ONCE UPON A TIME, WE ARE…

979 Words
ONCE UPON A TIME, WE ARE…               “Tol!” sigaw ko nang makita ko ang best friend kong si Jon. Tumatakbo siya palapit sa ‘kin.             “Tol!” sagot niya. Mukhang napakasaya niya? Samantalang kagabi lang alam niyang nagngangawa ako dahil nag-break kami ng boyfriend kong manloloko! Gagong ‘yon, masahol pa sa ewan!             Natigilan ako nang biglang hawakan ni Jon ang kamay ko. Nagho-holding hands naman kami at normal na sa ‘min ‘yon. Pero hindi sa ganitong eksena. Normally, aakbayan niya ako at guguluhin pa ang buhok ko kahit naka-pony tail ako – at gano’n niya mas gustong guluhin ang buhok ko, kapag nakaayos!             Talagang natigilan ako. Parang kumakabog ang dibdib ko! Pasaway na Jon, ‘to! Kung makatitig, wagas! At lalo pang hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko! Shocks, ano’ng nangyayari?             “Wala na kami ni Ashley,” sabi niya. Okay? Sa pagkakaalam ko, kapag wala na, break na. Pero bakit parang ang saya niya?             “Ha?” nabiglang tanong ko.             “Break na kami!”             “Ba’t ang saya mo?” nagtatakang tanong ko.             “Puwede na tayo, ‘tol!” excited na sabi niya.             “H-Ha?”             “Si Anne, sinabi niya sa ‘kin ang lahat. Kagabi, nang nagluksa ka sa gagong ex mo. Ang sabi niya ako talaga ang iniyakan mo.”             “H-Ha?”             “Mahal mo ako. Sinabi mo ‘yon kay Anne. At kaya ka umiiyak na hiwalay na kayo ni Brian, dahil ayaw mong wala kang boyfriend. Kasi ako, may girlfriend. Diretsohin na natin, ‘tol.” Tinitigan niya ako. ‘Di lang basta titig, intense na titig. “Mahal din kita, Gem,” masuyong sabi niya at hinalikan niya ang hawak niyang kamay ko.             Natigilan ako. Pina-process ng utak ko ang mga narinig ko. Kilig at kaba, pinaghalo. Halos ‘di ako makahinga sa tindi ng bilis ng t***k ng puso ko. Totoo ba ‘to??? Nagsasabihan naman kami ng ‘I love you’ at ‘mahal kita’, pero as best friend lang. Oo, nag-a-assume ako minsan. Pero iba talaga ang feels ngayon. Pamatay kasi ang datingan niya ngayon!             “I love you, Gem,” sabi niya pa. Shocks, ramdam ko ang puso niya.             “Pero sabi mo, hindi mo ako nakikitang babae na magiging GF mo?” tanong ko.             “Dahil nauna mong sinabi na ‘di mo nakikitang lalaki akong pakakasalan mo,” sagot niya.             “Narinig ko kasing sinabi mong tropa lang talaga ang turing mo sa ‘kin. At minsan, inaasar mo pa akong tomboy,” sabi ko.             “Narinig ko kasing sinabi mo na kuya ang turing mo sa ‘kin,” sabi niya.             Natigilan kaming dalawa. Iyon pala ‘yon. Naglaro kami ng taguan ng feelings for almost four years. Pero totoo ba talaga ‘to? ‘Di ba ‘to scam?             “Mahal mo ba ako, ‘tol? Not as best friend?” tanong niya.             Tumango ako. “Oo, ‘tol,” sagot ko. Isinigaw ‘yon ng puso ko kasabwat ang utak ko.             “Tayo na?” sobrang sayang tanong niya.             Natigilan ako saglit bago nakapagsalita. Parang nag-hang ang utak ko sa bilis nang mga pangyayari. “Pero, pa’no ang friendship natin? Pa’no kung ‘di ‘to mag-work? Isa ‘yon sa kinatatakutan ko, kaya pinili kong i-secret ang feelings ko sa ‘yo, ‘tol. Ayaw kong mawala ka. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin.”             “Iyon din ang inisip ko. Kaya nang makompirma ko sa sarili ko na mahal na kita, pinigilan ko ang sarili ko na ligawan ka. Dahil takot akong masira ang friendship natin. Pero promise, walang masisira. At sisiguraduhin kong hindi tayo maghihiwalay,” pag-secure niya sa mga inaalala ko.             “Promise?” paniniguro ko.             “Promise. Promise. Promise,” pagsiguro niya, three-times pa.             “Kahit maghiwalay tayo, BFF pa rin tayo?” paniniguro ko ulit.             “Pangako, ‘tol. FOR-E-VER,” pagsiguro niya, may ‘forever’ pa. Kaso walang daw gano’n, eh?             “Promise?” paniniguro ko ulit na naman. Pero sa totoo lang, gusto ko nang tumalon sa tuwa!             “PRO-MISE!” intense na pagsiguro niya! At niyakap ko na siya! “I love you too,” matamis na sabi ko. It’s official, kami na ni Jon!     AFTER FOUR MONTHS             Wala na kami ni Jon. Ewan kung anong nangyari? Siguro dahil kilala na namin ang isa’t isa, kaya gano’n. Hindi ‘yon nakatulong sa relationship naming dalawa.             Nagkasalubong kaming dalawa. Saglit nagkatinginan. Gano’n lang. At nilagpasan namin ang isa’t isa. Kasabay ng paghihiwalay namin, naglaho rin ang friendship namin na nabuo mula pa noong mga bata pa kami. Unconsciously, nasira ang promise namin sa isa’t isa. Ayaw kong isipin na hanggang doon na lang. Na gano’n na lang ‘yon. Alam kong may pagkakamali ako at may pagkakamali rin naman siya. Oo, dumaan sa proseso – pero parang kisapmata lang, biglang hindi na kami ni Jon. Nawala lahat – lahat-lahat sa ‘ming dalawa. Iniisip ko sana ‘yong friendship man lang namin mag-stay, gusto kong isalba ‘yon. Pero may kung ano’ng humihila sa ‘kin palayo sa kanya. At nararamdaman ko ring may wall na siyang binuo sa pagitan naming dalawa. Lagi ko pang natatanong, ano ba’ng nagyari sa ‘min? Ramdam ko sa puso kong mahal ko pa rin siya, pero ‘di ko mahawakan ang kamay niya. In a blink of an eye, parang biglang bumaliktad ang mundo ko. Napakasakit. Biglang nabago ang lahat. Biglang nag-iba ang takbo ng buhay ko. Gusto kong bumalik, pero patuloy ang paghakbang ko.   Once upon a time, best friend kaming dalawa, naging lovers, and now…   ~ it’s end ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD