❦ ABATTB - 1

1206 Words
PAPIKIT NA sana ang mga talukap ng mata ni Andrea nang bulabugin siya ng tunog ng cellphone niya. Inis na nagmulat siya ng mata at kinuha iyon sa night table. Nakahiga na siya ngayon sa kama niya. Mrs. Del Mundo calling... Napabuntong hininga siya sa frustration at sinagot ang tawag. "Hello," mabuway na sagot niya. Nakakapagod ang araw na ito dahil kakagaling niya lang sa clinic at ngayon magpapahinga na sana siya kundi lang may tumawag. "Hello? Is this Dra. Andrea Gagandahan?" tanong ng ginang sa kabilang linya. "This is Dra. Andrea, how can I help you ma'am?" magalang na tanong niya. "Oh! I’m sorry. Anyway, Andrea can I call you for your service tonight? I badly needed your help," nasa tinig nito ang panic. Another patient for today, anang isip niya. "Okay ma'am. Huwag ho muna kayo mag-panic. How can I help you?" "Thanks, Andrea. But as of now, I don't think I can calm down. Blossom is vomiting. At hindi ko alam ano ang gagawin ko," umiiyak na sabi nito. "Okay I'll be there. Is it the same address before, ma'am?" "Yes, same address pa rin," imporma nito. Mabilis na rumesponde ang utak niya. Pumasok sa isipan niya ang daan patungo roon. "Okay got it. I'll be there in less than one hour," sagot niya. "Okay, thanks Andrea," binaba na nito ang tawag. Mabuti na lang tamad siyang magpalit ng pangbahay na damit. Kaya kinuha nalang niya ang leather jacket niya na nakasabit sa rack stand at sinuot ang boots niya na hanggang sakong lang. Chineck niya ang medical kit niya at kompleto naman sa kagamitan at gamot na kailangan. Bago pa siya lumabas, chineck niyang mabuti ang pad niya. Ang bintana, ang gas range, fridge at iba niya pang appliances. She was living alone for almost a decade. Habang naghihintay ng paparating na elevator ay hindi niya maiwasan hindi mag-stretch ng katawan. Ganito ang buhay ng isang Doctor. Hindi uso sakanila ang salitang pahinga. Katulad na lamang kapag may emergency, tulad ngayon. Matutulog na dapat siya ngunit mayroon siyang pasyenteng nangangailangan ng serbisyo niya. Nakakapagod. Pero hindi naman siya nagrereklamo. She is grateful for everything that she has now. Masaya naman siya sa career niya. She loves being a veterinarian. She love this profession. Pero kapag umuuwi siya sa unit niya, nakakaramdam siya nang hindi maipaliwanag na kalungkutan. Kahit na sakaniya na ang lahat, may kulang pa rin. May sarili siyang clinic at groom center sa Ortigas. Masasabi niyang sucessful talaga ang buhay niya. Gayunman, hindi kompleto ang kasiyahan niya. Ang katauhan niya. She feels that one-half of her life is still missing. Narating niya na ang car park ng condominium at mabilis na sumakay sa kotse niya at pinasibad iyon. Habang biyahe, hindi niya maiwasan sisihin ang sarili. Did she just promise that she'll arrive in less than an hour? Damn! For sure, aasahan iyon ng client niya. Sa klase ng trapikong mayroon ang bansa, ay malabong makarating siya roon ng isang oras. Naisip niyang dumaan na lamang sa shortcut. Hindi siya dumaan sa kahabaan ng Edsa. Nagpasikot sikot siya and after minutes, presto! Naroroon na siya sa loob ng subdivision ng kanyang kliyente. Galing siya sa kanang bahagi ng daan at papasok na sana ang kotse niya sa loob ng subdivision nang may isang kotse humaharurot ang biglang sumulpot galing kaliwa, kaya huli na ang lahat para makapag preno pa siya. Halos sumubsob ang mukha ng dalaga sa manibela ng kotse sa lakas ng impact, mabuti na lamang lagi siyang nagse-seatbelt. Naramdaman niyang sumalpok ang unahan ng kotse niya sa gilid ng kotseng biglang sumulpot. Umangat siya ng upo at tinignan ang harap ng kotse niya. Awtomatikong nanlaki ang mata niya sa nakita. Nayupi ang unahan ng kotse niya! Halos umusok ang ilong ng dalaga sa galit na nadarama. This cannot be! Mahal na mahal niya ang kotseng ito! My God! Galit na galit na tinanggal niya ang seatbelt. Pagkatapos, nagmamadaling binuksan ang pintuan ng kotse. Hindi niya papalagpasin ito! Magbabayad ang napaka-reckless driver na gumawa nito sa kotse niya! Nagpupuyos ang kalooban na nilalakad niya ang kotse na bumanga sakanya. Maririnig ang bawat taguktok ng takong ng boots niya sa bawat hakbang. Mayaman pala ang may-ari ng kotseng nakabangga sakaniya. Latest model ng Lamborghini ang gamit nito. Nakaramdam tuloy siya ng panliliit sa kotse niya. Pero ano bang pakialam niya! Hindi na siya nag-isip pa, at impulsive na kinuha ang isang bato na nasa kalsada at walang sabi-sabing kinuha niya 'yon at binato sa kotse nito. Huh! Gantihan na lang! Kitang kita niya ang pag-c***k ng salamin nito. Lihim siyang napangiti siya. Hindi niya makita ang may-ari n'yon sapagkat tinted ang salamin. Pero wala siyang paki! Alam niyang nakikita siya nito. Dinuro duro niya pa ang kotse kahit hindi niya ito nakikita. "Lumabas ka r'yang talipandas ka! Magtuos tayo!" galit na sigaw niya. "Ano? Naduduwag ka na, ha? Lumabas ka r'yan!" nag ngangalaiting dagdag niya. Narinig ni Andrea ang pag-click ng pintuan ng kotse at lumabas doon ang isang lalaki. Saglit na napatanga si Andrea sa nakikita ng kanyang mga mata. It seems like... ngayon ay nakita na niya ang pinaka gwapong lalaki sa balat ng lupa! High-fade cut ang buhok nito and he has a fair skintone. Napatingin siya sa suot nito, nakabusiness attire ito. At tila may pinuntahang isang formal event. Hindi niya naiwasan ang hindi mapalunok nang bahagyang humapit sa damit nito ang fit na katawan nito. Oh, dang! Mala-adonis ang pangangatawan ng lalaki. Matangkad ito, na sa tantiya niya ay aabot sa 6'2. Dumako ang tingin nito sakanya at nakita niya ang abuhin nitong mga mata na kahit sa pagitan ng distansya nila ay mahahalata na agad, and his pointed nordic nose... ang perpektong kurba ng labi nito. God! Ngayon lang yata siya nakakita ng perpektong lahi ni Adan. Pwede ng liparin ang panty niya sa lalaking ito. This man is undeniable an eye-candy. He is oozing with s*x appeal! Pakiramdam niya ay huminto ang pag-galaw ng mundo. Tila napasok sila sa isang dimensyon na tanging silang dalawa lamang ang naroroon. Tila slow motion ang lahat habang naglalakad ito papalapit sakanya. Hindi niya napigilan na mamungay ang mga mata habang tinititigan ang tila nang hi-hipnotismong mga mata nito. Parang may magnet! Shit, kahit ibigay niya pa lahat ng panty niya, isama na ang bra niya rito ay papayag siya! Nabalik lang siya sa realidad nang magsalita ito. "Tapos ka na bang suriin ang kabuuan ko, Miss? Pwede mo nang punasan 'yang gilid ng labi mo," he said with a smirk on his playful lips. Ang kaninang pakiramdam ni Andrea na nasa Cloud 9 siya ay tila may pwersang bumulusok siya pababa. Ang lahat ng paghangang naramdaman niya rito ay tila naglahong parang bula. Hindi niya aakalain na napaka hambog naman pala nito! Gayunpaman, pasimpleng tumagilid siya para punasan kung sakali ngang may laway siya sa gilid ng labi niya. Letse! Napahiya siya, ah. Bakit ba kasi siya nagwapuhan rito kanina? Hindi ba't walang lalaki ang nakakakuha ng atensyon niya? Hindi naging lingid sa lalaki ang ginawa niyang akto. Dahil doon, natawa ito. Gustong manginig ni Andrea sa uri ng pagtawa nito. He looks so fine! "You know what? You're funny, Miss," natatawang sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD