Inspired po ang kwentong ito sa mga nababasa kong nobela na nagpapanggap na magkasintahan. Kaso naisip ko kasi, marami ng may ganoong plot. Nagpanggap na mag-asawa o magkasintahan. Gusto ko bigyan ng spice and thrill. I do not promote Inc*est in my stories. Gusto ko lang ng kakaiba. Kaya sabi ko, why not magpanggap na magkakambal?
P.S, sa lahat ng stories ko ito ang aking pinakapaborito. Hehe, the MC here is my ideal man.
Reedus - I love Norman Reedus! TWD fan here!
Astrid - pangalan ng bidang babaeng unang nabasa kong pocketbook (Grade 6)
Avenue Hotel - Childhood memories, nakatira kami sa 12th Avenue. May Hotel doon na sa harapan eh nagtitinda ng mga hotdog sandwich at malamig na gulaman. Lagi kaming tambay ng bestfriend ko doon bago sumakay sa Jeep (college days).
Ang aking storya ay gawa sa aking imahinasyon. Ang plot, mga susunod na senaryo, mga lines o dialogue ay mula po saakin. Any resemblances to other stories, movie, tv show, telenovelas is purely coincidental.
~
May 1, Baguio City.
LABOR DAY. Dagsa ang mga turista at tao ngayon sa Baguio. Nasaktuhan kasi ng araw na ito ay lunes at katabi ito ng weekend. Kaya panigurado ang mga tao sa Manila ay dumagsa dahil mayroon silang long-weekend para makapagpahinga saglit sa malamig na klima ng naturang maliit na lugar na iyon. Bakit hindi nila gugustuhing pumunta sa lugar na ito? Maganda, maraming pasyalan at malamig. Malayong malayo sa busy, mapolusyon at mainit na temperatura ng Manila at sa halos panig ng buong Pilipinas.
Punong puno ngayon ang bawat bus terminal. Bago pa man sumapit ang lunes, linggo pa lamang ng gabi ay may mga naghintay at natulog na doon para sa biyahe pabalik ng Manila. Maging ang mga kilalang bus transportation tulad ng Victory Liner at Genesis ay puno na rin at wala nang magpapasada ngayong araw dahil nagkaubusan na sa bus at driver. Ang mga nakasakay kaagad ay iyong may mga reserved ticket. At ang mga hindi agad nakabili at on the spot na pumuntang bus terminal ay hanggang ngayon ay tengga pa rin. Kung titignan parang may pila ng ayuda mula sa gobyerno sa haba at dami ng
tao.
“Sige naman na! Magpalabas na kayo ng iba pang bus na kahit walang reserved tickets! Kagabi pa kami rito, may mga pasok pa kami sa trabaho bukas!” Galit na sigaw na ng isang pasahero.
Sabay sabay na nakiusyuso at nagsitaungan ang mga tao. “Oo nga! Maawa naman kayo samin! May pang bayad naman kami ng pamasahe!” Galit na segunda pa ng isa.
“Kung ganyan pala na hindi niyo kaya mag-accomodate ng ganito karaming pasahero lalo na sa holiday, dapat nagaabiso kayo! Para nakapagpareserved kaagad kami!”
“Mga walang konsiderasyon!” Isa lamang iyan sa mga naririnig na reklamo sa bus terminal.
Sa ganitong sitwasyon, ay sanay na sanay na si Astrid makarinig ng ganitong sentimyento. Lagi namang ganoon at wala nang bago roon. Minsan, sa mga tulad niyang lahat ng klase ng trabaho ay papasukin ay sinasamantala ang kagipitan ng mga tao sa ganitong sitwasyon, lalo na’t no choice ang mga ito.
Naramdaman niya ang bahagyang pagtapik sakaniya sa balikat. “Ano? Kamusta? Nakakuha ka na ba ng customer?” Tanong ng kaibigang si Dave.
Si Dave ang kanyang partners in crime at matalik na kaibigan. Magkapit-bahay sila nito simula pa lamang noong mga bata sila. Sa iisang eskwelahan din sila pumasok. Sanggang-dikit sila nito. At tulad niya, mas mahirap pa sa daga ang buhay ni Dave.
Napabuntong-hininga siya at nilinga ang buong paligid. “Wala pa nga eh. Ang hirap makakuha ng customer ngayon. Ang titibay. Mas gusto talaga makatipid kaya nagtitiis maghintay na maglabas ng bus,”
Natawa ito at tinukso siya. “Oh? Akala ko ba magaling ka? Bakit wala kang mahimok na pasahero? Ako mayroon nang apat sa loob ng van. Kulang pa tayo ng katorse,”
Oo. Iyon naman ang raket nila ngayon ni Dave. Sinamantala nila ang dagsa ng tao at kakulangan sa bus. Nag-ooffer sila ngayon ng biyaheng pabalik ng Manila gamit ang van. Hindi sakanila ang van na iyon, hindi nga sila makabili kahit ng bike, van pa kaya? Galing iyon sa kakumpadre ng tatay ni Dave, at magbabayad nalang sila dito ng limang libo sa paggamit nito. Si Dave ang driver at siya naman ang naghahanap ng potensyal na biyahero. Walang masyadong gustong sumakay dahil mas mahal ang bayad sa van. Dahil konti lang ang kapasidad ng van, kailangang mas mahal ang pamasahe. Isang libo at dalawang daan kada isang pasahero, samantalang sa bus ay tumatakbo lamang ito ng 600-700 pesos. Mahal din ang magpa-gasolina dahil balikan ang van. Sa kikitain nila ay hati sila ni Dave ‘dun. Lagi naman silang ganito. Hating kapatid.
Tumikhim siya tila tinanggal ang bara sa lalamunan at ngumiti ng pagka tamis tamis. “Nangangawit na ba ang mga puwit niyo kakaupo? Nangangalay na ba ang mga binti niyo? Nirarayuma na ba ang mga tuhod niyo? Masakit na ba ang kasu-kasuan niyo? Aba, e, ano pang hinihintay niyo? Huwag na kayong maghintay ng himala. Sabi nga ni Nora Aunor sa kaniyang palabas, walang himala! Kaya kung tutunganga lang kayo diyan, e, baka abutin kayo ng semana santa dito sa Baguio? Kaya ano pang hinihintay niyo? Sakay na sa aming van!” Malakas na sabi niya sa kumpulan ng mga tao. May megaphone pa siyang dala. Humakbang pa siya sa isang batuhan para mas maging mataas siya sa ibang tao.
Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya ang paglingon sakaniya ng mga pagod at stress na pasahero. Napapailing na natatawa naman sakaniya ang kaibigang si Dave.
“Mahal naman kasi ng singil niyo, Miss!”
“Oo nga tapos siksikan pa sa loob, parang sardinas!”
Napaismid si Astrid sa mga narinig na komento pero pinilit pa rin ngumiti. “Aba ho, siyempre naman. Ito ay aming negosyo. Wala naman hong pilitan dito. Mas makakatipid nga kayo sa bus, e, ang tanong kailan pa ang dating? Sa dami ng pasahero baka kahit tatlong bus pa ang dumating hindi kayo makakauwi agad-agad. Isipin niyo, sige pinairal niyo ang mga kakuriputan niyo, ay teka may lahi po ba kayong chinese?” Tumawa ito at nag peace sign. “Sige kayo rin, makakatipid nga kayo sa pamasahe, pero baka absent naman kayo bukas sa trabaho. Magkano per day niyo? 500? 600? 700? O isang libo pataas? Sayang din ho iyon. Kayo rin,” Pangungusensya niya pa at ngumiti. Lumabas ang maputi at pantay pantay na ngipin niya.
Tila naman nakapagisip-isip ang mga pasahero at nagsitaungan. Nagsimula siyang dagsain naman. “Sige Miss, pasakay na kami, tatlo kami,”
“Dalawa kami ng girlfriend ko,”
“Lima kaming mag-anak,”
Lihim siyang napangiti ng pang-demonyita. Nasa kaniya talaga ang huling halakhak. Nagkatinginan sila ni Dave at binigyan niya ito ng tinging, “oh ano ka ngayon, elibs ka na?”. Atsaka inirapan ang kaibigan.
“Ay teka lang ho, first come first served ho. Katorse na lamang po ang available seats,” aniya sa mga pasaherong dinumog siya.
Natigil sila sa kanilang ginagawa nang makitang may isang lalaking tila VIP person. May kasa-kasama pa itong parang assistant nito at pinapayungan pa. Kahit malamig at hindi naman mainit dito sa Baguio. Tila mga artista ito sa mga kasuotan. Napaka pormal at magara ang pananamit. Nang dumaan ang mga ito ay tila nahawi ang mga tao at binigyang daan ang kung sino mang VIP na iyon.
Nakita niyang kinausap ng assistant ng lalaki ang personnel ng bus liner at hindi nagtagal ay nakita niyang pinapasok ang lalaki sa bus kahit may pila naman iyon. Nanlaki ang mga mata at napasinghap ang mga pasahero doon. Nagkaroon ng bulung-bulungan.
Si Astrid man, ay hindi napigil ang mapangsinghap sa nasaksihan. Sa tinagal tagal niyang naninirahan dito sa Baguio ay ni minsan hindi siya nakakita ng pasaherong on the spot pumunta doon at kahit walang reserved ticket ay pinauna sakabila ng maraming tao.
“Dave! Ikaw muna umasikaso dito, may tatapusin lang ako!” Nanlilisik ang mga matang aniya. Hindi na niya ito hinintay sumagot at nanggigigil na nilusob ang feeling VIP na tao na iyon. Hinarang pa siya ng guard at mga personnel pero hindi siya papapigil.
“Padaanin niyo ako! Ilabas niyo saakin ‘yang feeling VIP na ‘yan!” Malakas na sigaw niya sa labas ng bus na sinakyan nito.
Muling napasinghap ang mga tao at bumilib sa tapang na pinakita niya. May mga ibang naglabas na rin ng cellphone at vini-videohan ang magiging kaganapan. Dare-daretso siyang pumasok sa bus at mula sa loob ay hinanap niya ang lalaking hambog na feeling binili ang bus liner.
Agad naman niyang nakita ito, nakasuot ito ng shades at business coat. Mukha nga itong kagalang-galang. Katabi nito ang personal assistant nito kung iyon nga ang tawag doon. “Ikaw!” dinuro duro niya ito.
Nagtatakang tumingin sakaniya ang lalaki kahit may suot itong shades. “Akala mo kung sino ka kung umasta! Hindi mo ba alam na ang mga pasahero dito ay dito na natulog sa istasyon ng bus para lamang makauwi ng Manila? Tapos ikaw akala mo kung sino kang hari na dadating at may pahawi hawi pa ng daan na nalalaman at isang kausap mo lang, eh, papasakayin ka kaagad diyan? Bakit dahil marami kang pera? Nasaan ba ang airplane mo bakit hindi ka ‘don sumakay pauwi? Maawa ka naman sa ibang nagpapakahirap pumila!” inis na wika niya sa lalaki.
Narinig niya ang paghiyaw ng mga tao at chineer pa siya na tama ang kaniyang ginawa, “Ano? Hindi ka na makapagsalita? Na pipi ka na ba? Aba nga naman talaga, hindi talaga nabibili ng pera ang manners!” patutsada pa niya.
Lumapit sakaniya ang guard at ang conductor. “Miss, tumigil ka na. Umalis ka na rito, nakakagambala ka sa mga tao,”
Pumiksi siya. She makes a ‘tsk’ sound. “At ako pa ang nakakagambala? Ganon kayo saaming mahihirap, pero sa mayayaman, kahit maraming naghihintay, sige go lang. Mga ugali niyo, ayusin niyo,”
Napaismid ang lalaking tinutukoy niya. Tumingin ito sa orasan na tila inip na inip na ito sa sinasabi niya at isa siyang malaking kasayangang segundo ng buhay nito.
Humikab pa ito. “Ano, tapos ka na ba magsalita, Miss?” Tanong nito sakaniya.
Naumid ang dila niya. At ang hudyo! “I-Ikaw! Napaka ano mo--”
Inalis na nito ang tingin sakaniya at inayos ang collar ng long sleeve nito. “Okay. Kung wala ka nang sasabihing pwede ka nang bumaba, imbes na umusad na ang biyahe, ginagambala mo,” mahinahong sabi nito. Malalim ang boses ng lalaki. Very manly ang dating nito.
Nakagat niya ang ibabang labi sa inis. “Aba’t! Napaka ano talaga ng ugali mo ha--”
Hindi man nito binababa ang shades, alam niyang tumiim sakaniya ang tingin nito. “Kung wala ka nang mahalagang sasabihin, puwede ka nang bumaba,” tila hari na utos nito sakaniya. Gigil na tinignan niya ito. Nilapitan siya ng mga guard at pilit pinapababa. Pero bago pa siya tuluyang makababa ng bus, muling nagsalita ito.
“And by the way Miss, I own this bus company,” Tumaas ang isang sulok ng labi nito at bale-walang inalis na sakaniya ang tingin. Nanlaki naman ang mga mata niya sa pagkapahiya.
~
MANILA, PHILIPPINES.
Pagkalapag na pagkalapag ng bus sa Cubao ay mabilis ang kilos na binibitbit niya ang mga bagahe at sumakay sa naghihintay na black BMW sa harap ng bus liner.
“Aba, pare! Teka lang naman ang bilis mo naman maglakad,” reklamo ni Ivan habang nakasunod sakaniya. Si Ivan Salvacion ang kaniyang secretary at personal assistant na rin. Hindi na iba sakaniya ang binata, matalik na kaibigan ang turing niya dito.
He hissed. “Bilisan mo. Kasalanan mo kung bakit tayo napasakay sa bus. Ang inaasahan kong anim na oras na biyahe pabalik ng Manila ay ano? Inabot ng siyam siyam,”
Napakamot sa ulo si Ivan. Nag peace sign. “Pasensiya na pare, sa susunod kasi huwag mo na ako yayain sa inuman. Nakalimutan ko tuloy gumising ng maaga at ipaayos ang kotse,”
Totoo iyon. Bago kasi sila umuwi ng Manila ay nagkayayaan pa sila kinagabihan na magilang botts. Nakakuha kasi sila ng panibagong client at nagcelebrate sila. Iyon nga lang, hindi nakapagalarm si Ivan at nagising ng maaga, nakalimutan nitong ipatalyer ang kotse. Na flat kasi ang gulong ng sasakyang ginamit nila patungong Baguio. Kaya iyon, wala siyang choice kundi sumakay nalang sa bus na isa ring negosyo niya.
“Huwag ka naman na magalit Lord Niccolo. Hindi na mauulit. Ayaw mo ‘nun? Ikaw mismo ang endorser ng bus company mo,” And Ivan chuckled like a fool.
Kung hindi lang siya nabwisit ay baka matawa siya. Pero hindi, puro kamalasan ang nakuha niya. Nalate siya ng dating sa Manila, hindi niya naabutan ang pag check-out sa Hotel ni Mr. Wong at mayroon pang babaeng nangbwisit sakaniya. Nang maalala niya ang sinabi ng babae sakaniya ay hindi niya maiwasan hindi matawa. Nakakatawa naman kasi talaga ang pagiging judgmental nito. Imbis magalit siya rito, ay natatawa na lamang siya.
Nagseryoso ang mukha nito. “Sa opisina ba ang tuloy natin? O uuwi ka muna sa Mansion?” tanong ng binata.
Tumingin siya sa relong pangbisig. “Sa Hospital na muna. Mauna ka na ‘dun, susunod na lang ako,” aniya.
~
THE MEDICAL CITY, ORTIGAS.
Nakakuha si Niccolo ng lead na may batang nawala sa Hospital na kung saan siya pinanganak taon at buwan ng pagsilang niya. Kaya naman hindi siya nagaksaya ng panahon at sinugurado kung totoo iyon at hinanap ang babae. Maybe it could be his long-lost fraternal twin sister. “Doc, siya ho ba ang kapatid ko?” nanginginig na tanong ni Niccolo sa Doctor na nag DNA test sakanila. Kaharap niya ang babaeng maaring si Nicolette.
Ngunit malungkot lang na umiling ang Doctor. Nanlumo naman siya sa sinagot nito.
“I’m sorry, Mr. Reedus. Sana mahanap mo na ang kapatid mo,” seryoso at may pag simpatya sa tinig nito. Pinilit niyang ngumiti. “It’s okay, Margaux. Yeah and I hope that too,”
PAGKAPARADA ng sasakyan, agad siyang bumaba sa kotse. At malalaki ang hakbang na pumasok sa loob ng mansion. Sumalubong sakanya si Nanay Meding na siyang mayordoma ng mansion. "Naku, anak. Bakit ngayon ka lang? Nariyan ang ama mo sa taas. Kanina ka pa hinahanap. Galit na galit." Nagaalalang anas nito.
Nanlaki ang mga mata niya at awtomatikong napataas ang tingin sa ikalawang palapag. "Ano ho? Si Papa… naririto?" Gulat niyang ulit sa sinabi nito. Who would not be surprised? Nitong mga nakaraang buwan hindi mahanap ni anino nito. Walang pasabi kung nasaan ito. Akala na nga niya, kinalimutan nitong may anak na ito. Wait, his father would not be here unless he wanted something.
Tumango ang matanda. "Oo, kanina pa siya nagwawala. Puntahan mo na at baka makalbo na ang kwarto niya." Mabuti na lamang at wala na rito ang ina niyang si Imelda Reedus, nasa poder na ito ng half-brother niya.
Mabilis na binagtas niya ang hagdan at ilang sandali'y, pumasok siya sa kwarto nito ng walang paalam. Naabutan niyang nakatalikod ito at nakatingin sa bintana. Gumala ang tingin niya sa lapag. Maraming mga basag na vase. Napailing na lamang siya sa inaakto ng ama.
"Papa." He said cold as ice.
