❦ ABATTB - 2

1283 Words
BUMALIK ANG pagtataray ni Andrea. "Ano ang nakakatawa! And how conceited can you get!" Hindi na niya napigilan ang mapairap. Nagkibit-balikat ito. "Kung ganoon, ano lang pala? Halos lumuwa na nga ang mata mo nang makita mong bumaba ako eh," at tumawa ulit ito. Aba't! "Alam mo mister, tigil-tigilan mo ang panonood ng mga teleserye, ha? Hindi kita tinitignan or tinignan man lang! At pwede ba? Huwag mong ibahin ang usapan!" Singhal niya. "Kung ganoon, ano pa ang tinutunganga mo r'yan sa harapan ko? Sinasayang mo ang oras ko. Every second counts. Kung isa ka sa mga babaeng nagpapapansin saakin, I'm sorry, Miss. Wala akong panahon sa'yo. And..." Binitin nito ang sasabihin at tumingin sakaniya. Sa kabuuan niya. "You're not my type." preskong sabi nito. Aba't...! Talagang sumosobra na ito! "Hoy, lalaking talipandas! Masyado naman yatang malaki ang bilib mo sa sarili mo? Ano feeling mo, gwapo ka? Tignan mo kaya ang sarili mo sa salamin, nang malaman mong puro hangin ang laman ng utak mo! And excuse me, hindi rin ako nagpapapansin sa'yo. Sino kaba? Ni hindi nga kita kilala. And for your information, naririto ako sa harapan mo para pagbayarin ka," masungit na sabi niya. Namewang pa siya. Tumalim ang mga mata nito. Mukhang hindi yata nagustuhan ang sinabi niya. Well serves him right! "Hindi mo ako kilala?" Ulit nito sa sinabi niya. Nagtaas siya ng baba "Oo. Sino ka ba? At kaunting payo lang ha, bawas bawasan mo ang pagiging mahangin mo. At para sabihin ko sa'yo, you're not even my type too!" at ginaya niya pa ang ginawang panunuri nito sa kabuuan niya at may pagtirik pa ng mga mata. Mukhang nasagasaan naman niya ang ego nito. "Masyado naman yatang matalas ang dila mo, Miss. Baka akala mo may magkakagusto sa'yong lalaki sa ugali mong 'yan na masyadong matabil? Men prefer their woman attractive, malambing at cariñosa. Look at you, pang Lola Basyang na nga 'yang suot mo, nuknukan ka pa ng taray. Tatanda kang dalaga n'yan, Miss," nakangising sabi nito. What?! Masyado naman yatang nanlalait itong kaharap niya! Paano naman napunta sakaniya ang usapan? At siya? Pang Lola Basyang ang suot? Napatingin siya sa suot. Maayos at presentable naman ang damit niya. Conservative talaga siya pero atleast kagalang-galang naman siyang tignan. Pinalaki siya ng pamilya na konserbatibo at wala siyang nakikitang mali roon. And hello, excuse me! Branded brands ang mga suot niya! "Lumalayo na yata tayo sa usapan, Mister! Kung ganito ang itsura ko, pag-pasensyahan mo. Wala akong balak i-pleased ka. Alam ko nasusuka ka masilayan ako, but the feeling is mutual! Nababanas rin ako sa pagmumukha mo, kaya pwede ba? Ayusin nalang nating itong gulong ginawa mo," nang-gigigil na sabi niya. Naiinis siya sa panglalait nito sakanya. "Hey, hey. Anong kasalanan?" takang tanong nito Aba't talagang... inuubos nito ang pasensya niya! "Mister, look at my car!" gigil na turo niya sa kotse niya. Tinignan nga nito 'yon. "So?" Uminit ang ulo ng dalaga sa walang kwentang sagot nito. "So? Iyon lang ang masasabi mo after what you have done?! My God!" nahihighblood na sigaw niya. Mabilis pa naman siyang mainis. Nalilitong tumingin ito sakanya. "Hindi kita maintindihan, Miss. Ang labo mong kausap ikaw nga itong parang baliw na basta nalang binato ang bintana ng kotse ko--" "Huh! At ako pa ngayon ang malabo? Sino ba ang mas malabo saatin ngayon, Mister?! You just appeared out of nowhere! You bumped my car as if you didn't see anything!" nag-ngangalaiting wika niya. "Miss, pwede bang huminahon ka--" "Huminahon? Papaano ako kakalma?! Hindi mo alam gaano ka-importante saakin ang kotse ko! Tapos ngayon, ni sorry hindi mo magawa?" "Miss, teka lang ha. Ang bilis mo magsalita. Pwedeng ako naman? Wala akong alam sa nangyari, okay? Pagusapan nalang natin ito sa maayos na paraan..." "Maayos na paraan?! Huh! I doubt that!" She gritted her teeth in so much annoyance. "Miss! I'm in a hurry. Something's came up. I'm a busy person and I dont have time for this, okay? Wala akong alam sa pangyayari, because all the time, I was sleeping sa passenger seat. Ang driver ko ang nagma-maneho. Nasiraan din ang kotse ko. Okay? Magkano ba ang kailangan mo?" Kunot na kunot ang noong tanong nito. Napaisip siya. Magkano nga ba? Pero parang hindi pera ang kailangan niya. Ang kailangan niya ang sorry nito. Dahil ang pera, marami rin siya! Bago pa siya makapagsalita ay inabot nito sakanya ang isang tseke. "Here, take this. Don't worry. Hindi 'yan tatalbog. I'm really in a hurry," iyon lamang at nagmamadaling pumasok ito sa kotse nito. Ni wala yata ditong nabasag niya ang salamin ng kotse nito. Doon lamang dumating ang guard ng subdivision at pinagbuksan ng gate ang lalaki. "Mayroon ho bang problema, Ma'am?" tanong nito. Sa pobreng guard tuloy niya nabuhos ang inis. "Oho. Mayroon po. Malaki. At nasaan ka noong kailangan ko kayo? Wala! Natutulog!" Inis niyang pakli at pumasok na sa driver seat. Nakita niyang napakamot nalang sa ulo ang guard. Napatingin siya sa relos na suot. s**t! Lagpas isang oras na. At halos trenta minuto rin silang nagbangayan ng talipandas na lalaking 'yon! Sinabi pa naman niya, less than an hour naroroon na siya. Madali niyang nahanap ang bahay nila Mrs. Del Mundo at humanga siya sa karangyaan n'yon. Modern ang exterior at parang reyna at hari ang nakatira roon. Nagdoorbell siya at lumabas ang nakaunipormeng kasambahay. "Sino po sila?" magalang na tanong nito Ngumiti siya. "I'm Dra. Heather Andrea Gagandahan. I'm Mrs. Del Mundo's Veterinarian," imporma niya. "Ganoon po ba? Tuloy po, Doc. Kanina pa ho kayo hinahanap ni Ma'am," sagot nito. "Ganoon ba? Pwede ba akong magpark ng kotse rito sa labas ng bahay niyo?" tanong niya. "Bilin po ni Ma'am, sa loob na raw ho kayo magpark," sagot nito. "Naku, salamat," sabi niya at pumasok na ulit sa loob ng kotse. Pinagbuksan naman siya nito ng gate na de-remote control pa. Pinark niya ang kotse niya katabi sa mga nakaparadang kotse. Pagbaba niya ay namukhaan niya ang isang pamilyar na kotse. Parang kotse iyon ng lalaki kanina, ah? Bago pa saan dumapo ang kaisipan niya ay tinawag na siya ng katulong. "Ma'am, tawag na po kayo ni Madam," nabaling na ang atensyon niya rito at sabay na silang pumasok sa loob. Tama nga siya, kung gaano kaganda ang exterior ng bahay, ganoon din ang interior. "Hija! I've been waiting for you," nakangiting wika ng ginang. "I'm sorry po. May nangyari lang po kasi," nahihiyang tugon niya. Bwisit talaga iyong lalaki kanina! "No worries. Anyway, I'm glad na nakapunta kana ulit sa bahay ko. Matagal ko nang gustong yayain ka rito para makipagtsikahan sa'yo. Alam mong hindi ka na iba saakin," malambing na wika ng babae. Yes, masyado silang close ng ginang. Pero tanging sa clinic lang sila nakakapagusap. Ayon sa kwento nito, matandang dalaga ito at walang anak. Kaya sabik ito sa anak,. lalo na sa babae. Ginala niya ang paningin. "Ang ganda po talaga ng bahay niyo. Parang palasyo po. Nasaan na nga po si Blossom?" tinutukoy niya ang female pomeranian nito. Dog lover si Mrs. Del Mundo. Marami itong klaseng breeds ng aso. Tulad ng maltese, shihtzu, french bulldog at marami pang iba. Pero pinakamamahal nito ay si Blossom. "Naroon sa kulungan niya. Halika--" "Auntie, sino ho iyang kausap mo?" Ani ng isang tinig na pababa ng hagdan. "Ah, sakto! Siya si Dra. Andrea, ang veterinarian ko. Naku, napakagandang bata nitong si Andrea, hijo. Come here," sabi ng ginang. Bahagya naman siyang namula. Naka side view ang lalaki habang pababa ng hagdan at pagbaba, saktong nagkatitigan sila. Nanlaki ang mga mata ni Andrea nang makilala kung sino ang tinutukoy ng ginang. Maging ito'y halatang nagulat din. "Ikaw?!" They both said in unison.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD