaganak niya at ang masakit pa, old maid ito.
Ang alam niya, hindi dapat ito tatandang dalaga kundi lamang inisip muna nito na makapagtapos ng kolehiyo ang ina niya. Huminto ito sa pagaaral at nagtrabahong mabuti upang mapagaral sa magandang eskwelahan ang ina. Sa sobrang sipag nito, yumaman ang ginang. At sa sobrang dedikado itong guminhawa silang magkapatid, nakalimutan nito ang sariling pagibig.
At ngayon, kung hindi dahil sa tiyahin niya hindi sila ganito kayaman. Baka nga simple lang ang buhay nila. Sa Pilipinas nakatira ang Auntie niya. At siya naman ay nakabase ngayon sa Barcelona. Dito siya nagpatayo ng business niya na bar. Maraming branches na ito ngayon at masasabing successful.
"Oh, that was so sweet of you! By the way, Reeve, nagpacheckup nga pala ako sa family doctor natin. Pasumpong sumpong ang paninikip ng dibdib ko, hijo..."
Napamulagat siya. "May sakit kayo sa puso?!" gulat na tanong niya. Paanong may possibility itong magkaroon ng sakit sa puso samantalang healthy na healthy naman ito.
"Don't be over-reacted, hijo. Hindi naman ako inaatake. Sabagay, wala kasing nagaalaga saakin dito eh..." Pagpapahaging ng tiyahin.
Napasimangot agad siya. May tinutumbok ito. "Auntie, kung gugustuhin niyo, kayang kaya niyong kumuha ng pinakamagagaling na Doctor upang magpatingin," nakakunot noong sabi niya.
"Pero iba pa rin ang pagaalaga ng ka-pamilya mo at iyong may halong pagmamahal..." Suminghot-singhot ito sa kabilang linya.
"What do you mean by that, Auntie?" Naku naman talaga itong tiyahin niya.
"Umuwi ka na rito sa Pilipinas, Reeve... and take care of me..." naglalambing na sabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya. Siya? Isipin pa lang niya ang napaka-traffic sa bansang sinilangan, ang mainit na panahon ay ayaw na niya agad. "But, Auntie... You know I can't do that. I'll call you later. Take care--" pagtatapos niya sa usapan. Alam na kasi niya ang susunod na sasabihin nito.
"Reeve, malilintikan ka na saakin. Wala ka man lang kalambing lambing sa katawan, hijo. Naglalambing lang naman ako, hindi mo pa ako mapagbigyan. Hindi mo ba ako naaalala o namimiss man lang..." Pagpapaawa nito.
Tinamaan naman siya. Inaamin niya, nawawalan na talaga siya ng time sa matanda. Ang tinuring na niyang ina. Busy naman din kasi talaga siya sa negosyo.
"Im sorry Auntie..."
"Kung gusto mong patawarin pa kita at hindi na tuluyang sumama ang loob sayo, umuwi ka na rito sa Pilipinas. Be with me, hijo," iyon lamang at narinig na niya ang dial tone sa kabilang linya.
Binaba na niya ang tawag. s**t! Ano ba ang dapat niyang gawin? Magpapadala ba siya sa paglalambing ng Tiya niya? O, hindi? Nalilito siya!
Sa totoo lang, pwedeng pwede naman niyang iwan ang business dito. Mayroon siyang katuwang na si Anthony na mahusay at kayang kayang i-handle ang bar.
But he considered Barcelona as his home now. Nandito na ang buhay niya. He can't leave this place just like that. Pero alam naman niyang kailangan din siya ng Tiya. Ito na lamang ang natitirang kapamilya niya at mahal na mahal niya ito. Ayaw niyang sumama ang loob nito sakanya at gusto niyang bumawi sa lahat ng panahong hindi sila magkasama.
Tinawagan niya si Anthony at agad na pinaayos ang paguwi ng Pilipinas. Nagpapasalamat siyang hindi naiintindihan ng babaeng nasa kama niya ang usapan nila, dahil kung hindi ay tiyak na sasama ito sakaniya.
Maya maya pa ay pinaalis na niya ito sa pad niya, wala na rin siya sa mood. Sa pag-iisa, ay muling naramdaman ng binata ang kahungkagan.
He's alone, lonely and sad. Parang may kulang. Na sakaniya naman na ang lahat. Looks, wealth, power and popularity.
What seems to be the problem?