Hindi na ito nagulat sa presensya niya. Humarap ito sakanya. Hawak pa rin ang saklay nito. Naaksidente kasi ito noon. "Niccolo, I'm glad that you came."
"What do you want, Papa?" Straight-forward na tanong niya. Humalakhak ito at nagecho pa iyon sa lawak ng kwarto nito. Ngunit nasa mukha pa rin ang bagsik. "Hindi ka pa rin nagbabago, anak. Masyado kang mabilis."
"Just tell me what do you want and leave this house as fuck." Galit na niyang sabi. Hindi niya pa rin nakakalimutan kung paano nito nilason at binilog ang ulo niya sa loob ng tatlumpu't isang taon. Na dapat kagalitan at kapootan ang kapatid niyang si Jayden Aran, ang kanyang half-brother sa ina.
Nagkibit balikat ito. "Buweno, ikaw ang nagumpisa ng bagay na 'yan, tatapatin na kita." Tumalim ang tingin nito sakanya. "Umupa ako ng tao para siraan ang kapatid mo sa mundo ng industriya. He's a billionaire? I'm freaking billionaire too, Niccolo! We are. Isa ka ring bilyonaryo, baka nakakalimutan mo? Money can do anything. Bear that in your mind." Nakangising sabi nito.
Napalunok siya. Tuluyan na ba itong nabaliw dahil sa galit at inggit? "You won't dare, Papa! Tahimik na ang buhay niya. Masaya na siya. Kaya pwede ba? Tigilan niyo na siya! Hindi pa ba kayo nagsasawa sa buhay na ganyan? Puro insecurities! You're too old for that thing, Papa!" Pasigaw na niyang sabi rito
"That's it, Niccolo. Your half-brother is damn happy now. At ako? I'm living in a hell and miserable life! At hindi ko iyon matatanggap. I just can't, Niccolo." Napapailing pa ito.
"Why don't you just accept it, Papa? Deserve lahat ng kapatid ko kung anumang mayroon sila ngayon." Pilit niyang katwiran. Ngunit matibay talaga ang paninindigan nito. "No, I just can't accept it. Feeling ko, talo ako. He's still the CEO, and you are the COO. For pete's sake! At kinuha niya pa si Imelda. Talagang sinasagad ng kapatid mo ang pasensya ko. Kailangan niyang maramdaman ang galit ko,"
Siya ang lumapit dito at hinawakan ang magkabilang balikat nito. "Hindi niyo gagawin 'yan!" Malakas na sigaw niya rito. Tinampal lang nito ang kamay niya. "What? Sasaktan mo ako? Alam kong hindi mo magagawa 'yan, Niccolo. I'm your father. Susuntukin mo ako? Go," mas inilapit pa nito ang mukha sakanya.
Abot abot ang pagtitimpi niya na huwag saktan ang sariling ama. Pigil na pigil niya ang kamao. Hangga't maari ayaw niyang humantong sila ng ama sa ganito. Binitawan niya ito at talunang tinignan na lamang ito.
His father chuckled. "See? Alam kong kailanman hindi mo ako magagawang saktan, Niccolo." Mayabang ang dating ng pagkakasabi nito. Tinignan niya na lang ito ng matalim. "Gagawin ko anumang magustuhan ko, to destroy your half-brother's life." At tumawa ito ng nakakaloko.
"Hindi mo gagawin 'yan!" Malakas na sabi niya at mas lumapit pa rito, ngunit hinataw lang siya nito ng hawak nitong tungkod. Masakit iyon. Pero tila namanhid na siya upang makaramdam pa ng sakit, sa tinagal tagal ng panahon, sanay na ang katawan niya sa pagmamalupit at bagsik ng ama. Ang tanging mahalaga lang ngayon ang kapakanan ng kapatid niya.
"Gusto mong tigilan ko na ang kapatid mong si Jayden?" Tila nanghahamong tanong nito. Hindi siya kumibo, ngunit nasa mukha na niya ang kasagutan. "Then find your lost-long sister. Find Niccolette and bring her back to me, in that way, I'll assure you, your half-brother and I -- will never gonna cross our paths, ever again." Sabi nito na ikinahinto niya.
Nakalabas na ang ama, lahat lahat bago niya naabsorb ang sinabi nito. Oo, kahit hindi nito sabihin kahit naman papano hinahanap niya pa rin ang kapatid, iyon lamang hindi gaano katutok. Kilala niya ang Ama. Kahit magaspang ang ugali nito, may isang salita ito. At alam niyang gagawin nito ang sinabi.
Niccolette, where are you?