Kabanata 2

3148 Words
PAGKATAPOS NG PAG-UUSAP nila ng ama, ay agad niyang hiningi ang tulong ni Ivan para sa paghahanap kay Nicolette. Mas ayos iyon para dalawa na silang kumikilos ngayon,  Nakaupo siya sa swivel chair ng kanyang opisina at malalim ang iniisip nang biglang pumasok si Ivan at may inabot sakaniyang sobre. Walang tanong tanong na binuksan niya iyon. Dalawang babae iyon at medyo luma ang picture dahil black and white pa iyon. “What’s this?”  “Iyan ang Nurse at ang Doctor na nakaassigned sa mama mo noong ipinanganak kayo ni Nicolette,” ani ng binata. Napatango tango siya. “Matagal na ang picture. Pero malay natin at may nakakaalam kung nasaan sila. Sakanilang dalawa tayo magsimula,” “Niccolo…?” Nag-angat siya ng tingin sa kaibigan. "What if… wala na siya dito sa bansa o p-patay na siya? What will you do?" Natitigilang tanong nito Umiling siya at sumandal sa swivel chair. Sa totoo lang ay pumapasok din iyon sa kanyang isipan. Hindi iyon malabo. Uso sa Pilipinas ang human trafficking. "Sa ngayon, ayaw ko munang isipin ang posibilidad na 'yan. We'll cross the bridge when we get there. Basta, we'll focus to find her." Matatag na sabi niya.  To find Niccolette is like hitting two birds in one stone -- magkakaroon ng peaceful life ang half-brother niyang si Jayden, at makakapiling na rin nila ang kapatid na kay tagal nilang pinangungulilaan. Ito rin ang magiging susi upang tumigil na ang Ama sa pinaggagawa nito.   ~ BAGUIO CITY "GRABE! Ang hirap maghanap ng trabaho. Lahat kasi hinahanap College Graduate. Atleast 5'1 in height. Swerte ka at naging lalaki ka, kaya kahit anong trabaho napapasukan mo." Nagpapalatak na lintaya ni Astrid. "Pasasaan at makakahanap ka rin ng trabaho, Astrid." Pampalubag loob naman na sagot ni Dave. "Arghh. Kailangan ko ng pera, Dave. Walang wala na ako oh. Two hundred pesos na lang itong pera ko. O siya, diyan ka muna didiskarte muna ako." Sa hirap ng buhay at dahil kapos sa edukasyon, ang mga tulad niyang hindi pinagpala ay kailangan mag todo-kayod para maitaguyod ang araw araw na pangangailangan. Lahat na yata ng klase ng trabaho ay napasukan na nila ni Dave. Mayroon iyong kumokontrata sila ng pasahero at van pauwi ng Manila, kumontrata ng mga taxi drivers para bigyan ito ng mga pasahero, nag hahanap rin siya ng mga Hotel na bakante at mga transient house na usong uso rito sa Baguio, at nagpapabayad na lamang siya ng locator’s fee. At dahil simula’t sapul ay laking Baguio siya, nagraraket din siya ng pagto-tour guide sa mga turista at mga biyahero galing sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Minsan na rin siyang nagwaitress, masahista, manikurista, parlorista, naging dishwasher, singer sa KTV bar at marami pang extra job na pupuwede niyang pasukan. Mayroon na ring BPO o call center sa Baguio ngunit hindi naman siya magaling mag english at hindi siya papasa sa standards ng mga iyon. Kahit naman sa SM Baguio siya mag-apply, mga College Graduate ang hanap ng mga ito. Wala siyang tinapos na kurso dahil hanggang highschool lamang ang natapos niya. Hindi niya pa inabot ang K12 Curriculum at mabuti naman iyon, dahil hindi na kakayanin ng ina na pagaralin pa siya sa senior high. Ang tanging maipagmamalaki niya lamang ay suki siya ng Tesda. Tuwing may libreng paaral ang Tesda sakanila ay hindi niya pinapalagpas iyon kahit hindi niya pa masyadong bet iyon. Paraan niya iyon para hindi siya tuluyan maging walang alam. Sa malupit na mundo na ito, mahirap maging mangmang.  Kumibot kibot ang labi ng binata. "Saan ka pupunta?! Magpahinga ka naman!" Inangilan niya ito. "Tumahimik ka! Basta, babalik ako." Wala na itong nagawa ng umalis siya at iniwan ito. Malayo layo na ang nalalakad niya nang maaninag niya ang pagparada ng isang magarbong sasakyan sa harap ng bahay ni Dave at kinausap ang ina nito. Napalunok siya. Tauhan nanaman ba ito ni Lucresia Martin? Talagang hindi siya tatantanan ng matandang iyon! Siguradong sila ang pakay ng matandang iyon. Si Lucresia Martin ang taong pinagkakautangan nila ng ina. Hindi na siya nagisip pa at tumakbo siya ng tumakbo. Lingon takbo ang ginagawa niya. Hindi na rin siya tumuloy pauwi sakanilang bahay.   MALAYO pa lang, naaninag na ni Astrid ang nanay niya sa labas ng maliit na tarangkahan nila. Palinga linga ito sa paligid at halatang balisa. Nang makita siya agad nagliwanag ang mukha nito. "Anak, mabuti naman ang nakarating ka na!" Bungad nito sakanya. Nagmano siya rito. "Bakit ho 'nay?" Magalang niyang tanong rito. Napalunok ito habang namamasa masa ang paligid ng mata. "Astrid, anak… nandito nanaman kanina ang mga tauhan ng mga Martin at pilit na akong pinaabayad ng utang nila, kung hindi ipapakulong daw ako,” mahina ngunit hindi nakaligtas sa pandinig niya na sabi nito. Napasinghap siya at agad na gumala ang paningin sa buong kapaligiran. Naging alerto siya.  Gusto man niyang mahabag sa ina ay hindi niya rin maiwasan hindi mainis dito. Alam naman ng ina na mas mahirap pa sa daga ang buhay nila pero nagagawa pa nitong mag majong at mag tong-its. Iyon ang nakahiligan ng ina, bisyo rin nito ang maginom. Nagsimulang maging ganoon ang ina nila ni Roman simula noong pumanaw ang kanilang ama. Dahil sa pagkalulong ng ina sa bisyo nito ay napakarami nitong inutangan at ang malala pa ay umabot na ito kay Lucresia Martin, ang mayaman at maimpluwensyang pamilya sa Baguio City. Noong una maliit lang ang utang ng ina hanggang sa lumaki ng lumaki ang interest niyon at ngayon nga ay lubog na lubog na sila sa mga utang nito. Pinagtutugis na sila ng mga tauhan nito. “Ikaw naman kasi, Ma. Kailan niyo ba kasi ititigil ‘yang bisyo niyo? Ma, hindi tayo mayaman para magkaroon ka ng bisyo. Wala ‘yang matutulong sa buhay natin isa pa nakakasama sa kalusugan ang paginom ng sobra,” hindi niya maiwasan hindi pagsabihan ito.. Agad lumukot ang mukha ng ina. “Alam ko naman ‘yon, anak. Pero nilalamon ako ng kalungkutan! Wala na ang ama mo…” ang laging lintaya at panglaban nito sakaniya. Bumuntong hininga siya. Naiintindihan naman niya ito kasi kahit siya’y labis na nangungulila sa namayapang ama. “Oo, nandoon na ho ako. Pero patay na po sa itay. Kami ni Oman, nandito sa tabi niyo. Buhay pa. Ma, kailangan ka namin. Magbago ka na, Ma. Para sa ikabubuti ng buhay natin ‘yan. Makinig naman kayo saakin, anak niyo ako,” naiiyak na sabi niya. Minsan hindi niya maiwasan hindi maghihinanakit dito. Parang nalimutan na sila ni Oman nang mamatay ang ama. Siya at tumayong ina at ama sa pamilya nila. Hindi na nga rin niya pinagtatrabaho ang ina para hindi na ito lalo madepress, tapos sakit pa sa ulo ibibigay nito sakaniya. Sakabilang banda, mahal na mahal niya pa rin ito. Naluha ang kaniyang ina. Tila natamaan sa sinabi niya. “Sobrang pinapahirapan ko na ba ang buhay mo anak? Sobrang pabigat na ba ako? Hayaan mo, dadating ang araw na mawawala na itong pabigat na ‘to sayo,” Naiiling na niyakap niya ito. “Hindi, Ma! Hindi ka pabigat. Ang akin lang, itigil niyo na ‘yan. Nandito pa kami ni Oman sa’yo,” Naglakad sila ng ina niya hanggang sa makarating sila sa malawak na lupain, kitang kita roon ang mga nagtataasang bahay at establismiyento ng buong Baguio City. Napakaganda niyon. Nalulungkot ang malawak na tanawin. "Patawarin mo ako, 'Ma. Kung hindi ko nagawan ng paraan 'yung utang natin. Ginawa ko naman lahat. Talagang di lang kinaya ng powers ko buuin ang fifty thousand." Pinipigilan niya ang sarili na huwag pumiyok. Tumingin ito sakanya habang naluluha. "Ano ka ba naman, anak? Ako nga itong dapat magsorry sa'yo. Ang bata bata mo pa. Bente kwatro ka pa lang para maranasan mo lahat ng paghihirap na ito. Hindi ito ang pinangako namin ng itay mo na maging buhay niyo ni Oman. Hindi ito… patawarin mo si Nanay kung hindi niya mabigay ang tamang buhay para sainyong magkapatid."  Umiling iling siya, pilit pinasigla ang tinig. "Sus! Ito naman si Mama. Ikaw kaya si Super Woman. Lahat ginawa niyo saamin ni Oman. Pinalaki niyo kami at binihisan. Hindi man tayo sagana sa pagkain o sa karangyaan pero busog naman kami sa pagmamahal. Basta Ma, pasensya at hindi nagawa ni Astrid ang lahat. Alam niyo naman, wala akong tinapos.” Pinahid nito ang luha sa mata. "Alam kong malulungkot si Gener sa nangyari," tukoy nito sa namayapang ama. "Alam kong ayaw niyang mahirapan ka maghagilap ng ganoong kalaking pera." Pampalubag loob na sabi nito   ~ “PARE, MAY bagong update ako sa kaso ni Nicolette. Nalaman ko na kung saan nakatira ngayon ‘yung nurse. Pero ‘yung Doctor wala pang update,” ani Ivan kay Niccolo. Tumango tango si Niccolo. “Good. Sige ipagpatuloy mo at ikaw na ang bahala,”  “Hindi ka ba sasama saakin para puntahan siya?” tanong pa nito. Patuloy niyang inaayos ang suitcase niya na naglalaman ng importanteng dokumento. “Hindi na muna siguro, ikaw na muna. Balitaan mo nalang ako. Babalik akong Baguio ngayon,” aniya na hindi pa tinitignan ito. “Hindi mo ba ako isasama?” Natawa siya. “Pare naman. Ano ba tayo, mag-syota? Ikaw na muna bahala rito sa opisina at sa kaso ni Nicolette. Kailangan ka rito. Hindi naman ako magtatagal sa Baguio. Kailangan ko lang asikasuhin ang guest natin doon dahil VIP ang guest, gusto kong ako mismo ang mag aasikaso sakaniya. Malaking tulong ang pagcheck-in niya saatin dahil sikat na public figure iyon at maraming sponsors.” Napapakamot nalang ito sa ulo at wala nang nagawa pa. Nagpalatak siya. “Ano bang ginaganyan mo pare? Ayaw mo ‘non, hindi ka na bibiyahe,” dagdag pa niya. Lumabi ito. “Pare naman kasi, siyempre maganda yung lugar at ambiance ‘dun. At for sure gigimick ka after ng meeting niyo with guest. Tapos ako dito sa Manila puro matatanda pa kasama at halos magkandakuba sa pagtratrabaho dito,” parunggit nito. Natawa siya. “Ang dami mong alam. Hindi magbabago desisyon. Dito ka muna. Iupdate mo ako lagi,”   ~ BAGUIO CITY Samantala, habang pauwi ang mag-inang Maristella at Roman ay hinarang ito ni Dave sa iskinita. “Naku, Tita! Huwag muna kayo dumaretso sa bahay niyo. Nandoon ang mga tauhan ni Mrs. Martin at pinaghahanap kayo. Na-text ko naman na si Astrid na huwag din muna umuwi. Kanina pa ‘yang mga ‘yan diyan sa labas ng bahay niyo,” mahinang bulong ni Dave. Siguradong alam iyon ng binata sapagkat magkapit-bahay lang naman sila. Pinagpawisan ng malapot si Maristella. Hindi malaman ano ang gagawin. Nahintakutan din ang sampung-taong gulang na si Roman. “Naku, Ma. Saan tayo niyan?”  Napalunok siya. Saan nga ba sila pupunta? Mukhang sa kalsada sila magpapalipas ng gabi nito ha! “B-Basta, tara na ‘nak!” natatarantang sabi ni Maristella at sabay hatak sa braso ng anak, Sa pagmamadali ay hindi sinasadyang nasagi ng batang si Roman ang kotseng nakaparada. Lumikha iyon ng tunog dahil sa alarm nito. Dahil ilang bahay lang naman ang pagitan nila sa bahay nila, ay agad naging alerto ang tauhan ni Mrs. Martin, nagmamadaling tumakbo ito sa daang pababa at nakita sila mula sa taas. Hindi kasi pantay pantay ang daan doon. Hindi patag. May pataas, may pababa.  “Hala! Ayon ang mag-ina, bilisan niyo at habulin!” sigaw ng leader nito. Hindi na sila nagaksaya ng oras at tumakbo lang sila ng tumakbo, hanggang sa makarating sila sa kalsada. Looban papasok kasi ang bahay nila at iskinita iyon. Nakatawid na si Maristella pero nakabitaw sakaniya si Roman kaya naman natigil ang bata at nashock nang makita ang humaharurot na sasakyan. Tila rinig sa buong Baguio ang sigaw ni Maristella.   MADILIM NA ANG KAPALIGIRAN AT MAHAMOG. Iyon ang unang napansin ni Niccolo nang nasa Baguio na siya, Masyadong makapal ang fog at kahit may windshield naman ang kotse kung hindi siya magiging maingat at malabo ang mata tiyak, madidisgrasya siya. Tumunog ang cellphone niya. Pinindot niya ang accept button at muling tumingin sa kalsada. Gayon na lamang ang gulat niya nang may makitang bata sa harap ng kotse niya at nahimatay. Kinakabahang bumaba siya at tinignan ang bata. Walang dugo. At malayo ang kotse niya sa katawan ng bata. Hindi niya ito nasagasaan. Pero nakahandusay ang bata. Kaya hindi na siya nagisip pa, mabilis na kinarga niya ito at dinala sa kotse. Nagulat siya nang makita ang isang Ale na sa palagay niya ang ina ng bata.   ~ “AYOS NAMAN HO ang pasyente Mr. Reedus. Walang pasa, galos, dugo at hindi siya napilayan. The patient is perfectly fine. Nothing to worry about,” Ani Doctor na nagcheck up sa bata. Napatango tango siya. Alam naman niyang hindi niya nasagasaan ito. Pero nagtataka siyang bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin ang bata. “Bakit ho tulog pa rin ang bata hanggang ngayon?” tanong niya. “Puwedeng sanhi ng trauma o naistress ang bata. Hayaan niyo at magigising din siya,” pagbibigay nito ng assurance at nagpaalam na. “Naku Mr. Reedus, pasensiya na ho talaga. Sabi ko sainyo hindi niyo nasagasaan ang anak ko. Pero salamat pa rin sa kabutihang loob mo,” sabi ng ina ng bata. Napatango siya. “Wala ho iyon. Hindi rin naman ho kakayanin ng konsensya ko na iwan kayo lalo na’t nahimatay ang bata.” Tinignan niya ang orasang pang bisig.  “Sige ho, mauuna ho ako. May importanteng tao pa ho kasi akong kakatagpuin,” paalam niya. “Sige, maraming salamat ha? Nakakahiya ikaw pa nagbayad dito sa Hospital. Maraming salamat talaga,”  Ngumiti siya. “Wala ho iyon. Sige ho mauna na ho ako,” at inabutan niya ito ng calling card.   “OMAN! OMAN! Ang kapatid ko nasaan!” Luhaang hinahanap ni Astrid ang kapatid na si Roman sa Hospital.  Gayon na lamang ang pagkawala ng tinik sa dibdib niya nang makitang mukhang ayos naman ito at nakikipaglaro pa sa ina. “Oman! Ano’ng nangyari sayo? Alalang alala ang ate sa’yo!” niyakap niya ng mahigpit ang nakababatang kapatid. Tumawa ang kapatid. “Si ate, OA masyado. Okay lang po ako.” Nagkunot ang noo niya. “Anong okay! Nasagasaan ka! Hudas ‘yang nakabunggo sa’yo!” gigil na gigil na sabi niya. “Huminahon ka anak, ayos lamang si Oman,” paniguro ng ina. “Ate ayos lang talaga ako. Hindi po ako nasagasaan. Mabait nga po si Kuyang nagdala saamin dito eh. Kahit wala po siyang responsibilidad saakin, dinala niya pa rin ako dito. Sosyal ng hospital na ito, Ate. Mas malaki pa ‘yong kwarto sa buong bahay natin,” humagikgik na sabi ng kapatid. Nagdududang sinipat sipat niya ng tingin ang kapatid. “Nagsasabi ka ba ng totoo, Oman? Totoo bang walang masakit sa’yo?” Nag thumbs up ito sakaniya. “Opo, Ate. Promise. Ang bait na nga ni Kuya eh, sayang hindi ko siya nakita. Pero si inay nakita,” Nanlaki ang mga mata ng ina at nagblush. “Oo anak, alam mo ba, napakagwapo. Parang artista. Napakabait at magalang pa. Napakaayos na binata. Nagiwan nga siya ng calling card eh,” Aba’t tila humahanga pa ang kaniyang ina sa binatang iyon! Umismid siya. “Kahit na. Reckless driver pa rin siya. Hindi tumitingin sa kalsada,” galit na sabi niya. Umingos ang inay niya. “Ito talagang ate mo, Oman, napaka KJ. Ilang beses na namin sinabing ayos lang ang kapatid mo. At hindi niya kasalanan. Naging pabaya ako. Nabitawan ko si Roman at ito namang kapatid mo tumunganga sa gitna ng daan. Walang kasalanan si mamang pogi,” Hindi pa rin mawala ang inis niya sa lalaki kahit ba sinasabi nitong mabait at gwapo ito. “Tapos sosyal ate. Todo alaga ako rito. Parang ‘yong lagi mong sinasabi, ‘yung VIP ba. Para akong prinsipe dito sa hospital. Tapos ate, pati ‘yung calling card ang bango ng papel. Parang galing saudi yung amoy,” Umingos siya at hinablot dito ang calling card na inaamoy amoy pa nito. Napaisip siya. Calling card… hmm…   ~ "MR.REEDUS," Bati ng isang Hotel Staff sakanya. Patungo siya sa office niya. Tinaungan niya ito. He pressed the elevator. "Mr. Reedus, may babae po kanina pang naghihintay sainyo," Nagtaka naman siya. Sino naman kaya iyon? Ipinagwalang-bahala niya iyon nang bumukas na ang elevator at pumasok na siya roon. Walang tao.  He pressed the button to close the elevator door at nag cross-arm. Pasara na iyon, ngunit bago pa mangyari iyon may kamay na humarang. Napatingin siya roon.  "Mr. Reedus, teka!" He looked at her with a clueless look. Wait… saan niya nga ba nakita ang babaeng ito? The woman seems familiar…   ~ WALA SA SARILING napatingin si Niccolo sa babaeng pumigil sa pagsara ng elevator. Pakiramdam niya nakita na niya ito kung saan. Hindi na lamang niya matandaan kung saan. Pumasok ito sa loob at sumara na iyon. Isinandal niya ang katawan sa elevator. Nasa 7th floor ang opisina niya sa Avenue Hotel. Stainless ang loob kaya nakikita niya kung paano siya tignan paulit ulit ng babaeng katabi. Nagsisimula na siya mairita sa presensya nito. Hindi nagtagal, umubo ubo ito. "Hem hem!" Hindi niya ito pinansin. Ngunit ubo pa rin ito ng ubo. At nararamdaman niya ang hininga nito sa braso niya. Naiinis na tinignan niya ito at pinagpag ang suot na coat. "Hem hem!" Ubo ulit nito habang sinisiko pa ang braso niya dahilan para mapausod siya sa sulok. Huminga siya ng malalim. Baka may pinagdadaanan lang na mabigat ito sa buhay. Umubo-ubo pa ulit ito at sa pagkakataong ito, ay hindi na niya nakaya pinaggagawa nito sakanya. Mahaba ang pasensya niya, ngunit kung ganitong klaseng kauntidy na babae ang makakasalumuha niya na hindi man lang marunong magtakip ng bibig at halos siya pa ang pagbugahan ng ubo nito ay masasaid ang pasensya niya sa katawan. "Miss, walang kaso sa'kin kung may tuberculosis ka. Ang akin lang, magdala ka sana ng panyo. At kung maari lang, uubo ka na nga lang saakin pa. Such a gross," hindi niya napigilan ang pagtirik ng mga mata Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito habang nakaawang ang mga labi. "Hah! Ano'ng sabi mo? Ako? May TB? Aba naman!" Tinuro turo pa nito ang sarili. Napaismid siya. "Sino kaya ang tinutukoy ko? Tayong dalawa lang naman ang narito sa elevator."  Hindi pa rin makapaniwala ang itsura nito sakanya. Na tila ba napakaweirdo ng mga sinasabi niya. "Mr. Reedus, para sabihin ko sa'yo wala akong sakit. At mas lalong wala akong TB! Ang kapal nito. Naririto ako dahil sa pinsalang ginawa mo," Nakataas ang isang kilay na sabi nito, nagtatakang napatingin siya rito ng wala sa oras.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD